You are on page 1of 11

R epublic of the P hilippines

D epar tment of E ducation


N at io n al C a pi t a l R e g i o n
Sc h o o l s D iv is io n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

LEARNING ACTIVITY WORKSHEETS


ESP 6
Pangalan: ____________________________ Petsa : ________________ Iskor: ___
Unang Linggo

I.Gawain 1:
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong.
Kwento ng Isang Matagumpay na OFW
Ako si Robbel Coco, may anak pero walang asawa, bakit? Dahil gaya din ng ibang nag-iibigan,
napupunta din sa wala. Hindi kami kasal pero masaya ako dahil biniyayaan ako ng matalinong anak hindi
lang mabait, maganda pa manang-mana sa kanyang Ina.
Ako ay nurse sa Singapore, isa ako sa natanggalan ng mga trabaho sa kadahilanang nagkaroon
ng problem government sa bansang iyon. Ang ginawa ko, naghanap ako ng mga companies dun na
pwede pang pag-aplayan dahil sa may license ako at may pinag-aralan.
Kung tutuusin magagamit ko to sa ibang mga trabaho, nakapasok ako sa isang malaking company
ng Singapore, naging staff ako dun ng tatlong buwan, matapos ko lang ang contracts ko sa bansang
iyon.

Kaarawan ng anak ko kaya pinadalhan ko agad si mama ng pera, maging ingrande lang ang
birthday ng anak kong babae, mag seseven years old na siya, kaya dalangin ko talaga na sana
maintindihan niya kung bakit wala ang mama niya, lagi niya kasi ito hinahanap.
Bilang isang foreign worker, hirap, sakit, at panungungulila sa pamilya ang nararamdaman ko,
after a year nakauwi ako ng Pilipinas nitong 2014. Malaki na ang anak kong si Krishia, natutuwa ako sa
kanya dahil napalaki namin siyang Mabuti at mabait na bata medyo may kakulitan nga lang.
Nakabili kami nila mama ng bahay sa Taguig subdivision dahil sa ipon ko, wala naman na
akong ibang iniisip kundi ang kinabukasan ng nag-iisa kong prinsesa.

Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Sino ang modelo sa ating kuwento? Bakit?
4. Anong mga sakripisyo ang ginawa ng tauhan sa kuwento?
5. Ano ang aral ng kwento?

1
2
Learning Activity Worksheets
Grade 6 – Edukasyon sa Pagpapakatao

Gawain 2
Panuto: Isulat ang IYAN ANG MODELO!! kung ang larawan ay nagpapakita ng isang magandang
gawain na nagiging modelo sa kapwa. At sabihing BOOO!! Kung hindi. Sagutan sa ekstrang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

Specific Week: 1 Quarter: 3


Target Competency: Napahahalagahan ang magaling na mga Pilipino sa pamamagitan ng pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay
Code: EsP6P-IIIa-c-35
Note to the Teacher: Pasagutan ang mga pagsasanay sa mga mag-aaral.

3
Learning Activity Worksheets
Grade 6 – Edukasyon sa Pagpapakatao

Gawain 3
Panuto: Buuin ang mga saiitang may kaugnayan sa mga katangiang taglay ng mga magagaling na
Pilipino? Sagutan sa ekstrang papel.

1. Agtmiaay ___________________
2. Pamasig ___________________
3. Apmatat ___________________
4. Pamaghlaam ___________________
5. Rimasnunu ___________________

Gawain 4
Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang titik ng iyong sagot. Sagutan sa ekstrang
papel.

1. Araw ng paligsahan sa pagsayaw. Isa sa pamantayan sa paligsahan ang


originality. KAsali ditto ang grupo ni Arman. Ano ang dapat gawin?
A. Gagayahin ang mga steps sapagkat hindi naman mapapansin.
B. Mag-iisip ng mga sariling steps sapagkat ito ang isa sa pamantayan.
C. Kokopyahin ang pinakasikat na step na makakahatak sa atensyon ng manonood.
_ 2. Mahusay umawit sa Veronica. Paano niya mapapanatili ang kakayahang ito?
A. Uminom ng malamig na tubig at matatamis na pagkain araw-araw.
B. Mag-ensayo tuwing libreng oras.
c. Magsalita ng malakas tuwing may kausap
3. Kahit mahusay sa larangan ng boksing, hindi pa rin nalilimutan ni Manny na
mag-ehersisyo araw-araw. Anong katangian mayroon si Manny?
A. mayabang B. masipag C. mababang loob
4. Yumaman si Henry dahil sa galling niya sa pagsasayaw. Nakilala siya sa ibang
bansa at patuloy na nanirahan ditto. Ngunit kada ikatlong buwan ay umuuwi siya upang
makasama ang pamilya. Anong katangian mayroon si Henry?
A. pasikat B. matapat C. hindi nakakalimot
5. Nanalong pinakamahusay na mang-aawit si Rona sa inyong paaralan.
Anong dapat gawin?
A. Ngitian si Rona.
B. Huwag pansinin si Rona at baka lumaki ang ulo.
C. Bigyang parangal si Rona dahil sa kanyang husay sa pag-awit.

Specific Week: 1 Quarter: 3


Target Competency: Napahahalagahan ang magaling na mga Pilipino sa pamamagitan ng pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay
Code: EsP6P-IIIa-c-35
Note to the Teacher: Pasagutan ang mga pagsasanay sa mga mag-aaral.
4
Learning Activity Worksheets
Grade 6 – Edukasyon sa Pagpapakatao

Gawain 5
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng galing ng mga Pilipino.

Specific Week: 1 Quarter: 3


Target Competency: Napahahalagahan ang magaling na mga Pilipino sa pamamagitan ng pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay
Code: EsP6P-IIIa-c-35
5
Note to the Teacher: Pasagutan ang mga pagsasanay sa mga mag-aaral.

