You are on page 1of 6

ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC.

V.V. Soliven II, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal 1900

PANGARAW-ARAW NA BANGHAY-ARALIN SA
______ __FILIPINO__- BAITANG 4__________

I. Layunin
a. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

b. Pamantayan sa Pagganap
Naisasalaysay muli ang binasang kuwento.

c. Pagkatutong Layunin
i. Knowledge
Natutukoy ang (3) tatlong antas ng pang-uri (lantay, pahambing at
pasukdol) sa isang pangungusap.

ii. Attitude
Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay, paghahambing, pasukdol) sa
paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili, ibang tao,
katulong sa pamayanan. [F4WG-IIa-c-4]

iii. Skills
Nakasusulat nang halimbawa ng pang-uri (lantay, pahambing at pasukdol)
sa isang pangungusap.

II. Nilalaman
a. Paksang-Aralin: Pagkatuto sa Kaantasan ng Pang-uri
b. Sanggunian:
i. Gabay Pangkurikulum: [F4WG-IIa-c-4]
ii. Gabay ng Guro: K to 12 Gabay Pangkurikulum. FILIPINO (Pg. 70-71)
iii. Kagamitang Pang-Mag-aaral: Yaman at Diwa, Wika at Pagbasa. Filipino 4.
(Ika-110 - 115 na pahina).
iv. Karagdagang Sanggunian: Filipino ng Bagong Salinlahi 4 – Marissa M.
Alzona at Elisa M. Patacsil. (Ika-3 na pahina)
v. Iba pang Kagamitang Panturo: Biswal eyds, Ang Alamat ng Ampalaya
(https://youtu.be/oH5RC6PPW-Q

III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
i. Pambungad na Panalangin
Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo para manalangin.

ii. Pagbati
Magandang umaga mga bata!

iii. Pag-tsek sa mga dumalo sa klase


Mayroon ba tayong lumiban sa klase ngayon? Magaling!

Magpapa-ikot ako ng papel at inyong itatala ang inyong pangalan.


Patunay na kayo ay dumalo sa klase ngayong araw.

iv. Pagsasaayos ng silid-aralan


Bago natin simulan ang talakayan, inaasahan ko na makikinig ang
lahat sa akin, umayos ng upo, at iwasang makipag-usap sa katabi.
Higit sa lahat, kung may nais sabihin ay itaas lamang ang inyong
mga kamay.

Nasundan ba? Magaling!

Banghay – Aralin para sa mga mag-aaral ng ICCT Colleges Foundation, Inc.


ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC.
V.V. Soliven II, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal 1900

b. Panlinang na Gawain
i. Panimulang ganyak
Sa panimula ng ating talakayan, tayo ay magkakaroon ng paunang
gawain. Kayo ay hahatiin ko sa dalawang grupo at sabay sabay
ninyong panonoorin ang kwento na aking ipapanood sa inyo.
Matapos ninyong mapanood ito, sagutin ninyo ang tatlong
katanungan na nakapaskil sa pisara. Isulat ang inyong sagot sa
isang sagutang papel at mayroon kayong (5) minuto para magsagot.

Ang Alamat ng Ampalaya

Noong araw sa bayan ng Sariwa, naninirahan ang lahat ng


uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay. Si
Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at
malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang
kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si
Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na
manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo,


siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang
kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag. Araw araw, walang
ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa
sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa
kapwa niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng


magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot. Tuwang
tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon
ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag
nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang
kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa
ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga
mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya. Nagalit ang mga gulay at
kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila
ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya.

Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang


katangian na kinuha niya sa mga kapwa niya gulay ay ibinigay sa
kanya. Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala
ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang
ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo. Ang balat niya ay
kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay
nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang
lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait
ang idinulot nito.

Mula noon, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya.


Ngayon kahit naging masustansiyang gulay na si Ampalaya ay
marami ang hindi nagkakagusto sa kanya. Pero alam niyo nagsisisi
na si Ampalaya.

Mga katanungan

1. Ilarawan ang mga katangian ni Ampalaya.


2. Bakit ninais ni Ampalaya na makuha ang magandang katangian
ng mga kapwa niya gulay?
3. Sa inyong palagay, makatwiran ba ang parusa ng diwata kay
Amapalaya? Ipaliwanag.

