You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng mga aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
a.natutukoy nang may kawastuhan ang mga pangyayari sa akda sa pamamgitan
ng malayang talakayan
b. napahahalagahan ang pantay na pagtrato sa kapwa maging mayaman man o
mahirap
c.nakaguguhit ng ng ibat ibang klase ng damit na kakatawan sa mga yugto ng
pagbabago sa pangunahing tauhan

II. PAKSANG ARALIN

Panitikan : Sandaang Damit ni Fanny Garcia


Pagpapahalaga : Pagpapahalaga at paggalang sa kapwa
Sangguinian:
Modyul sa mga Mag-aaral sa Filipino 7, pahina 150-164
Mga Kagamitan: larawan ng bullying, kopya ng akda

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a) Pagdarasal
b) Pagkuha ng mga liban sa klase
c) Pagtsetsek ng kalinisan ng paligid

B. Pagganyak

1. Pagpapakita ng larawan ng bullying.


Malayang talakayan gamit ang mga sumusunod na tanong:
a.) Alam ba ninyo kung ano ang bullying?
b.) Naranasan niyo na bang ma-bully?

C. Presentasyon ng Aralin

A. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod at gamitin sa sariling pangungusap.

1. Teheras 4. Pagyayabang
2. Paanas 5. Walang-imik
3. Pambubuska

B. Pagtalakay sa aralin

Pagbasa sa akdang Sandaang Damit ni Fanny Garcia.


( Tatawag ng mag-aaral na babasa nang malakas sa bawat bahagi ng kuwento
matapos ang pagbasa magkakaroon ng tanungan o talakayan sa bahaging
binasa)

Mga Gabay na Tanong


1. Ilarawan ang pisikal at emosyonal na kalagayan ng babae.
2. Bakit naging malulungkutin at walang-kibo ang batang babae?
3. Ano sa palagay ninyo ang estado ng pamumuhay ng pamilya ng batang
babae?
4. Naniniwala ka ba na may sandaang damit ang batang babae? Bakit oo?
Bakit hindi?
5. Ano ang inyong naging damdamin sa wakas ng kuwento? Bakit ganito
ang inyong naramdaman?

IV. Ebalwasyon ( Indibidwal na Gawain)


Iguhit ang transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan sa pamamagitan ng
pagguhit ng ibat ibang klase ng damit na kakatawan sa mga yugto ng pagbabago
sa batang babae.

V. Takdang-aralin
1. Ano ang diskriminasyon ?
2. Ano-ano ang ibat ibang uri ng diskriminasyon sa lipunan ?

You might also like