R epublic of the P hilippines


D epar tment of E ducation
N at io n al C a pi t a l R e g i o n
Sc h o o l s D iv is io n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

LEARNING ACTIVITY WORKSHEETS


ESP 6
Pangalan: ____________________________ Petsa : ________________ Iskor: ___
Ikalawang Linggo

Gawain 1:
Panuto: Basahin ang maikling kuwento na halaw sa buhay ni Andres Bonifacio at sagutin
ang mga tanong.
Si Andres Bonifacio, Isang Ulirang Kapatid
Panganay si Andres sa anim na anak ng isang mahirap na mag-asawa, sina Ginoong
Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Bata pa lamang siya’y nakaranas na siya ng hirap sa
buhay.
“Anak, huwag ka munang pumasok. Ikaw na lamang maaaring makatulong sa akin ngayong
wala na ang iyong ama.
Tulungan mo muna ako sa aking pagtitinda,” madalas na sinasabi sa kanya ng kanyang ina.
Bilang mabait na anak, sumusunod naman si Andres. Alam niyang higit nilang kakailanganin
ang salaping gugugulin nila upang sila’y mabuhay lalo na ngayong patay na ang kanyang ama.
Labing-apat na taong gulang pa lamang si Andres nang bawian ng buhay ang kanyang
ina. Naging ulilang lubos siya sa ganoong kabatang gulang.
“Inay, paano kami ngayon?” sabi niya sabay yapos sa kabaong ng kanyang ina.
Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Andres. Tumawag siya sa Poong Maykapal upang
magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang ama’t ina para sa kanyang maliliit na kapatid.
“Titigil na po ako sa pag-aaral,” paalam niya sa kanyang guro.
“Bakit?” natataka at may panghihinayang na tanong ng guro.
“Higit pong kailangan ng aking mga kapatid ang aking tulong bilang nakatatanda sa
kanila. Sil ana lamang po muna ang mag-aaral,” tugon ni Andres.
Sa pamamagitan ng pagtitinda ng pamaypay at tungkod na yari sa yantok, naitaguyod niya
ang kanyang mga kapatid. Ang kanyang kinikita ay tinitipid niya upang magkasya sa kanilang
pangangailangan. Sa tulong ng pananalig sa Diyos, sila ay nakararaos naman.
Bagama’t abala si Andres sa paghahanapbuhay hindi rin niya nakaliligtaan ang
pagbabasa ng mabubuting aklat. Ang mga ito ay nahihiram niya sa kanyang mga kaibigan. Kung
gabing tapos na ang kanyang mga Gawain, matiyagang binabasa niya ang mga ito. Hindi siya
nakararamdam ng pagod sa pagbabasa.
Ang mga aklat na kanyang nabasa ay nagsilbing-inspirasyon upang siya ay maging Makabayan,
mapagmahal sa Diyos, at kapwa

Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Anong uri ng kapatid si Andres?
3. Bakit hindi siya nakapagtapos ng pag- aaral?
4. Paano binuhay ni Andres ang kanyang mga kapatid?
5. Sa paanong paraan nadagdagan ang kaalaman ni Andres gayong hindi na siya
nakapagpatuloy ng pag-aaral?

6
Learning Activity Worksheets
Grade 6 – Edukasyon sa Pagpapakatao

Gawain 2

Iguhit ang (❤) sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagsasakripisyo at (●) kung
hindi.

1. Bata pa lang ako, ako ay naghahanapbuhay nab ago pumasok sa paaralan tulad ng
pagtitinda ng pandesal sa umaga.

2. Kapag Sabado at Linggo naman ay nagpapaupa ako sa pag-iigib ng tubig (aguador).

3. Madaming kabataan ngayon ay walang alam gawin sa buhay.

4. Pumasok akong “Student Assistant” sa isang departamento sa kolehiyo.

5. Ang buhay ko noong ako ay nag- aaral pa lamang ay bahay–paaralan lamang.

Gawain 3

Panuto: Magtala ng 2 kilalang tao na naging matagumpay sa pamamagitan ng kanilang


pagsasakripisyo sa buhay. Sumulat ng 2-3 pangungusap tungkol sa taong ito.

1.

A.

B.

C.

2.

A.

B.

C.

Specific Week: 2 Quarter: 3

7
Target Competency: Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng kwento ng kanilang pagsasakripisyo
at pagbibigay ng sarili para sa bayan Code: ESP6 PPP-III-c-35
Note to the Teacher: Pasagutan ang mga pagsasanay sa mga mag-aaral.

Learning Activity Worksheets


Grade 6 – Edukasyon sa Pagpapakatao

Gawain 4
Panuto: Basahin muli ang kwento ni Andres Bonifacio. Iguhit/Idrawing mo ang dalawang bagay na
kanyang itininda.

8
Specific Week: 2 Quarter: 3
Target Competency: Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng kwento ng kanilang pagsasakripisyo
at pagbibigay ng sarili para sa bayan Code: ESP6 PPP-III-c-35
Note to the Teacher: Pasagutan ang mga pagsasanay sa mga mag-aaral.

Learning Activity Worksheets


Grade 6 – Edukasyon sa Pagpapakatao

Gawain 5
Panuto: Sumulat ng isang tula na nagtatalakay sa galing ng mga Pilipino.

Specific Week: 2 Quarter: 3


Target Competency: Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng kwento ng kanilang pagsasakripisyo
9
at pagbibigay ng sarili para sa bayan Code: ESP6 PPP-III-c-35
Note to the Teacher: Pasagutan ang mga pagsasanay sa mga mag

10

You might also like