Banghay – Aralin para sa mga mag-aaral ng ICCT Colleges Foundation, Inc.


ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC.
V.V. Soliven II, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal 1900

c. Pagtalakay
i. Pagganyak
Dahil lahat kayo ay tama ang sagot sa ating mga katanungan. Ang
nais ko namang itanong sa inyo ngayon kung ano ang tawag sa mga
salita na ating ginamit sa paglalarawan ng katangian ni Amapalaya?

Tama ang tawag doon ay, Pang-uri! Magbigay nga kayo ng


halimbawa ng isang Pang-uri. Magaling!

ii. Pagsusuri
Matapos nating mabalik tanaw ang kahulugan ng Pang-uri. May
ideya na ba kayo kung ano ang tatalakayin natin ngayon?

Ang pag-aaralan natin ngayon ay ang Kaantasan ng Pang-uri.


Mayroong tatlong kaantasan ng pang-uri at ito ay ang lantay,
pahambing at pasukdol.

iii. Paglalahad

Kaantasan ng Pang-uri
Lahat ay tumingin sa pisara. Basahin ng sabay sabay ang kahulugan ng Lantay.
a. Lantay – Ito ang pang-uring naglalarawan ng nag-iisang pangalan
o panghalip.

Sa madaling salita ito ay isang payak na paglalarawan ng isang


pangngalan o panghalip. Kadalasan, ang salitang ginagamit dito
ay nagsisimula sa unlapi na ‘ma’.

Halimbawa. Matalinong bata si Ian.


Mabait
Matapat
Magalang

b. Pahambing – Kaantasang naghahambing ng katangian ng


dalawang panggalan o panghalip. Gumagamit ng mga salitang
tulad ng sing, kasing, magkasing, tulad, mas, gaya o kaysa at
higit na.

Ang antas na ito ay karaniwang nangyayari kapag naghahambing at


nagkukumpara ng dalawang pangngalan o pahalip.

Halimbawa. Magkasing talino si Ian at Mike.


Mas mabait
Higit na matapat
Sing galang

Banghay – Aralin para sa mga mag-aaral ng ICCT Colleges Foundation, Inc.


ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC.
V.V. Soliven II, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal 1900

Basahin ang panghuling antas ng pang-uri.


c. Pasukdol - Kaantasang naghahambing ng katangian ng tatlo o
higit pang panggalan o panghalip. Ito ay nagsasaad ng kaantasang
namumukod o wala ng hihigit pa. Ginagamitan ng salitang pinaka,
ubod ng, napaka, sakdal, hari ng at lubha.

Halimbawa. Pinakamatalino si Ian sa kanilang tatlong


magkakapatid.
Ubod ng bait
Pinakamatapat
Napakamagalang

Laging tatandaan na ginagamit ang antas na ito kung ang panggalan o panghalip
ay tatlo o higit pa. Naunawaan ba ang tatlong antas ng pang-uri? Magaling!

Bago tayo dumako sa ating pang pangkat na gawain, Inaanyayahan ko muna ang
lahat na suriin ang mga larawan sa pisara at timbangin ang antas ng pang-uri ng
mga larawan. Kapag gustong sumagot, itaas lamang ang inyong mga kamay. May
roon kayong (3) minuto para mag-isip.

Init

Mainit ang kape. Mas mainit ang kandila. Pinakamainit ang araw.

Laki

Malaki ang unan. Mas malaki ang puno. Ubod ng laki ang barko.

Luwang

Maluwag ang damit. Mas maluwag ang bahay. Ubod ng luwag ang kalsada.

Banghay – Aralin para sa mga mag-aaral ng ICCT Colleges Foundation, Inc.


ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC.
V.V. Soliven II, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal 1900

iv. Paglalapat

Lahat ay umupo ng maayos at kayo ay hahatiin ko sa tatlong pangkat. Sa


pangkat na ito kayo ay pangkat masipag, sa pangalawang pangkat ay
pangkat malinis at ang panghuling pangkat ay pangkat matapat.

