You are on page 1of 5

PAKITANG-TURO SA FILIPINO IV

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino IV


Integrasyon ng Makabagong Teknolohiya sa Pagtuturo ng
Filipino

I. Mga Layunin:

A. Nakapagbabahagi ng mga dati ng kaalaman tungkol sa karanasang


nakapaloob sa akda.
B. Nabibigyang-kahulugan ang mga matalinghagang salitang ginamit sa
akda.
C. Nasusuri ang tauhan batay sa kanyang saloobin at paniniwala.
D. Natutukoy at nabibigyang-halaga ang mga bahagi ng sa akda na
nagpapakita ng kapangyarihan ng tao.

II. Paksang-Aralin:

A. Maikling Kwentong Thai

“ Aanhin Nino Yan? “

B. Kaisipan: Ang paggawa ng kabutihan ay maaaring maging sandata


upang ang ugali ng iyong kapwa ay maiba.
III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng Liban
4. Pamukaw-sigla

B. Pagganyak:
Pagpapanuod ng balita. ( Tungkol sa araling tinalakay )

1. Ano napansin ninyo sa balitang inyong napanuod?

C. Pangkatang Gawain

Pangkat 1:Pagsusuring Panglinggwistika

Gawain 1: Pagsusuri sa mga salitang ginamit sa akda batay sa


sa kahulugan nito sa teksto.
Gawain 2: Pagbabahagi ng Impresyon
a. Nakatulong ba ang salitang ito sa madaling pagkaunawa
Sa akda?
b. Sa pagbabago ng saloobin ng holdaper? Pangatwiranan.

Pangkat 2: Pagsusuring Pangnilalaman

Gawain 1: Pagpapakilala sa pangunahing tauhan


“ Character Puzzle “
*Mahalaga bang mabatid ang damdamin at paniniwala ng kapwa?

Pangkat 3 at 4: Pagsusuring Pampanitikan


Gawain 1: Pag-iisa-isa ng mga bahagi ng akda na nagpapakita ng
Kapangyarihan ng tao.
“ Pagsasagawa ng Tableau o kilos paestatwa”

( ang bawat pangkat ay gagamit ng “Mp3 0 Power point


Presentation” sa kanilang pag-uulat)

D. Pagbabahaginan ng nabuong usapan ng bawat pangkat.

E. Pagkuha ng feedback sa iba pang kamag-aral.

F. Pagbuo ng kaalamang tinalakay

1. Ano ang pinakagusto ninyo kay Nhai Phan? Bakit?


2. Naibigan ba ninyo ang tinalakay na kwento? Aling bahagi?

G. Pagtataya:

Panuto: Pilin ang titik ng pinakamalapit na kahulugan ng mga


Sumusunod na pahayag.
1. “Mas masarap matulog kaysa magpayaman ng mabilis” ang
pahayag na ito ni Nhai Phan ay nag-papatunay na:

a. Mayaman na siya
b. Mahilig siyang matulog
c. Lagi siyang puyat sa gabi
d. Kuntento na siya sa kanyang buhay

2. Si Nhai Phan ay kilala sa kanilang lugar dahil:


a. Mahilig siyang mamamigay
b. Palaging natutulog
c. Masarap siyang magluto ng sinangag
d. Siya ay isang pulitiko
3. Hindi man lamang hinipo ng lalaki ang perang ipinagka-
Kaloob ni Nhai Phan sapagkat.
a. Kulang ang perang ito
b. Nakunsensya sya sa kabaitan ni Nhai Phan
c. Naawa siya kay Nhai Phan
d. Dumating ang mga pulis
4. Ayon sa estranghero, hindi na siya nagtitiwala sa kahit kanino
Ito ay nangangahulugan na:
a. Masama ang kanyang ugali
b. Wala na siyang tiwala sa lahat
c. Galit siya sa lahat
d. Gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay
5. Ibinigay ng estranghero ang baril kay Nhai Phan bago siya umalis
a. Hindi niya ito kailangan sa kanyang pagbabagong buhay
b. Ibinenta na lamang niya ito kay Nhai Phai
c. Hiningi ni Nhai Phan ang baril dahil nagandahan siya dito
d. Walang lisensya ang baril at natakot siyang
Inihanda ni:

Gng. Marlyn E. Soriano


Guro sa Filipino

Isinagguni kay:

Bb. Susan M. Roxas


Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino

Kagawaran ng Filipino

Kapitolyo High School

Binigyang –pansin ni: Pinagtibay ni:

G. Domingo N. Vinas Dr. Florecia C. Veniegas


Punong-Guro Superbisor sa Filipino

You might also like