You are on page 1of 2

\Disyembre ika 2 taong 2013 ang araw na hinding-hindi ko malilimutan , ang

araw kung kailan nagsimula magbago ang pananaw ko sa buhay.

Bata pa lang ako nakita na ang aking mga magulang ang natatangi kong
angking kakayahan kaya naman sinigurado nila na maibibigay nila lahat ng
suportang makakaya nila para sa akin , nag-aaral ako ng mga panahong yun
sa Bayanan Elementary School ,kung saan nagtratrabaho rin bilang isang
guro ang aking ina . Kilala ako sa aming eskwelahan bukod nga sa anak ako
ng isang guro ay kilala rin ako dahil madalas ako ang nagiging pambato sa
mga 'contest' sa school , sa katunayan lahat ng mga kaklase ko ay tinitingala
ako dahil sa labis na atensyon at paghangang nakuha ko kaya naman
dumating ako sa punto na naging sobra akong bilib sa sarili ko , naging
mayabang ako , naging punong-puno ako sa aking sarili. Ngunit sa isang
iglap , di ko inakala na isang baso ang magpapakaunawa sa akin ng lahat-
lahat .

Nagkaroon ng patimpalak sa aming paaralan , noong araw na yun , yun ang


unang pagkakataon na hindi ako nakasali sa patimpalak ,na wala sa akin ang
atensyon nila dahil nga hindi ako ang nasa sa establado noon . Inaamin ko
sa aking sarili na inggit na inggit ako noon kaya naman nagtungo ako sa
aking guro upang tanungin kung bakit hindi ako ang napiling sumali . Sa
katunayan ay simangot-simangot pa ko habang kinakausap ko siya ngunit
binigyan niya lamang ako ng isang mapungay na tingin .
Tumayo siya sabay kinuha ang termos at dalawang baso , akala ko noong
una ay ipagtitimpla niya ako ng kape ero hindi . Dinala niya ang dalawang
baso ag termos sa harapan ko , at ang nakakagulat ay nung isinalin niya na
ang mainit na tubig sa isang baso , puno na ito pero hindi pa rin siya tumitigil
sa pagsasalin dito kaya naman sinabi ko yun sa kanya .Tumingin siya sa akin
sabay sinabi ang mga salitang ito.

" Sa tingin mo paano ko mapupuno ang isang baso kung ito ay puno na ?"
Hindi ako nakasagot nun dahik nga hindi ko mawari kung ano ang gusto
niyang ipahiwatig .

" Katulad mo, marami kang kaalaman magaling ka na nga pero paano ka
matuto kung ikaw mismo alam mo na?Para kang baso na ito na sa sobrang
puno na "

You might also like