You are on page 1of 1

Name: _________________________________ Grade & Section: ___________ Score: _________

School : _________________________Teacher: ___________________ Subject : Araling Panlipunan 6


LAS Writers: Salvador M. Ansino Content Editors: Bert Ceasar Castillo , Emilia C. Binghoy
Lesson Topic: Ang mga Programang Ekonomiya sa Pamahalaang Corazon C. Aquino Q4Week7 LAS 1
Learning Targets:1. Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon
sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan.
a. Nasusuri ang mga programa sa panahon ni Corazon C. Aquino. ( AP6TDK-IVc-d-4.1 )
Reference(s) Antonio, E.,Banlaygas,E.,and Dallo, E., 2016. Kayamanan 6. Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan. Quezon City, Philippines: Rex Book Store, Inc. pp.260- 264.
http://blogpangulosapilipinas.blogspot.com/2017/01/corazo-aquino.htm.[Linggo,Enero1,2017]
https://brainly.ph/question/1311890[ February14,2020]

Mga Kontribusyon ng Pamahalaang Corazon C. Aquino sa Kaunlaran ng Bansa

Si Corazon C. Aquino ay ipinanganak noong Enero 25, 1933. Kilala siya sa palayaw na Tita Cory.
Siya ay inihalal ng sambayanang Pilipino noong Pebrero 25,1986 sa pamamagitan ng EDSA People
Power. Si Pangulong Corazon C. Aquino ay ang ika-11 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas .

Narito ang mga ipinatupad ni Pang. Corazon C. Aquino sa kanyang panunungkulan.


 Reporma sa Family Code of the Philippines
Pagbabago sa pamumuhay ng isang pamilya. Isinaad dito ang bawat karapatan ng mag-asawa, anak
at mga magulang sa isang pamilyang pilipino.
 Pagbabago ng istruktura ng Ehekutibong Sangay ng Gobyerno
Ang tungkulin ng sangay ng ehekutibo ay upang ayusin, planuhin, isagawa at suriin ang mga aksyon
ng gobyerno para sa pakinabang ng bansa.
 Paglikha ng isang komisyong konstitusyonal (Concom)
Ito ang tanggapang nangangasiwa sa mga tauhan ng pamahalaan at ang nagpapatupad ng mga
batas na may kaugnayan sa paglilingkod sa pamahalaan.Tungkulin ng Komisyon na ito na
pangalagaan ang moralidad, kahusayan, at integridad ng mga kawani ng pamahalaan.
 Pagbuwag sa cartel at monopolya
Ito ay isang paraan upang matiyak ang katatagan ng ekonomiya ng bansa.
 Pagtatag ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
Ito ay isang reporma sa lupa upang ipamahagi ang mga lupang sakahan sa mga magsasakang
umuupa lamang.
 Pagsasapribado ng mga pag-aari ng pamahalaan
Ito ay tumutukoy sa pagbili o pagkontrol ng pamahalaan sa mga pribadong pag aari nito.
 Pagbubuo ng organisasyon na may hangaring magbigay pinansyal na suporta
Ito ay isang tulong pangkabuhayan upang makapagsimula ng isang maliit na negosyo ang
mamamayan.
 Pagtatag ng National Reconciallition and Development Program
Upang matugunan ang mga dahilan ng pag-aalsa at mabigyan ng alternatibong makabalik sa
tahimik na pamumuhay ang mga rebelde at komunista.
Gawain 1.
Isulat ang Tama kung ang mga gawain ay mga kontribusyon sa Pamahalaang Corazon C. Aquino at Mali
naman kung ito ay hindi.
_______1. Si Pangulong Corazon Aquino ay ang Ika-5 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
_______2. Naitatag ang EDSA people power dahil sa pagkakaisa ng mga tao.
_______3. Nagsimula ang libreng edukasyon sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino.
_______4. Ipinahayag ng Pamahalaang Corazon C. Aquino ang isang rebolusyonaryong gobyerno.
_______5. Nailuklok si Pangulong Corazon Aquino sa pamamagitan ng Unang Rebolusyon sa EDSA o
People Power noong Pebrero 25, 1986
Gawain 2 .
Ibigay ang mga tamang salita sa patlang.
1. Anong programa ang itininatag ng Pamahalaang Corazon C. Aquino para sa mag rebelde at komunista?
__________________________________________________________________________________
2. Ano ang ibig sabihin ng Comprehensive Agrarian Reform Programa ? ___________________________
__________________________________________________________________________________
3. Ito ay ang proklamasyon na naglalaan para sa paglikha ng isang komisyong konstitusyonal (Concom)?
_____________________________________________________________
4. Ano ang hangarin ng Pamahalaang Corazon C. Aquino para buksan ang merkado?______________
_________________________________________________________________________________
5. Ano-anong mga organisasyon na ang hangarin ay mabigyan ng pinansiyal na suporta ang mga
Negosyante? _______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

You might also like