You are on page 1of 1

Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksyon: ____________

Subject: __Arpan 6___ Guro: _______________________ Iskor: ________________

Aralin : Ikatlong Markahan, Unang Linggo, LAS 3


Pamagat ng Gawain : Bell Trade Act at ang Ugnayang Kalakalan sa Estados Unidos
Layunin : Natatalakay ang “Bell Trade Act” at ang ugnayang kalakalan
sa Estados Unidos.
Sangunian : MELCS, Tuklas Lahi 6
Manunulat : Francis Jude M. Cezar

BELL TRADE Act


Dahil sa labis na pagkalugmok ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagtatapos ng
digmaan, kinailangang tanggapin ng bagong-layang bansa ang tulong ng Estados
Unidos, ano man ang kapalit. Ginawa ang batas na ito ng Estados Unidos upang
diumano ay matulungan ang ekonomiya ng Pilipinas – partikular na sa kalakalan – sa
pagsisimula bilang isang bagong republika.
Hindi masyadong nagustuhan ng mga Pilipino ang Bell Trade Act sapagkat mas
nakabubuti umano ito sa panig ng mga Amerikano. Kung bakit, narito ang ilang
probisyon ng Bell Trade Act:

- Pagtatakda ng Estados Unidos ng takdang daming pumapasok na kalakal sa


kanilang bansa mula sa Pilipinas.
- Pagmamanipula ng mga Amerikano sa halaga ng piso kontra dolyar.
- Pagsasagawa ng malayang kalakalan (walang buwis) sa pagitan ng dalawang
bansa sa loob ng 8 taon. Pagkatapos ng malayang kalakalan, magkakaroon ng
limang porsyentong taripa o buwis ang mga produkto taon-taon hanggang 1974.
- Pagpapatupad ng parity rights – ang parity rights ay isang probisyon na kung
saan ay biniyayaan ng karapatan ang mga Amerikano na gamitin at pakinabangan
ang likas na yaman ng Pilipinas, kapantay ng mga Pilipino.

PANUTO: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ay tama at MALI kung hindi.
_______ 1. Binigyan ng pantay-pantay na karapatan ang mga Amerikano sa paglinang
at paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas.
_______ 2. Sumang-ayon agad ang mga Pilipino na ipatupad ang Bell Trade Act.
_______ 3. Walang buwis ang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa
loob ng pitong taon.
_______ 4. Nilimitahan ng Pilipinas ang kalakal na pumapasok sa Estados Unidos.
_______ 5. Ang Bell Trade Act ay nagbigay daan sa kasunduan ng parity rights.

QR CODE

You might also like