You are on page 1of 1

Gawain 1

Saliksikin ang Tunay na Sampung Utos ni Apolinario Mabini. Basahin, suriiin, at ipaliwanag sa isang
pangungusap ang diwang nakapaloob sa bawat utos sa sanaysay na ito.

Sagot:

Matapos kong masuri ang akda ni Apolinario Mabini na ang “ Tunay na Sampung Utos” naramdaman ko
kung gaano kainit ang pagmamahal ni Mabini sa inang bayan.Dahil makikita sa kabuuan ng akda kung
paano hikayatin ang bawat pilipino na ipalaganap ang nasyonalismo, manindigan na kumilos upang
makuha ang kalayaan, at gawin ang tama sa ikauunlad ng inang bayan.At masasabi ko naman na
magiging epektibo ang paraan ng panghihikayat ni Mabini sa mga pilipinong makababasa nito dahil
mapapansin natin sa pagkakabuo ng bawat utos nakalakip na agad dito ang magandang resulta kapag
sinunod nila ang mga ito.Halimbawa na lamang, ang utos na pagyamanin ang mga katangiang bigay ng
Diyos sa pamamagitan ng pag aaral nang sa gayon magiging malaking tulong ito sa ikauunlad ng bayan.
At ang utos na nagsasabi na unahin ang kalayaan ng bayan at huwag ang sariling kalayaan dahil kapag
malaya ang bayan hindi lamang ang sarili, maging ang pamilya at ang susunod na henerasyon ng
kanyang pamilya ay magiging malaya rin naman.At ang utos na magtatag ng republika at hindi ng
kaharian dahil mas mainam ang pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa taong bayan at hindi nasa
iisang angkan lamang. Kaya nakita natin kung papaano ipinamulat agad ni Mabini ang paghaharap agad
ng resulta nang sa gayon ay mahikayat silang sundin ang mga ito.

Masasalamin din natin dito kung ano ang nangingibabaw noon; na unahin muna ang kapakanan ng inang
bayan bago ang pamilya na kung ating iisipin kabaligtaran na iyan ng pangyayari ngayon, na mas inuuna
na ang pamilya at hindi naman natin maikakaila ang katotohanang iyan.Kaya dahil diyan, naisip ko kung
bakit ganoon kadeboto ang mga naging bayani natin na ibuwis ang kanilang buhay para sa bayan noon.
Madarama rin sa akda ang puwersang palaban na nangingibabaw sa utos na huwag kilalanin ang
sinumang namumuno sa sariling bayan na hindi naman inihalal ng taong bayan.Naisip ko tuloy na itong
partikular na utos na ito ang nagbigay lakas loob o naging inspirasyon sa mga pilipino na maghimagsik sa
mga taong sumakop satin na pumipilit na mailagay tayo sa ilalim ng kanilang pamumuno. Kaya sa
kabuuan ng akdang ito ni Apolinario Mabini nakita natin kung gaano kalaki ang ambag nito sa kamalayan
ng mga pilipino na manindigan sa kung ano ang tama para sa bayan kahit kapalit pa ay ang pagbubuwis
ng kanilang buhay.

You might also like