You are on page 1of 19

Epekto ng Estratehiya sa Pagtuturo ni Ginoong Jerome Renze Matol sa Una Hanggang

Ikatlong Antas ng Ingles Medyor sa Abuyog Community College, Abuyog, Leyte

Isang Pananaliksik na Iniharap kay


Ginoong Jerome Renze Matol

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Gawaing Kailangan sa Pagtamo ng Pampinal na

Marka sa Asignaturang GE-8 Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Awtor:

Adtoon, John Paul


Colot, Amelia
Lozada, Abigail

Mayo 2020
Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang GE_8 Filipino sa

Iba’t Ibang Disiplina, ang pamanahong papel na ito ay pinamagatang “Epekto ng

Estratehiya sa Pagtuturo ni Ginoong Jerome Renze Matol sa Una Hanggang Ikatlong

Antas ng Ingles Medyor sa Abuyog Community College, Abuyog, Leyte” ay inihanda at

hinarap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa kursong Bachelor of Elementary Education

na binuo nina:

________________ _________________
_________________
Adtoon, John Paul Colot, Amelia Lozada, Abigail

Isa sa mga pangangailangan sa asignaturang GE_8 Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina.

__________________________
Propesor Jerome Renze Matol
Pasasalamat

Nais pasalamatan ng mga mananaliksik ang mga taong hindi nagsawang magbigay ng

suporta upang maging matagumpay ang kanilang pag-aaral.

Kay Prop. Jerome Renze Matol, sa walang sawang paggabay at pagbibigay ng ideya,

kaalaman at kasanayan sa mga mananaliksik upang maging maayos at makabuluhan ito.

Sa mga kamag-aral at kaibigang handang magbigay linaw sa oras ng kaguluhan sa

panahon ng pag-aayos ng pamanahong papel.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik na palaging nandiyan upang bigyan ng buong

suporta sa aspetong pinansyal at moral ang mga anak ng sa ganoon ay masiguradong

nagaganyak ito sa pag-aaral.

Sa Diyos Amang nasa langit, sa kanyang paggabay sa tamang landas na tinatahak ng

mga mananaliksik at sa pagbigay kalinawan sa kanilang pag-iisip upang maging aktibo sa

pagtapos sa mga hinihingi ng paaralan.

Muli, maraming salamat.

Mga Mananaliksik
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ay naglalayong makalinang ng mag-aaral na may tiyak na marangal na

karakter, mabuti, maalam, may kakayahang mapanlikha at responsableng mag-aaral at bilang

isang mamamayan. Ang pagtuturo ay komplikadong paraan, ito ay hindi lang tungkol sa

paghahatid-impormasyon sa mga mag-aaral sa bawat araw (Act No. 20 of 2003).

Ayon kay Slamento (2010), nagiging matagumpay ang pag-aaral dahil sa ilang salik.

Nabibilang sa internal na salik ang pisikal at pangkaisipan na salik. Sa panlabas na salik,

labas sa mismong indibidwal. Kasali rito ang pamilya, paaralan, at komunidad na

nakakaapekto.

Kilala sa mundo ng edukasyon ang iba’t ibang metodo ng pag-aaral dahil kung wala

ang mga ito, ang pag-aaral ay hindi magiging epektibo. Dahil diyan, mahalagang magkaroon

ng epektibong pamamaraan ng pag-aaral upang ang proseso ng pagkatuto ay maging ganap

na madali. Bawat guro ay kinakailangan na magkaroon ng sariling pamamaraan o metodo sa

pagpresenta ng mga pag-aaralan sa mga estudyante (Sudjuna, 2010).

Ang mga guro bilang propesyonal ay palaging matatagpuan sa paaralan. Ang paaralan

ay institusyon kung saan ang pagkatuto ay nagaganap sa ilalim ng pamamatnubay ng isang

tinatawag na propesyonal na guro (Bilbao, 2019).

Bawat guro ay may ginagamit na estratehiya sa pagtutuo at ito ay tumutukoy sa mga

pamamaraan na ginagamit upang matulungan ang mga mag-aaral na matutunan ang mga
nilalaman bg kurso at ng sa ganon ay malinang at matamo ang mga layunin sa hinaharap

(Armstrong, 2013).