Panuto: Basahin ang maikling kwento na ito at itala ang mga salitang
naglalarawan. Iguhit ang lahat ng salitang naglalarawan na inyong naitala,
at iguhit ito sa isang puting kartolina. Mayroon kayong (15) labing limang
minuto para magbasa at magsagot.

MABIGAT NA
Ni Gng. Daisy G. Sese

Si Reena ay bunsong anak nina Mang Rey at Aling Clara. Siya ay


nasa Ikaapat na baitang at ang kaniyang Ate Grace naman ay nasa
Ikalimang Baitang. Magsingsipag ang magkapatid sa kanilang pag-aaral.
Napansin ng mag-asawa na mas malaki at mas mabigat na si Reena kaysa
sa kaniyang Ate Grace. Mahilig kasi itong kumain ng maaalat na “junk
foods” at uminom ng “soft drinks”. Matakaw din siya sa matatamis na kendi
at tsokolate. Ayaw na ayaw naman niya ng gulay. Napipilitan lang siyang
kumain nito para hindi mapagalitan ni Aling Clara.

Kabaligtaran siya ni Grace. Paborito nito ang gulay at prutas. Mahilig


siyang kumain ng kamatis at carrots. Dahil dito siya ang may
pinakamagandang kutis sa kanilang magpipinsan. Balingkinitan lamang
ang kaniyang katawan kaya mabilis siyang kumilos. Minsan naglaro ang
magpipinsan ng habulan sa hardin. Higit ng mabilis si Grace kaysa kay Lou.
Si Amy ang pinakamabilis sa kanilang lahat. Naging mabagal naman si
Reena dahil sa kaniyang timbang.

Nakaramdam din siya ng mabilis na pagkahingal. Napaisip siya.


Nasabi niya sa sarili na kailangan na niyang magbawas ng timbang upang
muling maging maliksi. Nangako siya na kakain na ng masustansyang
gulay at ititigil na ang pagkain ng “junk foods”.

IV. Pagtataya

Basahin ang Panuto. Ilagay ang L kung ang pangungusap ay ginagamitan ng pang-uri
na lantay, PH naman kung pahambing at PS naman kung pasukdol.

___L___ 1. Mabilis tumakbo ang aso.


___PS__ 2. Pinakamabuti ang pagsasama-sama ng pamilya sa oras ng kainan.
___PH__ 3. Mas mainam na mamalagi si Joan sa bahay ng kaniyang ina kaysa sa
bahay ng kaniyang lola.
___PH__ 4. Hindi maintindihan ni Maria kung bakit mas napaibig siya sa pusa kaysa
sa aso.
___PS__ 5. Ubod ng laki ang nabiling lupain ng ama ni Grasya.
___L___ 6. Maliit lamang ang kinita ni Ruben sa bukid.
___PH__ 7. Mas mahaba ang buhok ni Clara kaysa kay Laura.
___PS__ 8. Kami ay bumalik sa pinakamagandang probinsya na aming binisita noon.
___L___ 9. Lumabas kami sa makipot na daan.
___PH__ 10. Mag kasing tangkad si Mama at Papa.

II.

Panuto. Magbigay ng isang halimbawa ng lantay, pahambing at pasukdol na pang-


uri sa isang pangungusap. Isulat ito sa likod ng iyong sagutang papel. (10) Sampung
puntos.

Banghay – Aralin para sa mga mag-aaral ng ICCT Colleges Foundation, Inc.


ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC.
V.V. Soliven II, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal 1900

V. Takdang – Aralin / Karagdagang Gawain

Para sa inyong takdang aralin, gumuhit kayo ng tatlong mahalagang bagay sa


inyong buhay at tukuyin ninyo kung alin sa mga ito ang mahalaga, mas mahalaga
at pinakamahalaga.

Tayo muli ay magsitayo para sa panalangin.

VI. Mga Puna sa Aralin (Remarks)

VII. Pagninilay (Reflections)

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation na
nankakuha ng mas mababa sa
80%.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

____BERNIDO, BEA__A.______
Pangalan ng Mag-aaral

Ipinasa kay:

MARVIN L. OQUENDO
Propesor

Banghay – Aralin para sa mga mag-aaral ng ICCT Colleges Foundation, Inc.

You might also like