You are on page 1of 3

FILIPINO 4

LEARNING ACTIVITY SHEET 3


WEEK-3 Ikatlong Markahan

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ________________


Pangkat: _____________________________________ Marka: _______________

ARALIN 3:
• Nasasagot ang mga tanong sa nabasa o napakinggang editorial, argumento, debate, pahayagan at
ipinahayag sa isang editorial cartoon (F4PB-lllad-3.1 / F4PN-lllf-3.1)
• Nasusuri kung opinyon o katotohanan ang isang pahayag (F4PB-IIIf-19)
• Nakasusulat ng argumento at editoryal (F4PU-IIIf-2.3, F4PU-IIId-2.5)

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pahayag ay isang katotohanan kung ito ay mapatutunayan sa pamamagitan ng
ebidensiya. Ito ay ginagamitan ng salita o parirala tulad ng:
• pinatutunayan ni, mula kay, ayon kay, tinutukoy sa/ni, mababasa na atbp.
Halimbawa:
1. Si Lea Salonga ay isang sikat na mang-aawit.
2. Ipinanganak si Dr. Jose Rizal noong ika-19 ng Hunyo 1861.

Ang pahayag ay isang opinyon kung ito ay base sa damdamin o isipan ng isang tao at hindi
mapatutunayang totoo. Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala tulad ng:
• sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, para sa akin, kung ako ang tatanungin

Halimbawa:
1. Sa aking palagay, mas magandang magbakasyon sa Boracay kaysa sa Baguio.
2. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t-isa.

Ang editoryal o pangulong-tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng


kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman,
makapagpaniwala o makalibang sa mga mambabasa
• ito ay isang artikulong isinulat ng editor at / o kauri nito batay sa umiiral na
mahahalagang balita upang makapagbigay-puri, manuligsa, magpaunawa, magturo o sa
mga kinauukulan.

Bahagi ng isang editoryal


a. Panimula – nagpapakilala ng paksa. Kailangang ito’y maikli ngunit makatawag pansin.
b. Katawan – kalimitang binubuo ng dalawa o mahigit pang talataan na magsusuri o
nagpapaliwanag sa punong ideya, sa tulong ng mga katibayan na magpapatingkad sa
paglalahad ng sariling kuro-kuro.
c. Wakas – maaaring maglagom o magbibigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal.

Nagbibigay din ito ng konklusyon ng may-akda. Ipinapahayag ang bahaging


panghihikayat sa mambabasa sang-ayon sa kaisipang nais ikintal ng editoryal. Ang isang
editoryal ay dapat magtaglay ng isang ideya lamang, malinaw, makatuwiran,
makatotohahan at nakalilibang o nakawiwili.
EDITORYAL - Walang Disiplina sa Pagtatapon ng Basura

BASURA ang pangunahing dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila. Matagal nang problema ito.
Ilang dekada na ang nakalilipas subalit baha pa rin ang problema. At sa kabila na basura ang dahilan,
marami pa rin ang hindi natututo at walang disiplina sa pagtatapon ng basura sa mga estero, kanal at
mga ilog. Wala pa rin silang kadala-dala at walang malasakit sa kapaligiran. Ang mga basurang
itinambak sa mga ilog ay iluluwa sa dagat at ibabalik naman ito ng dagat mismo sa mga dalampasigan.
Totoo ang kasabihang “kung ano ang itinapon mo, babalik din sa’yo.” Ganito ang nararanasan sa
kahabaan ng Roxas Blvd. sa tuwing may pagsama ng panahon o bagyo. Kapag nagalit ang alon sa Manila
Bay, tatangayin ang mga basurang lulutang-lutang at ibabalik ito sa kalsada. Kaya ang mga basurang
itinapon ng mga walang disiplina magdudulot uli ng panibagong problema. Nararapat makaisip ng
solusyon ang MMDA at ang DENR kung paano madidisiplina ang mamamayan at magkakaroon ng takot
na huwag magtapon ng basura sa waterways. Dapat kamay na asero ang gamitin para wala nang
magtatapon ng basura na nagdudulot ng pagbaha. Kung hindi maghihigpit, walang katapusan ang
problema. Ipatupad ang paglilipat o pag-aalis sa mga informal settlers. Bakuran ang mga gilid at
pampang ng estero o ilog para hindi makabalik ang informal settlers na numero unong nagtatapon ng
basura.ring ito ang hahantong sa mga estero. Pilipino Star Ngayon June 17, 2019 - 12:00am

GAWAIN 1 Panuto: Basahin at unawain ang editoyal. Sagutin ang tanong at isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang binasang editorial?


A. Walang disiplina sa pagtatapon ng basura
B. “Kung ano ang itinapon mo, babalik din sa’yo.”
C. Basura ang pangunahing dahilan kaya nagbabaha
D. Plano ng “MMDA at DENR” sa mga mamamayang hindi marunong
magtapon ng basura.

2. Ano ang pangunahing dahilan kung kaya”t bumabaha ang Metro Manila
kapag tag ulan?
A. Kakaunti na lamang ang mga puno sa Metro Manila.
B. Ang maling pagtapon ng basura ng mga mamamayan sa Metro Manila.
C. Marami ng tao dito sa Metro Manila.
D. Kulang ang basurero.

3. Anong kasabihan ang hinahalintulad sa walang disiplina sa pagtatapon ng basura?


A. “Kung may itinanim may aanihin” .
B. “Ang batang masipag pinagpapala ng lahat”.
C. “Kung ano ang itinapon mo, babalik din sa’yo”.
D. “Kung may isinuksok may madudukot”.

4. Ayon sa editorial anong uri ng kamay ang dapat gamitin para wala nang
magtatapon ng basura na nagdudulot ng pagbaha?
A. bakal B. asero C . maputi D.matigas

5. Bakit kailangan maghigpit at bigyan ng takot ang mga mamamayang walang disiplina sa
pagtapon ng basura?
A. Walang katapusan ang problema patuloy pa rin ang pagbaha.
B. Para maisip ng mga mamayan na ang kanilang kawalan ng disiplina ay
habang buhay na mararanasan ang pagbaha.
C. Para hindi na sila magtatapon ng basura.
D. Walang magiging problema kapag sila ay sumunod.

GAWAIN 2: PANUTO: Sumulat ng tig-limang katotohanan at opinyon mula sa nabasang


editoryal.

Katotohanan Opinyon
1. _________________________ 1._______________________
2.__________________________ 2._______________________
3.__________________________ 3._______________________
4.__________________________ 4._______________________
5. __________________________ 5._______________________

GAWAIN 3: Panuto: Pag-aralan ang pinapahayag ng editorial cartoon. Sagutin ang


mga katanungan tungkol dito. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Tungkol saan ang “editorial cartoon”?


2. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao sa paparating na “corona virus”?
3. Bakit kailangang tumakbo ng mga tao palayo sa “corona virus”?
4. Bakit kailangang gumamit ng facemask ng mga tao?
5. Ano kaya mangyayari sa mga tao kung malapitan o dapuan sila ng “corona
virus”?

GAWAIN 4: PANUTO: Sumulat ng editoryal tungkol sa nakasulat na paksa.

EDITORYAL – Bandalismo
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

You might also like