Ang bisa ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay nakadepende sa estratehiya o

metodo na gamit ng guro (Atandi, et al. 2019). Mahalagang paglaanan ng panahon na

matukoy ang mga estilo ng pagtuturo na siyang nagsisilbing puwersa sa aktibong pag-aaral

sapagkat ito ang sukatan sa aktibong motibasyon ng bawat mag-aaral na dapat akma ang mga

estilong gagamitin sa pagtuturo upang mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral ang isang

paksang tatalakayin (Lopez, et al. 2018).

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng estratehiya sa

pagtuturo ni ginoong Jerome Renze Matol sa una hanggang ikatlong antas ng Ingles Medyor

ng Abuyog Community College.

Ang pag-aaral na ito ay ay hangad na sagutin ang mga sumusunod:

1. Sa paanong paraan masasabi ng saklaw na Ingles medyor na epektibo ang pagtuturo

ng isang guro?

2. Ano ang batayan nila upang masabi ang kalidad ng estratehiya sa pagtuturo ng isang

guro?

3. Ano ang epekto ng estratehiya sa pagtuturo ni Ginoong Jerome Renze Matol sa

kanila?

4. Paano ng Ingles medyor hinaharap ang estratehiya sa pagtuturo ni Ginoong Jerome

Renze Matol?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay binuo upang alamin ang kahalagahang dulot ng paksa sa iba’t

ibang aspetong kinasasaklawan nito. Tinutukoy ng naturang pag-aaral ang kabutihang dulot

ng paksa hindi lamang para sa mismong mag-aaral kung hind maging sa kalidad ng pagtuturo

ng mga guro.

Dulot ng kahalagahan ang kalalabasan ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

a. Kahalagahan sa Mag-aaral

Napakahalaga na maging sulit ang oras o panahong inilalaan ng mag-aaral sa

paaralan. Ang pag-aaral na ito ay susubok alamin ang epekto ng estratehiya sa pagtuturo ni

Ginoong Jerome Matol sa Ingles medyor ng Abuyog Community College. Hahanap ng mga

pamamaraang kababagayan ng mag-aaral upang higit na mapadali ang pagkuha ng wastong

kaalaman.

b. Kahalagahan ng Guro

Ang pagtuturo ay propesyon kung saan ang tagumpay ay nakadepende sa mga mag-

aaral subalit, may ilang guro na kayang gawing pinakamahusay sa klase ang isang mag-aaral.

Malinaw na ang pagkakaunawa sa isang paksang itinuturo ay depende sa pamamaraan ng

guro.

c. Kahalagahan sa Magulang
Bawat magulang ay naghahangad ng maunlad at de-kalidad na edukasyon para sa

kanilang anak. Kaya, siguradong magiging kapaki-pakinabang ang lahat ng sakripisyo ng

magulang kung magkakaroon ng estratehiya na epektibo upang mahasa at mapaunlad ang

kaalaman ng kanilang mga anak.

d. Kahalagahan sa Institusyon ng Abuyog Community College

Ang pagnanais ng bawat guro na gawaing may kakayahan, maunlad, at aktibo ang

kanilang mag-aaral ay magiging isang karangalan para sa institusyong linabibilangan

sapagkat ang performance ng mag-aaral ay sumasalamin sa galling at pagsisikap ng mga guro

at ito ay magbibigay katanyagan sa paaralan.

SAKLAW LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral sa una hanggang ikatlong

antas ng mga Ingles medyor sa Abuyog Community College at kung ano ang epekto ng mga

estratehiya sa pagtuturo ni Ginoong Jerome Renze Matol.

Ang paksang ito ay walang ibang hangarin kung hindi alamin ang persepyon ng mga

estudyante sa kung paano sila naaapektuhan ng estratehiya sa pagtuturo at kung paano nila

hinaharap ito upang gawing mas makabuluhan ang pagkatuto.

Hindi na saklaw ng pag-aaral ang estratehiya sa pagtuturo ng ibang mga guro sa

Abuyog Community College dahil ang estratehiya lamang ni Ginoong Jerome Renze Matol

ang dapat talakayin ng pag-aaral.


DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

 Estratehiya sa Pagtuturo

Ito ay general na plano para sa isang pagtuturo kung saan, kasali ditto ang

struktura, layuning pang-edukasyon at ang balangkas ng planong taktika, na kailangan

upang maimplementa ang estratehiya (Isaac, 2010). At saka, ipinaliwanag ni Isaac

(2010) na ang paraan ng pagtuturo ay ang pag-uugali ng isang guro na kanyang

ipinapakita sa silid-aralan i.e. ang kalalabasan ng estratehiya sa pagtuturo, pagbibigay

ng wastong pampasigla para sa napapanahong pagtugon, pagbabarena ng nalamang

tugon, pagdami ng tugon sa pamamagitan ng dagdag na gawain at iba pa.

 Propesyonal na Guro

Sa pinakabatayang antas, ang depinisyon ng isang propesyonal na guro ay

“tumutukoy sa kalagayan ng isang tao na binabayaran para magturo (Tichenor, J &

Tichenor, M. 2005). Kung sa mas mataas na uri ng pagbibigay kahulugan,

ipinaliwanag ni Wise (1989), na ang propesyonal na guro ay siyang mayroong

malawak na kaalaman sa isang asignatura na kanyang itinuturo at totoo sa

pangkaisipang pangangailangan. Sila rin ay may kakayahan na suriin ang bawat

kakulangan ng mag-aaral kung saan, ito ay kanilang responsibilidad. Alam nila ang
batayan ng pagsasanay ng kanilang propesyon. At, sila ay may pananagutan upang

makamit ang pangangailangan ng kanilang mag-aaral.

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Edukasyon ang tinutukoy na pinakamabisang ahente ng pagbabagong sosyal at

personal na nag-iiwan ng mapanghugis na epekto sa mga mag-aaral (Atandi, Gisore & Ntabo,

2019). Ayon kay Oigaro (2011), isa sa pangunahing tunguhin ng pagtuturo sa anumang antas

ng edukasyon ay ang maging dahilan ng napaka-halagang pagbabago sa mga mag-aaral sa

pamamagitan ng ibat-ibang metodo sa pagtuturo at pagkatuto.

Mahalagang paglaanan ng panahon na matukoy ang mga estilo ng pagtuturo ng mga

guro na siyang magsisilbing puwersa sa aktibong pag-aaral sapagkat ito ang sukatan sa

aktibong motibasyon ng bawat mag-aaral na dapat akma ang estilong gagamitin sa pagtuturo

upang mas lalong maintindihan ng mga mag-aaral ang isang paksang tatalakayin. Ang mga

estratehiya sa pagtuturo ay may malaki at mahalagang tungkulin sa pagbibigay ng tulong sa

guro upang ang mga katotohanang nakapaloob dito ay maihatid patungo sa mga mag aaral na

mas madali at mas maganda ang kalidad ng gawain (Lopez, Alquizota & Yap, 2018).

Lahat ng gawain Malaki man o maliit ay ginagamitan ng mga pamamaraan upang

matapos ang naturang Gawain at sa kabilang banda, habang ang pangangailangan sa mga
Gawain ay dumarami lalo sa pagtuturo, ang nakikitang problema dito na kailangang

pagtuunan ng pansin ay tungkol sa pamamaraan, metodo, estratehiya na siyang dapat

rebisahin at paunlarin pa upang ang mga resultang minimithi ay siyang matugunan.

Mahalaga na ang estilo ng pagtuturo ay tumutulong sa mga mag-aaral na makisangkot

sa talakayan upang tumaas ang kanilang lebel ng katalinuhan sa pamamaraang hikayatin ang

mag-aaral na sumali sa iba’t ibang Gawain sa paksang aralin bagama’t hayaan ang mag-aaral

na matuto sa kanilang sariling pang-unawa (Munir at Rehnan, 2016).

Ayon sa mga guro ng Unibersidad ng Corcodia Port Land (2017), bilang isang

tagapagturo isinaalang-alang mo kung paano mo gusto lapatan ang iyong paraan ng pagtuturo

at ikaw bilang guro ay nagnanais na gumamit ng isang paraan na kapakipakinabang para sa

lahat ng iyong mga mag-aaral upang tamasahin nila ang proseso ng pag-aaral at para naman

sa iyong silid-aralan, maging maayos at kontrolado ito.

