You are on page 1of 15

Paglinang ng Talasalitaan

RIZALINA D. TRUYA
Mga Teknik at Gawain
sa Pagtuturo ng
Talasalitaan
Paggamit ng mga Biswal.
• Maraming mga tiyak na salita tulad ng
mga bagay sa loob ng classroom, mga
hayop at mga halaman pati na ang
mga lawak ng talasalitaan na batay sa
iba’t-ibang paksa tulad ng mga
hanapbuhay, mga pagdiriwang o mga
holidays, pook libangan at pook
dalanginan ng mabisang maituturo sa
pamamagitan ng iba’t-ibang
kagamitang biswal.
• Ang mga kagamitang biwal ay
mga drawing sa pisara, chart,
litrato, flashcard, mapa at mga
tunay na bagay o realia. Bukod
sa mga pantulong na biswal,
maaring gamitin din ang mga
kumpas o galaw, ekspresyon
ng mukha at panggagagad.
Ang mga halimbawa ay:
• Ekspresyon ng mukha sa pagpapakita
ng damdamin – galit, pagod, masaya,
tumatawa, umiiyak, pagtanggi, gusto,
atb.
• Paggagad ng kilos – kain, madulas,
gisingin, dahan-dahan, mabilis mabagal,
patakbo-takbo, pagwawalis, atb.
• Paggalaw ng kamay at mga daliri –
paliko, puluputin, bilis, maliit, malawak
atb.
Sa ibaba ay ilan pang mga karagdagang
mga gawaing gumagamit ng biswal sa
pagtuturo ng talasalitaan:
• Ugnayang Salita-Larawan. Magpapakita
ang guro ng isang larawan at pagbigayin ang
mga mag-aaral ng mga salitang maiuugnay dito.
Halimbawa:
• Ang larawan ng mga pagkain ay maaring
makalikha ng mga salita tulad ng masarap,
malinamnam, mapakla, pampalusog,
masustansya.
• Ang larawan naman ng isang
orasan ay makalikha ng mga salita
na gaya ng oras pagmamadali,
maagap, traffic, huli, maaga.
Maaaring isagawa ito nang
pasalita o pasulat.
• Ang paggamit ng mga mapa,
graph, talahanayan ay mabisa rin
sa pagpapakahulugan o
pagpapaliwanag ng mga konsepto.
• Paggamit ng mga Salita. Kapag ang
bibigyang kahulugan ay mga
konseptong mahirap mauunawaan
(abstract) mas makakabuting
gamitin ng guro ang iba’t-ibang
berbal teknik gaya ng: paggamit ng
kasingkahulugan at katuturan;
paggamit ng kasalungat at
pagkokontrast; paggamit ng
konteksto, pagsusuri ng kayarian o
istruktura ng mga salita; at pag-
uugnay ng mga salita.
• Ang larong tugunan ay mahusay na
teknik din. Dito, magpapangkat ang
klase sa dalawa. Magbibigay ng isang
salita ang unang pangkat at tutugunan
ito ng katugmang salita ng ikalawang
pangkat. Halimbawa:

• Pangkat A Pangkat B
Harana Plaka
Puso Puno
Buhay Bahay
Laba Kaba
• Ang larong pagbubuo nga mga salita
ay makabuluhan din. Ipapahanap ng
guro sa mga mag-aaral ang maliit na
salitang matatagpuan o makikita sa
loob ng isang mahabang salita
(magkakasunod na titik lamang).
Halimbawa:

Salita: sumasampalataya
Sampa, taya, atay, sampal, alat, asam,
masa, umasa, lata, pala, asa, atb.
• Maari namang paramihin ng
mabubuong salita mula sa isang
salitan-ugat (malayang morpema)
sa tulong ng mga panlapi (di-
malayang morpema).
Halimbawa:

Salitang-ugat: sulat
Isulat, sulatan, susulatan, pasulatan,
sinulat, nasulatan, atb.
• Ang pagpuno ng titik ay isang laro
rin. Ipasulat ang nawawalang titik
sa patlang para mabuo ang
salitang kaugnay ng kahulugan.

Salitang-ugat: tanda
_ _ tanda – hindi bata
T_ _ anda – maragdagan ng
edad
Tanda_ _ - huwag kalimutan
• Paggamit ng Diksyunaryo. Mapaunlad
din ang sariling imbakan ng mga
talasalitaan sa paggamit ng
diksyunaryo.
• Magagamit din ang diksyunaryo sa
paglinaw ng ilang lawak ng kaalaman
na nauukol sa isang salita gaya ng
bahagi ng pananalita, wastong
pagbigkas, wastong baybay o di kaya’y
ang pinagmulan ng salita.
• Pagsasalin. Maaari itong gamitin
para sa higit na ikakanaw ng
salitang bibigyang kahulugan.
• Dapat na maging maingat ang
guro sa paggamit ng pagsasalin
sapagkat ipinapayong gamitin
lamang ito kung wala nang iba
pang paraan o teknik na
magagamit sa pagpapkahulugan
ng isang salita.

You might also like