You are on page 1of 2

PANGALAN: Pangkat Hatdog PETSA: Setyembre 4, 2019

PANGKAT: 12 STEM 2 GURO: G. Ferdinand Atienza

PANUKALANG PROYEKTO

Ang Oplan Balik-Laman Feeding Program na ginawa ng Pangkat Hatdog (Ikatlong Pangkat ng
mga mag-aaral sa baitang 12-STEM 2), ay isang feeding program na isasagawa sa Setyembre 21,
2019 (Sabado). Naniniwala sila na Hindi maipagkakaila na isa pa rin ang malnutrisyon sa mga
hindi matapos-tapos na problema kaugnay ng kahirapan, ito ay dulot ng kawalan ng sapat na
nutrisyon na nakukuha sa mga pagkaing ating kinakain. Nilalayon ng pangkat na Hatdog na
mabigyang solusyon ang pagkakaroon ng malnutrisyon ng mga kabataan ng Baranggay Batasan
sa pamamagitan ng paghahain ng isang Feeding program. Itong programa ay ginawa upang
nabibigyan ang mga kabataan Baranggay Batasan ng mga pagkaing mayroong sapat ng
sustansiya at nailalayo ang mga kabataan sa mga posibleng sakit maaring maging dulot ng
kaukulangan nutrisyon sa katawan. Ang programang “Oplan Balik-Laman Feeding program” na
nais ilunsad ng pangkat Hatdog ay naglalayon na masolusyunan ng pagkakaroon ng kakulangan
ng nutrisyon ng ilang mga kabataan sa Barangay Batasan sa pamamagitan ng paghahain ng isang
Feeding Program.

Ang panukalang Proyekto ay isasagawa sa ika-21 ng Setyembre, ganap na ika-8 ng umaga


hanggang 12:00 ng tanghali sa Baranggay Batasan Hills, Quezon City. Ang Proyekto ay
isasagawa sa SB Park ng Baranggay Batasan. Upang maisagawa ang programa na ito,
kinakailangan na hindi bababa sa isangdaang kato ang inaasahang kalahook sa gagawin na
proyekto at edad 12 pababa lamang ang maaaring maging kalahok ng programa. Ang paraan na
paghihikayat ng pangkat ay magpapakalat ng mga poster upang maipabatid sa barangay ang
gagawing proyekto. Ang badyet na kinakailangang matamo upang maisagawa ang programa na
ito ay P 6000 na makabibili ng mga kinakailangang materyales ng mga sumusunod: Una, Pisikal
na materyales na binubuo ng mga kagamitang Dekorasyon (Pagsasaayos ng Lugar), Tarpaulin
(Anunsiyo), Paggawa ng Programa (Posters, Leaflets, atbp.) na kabuuang P 2500 lamang;
Ikalawa, Materyales sa Pagkain (Lugaw) na binubuo ng Malagkit na Bigas, Manok, Mga sahog
at pampalasa na kabuuang P 900. Ikatlo, Materyales sa Pagkain (Champorado) na binubuo ng
Malagkit na Bigas, Cocoa Powder Asukal at Gatas na kabuuang P 1200; at huli, Materyales sa
Pagkain (Sopas) na binubuo ng Manok, Gulay, Macaroni, Gatas at Hotdog na kabuuang P 1200.
Ito’y kabuuan na humigit kumulang sa P 5800.

You might also like