Bawat guro ay itunuturing na liwanag sa silid-aralan at sa napakaraming

responsibilidad na mula sa pinakasimple patungo sa pinakakumplikado. Ito ay

nangangailangan ng ibat ibang mga estilo sa pagtuturo o pamamaraan upang makuha ang

interes ng mga mag-aaral. Higit sa lahat, ang mga guro ay dapat magkaroon ng sapat na

kaalaman sa mga layunin at pamantayan ng kurikulum, kasanayan sa pagtuturo, interes,

pagpapahalaga at mga mithiin (Barteros, Elozalo & Padayogdog, 2018)

Batay sa pagpapaliwanag ni Quinonez (2014), ang estilo ng pagtuturo ng mga guro ay

base sa kanilang pilosopiya sa edukasyon, demegrapiko ng kanilang silid-aralan, kung ano

ang paksa at kung ano ang misyon ng paaralan. Sa karagdagan, ayon sa pag-aaral nina Lopez,

Alquizola at Yap (2018), ang pagkuha ng malaking marka sa pagganap sa pag-aaral ay

nakakaganyak sa mga mag-aaral na makilahok sa pag-aaral.


Nadiskubre sa kamakailang pagsisiyasat na ang ibang katangian ng epektibong

kapaligiran ng silid-aralan ay kasali ang organisasyon kasanayan ng mga guro at ang kanilang

interaskyon sa mga mag-aaral (Grosmman, Loelo, Cchen, & Wyckoff, 2013: Mc Caffrey,

Miller & Staiger, 2013)

Ipinagpalagay naman nina Pianta at Hamre (2009) na sa pamamagitan ng pagbibigay

ng “emosyonal na pagsuporta, nalalaman, hindi nagbabago o kasang-ayon at ligtas na

kapaligiran” (p.113) makatutulong ang mga guro sa mga mag-aaral na magkaroon ng tiwala

sa sarili, pagganyak sa pagkatuto, at lakas upang sumubok. Higit sa lahat, sa pamamagitan ng

pagpapakita ng matibay na orginisasyon at maayos na pamamahala, ang mga mag-aaral ay

maaring makabuo ng sariling kakayahan na pangasiwaan sa sarili.


KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga

mananaliksik na ang “Descriptive Survey Research Design” na gumagamit ng talatanungan

para makalikom ng mga datos. Dahil sa layuning ipakita at ipaliwanag ang kamalayan at

persepyon ng mga mag-aaral mula sa Abuyog Community College, Abuyog, Leyte. Naaayon

lamang ang metodong gagamitin sapagkat ito ay naglalayong malaman ang detalye ayon sa

depenisyon, pagpapakahulugan, personal na pag-unawa, at komento tungkol sa paksang

saklaw.

RESPONDENTE

Pipiliin ang mga kalahok o mga respondent na direktang naapektuhan at inaasahang

makapagbibigay ng angkop na tugon patungkol sa paksa.


Ito ay kinasasangkutan ng tatlumpong mag-aaral mula sa Abuyog Community

College, Brgy. guintagbucan, Abuyog, Leyte. Sila ay sasagot sa mga inihandang katanungan

para sa sarbey.

Gagamit ng random sampling ang mga mananaliksik kung saan lahat ay may

pagkakataong mapiling respondent basta sila ay ingles medyor mula una hanggang ikatlong

antas na sumailalim sa pagtuturo ni Ginoong Jerome Renze Matol.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan bilang pangunahing instrumento sa

pagkalap ng mga datos na magagamit sap ag-aaral. Ang talatanungan ay mahahati sa

dalawang pangkat: ang profile at ang sarbey ukol sa paksang pinag-aaralan.

Narito ang sipi ng talatanungan upang lubos na maunawaan ang komposisyon nito na

gagamitin sap ag-aaral.


Pangalan (Optional): ____________________ Edad: ______

Antas: ___________________

Ang talatanungang ito ang magbibigay sagot at kalinawan tungkol sa Epekto ng


Estratehiya sa Pagtuturo ni Ginoong Jerome Renze Matol sa English Major na nabibilang sa
una hanggang ikatlong antas dito sa Abuyog Community College.

