You are on page 1of 6

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: ____________________________Antas: ________Kwarter:3 Aralin: 2

Natatalakay ang “parity rights” at ang ugnayang kalakalan ng Estados Unidos


(AP6SHK-IIIa-b-1)
Ang mag- aaral ay inaasahang:
1. nailalarawan ang parity rights at ang ugnayang kalakalan ng Estados
Unidos at Pilipinas;
2. nasusuri ang ibat- ibang reaksyon ng mga Pilipino sa di pantay na
kasunduan ng parity rights ng Amerikano at Pilipino;
3. naisusulat ang sariling kaisipan hinggil sa parity rights at ang ugnayang
kalakalan ng Estados Unidos.

Parity Rights

Ang patakarang ito ay nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at


Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas gayundin
sa pamamalakad ng mga paglilingkod na pambayan ng Pilipinas.Madaling napaunlad
nito ang pangangalakal industriyang itinayo ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Ang amendment ay bahagi ng Bell Trade Act, na kilala rin bilang Philippine
Trade Act noong 1946, na ipinasa ng Estados Unidos. Itinakda ng Bell Trade Act
ang pagpataw ng buwis sa anumang produktong nagngagaling sa Pilipinas patungong
Estados Unidos pagkalipas ng 1954. Limang porsyento ng buwis ang ipapataw taon-
taon hanggang marating nag 100% sa taong 1974. Itinakda rin nito na may kota o
takdang dami rin ang asukal, bigas, tabako, abono, lubid ng niyog, at butones na
perlas na mailuluwas ng Pilipinas sa Amerika, samantalang makapagluluwas ang
Amerika nang walang takdang dami o kota. Hindi naging makatarungan ang Bell
Trade Act sa mga Pilipino. Hindi Pantay ang Parity rights o ang Karapatan ng mga
Pilipino at Amerikano sa paglinang ng mga Likas na Yaman pinagkukunan at
pamamalakad ng mga paglilingkod na pambayan. Maraming pinuno ng Pilipinas ang
tumutol dito, ngunit kung hindi nila ito tatanggapin, hindi ipagkakaloob ng Amerika ang
tulong na pinansyal sa bansa. Ang pagbabayad ng mga pinsala sa giyera na
nagkahalaga ng US $620 million, tulad ng itinakda sa Philippine Rehabilitation Act
1946. Dahil sa kondisyong ibinigay, sumang- ayon na rin ang mga Pilipino kaya’t
kanailangang amyendahan ang saligang batas ng 1935 tungkol sa paglinang ng likas
na yaman ng bansa.

GAWAIN 1

Panuto: Isulat ang tama sa patlang kung ang pangungusap ay naglalarawan


ng kasunduang Parity Rights at ugnayang pangkalakalan sa pagitan ng Pilipino at
Amerikano. Mali naman kung ito ay salungat sa kasunduang parity rights.

______ 1. Nagkaroon ng kota o takdang bilang ang mga produktong iniluluwas


ng Pilipinas sa Amerika.
______ 2. Naging pantay ang Karapatan ng mga Amerikano sa pagpapaunlad
ng lupang agrikultural at likas na yaman ng bansa.
______ 3. Tanging Pilipino lamang ang namalakad sa mga paglilingkod
pambayan ng bansa.
______ 4. Tumaas ang buwis ng produktong nanggagaling sa Pilipinas
patungong Estados Unidos.
______ 5. Dahil sa dami ng mga kalakal na mula sa Amerika, mas malaki ang
dolyar na lumabas sa Pilipinas kaysa kinita nito.
______ 6. Nakalipas ang walong taon nang makayaan ng mga Pilipino ang
magluwas ng maraming produkto sa Amerika ngunit malaki na ang
ipinataw na buwis ng mga ito.
______ 7. Naging makatarungan sa panig ng mga Pilipino ang Parity Rights.
______ 8. Nagkaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at ng
Pilipinas sa loob nga walong taon.
______ 9. Pinagtibay ni Pangulong Roxas an Bell Trade Act o Philippine Trade
Act.
______ 10. Nabigyan ng pagkakataong makapag negosyo ang mga Pilipino
lamang.

GAWAIN 2

Panuto: Suriin ang isinasaad ng mga pangungusap. Salungguhitan ang sanhi


at ikahon ang bunga sa sumusunod na mga pahayag.

1. Hindi nakapagluwas ng maraming kalakal ang ating bansa dahil sa malaki ang
pinsalang natamo nito sa digmaan laban sa Japan.
2. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ang mga Pilipinong
mangangalakal gaya ng paggamit ng mga makinarya at bagong teknolohiya dahil
sa kawalan ng mga hayop na gagamitin sa pagsasaka.
3. Upang hindi mawalan ng pagkakakitaan ang mga tao ay hindi gaanong ginamit
ang mga makinarya sa pagsasaka.
4. Tinanggap ng mga Pilipino ang parity rights upang ipagkaloob ng Amerika ang
tulong pinansyal sa bansa.
5. Patuloy ang pagtaaas ng buwis ng mga produkto upang lumaki ang kita ng
pamahalaan.

GAWAIN 3

Sa pamamagitan ng graphic organizer talakayin ang katanungang nakatala sa


ibaba.
Bakit tinanggap ang parity rights ng pamahalaan bagamat
may nagsasabing hindi ito makatarungan sa mga Pilipino?

Ano ang naging epekto nito sa pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa


Estados Unidos

__________ __________

Rubrik sa pagmamarka ng Gawain C

Pamantayan Laang Aking


puntos Puntos
Mahusay at naglalaman ng angkop na impormasyon 5
Nasagutan ang apat na katanungan 5
Malinis at naiintindihan ang pagkakasulat 5
Kabuuang puntos 15
5- Napakahusay 4- mahusay
3 katamtaman 2- di gaanong mahusay
1 sadyang di mahusay
Pilipinas 6 Pahina 175

Puna
Ano ang masasabi mo sa kabuuan ng gawaing pagkatuto na ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pilipinas 6, ph. 130-133

Inihanda ni:

DELFA A. CUERDO
Teacher III/ Ocampo Central School
Division of Cmarines Sur

Gawain A

1. Tama
2. Tama
3. Tali
4. Tama
5. Tama
6. Tama
7. Mali
Gawai B

1. Hindi nakapagluwas ng maraming kalakal ang ating bansa dahil sa malaki ang pinsalang natamo nito
sa digmaan laban sa Japan.
2. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ang mga Pilipinong mangangalakal gaya ng paggamit
ng mga makinarya at bagong teknolohiya dahil sa kawalan ng mga hayop na gagamitin sa pagsasaka.
3. Upang hindi mawalan ng pagkakakitaan ang mga tao ay hindi gaanong ginamit ang mga makinarya sa
pagsasaka.
4. Tinanggap ng mga Pilipino ang parity rights upang ipagkaloob ng Amerika ang tulong pinansyal sa
bansa.
5. Patuloy ang pagtaaas ng buwis ng mga produkto upang lumaki ang kita ng pamahalaan.

Gawain C
Bakit tinanggap ang parity rights ng pamahalaan bagamat may nagsasabing hindi
ito makatarungan sa mga Pilipino?
Upang maipagkaloob ng Amerika ang tulong Upang ipagpatuloy ang paghahangad ng
pinansyal sa Pilipinas kaunlaran sa bansa
Ano ang naging epekto nito sa pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Estados Unidos
Nakapagluwas ng mga produkto ang mga Malayang nakipagkalakalan ang Pilipinas sa
Pilipino sa bansang Amerika bansang Amerika

You might also like