You are on page 1of 2

Municipal Health Officer ng Kawayan, Biliran, nakatakdang kasohan dahil sa

kwestyonableng Medical Certificate


Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal at administratibo ni Andy Nestor Ryan
Pazon, isang DOST Ph.D. Scholar na taga Brgy. Tucdao, Kawayan, Biliran, ang
Medical Health Officer ng Kawayan, Biliran na si Dr. Christine Balasbas dahil sa
umano’y pag-issue ng Medical Certificate gayong hindi naman sila nakita ng personal at
nacheck-up.
May 30, 2020 ng gabi nang sila’y dumating sa kanilang barangay galing Manila ng
kanyang Tita Leonora Pazon at pinsan na si Camille Pazon Duran kasama ang
bangkay ng isa pa n’yang yita na si Mariza Pazon Duran (na ina ni Camille) na namatay
dahil sa atake sa puso, ngunit hindi na sila pinababa ng sasakyan. Sa halip ay ang
bangkay at ang anak ng namatay lang ang pinababa sa kadahilanang hindi na umano
sila residente ng Biliran, pati ang dalawang drayber na kasama nila.
Sinunod naman daw nila ang proseso para makauwi sila at kompleto sila ng mga
dokumento. Sa katunayan ay may letter of acceptance pa sila na mula sa Office of the
Governor, nangangahulugan na sila ay pinapayagang pumasok sa Probinsya at
makauwi sa kanilang tahanang barangay.
Ilang beses na nakiusap sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer
(MDRRMO) ng Kawayan na si Jessie Victorioso ang Punong Barangay ng Brgy.
Tucdao, Kawayan, Biliran na sya namang ina ni Andy, na pababain na lang sila at
patulugin muna sa quarantine facility kasama ni Camille at ipaayos muna ang kunting
deperensya ng sasakyan at kinabukasan nalang paalisin ngunit hindi ito pinayagan
bagkos ay pinagpilitan na pabalikin sila nang Manila.
Bandang alas-9 naman ng gabi ng sila’y umalis sa Tucdao at ng makarating sa
Poblacion, Kawayan ay ikinagulat na lamang ni Pazon ng iabot sa kanya ng MDRRMO
ang isang file folder na naglalaman ng Medical Certificates na nakapangalan sa kanya
at sa tatlo pa n’yang kasamahan gayong hindi naman sila nacheck-up o nakita ng
personal man lang ng doctor.
Sa panayam ng DYVL Aksyon Radyo Tacloban, tumangging magbigay ng komento sa
nakaambang kaso si Balasbas ngunit handa umano s’yang harapin ito at bukas ang
kanyang kampo para sa anumang imbestigasyon.
Sa panayam naman ng parehong istasyon kay Victorioso, MDRRMO, inihayag nya na
wala daw s’yang karapatan na makialam sa desisyon ng Task Force ng Probinsya.
“Wala kaming karapatan na hindi sang-ayonan ang protocol ng itinakda ng nasa taas”,
wika nya sa dialektong Cebuano.
Ayon pa sa kanya “may problema sa Certificates of Residency nila dahil nakalagay na
‘bonafide residents’ sila sa point of origin’. Pinapatunayan daw kasi nito na hindi na sila
‘actual residents’ ng Tucdao, Kawayan, Biliran at base ‘actual residents’ lang ang
maaring pumasok sa Biliran.
Makikita naman na pro-forma ang Barangay Certificates nila at parehong nakalagay na
‘bonafide residents’ ang bawat isa sa kanila sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City pati
narin ang pinayagang bumaba at naka-quarantine na ngayon na si Camille Duran.

Ayon naman sa Section 2.1 ng Local Executive Order No. 26, s. 2020, lahat ng mga
Biliranon na gustong umuwi sa isla ay maaring papasukin kahit pa saang lugar sila
galing. Nakasaad rin dito na ang mga kinikilalang Biliranon ay yun lamang may ‘actual
residence’ sa Biliran na ang pagbabasehan ay sertipikasyon mula sa Punong Barangay.
Ayon kay Pazon, meron naman silang sertipikasyon mula sa Punong Barangay na sila
ay residente ng Brgy. Tucdao.
Mababasa naman sa Letter of Acceptance mula sa Office of the Governor na kinikilala
sila bilang residente ng Biliran at sila’y pinapayagang makauwi sa probinsya.
Ligtas naman silang nakabalik ng Manila at dahil minadali ang pagpapabalik sa kanila,
bumiyahe silang walang dalang Travel Authority.

(Lorenzo de la Cruz)

You might also like