You are on page 1of 4

LEARNING ACTIVITY SHEET

Grade 4 - FILIPINO
_________________________________________________________________________________
Pangalan: ______________________Petsa: _______________Marka/Puntos: _____

IBA’T IBANG URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT

Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay pasalaysay, pautos, pakiusap,


padamdam o patanong.
_______1. Maligayang pagdating sa debate natin ngayong taon na may temang: Ang
Palaaral at Di-Palaaral: Yaman ng Bansa.
_______2. Huwag sana kayong balat- sibuyas sa aming pahayag ngunit naku! Kami ay
kabilang sa tagapag-unlad ng bansa.
_______3. Sa’yo ay ganoon din ba? Pareho tayo ng masasabi?
_______4. Isipin din ninyo ang aming kabutihan.
_______5. Pakisuriin nga ninyo na bagama’t tinagurian kaming physically fit but
mentally absent, mayroon kaming mga natatagong talino na magpapaunlad
ng sarili, tahanan, pamayanan at bansa.

Panuto: Basahin mabuti ang teksto. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Ekonomiya o Kalusugan, Ano ang Prayoridad?

Isa sa mga pinag-aaralang mabuti ng mga lokal na pamahalaan ay kung paano


aangkop sa hamon na dala ng CoViD-19. Mahirap nga namang planuhin kung paano
tutugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan lalo na ang mga
nabubuhay sa arawang kita, at matiyak na hindi muling lolobo ang magpopositibo sa
CoViD, habang sinusubukang buhayin ang ekonomiya. Ang saglit na muling
pagbukas at pagsara ng Baguio Night Market ang patunay.
Ayon kay Eric C., isang night market vendor sa Baguio na na-displaced nung
hindi na pinayagan ang pagtitinda sa kahabaan ng Harrison Road, “Mahigit walong
buwan kaming nawalan ng kabuhayan at naghikahos. Nakalulungkot na ang daming
basher pero nang nagbukas ang mga malaking establishments at mga malalaking
kainan, tuwang-tuwa ang marami. Pero kaming marginalized sector ay nanatiling
displaced sa kabuhayan o hanapbuhay.” Sabi pa niya, “Ang CoViD-19 ay walang
pinipili pero mas higit na tinamaan sa ekonomiya ang mga marginalized sector tulad
naming mga vendor. High hope uli kami noong nag-GCQ at lalo na noong nag-
MGCQ, pero nanatiling sarado pa rin ang night market. Unti-unti na kaming
nawawalan ng pag-asa. Nagdudulot na rin ito ng stress, anxiety at may mga

_____________________________________________________________________
Tiyak na Linggo: Linggo 7-8 sa Ikaapat na Markahan
Inaasahang Kasanayan: Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang
isyu, F4WG-IVh-j-13.6; Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang
balangkas o dayagram, F4EP-IVa-d-8.
Tala sa Guro: (Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.)
LEARNING ACTIVITY SHEET
Grade 4 - FILIPINO
_________________________________________________________________________________
depressed na rin sa hanay namin. Ang CoViD-19 ay invisible na kaaway pero hindi
nakikita ang mental health problem namin, di ba health concern din ito?”
Nais puntuhin ni Eric C. na ang mortality rate sa CoViD-19 sa Baguio ay halos
nasa 1.23% lang kumpara sa naka-recover. Sabi ng isang vendor nang tanungin ko
kung hindi ba siya nababahala sa CoViD-19, “Natatakot din pero mas natatakot
akong magutom ang aking pamilya. Kailangang mabuhay din kami.”
Ano nga ba ang pinagtutuunan ng mga namumuno? Ang pangalagaan at
protektahan ang nasasakupan sa CoViD-19 o buhayin ang komersiyo at pasiglahin
ang ekonomiya? Meron nga bang healthy mix?
hinango mula sa panulat ni Artemio Dumlao
Pilipino Star Ngayon (Disyembre 4, 2020)

