You are on page 1of 21

ARALING PANLIPUNAN

QUARTER 2 (WEEK 1 DAY 2)


P R E P A R E D B Y:
GIRLIE A. ACLAN
BULUSAN ELEM. SCHOOL
Anu – ano ang mga
pagbabago sa edukasyon sa
panahon ng mga
Amerikano?
Ano sa inyong palagay ang
kinalaman ng mga larawan sa
ating paksa ngayon?
Sa mga larawang ito, ano sa
inyong palagay ang naiambag o
naitulong ng mga ito sa mga
Pilipino?
Masasabi ba nating ito ay
isa ring programa?
Kaninong programa?
Bakit?
Kung ito’y isang programa,
sa anong aspeto naman ng
lipunan?
 
Programang Pangkalusugan noong Panahon
ng Amerikano
Isang malaking suliranin sa panahon ng mga
Amerikano ang paglitaw ng kolera at bulutong sa
Maynila dahil dito nagpatupad ang pamahalaan ng
mga paraan ng pagsugpo sa epidemya.
Sa epidemya ng kolera noong 1902, nagpatupad ng
iba’t ibang paraan ang mga kawani ng kalusugan
upang hindi ito kumalat.
Binantayan ang mga lugar na apektado at inihiwalay ang
mga taong may kolera. Ibinabad sa isang solusyon na may
asidong carbolic ang kanilang mga damit at iba pang
personal na gamit. Ipinatapon din ang mga pagkaing
nakahanda sa mga lugar na apektado at kung
kinakailangan, sinusunog pati ang mga bahay upang hindi
kumalat ang sakit. May nakaantabay na ilang trak ng
bumbero na agad na agad na nagsasaboy ng disinpektant
para sa mga lugar na apektado.
Nagpalabas din ang mga Amerikano ng mga leaflet at iba
pang impormasyon kung paano maiiwasan ang pagkalat ng
mga sakit. Nagpatupad din ang Kagawaran ng Sanitasyon
at Transportasyon ng ilang mga panuntunan sa
pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at kalusugan
tulad ng mga sumusunod:
1.Paglilinis ng mga kalye at mga kanal.
2.Tamang pagtatapon ng mga basura sa bahay at mga
patay na hayop.
3.Pangangalaga sa mga palengke at katayan ng hayop; at
4.Pangangalaga at pamamahala sa mga libingan.
Bahagi ring ng programang
pangkalusugan ng mga Amerikano
ang pagtatayo ng mga klinika,
pagamutan at sentrong
pangkalusugan sa iba’t ibang panig
ng bansa.
Isa sa mga ipinatayong ospital ng mga
Amerikano ang Philippine General Hospital
na binuksan sa publiko noong 1910. Dahil
sa mga programang ito, lumiit ang bilang ng
mga namamatay at lumaki ang bilang ng
mga ipinanganganak. Bunga nito lumaki
ang populasyon ng bansa.
Gamit ang iba’t – ibang uri ng
graphic organizer, ipakita ang mga
programang pangkalusugan na
inilunsad ng mga Amerikano.
(Pangkatang gawain)
Magkaroon ng isang dula – dulaan
na nagpapakita sa pagpapahalaga sa
programang pangkalusugan na
inilunsad ng mga Amerikano
Anu – ano ang mga programang
pangkalusugan na ipinatupad ng
mga Amerikano?
Isulat ang PP kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng Programang pangkalusugan
ipinatupad ng mga Amerikano at HPP kung
hindi.
____ 1. Pamimigay ng libreng gamot sa
may ketong.
____ 2. Pagpaggawa ng mga Health Center
sa bawat barangay.
____ 3. Pagkakaroon ng feeding
program sa mga paaralan.
____ 4. Pagpapatayo ng pampublikong
ospital.
____ 5. Pagbibigay ng diskwento sa
gamot ng mga matatanda.
Takdang-aralin:
Isulat nang patalata ang
kabutihang naidulot ng
pananakop ng mga Amerikano sa
kalusugan ng mga Pilipino.

You might also like