Sauta ayon sa inyong sariling obserbasyon at karanasan. Isulat sa espasyong nakalaan.

1. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo masasabi na epektibo ang pagtuturo ng


isang guro?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------------------------.
2. Ano ang iyong batayan upang masabi ang kalidad ng estratehiya sa pagtuturo ng isang
guro?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
3. Ano/Ano-ano ang mga estratehiya sa pagtuturo ang ginagamit ni Ginoong Jerome
Renze Matol?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
4. Nakatutulong bas a pagkaalam ng lubos ang gamit na estratehiya sa pagtuturo ng
guro?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
5. Paano niyo maipapaliwanag ang epektibong estratehiya sa pagtuturo?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
6. Paano niyo hinaharap ang estratehiya sa pagtuturo ni Ginoong Jerome Renze Matol?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
7. Ano ang epekto sa inyo ng gamit na estratehiya sa pagtuturo ni Ginnong Matol?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
TALASANGGUNIAN

Act No. 20 of 2003 Retrieved on February 15,2020 from https://www.global-


regulation.com/translation/indonesia/7223062/act-no.-20-of-2003.html
Aquino, A., Ed.D. (2015). Facilitating human learning 2nd edition. Quezon, City: Rex
Printing Company, Inc p. 101
Armstrong, J. (2013). Teaching strategies. Retrieved on February 11, 2020 from
http://www.innovatemyschool.com/ideas/item/446-the-10-most-powerful-teaching-
strategies.html
Barberos, M. T., Gozalo, A., & Padayogdog, E. (2018). The effect of the teacher’s teaching
style on students’ motivation action research. Retrieved on February 13, 2020 from
https://steinhardt.nyu.edu/teachlearn/research/action/motivation.
Corcodia University – Portland. (2017). Which is best: teacher-centered or student-centered
education? Retrieved on February 13, 2020 from
https://education.cuportland.edu./blog/classroom-resources/which-isbest-teacher-
centered-or-student-centered
Fernandez, et.al., (2010). Mga saliksa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa
asignaturang Filipino sa mataas na paaralan ng polompon institute of technology
polompon, leyte. Retrieved on February 13, 2020 from
https://www.slideshare.net/lourlse/research- paper-in-filipino
Isaac, J. C. (2010). Methods and strategies of teaching: an overview. Retrieved on February
13, 2020 from
https://www.researchgate.net/publication/327433965_TEACHING_STRATEGIES
Lopez, J., Alquizola, A., & Yap, R. (2018). Estilo ng pagtuturo ng mga guro at ang aktibong
motibasyon ng mga mag-aaral. Retrieved on Febraury 13, 2020 from https://
https://www.academia.edu/37968542/ESTILO_NG_PAGTUTURO_NG_MGA_GUR
O_AT_ANG_AKTIBONG_MOTIBASYON_NG_MGA_MAG-AARAL
Munir, F., & Rehman, A. U. (2016). Most frequent teaching styles and students’ learning
strategies in public high schools of lohore, pakistan. Retrieved on February 13, 2020
from
https://www.researchgate.net/publication/325946490_Relation_between_Students’_P
erception_of_Teaching_Styles_and_Academic_Engagement__in_South_Valley_and_
Assiut-Universities
Oigara, J. (2011). The effect of school environment on student achievement and self-esteem:
a case study of kenya. Special issue on behavioral and social science, 50-54
Pianta, R. C., & Hamre, B. K. (2009). Conceptualization, measurement, and improvement of
classroom processes: Standardized observation can leverage capacity. Retrieved on
February 15, 2020 from
https://journals.sagepub.com/doi/full/10.3102/0013189X09332374
Quinonez, N. (2014). Different teaching styles and how they affect your students. Retrieved
on February 13, 2020. Retrieved from https://blog.udemy.com/teaching-styles/.
Tichenor, J. & Tichenor, M. (2005). Understanding teachers’ perspective on professionalism.
Retrived on April 20, 2020 from https://http://scholar.google.com.ph/scholar_url?
url=https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ728484.pdf&hl=en&sa=X&scisig=AAGBfm3_
E4i-JMnaDucm2BRaNougOnpa4Q&nossl=1&oi=scholarr

You might also like