You are on page 1of 13

MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Ikatlong Markahan
Week 2/Day 1

Paksang Aralin:
“Maging Isport”

MERLITA GERONIMO NARNE


SSES-One Adviser
Bakit kaya umiyak
ang ilang mga
mag-aaral ng I-B?
Ano ano ang mga
Pamantayan sa
Pakikinig sa Kwento?
“Maging Isport”
“Palakpakan natin ang mga mag-aaral ng
I-A. Sila ang nagtamo ng unang gantimpala sa
paligsahan.” pahayag ng punong-guro.
Hindi matanggap ng mga mag-aaral ng I-B
ang pagkatalo. “Bakit? Ang ating silid ang may
pinakamagandang palamuti a!” wika ni
Roy.Dapat sa atin ang gantimpala nila,” dagdag
ni Aleli.
“May pag-asa pa naman tayong manalo.
Di ba maglalaro trayo mamaya ng
patintero?Dapat nating patunayan sa I-A na mas
magaling tayo sa kanila,” usal ni Joy.“Tama!
Tama” sabay-sabay na sigaw ng ibang mag-
aaral.
“ Maging Isport”
Matapos ang lunch break, nagtungo sa gym ang
mga mag-aaral sa unang baitang. Maya-maya,
nagsimula na ang palarong Pilipino.

“Patintero naman ang laro ngayon. Tinatawag ang


mga kalahok ng I-A at I-B”, sabi ng tagapagsalita.Nang
matapos ang laro, ipinahayag na panalo ang I-A.
Umiiyak na tumakbong palabas ng gym ang ilang mag-
aaral ng I-B.

Agad silang sinundan ni Bb. Reyes at kinausap.


“Bakit kayo umiiyak” tanong ng guro. “Kasi po natalo na
naman kami, “ sagot ni Bob.“Kanina po talo kami sa
pagdidisenyo ng mga banderitas sa silid-aralan. Ngayon
naman sa patintero,” dagdag ni Tina.
“ Maging Isport”

“Di ba lahat kayo’y umayon na sa bawat


paligsahan o paglalaro, may mananalo at may
natatalo? Napagkasunduan din ba ninyo na
magiging isport kayo sa oras na kayo’y matalo?”
muling tanong ng guro.“Opo,” mabilis na tugon
ng mga mag-aaral. “At alam n’yo ang dapat
gawin para ipakitang isport kayo at hindi pikon,
di ba?” “Opo,” sagot ng mga mag-aaral,
“gagawin po namin.”
Sagutin:
a. Ano ang ipinahayag ng punong-
guro?
b. Ano ang gusting patunayan ng I-B?
c. Anong laro ang pinaglabanan ng
I-A at I-B?
d. Bakit lumabas ng gym ang ilang
mag-aaral ng I-B?
e. Ano sa palagay mo, ang gagawin
ng mga mag-aaral ng I-B matapos
silang kausapin ni Bb. Reyes?
1. Isakilos ang piling tagpo
sa kwento.
2. Magbigay ng ilang
kilalang larong Pilipino
maliban sa mga nabanggit
sa kwento.
Sinu-sino ang isport? Lagyan ng
masayang mukha.
___a. Nora: Kongrats! Kay husay mo!
___b. Matt: Okey lang kung matalo ako.
___c. Flor: Nandaya lang kayo kaya kayo
nanalo.
___d. Bong: Binabati kita. Talagang
mahusay ka.
___e. Wilma: Galit tayo. Natalo mo ako.
Piliin sa kahon ang pinakamalapit na
kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.

___1. Ang pangkat 1 ang nagtamo ng


pinakamaraming panalo.
___2. Isang malaking kahon ng krayola ang
kanyang gantimpala.
___3. Nagsanay na mabuti ang mga
kalahok.
___4. Sama-samang nagtungo sa
probinsiya ang magkakapatid.
___5. May sari-saring palamuti sa kanyang
kwarto.
dekorasyon panalo premyo
nagpunta kasali nakakuha
Takdang Aralin:

Sumulat ng 2 salitang
nagpapakita ng
pagbati sa nanalo.

You might also like