You are on page 1of 21

SALAYSAY TSEK

S- ilipin ang mukha ng katabi


A- Liwin kung malungkot
L- aging magpakita ng ngiti sa labi
A- Lisin ang mga bagay na maaaring
makasagabal
Y- aring isipan ay lagging buksan
para sa bagong kaalaman
S- aglit na isantabi ang problema
A-Yusin ang hanay ng upuan
Y- ayain ang katabi na umupo at
“TANONG KO,
SAGOT MO ”
“Ano ba ang ideya
ninyo tungkol sa
salaysay?”
SALAYSAY
• ito ay nagpapahayag ng
magkakasunod at magkakaugnay na mga
pangyayaring pinagagalaw patungo sa
isang tiyak na katapusan. Ang salaysay ay
may balangkas at binubuo rin ng simula,
gitna at wakas. Sa pagpaglikha nito ay
kailangang isaalang-alang ang tatlong
hakbang- pagpili ng paksa, pagsusuri ng
paksa at pagbubuo ng paksa.
Ano-ano ang mga uri
ng salaysay?
• Pangkasaysayan (historical narrative)

• Pantalambuhay ( biographical narrative)

• Pakikipagsapalaran (narrative of adventure)

• Paglalakbay (travel narrative)

• Nagpapaliwanag (expository)
Ano-ano ang uri ng
pampanitikang
salaysay?
Parabula
Pabula
Anekdota
Maikling Kuwento
Nobela
Bakit kailangan na ang
salaysay ang
magkaroon ng
magandang pamagat?
• Makabubuti kung ang salaysay ay
magkakaroon ng magandang pamagat.
Upang makapukaw ng interes ang
pamagat ito ay dapat maging kaakit-akit,
may orihinalidad, di-pangkaraniwan,
makahulugan, kapansin-pansin at kapana-
panabik.Sa pagpili ng pamagat maaaring
mula ito sa pangunahing tauhan,
pinakamahalagang bagay sa salaysay, pook
na may malaking kinalaman sa pangyayari
sa kuwento, at katotohanang tinatakay sa
salaysay.
Sa pagbabasa ng
salaysay ay maaari mong
masalamin ang kultura ng
bansang pinagmulan ng
salaysay. Kagaya na lamang
ng bansa ng Israel kung saan
nagmula ang Banal na
Kasulatan.
Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay
isang maikling kuwentong may aral na
kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang
parabula ay nanggaling sa Greek word
na parabole na ang ibig sabihin ay
maiksing sanaysay tungkol sa buhay na
maaring mangyari o nangyayari na kung
saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o
kagandahang asal na magiging gabay ng
isang taong nahaharap sa
pangangailangang mamili o magdesisyon.
Isa itong maikling salaysay na maaaring
nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa
isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o
relihiyosong aral. Karamihan sa mga
talinghagang nasa Bibliya ay mga
kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo
ng kung ano ang katangian ng Kaharian
ng Diyos.
Anong uri ng salaysay
ang kinahihiligan ninyong
basahin? Bakit?
Nilalaman: 7 puntos
Presentasyon: 5 puntos
Partisipasyon: 3 puntos
Kabuuan 15 puntos
Pumili ng isa sa mga uri ng
salaysay. Maghanda ng isang
malikhaing presentasyon na
makapaghahatid ng damdaming
nakanakaatas sa bawat
pangkat.
Pangkat 1: Komedya
Pangkat 2: Horror
Pangkat 3: Kilig
Pangkat 4: Kirot
Sumulat ng sariling
parabula tungkol sa
pangkariwang bagay
sa paligid. (20 puntos)
Gumawa ng salaysay
na nagpapakita ng
pinakamasayang
pangyayari na kasama
ang iyong mga magulang.

You might also like