You are on page 1of 2

Repleksiyon Mikyla P.

Fabros 9- Quirino Navarro

“Ang walis na nagbibigkis ay nakakalinis ng mabilis"


-unknown
Sa tekstong ito makikita ang simbolismo ng walis
bilang mga tao. Ang isang walis tingting kapag ang mga piraso
nito ay magkakabigkis, mas mapapadali at mapapabilis ang
paglilinis. Maaaring makapag linis parin naman ang iisa o
kakaunting piraso nito ngunit tiyak na matagal at mas
nakakapagod iyon. Ganun rin pagdating sa ating mga tao,
kapag ang mga tao ay nagtutulungan mas mapapadali ang
pagtapos ng isang gawain. Ipinapakita rin dito ang
kahalagahan ng bawat piraso ng tingting o kahalagahan ng
bawat indibidwal sa pagbuo at pagtapos ng isang gawain.
Kahit ang maliit na piraso ng tingting ay nakatutulong, hindi
man ito sa paglilinis kundi sa pagpapahigpit sa tali ng walis.
Ipinapakita lamang nito na ang bawat isa ay may kaniya-
kanyang purpose sa buhay.
Ngunit ngayon sa ating lipunan makikita natin na
pabawas ng pabawas ang mga taong nagkakaisa at
nagtutulungan. Tila rumurupok at unti-unti nang natatanggal
ang taling nagbibigkis sa kumpol ng walis.
Repleksiyon Mikyla P. Fabros 9- Quirino Navarro

“Anumang kabutihang ginagawa mo sa iyong


pinakaabang kapuwa, ginawa mo na rin ito sa Akin.”
Mateo 25:40
Sa bersong ito na mula sa bibliya, ang nais lamang
nitong sabihin ay sa bawat kabutihan na ating ginagawa sa
ating kapuwa ay kabutihan na ginawa mo na rin sa Kaniya. Ang
pagtulong natin sa ating gawa ay may benepisyo hindi lamang
sa ating tinulungan kundi sa atin ding mga sarili. Matutulungan
rin tayo nitong lumago ang ating pagkatao at maging isang
mabuting mamamayan.
Ang bawat isa sa atin ay may angking kakayahan at
talento. Ang mga ito ay maaari nating gamitin upang
makatulong sa ating kapuwa. Gaya ng nabanggit kanina na ang
paggawa ng mabuti sa kapuwa ay paggawa na rin ng mabuti sa
Kaniya. Dahil dito nararapat lamang natin na tulungan ang
ating kapuwa upang makagawa ng mabuti sa Panginoon. Ang
paggawa ng mabuti para sa kaniya ay isang paraan upang
magpakita ng utang na loob sa kaniyang ginawa para sa atin.
Sa panahon ngayon ay paunti narin ng paunti ang
nagkukusang gumawa ng kabutihan tungo sa kanilang
kapuwa. Kadalasan ay nanghihingi o nagaantay na ng kapalit
sa bawat kabutihan na kanilang ginawa at ito ay mali. Dapat
nating gawan ng kabutihan ang ating kapuwa ng may
pagkukusa at walang hinihinging kapalit.

You might also like