You are on page 1of 3

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Pansangay
Lungsod ng Quezon
NORTH FAIRVIEW HIGH SCHOOL
Senior High School
HAND-OUT para sa
Filipino 11 : Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pananaliksik

WIKA (Henry Gleason)


 masistemang balangkas ng tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo at ginagamit ng tao sa pakikipagusap.

KATANGIAN NG WIKA
 dinamiko,  kaugnay ng kultura,
 may antas,  masistema at
 komunikasyon,  makapangyarihan
 malikhain at natatangi,

TEORYANG PANGWIKA
 Teoryang Dingdong - tunog na kumakatawan sa bagay
 Teoryang Bow wow - tunog na nilikha ngkalikasan
 Teoryang Pooh pooh - bunga ng bugso ng damdamin
 Teoryang Yoheho - paggamit ng pisikal na lakas
 Teoryang Tata - ( paalam/goodbye) ugnayan ng kumpas ng kamay at dila
 Teoryang Tarara- boom-de-ay - ritwal
 Tore ni Babel

ANTAS NG WIKA
Ang antas ng wika ay maaring mauri sa dalawa, ang pormal at di-pormal.
Ang pormal na komunikasyon ay ang ginagamit sa mataas na uri ng pakikipagkomunikasyon na maaring
transaksyuna o diman kaya ay akademikal. Ang di-pormal na antas ng komunikasyon ay karaniwang
nagaganap sa pang-araw na buhay ng tao kagaya ng pakikipagkaibigan.

 Pambansa- istandard
 Pamapanitikan- malikhain
 Panlalawigan- bokabularyo ng isang probinsiya
 Kolokyal- paghahati-hati/pagpapaikli ng salita
 Balbal- wikang ginagamit sa kalye

GAMIT NG WIKA AYON KAY HALLIDAY


 Interaksyunal- ginagamit sa pagtatag at pagpapanatili ng relasyon
 Instrumental- pagtugon sa pangangailangan
 Regulatori- ginagamit sa pagkontrol at paggabay ng kilos
 Personal- pagpapahayag ng damdamin
 Imahinatibo- ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon
 Hueristik- paghahanap ng impormasyon
 Impormatib- pagbibigay impormasyson

BARAYTI NG WIKA
1. Dimensyong Sosyal- impluwensiya ng lipunan o interaksyon ng mga taong may magkaibang propesyon,katayuan at iba pang
barsasyon ng wika.
 idyolek (individaul dialect)- natatanging paraan ng pagsasalita at pagsulat ng tao na nagsisilbi niyang pagkakakilala
 sosyolek (social dialect)- kolektibong wika ng particular na pangkat ng tao. impluwensiya ng mga sumusunod na salik:

1| Nancy Jane Serrano-Fadol, Teacher III


North Fairview High School (SHS)
o propesyon
o edukasyon(pormal na edukasyon)
 ponolohiya,  sintaks,
 morpolohiya,  semantika
 estilo ng pananalita- antas ng pormalidad ng paggamit ng wika
o divergence- pananalita na lumilikha ng distansiya para iparamdam ang pagkilala sa katayuan
o convergence- pananalitang nagpaparamdam ng mga paglapit at pagiging komportable.
 rehistro/rejistre- natatanging wikang gamit ng isang konteksto
o topikal na rehistro- paggamit ng terminong teknikal
o okupasyunal na rehistro- nakabatay sa propesyon
 jargon- ispesyal na teknikal na bokabularyo ng isang larangan
 balbal- wika ng kalye na ginagamit sa karaniwang usapan.
2. Dimensyong Heograpikal – barayti ng wika na nakabatay sa lokasyon o impluwensiyang heograpikal
 punto- natatanging paraan ng pagbigkas ng isang tao ( e.g. “ala e” )
 dayalek- batay sa pagkakaiba-iba ng lugar o lokasyon
 pidgin- tinatawag na makeshift language o nobodys’ native language
 creole- kapag ang pidgin ay naging unag wika o naging native language (eg. Chavacano ng Zamboanga )

KOMUNIKASYON
 pagsasalin,paghahatid ng balita,kuro-kuro,mensahe kaalaman o impormasyon
 mula sa salitang latin na ‘communiatus’ na ang ibig sabihin ay ibinabahagi.
 paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe.

ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
 mensahe
 tsanel- daluyan ng mensahe
o sensori
o institusyonal- kagamitang elektroniko
 tagatanggap ng mensahe
 tugon
o tuwiran o di-tuwiran o naantala
 potensyal na sagabal
o semantikong sagabal o sikolohikal (physiological)
o pisikal na sagabal o pisyolohikal (psychological)

ANTAS NG KOMUNIKASYON
 Intrapersonal- komunikasyong pansarili
 Interpersonal- komunikasyong sa iba
 Pampubliko- maraming tagapakinig
 Pangmasa/pangmadla- nagaganap sa pagitan ng malawakang media.

URI NG KOMUNIKASYON
 Di- Berbal- nagpapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan,ekspresyon ng mukha at paralanguage
Anyo ng komunkasyong di-berbal
o chronemic (oras) o pandama (haptic) paggamit ng sense of touch e.g.
o distansiya (proxemic) hawak,pindot,hablot
o katauhan (kinesics) kilos ng katawan o simbolo(ironic)
o kulay (chromatic)

 Berbal- paggamit ng salita sa paraang pasulat o pasalita

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO ( HYMES )


 Setting (saan nag-uusap)
2| Nancy Jane Serrano-Fadol, Teacher III
North Fairview High School (SHS)
 Participants (sino ang kausap)
 Ends (ano ang layunin sa pakikiag-usap)
 Act sequence (paano ang takbo ng usapan)
 Keys (pormal ba o impormal anng usapan)
 Instrumentalities (ano ang midyum ng usapan)
 Norms (ano ang paksa sa usapan)
 Genre (nagsasalaysay ba,nakikipagtalo o nagmamatuwid, naglalarawan, nagpapaliwanag/ naglalahad)

3| Nancy Jane Serrano-Fadol, Teacher III


North Fairview High School (SHS)

You might also like