You are on page 1of 2

1.

Ang motibasyon ay may kahulugang kawilihan ng isang tao na gumawa ng isang


partikular na bagay na paggabay sa pag-uugali ng isang tao dahil ang motibasyon ay
isang inspirasyon upang tapusin ang nasimulan(lDornyei (2001) dagdag pa nga na ang
motibasyon ay isang mahalagang papel sa akademikong tagumpay ng isang mag-aaral
maging panlabas o panloob man dahil ito ay nakatuon sa interes ng isang mag-aara
(Pintrich et al. (1994)

Dahil may dalawang klase ang motibasyon ang una na panlabas na motibasyon
na kung saan na tatapusin talaga ang isang gawin mula sa simula hanggang matapos
dahil may kaakibat na premyo o papuri mula sa kanyang guro dahil napagtagumpayan
niya ang kanyang ginawa at ikalawan naman ay ang panloob na may kawilihan o
kusang loob na gumawa kahit walang kapalit anuman premyo o papuri na ang
mahalaga ay natapos ang isang Gawain.( Evangeline D. Algabre,
Evangeline,et.al,2014)

Maglaanan ng panahon na matukoy ang motibasyon ng mga guro na siyang


magsisilbing puwersa sa aktibong pag-aaral sapagkat ito ang sukatan sa aktibong
motibasyon ng bawat mag-aaral na dapat akma sa pangangailangan ng mga mag-aaral
na gagamitin sa pagtuturo upang mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral ang isang
paksang tatalakayin.Dahil kung sapat ang pasilidad,may gana ang guro at mag-aaral
walang alinlangan na makakamit ang makabuluhang pagtamo sa akademikong
pagganap sa loob ng klase ((Han at Yin,2016)

2.

May mga bagay na humahadlang sa magandang motibasyon ng guro dahil na rin


sa mga problemang bitbit ng mga guro mula sa kani-kanilang pamamahay kaya
nawalan ng gana sa pagtuturo na makikita o mapapansin din ng mga mag-aaral kaya
nawalan rin ng gana ng mga mag-aaral na matuto. May ilan din na ang mga magulang
ang siyang rin dahilan sa pagkawala ng motibasyon ng guro dahil sa tingin ng mga
magulang mas mataas sila kaysa mga guro.Ang motibasyon ng guro ay mayroong
ilang epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral, dahil nagiging daan tungo sa
pagkakaroon ng pangarap, tungo sa pagkakaroon ng karagdagang diskarte at
enerhiya, ang motibasyon ay nakadaragdag ng resistensya para sa mga gawain,
nakakaapekto ito sa proseso ng pagbibigay malay.( (Aydin, 2012; Han at
Mahzoun,2018).

Upang lalo lang mapahusay ang pagkatuto ng wika ay kailangan sumusunod sa


mga hakbangin dahil may malaking naitulong sa pagpapaunlad ng isang wika na tulad
na lamang ng pisikal na mga aspeto at ang mga pasilidad ng silid-aralan (hal. access sa
mabuting ang mga kagamitan o walang limitasyong halaga ng mga materyal) ay
maaaring magkaroon ng epekto sa mga motibasyon ng guro. Kahit sa pisikal na
kondisyon tulad ng temperatura, kasiyahan at acoustics ng klase, ang kanyang laki at
upuan ay maaaring makatulong sa parehong mga mag-aaral at nagtutuon ang mga
guro. Ito ay nagpapahiwatig na ang pisikal na setting ng silid-aralan ay nakakaapekto sa
panghihikayat ng mga guro na tuwirang mahikayat sila ng agarang setting na ito, sa
isang positibo o sa isang negatibong paraan (Pourtoussi et al., 2018). Dagdag pa, sa
pamagitan ng ganitong gawin ay lalong mapaigting ang kahusayan ng wika sa isang
bata dahil kung maganda ang motibasyon nailatag na guro sa pagtalakay ng wika ay
agad-agad na mauunawana ang mga estudyante ang pagkatuto ng wika.( (Pourtoussi
et al., 2018).

Dahil ang wika ang sinasabing katangian sa tao at ang matutuhan ang wika sa
pamamagitan ng pagkatuto sa kabuuan ng pagkatao. Dahil ang wika ay isang
repleksyon sa realidad na pagkaunawa ((Martinich, 1985). Dagdag pa na ang wika
isang ekspresyon ng damdamin,kaisipan,mga layunin sa buhay na may pangarap.Ito
ang dahilan kung bakit kailangan na ang guro ay magturo ng tamang balangkas sa wika
sa kanyang pagtuturo na may malalim na pagtuturo at masining na kaalaman upang
mapahusay ang pagtuturo.( (Aydin, 2012; Han at Mahzoun,2018).

You might also like