You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino:

Conatative, Informative, at Labeling na Gamit ng Wika

Inihanda ni : Emelito T. Colentum

I. Layunin

Sa pagkatapos ng aralin na ito, inaasahiang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

A. nabibigyang halaga ang kumunikatibong gamit ng wika na conative, informative, at labeling;

B. nailalahad ang pagkakiba-iba ng mga gamin g wika na conative, informative, at labling;

C. nakabuo ng mga pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika na conative, informative, at labeling;


at

D. nakasulat ng sanaysay tungkol sa naobserbahang gamit ng wika sa pagbabalita sa telibisyon.

II. Paksa ng Aralin

A. Conative, Informative, at Labeling na Gamit ng Wika

B. Sanggunian

a. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

C. Kagamitan: audio-visual materials , meta-cards

III. Pamamaraan

A. Balik-aral

Mga itatanong:

1. Ano ang natutunan ninyo sa inyong nakaraang leksiyon na pinag-aaralan?

-Ang heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na uri ng wika.

2. Paano niyo masasabi kung ang wikang ginamit ay:

a. heograpikal;

b. morpolohikal; at

c. ponolohikal na uri ng wika?

- Sinasabing heograpikal ang uri g wikang ginamit kung ito nanggaling sa ibang lugar. Morpolohikal
naman kung ito ay may kinalaman lamang sa kung paano binuo ang isang salita. At, ponolohika naman
kung ang pagkakaiba ng wikang ginamit ang tumutukoy lamang sa tunog nito kung binibigkas.
B. Pagganyak

Pamamaraan: Gamit ang mga meta-cards, babasahin ng mga mag-aaral ang nakasulat na pangungusap.
Kapag pamilyar sa kanila ang pahayag o kaya ay nasabi na nila ito ng minsan, tatayo sila ng nakangiti( ).
At, kapaka ang pahayag naman ay hindi pamilyar sa kanila or malimit nila itong sabihin, uupo sila ng
naka-finger heart ( ♥ ). Pagkatapos ay mag tatanong ang guro ng isa mga mag-aaral na naka finger-heart
at nakangiti kung bakit ito ang kanilang reaksiyon sa mga pahayag na nabanggit.

1. Mahusay magturo ang mga guro sa aming paaralan.


2. Umalis ka ngayon din!
3. “‘Wag mahiyang magtanong kung may Right Med ba nito.”
4. Adik ka!
5. Pilipino ako.
6. Gusto ko ang Kathniel.
7. Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo.
8. Jologs ka ba?
9. Ayaw ako palabasin ni Kuya Guard.
10. Laban lang besh!

C. Palalahad

Wika ang midyun na ginagamit natin sa komunikasyon. Ito ang ating instrument sa paghahatiran at
palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap.

D. Pagtatalakay

1. Ang conative na gamit ng wika.

Conative ang tawag sa wikang ginagamit upang makapaghimok at makapag-impluwensiya sa


pamamaraan ng pag-utos.

Halimbawa: 1. “Magtulungan tayo para sa pag-unlad n gating bayan.” 2. “Bawal umihi dito!”

2. Ang informative na gamit ng wika.

Informative ang tawag sa wikang ginagamit upang magbigay impormasyon.

Halimbawa:

1. Ang Pilipinas ay na sa Asya.

2. Si Jose Rizal ay ang pambasang bayani ng Pilipinas.

Labeling ang tawag sa wikang ginagamit upang mabigay ng pangalan o bansag sa isang tao o bagay.
Halimbawa:

1. Noypi

2. Kathniel

3. Asia’s Song Bird


E. Paglalapat Panuto:

Iklasipika ang mga pahayag na giamit sa paggaganyak ayon sa gamit ng wika.

Conative Informative Labeling


 Umalis ka ngayon din!  Mahusay magturo ang mga  Adik ka!
 “‘Wag mahiyang magtanong guro sa aming paaralan  Gusto ko ang Kathniel.
kung may Right Med ba nito.” .  Pilipino ako  Jologs!
 Laban lang besh .  Hindi ko pa alam kung saan  Ayaw ako palabasin ni Kuya
ako mag-aaral ng kolehiyo Guard.

F. Paglalahat

Ang wikang bilang midyun na ginagamnit sa komunikasyon ay may tatlong pangunahin na gamit. Ito ang
conative na tumutukoy sa wikang ginamit na upang makahikayat o maka-impluwensiya sap autos na
pamamaraa. Informative, tumutukoy sa wikang ginamit upang makapagbiagy impormasyon. At ang
labeling, wikang ginagamit upang magbigay pangalan o bansag. Gayun pa man sa ating kalayaan na
gumamit ng wika, huwag pa rin natin itong abusuhin. Tiyaking sa bawat conative na ating ginagamit ay
hindi ito nakakapang insulto, totoong impormasyon na man kung ito ay gagamitin natin bilang
informative, at iwasan din natin ang paggagagmit ng mga hind kayaayang bansag na nakkakinsulto.

G. Pagtataya

I. Panuto: Magbigay ng dalawang halimbawa ng conative, labeling, at informative. 1. Conative


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Informative ____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Labeling ____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

II. Panuto: Ipaliwanag sa sariling salita ang pagkakaiba-iba ng gamit ng wika na conative, informative, at
labeling.

1. Conative ____________________________________________________________
____________________

2. Informative ____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Labeling
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Prepared by: Checked by :

Emelito T. Colentum Gloria P. Lanutan


Teacher -1 Principal

You might also like