1. Ano ang isyung tinalakay sa binasang teksto?


A. mas mahalaga, edukasyon o kalusugan
B. ang prayoridad ng gobyerno, ekonomiya o kalusugan
C. ang mas dapat pagtuunan ng pansin, simbahan o paaralan
D. ang mas pipiliin, ang kalusugan o kaligtasan mula sa mananakop
2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag na ang pinapanigang
argumento ay ang kalusugan?
A. Kailangang bumalik na sa trabaho ang mga Pilipino dahil kung hindi ay mama-
matay sila sa gutom.
B. May bakuna na laban sa COVID-19 kaya maaari nang bumalik sa trabaho.
C. Bakit ka babalik sa trabaho kung kadalasan ay doon nakukuha ang sakit na
COVID-19?
D. Sumunod lang sa health protocols upang ligtas pa rin pagpasok sa trabaho.
3. Alin sa mga sumusunod ang katwiran ng pumapanig sa ekonomiya?
A. Kung bubuksan ang ekonomiya, mas maraming tao ang nasa labas, at mas
mataas ang posibilidad na magkahawaan.
B. Hindi ka nga namatay dahil sa COVID, mamamatay ka naman sa gutom.
C. Hangga’t hindi nababakunahan ay huwag na munang lumabas para
maghanapbuhay.
D. Gusto ba nating tumaas pang lalo ang kaso ng COVID sa Pilipinas?
4. Anong uri ng pangungusap ang “Hindi namin isusugal ang buhay sa bakuna!”
A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam
5. “Ano nga ba ang pinagtutuunan ng mga namumuno?” Anong uri ito ng
pangungusap ayon sa gamit?
A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam

_____________________________________________________________________
Tiyak na Linggo: Linggo 7-8 sa Ikaapat na Markahan
Inaasahang Kasanayan: Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang
isyu, F4WG-IVh-j-13.6; Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang
balangkas o dayagram, F4EP-IVa-d-8.
Tala sa Guro: (Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.)
LEARNING ACTIVITY SHEET
Grade 4 - FILIPINO
_________________________________________________________________________________
PAGSULAT NG BALANGKAS MULA SA MGA NAKALAP NA
IMPORMASYON MULA SA BINASA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto na nasa ibaba. Punan ang
balangkas ng tamang detalye batay sa tekstong iyong binasa.

DIOSDADO P. MACAPAGAL

Diosdado Pangan Macapagal ang tunay kong pangalan. Isinilang ako


noong ika-28 ng Setyembre 1910, sa San Nicolas, Lubao, Pampanga. Ang
aking ama na si Urbano Macapagal ay isang manunulat. Ang aking ina na si
Romana Pangan ay kumikita paminsan-minsan sa paglalabada.
Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at
South Expressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan
at ang pagtatatag ng Philippine Veterans Bank.
Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang: Democracy in the
Philippines noong 1976; Memoirs of a President, A New Constitution for the
Philippines at Land Reform in the Philippines.
Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko ang
kapakanan ng karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng
Masa.” Nahirang din akong isa sa “Sampung Natatanging Mambabatas”
mula 1949- 1957. Tinagurian akong “The Best Lawmaker” mula 1954-1957.
Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang kahirapan sa
pagkakamit ng tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang
tulad ko ay magiging Pangulo ng Bansang Pilipinas.

- Halaw mula sa MISOSA Pagsulat ng Balangkas

_____________________________________________________________________
Tiyak na Linggo: Linggo 7-8 sa Ikaapat na Markahan
Inaasahang Kasanayan: Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang
isyu, F4WG-IVh-j-13.6; Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang
balangkas o dayagram, F4EP-IVa-d-8.
Tala sa Guro: (Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.)
LEARNING ACTIVITY SHEET
Grade 4 - FILIPINO
_________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
Tiyak na Linggo: Linggo 7-8 sa Ikaapat na Markahan
Inaasahang Kasanayan: Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang
isyu, F4WG-IVh-j-13.6; Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang
balangkas o dayagram, F4EP-IVa-d-8.
Tala sa Guro: (Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.)

You might also like