You are on page 1of 2

Ang Sipa ng Aking Buhay

“Hard work beats talent when talent does not work hard”, iyan ang mga katagang aking

pinanghawakan noong ako ay naglalaro pa lamang ng larong Football. Ngunit bago ang lahat,

ano nga ba ang nagtulak sa akin upang piliin ang larong ito?

Bagong lipat ako ng paaralan noong elementarya noon dahil hindi ko na gusto ang nakaraang

paaralan na aking pinapasukan. Masasabi ko na ang aking personalidad noong panahon na iyon

ay hindi kagandahan dahil matigas ang aking ulo at wala akong disiplina. Kahit man na nasa

murang edad pa lamang ako noon, hindi katanggap-tanggap ang aking ugali dahil kung ano ang

gusto ko, dapat ay makuha ko agad. Hindi talaga ito maganda dahil pangit ito tingnan kahit saan

mang anggulo.

Paglipat ko sa aking bagong paaralan, nahumaling ako sa mga kaklase kong naglalaro ng

Football, at dito ko naisipan na sumali sa kanilang laro. Dito ko nakilala ang aming taga-ensayo

na magbabago ng buhay ko dahil sakaniya ko natutunan ang mga bagay, siya din ang tumayo

bilang ang aking ikalawang ama kapag ako ay nasa paaralan. Natuto ako hindi lamang sa larong

Football, ngunit pati na din ang pagkakaroon ng disiplina, respeto, pati na din ang

pagpapakumbaba.
Nang kami ay makalaro sa Palarong Pambansa noong 2016 sa Albay, doon ko masasabi na ito

ang nagbago ng ihip ng hangin sa aking buhay dahil natuto akong tumindig sa aking sariling mga

paa na walang tulong ng iba dahil sa mga panahon na iyon, sa sarili ko lang ako naniwala na

kaya kong gawin ang lahat basta may tiwala lang ako sa sarili ko.

Hinding-hindi ko malilimutan ang mga panahon na iyon dahil ang lahat ng mga pangyayari ay

nagbigay sa akin ng daan upang mabago ang aking sarili sa mabuting paraan. Mula sa isang

batang walang disiplina at mahirap pasunudin, ako ay nabago ng aming taga-ensayo dahil hindi

siya nagsawa na ituro sa akin ang tama.

Mula noon, marami na akong gantimpalang nakuha, mapa Football man pati na din sa paaralan.

Ako ay naging High Honors mula Grade 1 hanggang Grade 11, masasabi kong malaki na ang

aking pinagbago. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa aming taga-ensayo pati na din sa aking

mga magulang dahil sa walang sawang suporta sakin sa paglalaro. Tuwang-tuwa ako sa aking

sarili dahil naging tama ang aking desisyon na sumali sa larong iyon. Hanggang ngayon, dala ko

ang mga turo ng aming taga-ensayo at hinding-hindi ko ito malilimutan dahil kung hindi dahil

dito, baka wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Bakit ko nga ba ito isinulat? Gusto ko lang

naman sabihin sa inyo na makikita niyo din ang bagay na magpapasaya sa inyo. Huwag mawalan

ng pag-asa, maging matatag ka at laging maniwala sa sarili mo.

You might also like