You are on page 1of 1

AP 6 – Q3 – Relasyong Pang- ekonomiya ng Pilipinas - Amerika

Malayang Kalakalan (Free Trade) – walang binabayarang buwis at walang nakatakdang dami ang mga
produktong iniluluwas (export) at inaangkat (import) sa pagitan ng dalawang magkasundong bansa.
Mga Batas ukol sa Free Trade:
1. Payne Aldrict Act – nagpasimula sa Free Trade subalit may nakatakdang dami sa mga Pilipinong
produkto.
2. Underwood – Simmons Act – inalis ang nakatakdang dami sa mga Pilipinong produkto at nagpasimula sa
ganap na free trade.
3. Tydings- McDuffie Law – ipinagpatuloy ang free trade sa Komonwelt pero ibinalik ang nakatakdang dami
sa produktong Pilipino.
Protective Tariff – pagpataw ng taripa sa produktong dayuhan para maprotektahan ang lokal na industriya.
Philippine Trade Act (Bell Trade Act at Parity Rights) – layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya
ng bansa.
Bell Trade Act – pinagtibay ng kasunduang ito ang malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas sa
loob ng walong taon mula (1946 – 1954)
 Hindi patas o makatarungan ang kasunduang ito sapagkat malayang nadadala ng Estados Unidos ang
kalakal nito sa bansa samantalang may kuta ang pangunahing kalakal ng Pilipinas sa Amerika tulad ng
bigas, asukal, tabako, niyog, langis, at iba pa.
Parity Rights – patakarang nagbigay ng pantay na Karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at
pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas
War Damages Act (Tydings Rehabilitation Act) 1946 – pagkaloob ng 800 milyong dolyar sa Pilipinas para
sa mga pinsalang dulot ng World War II
 Subalit nakasaad na 500 milyong dolyar lang ang ibibigay ng U.S. kung hindi tatanggapin ng Pilipinas
ang Bell Trade Act.
Kasunduang Base Militar (Military Bases Agreement) 1946 – magsisilbing depensa ng kapitalismo at
interes ng U.S. sa Silangan laban sa paglaganap ng komunismo.
 Higit na mapalakas ang kontrol sa Pilipinas
 Ang mga sundalong Amerikano na nagkasala habang gumaganap ng tungkulin sa loob o labas ng
base militar ay hindi maaaring litisin sa korte ng Pilipinas.
 Lumaganap ang prostitusyon
RP – U.S. Mutual defense Treaty 1951 – nagkasundo ang Pilipinas at Amerika na magtutulungan sa
pagtatanggol sa seguridad ng bansa.
Visiting Forces Agreement – walang taripa sa inaangkat at iniluluwas ng Hukbong Amerikano
 Malayang makakagalaw ang mga sasakyang pandagat at panghimpapawid ng U.S. sa loob ng
Pilipinas.

You might also like