You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XII KIDAPAWAN CITY DIVISION
J.P LAUREL CORNER QUIRINO STREET. KIDAPAWAN CITY

PANG ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO


Paaralan Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Kidapawan Baitang 9
Guro BRICXIE DAYNE A. LANCE Asignatura Araling Panlipunan
Petsa/Oras Feb 13, 2024 Markahan Ikatlo
I. MGA LAYUNIN
a. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
b. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing
kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
c. Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

d. Tiyak na Layunin Nasusuri ang mga pamamaraan at konsepto ng pambansang kita ng bansa.

II. NILALAMAN Pagsusuri ng Pambansang Kita ng Bansa


III. KAGAMITANG PANTURO Ekonomiks: Araling Panlipunan
Powerpoint presentation, aklat, construction paper, kahon, pentelpen, at iba pa.
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro pp. 173-176
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral pp. 173-176
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin o Ano-ano ang mga nauugnay sa paikot na daloy ng mga produkto at serbisyo na naglalarawan
pagsisimula ng bagong aralin sa kaganapan ng buong ekonomiya?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magpapakita ng larawang may kinalaman sa Kita ng Bansa

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa 1. Ano ang ipinapakita ng larawan?


sa bagong aralin 2. Ano sa palagay niyo ang koneksiyon ng mga larawang nakita sa pambansang kita?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto QUIZ BOWL! Pangkatang Gawain


at Paglalahad ng bagong • Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.
kasanayan #1 • Ang bawat pangkat ay magtutulong-tulong sa paghula ng tamang sagot sa bawat tanong.
• Bubunot ang guro ng papel sa kahon kung saan nakasulat ang mga tanong at babasahin ito.
• Huhulaan ng bawat pangkat ang tamang sagot sa tanong.
• Pipili lamang sila ng sagot sa loob ng kahon na ipapakita sa powerpoint presentation at
isusulat ito sa binigay na materyales.
• Bibigyan lamang sila ng sampung segundo sa pagpili ng sagot at isa pang sampung segundo
para sa pagsulat. Pagkatapos ay itataas nila ito kapag sinabi ng guro na itaas.
• Sa bawat tamang sagot, bibigyang ng limang puntos ang pangkat.

(May sampung tanong sa loob ng kahon at bawat tanong ay may katumbas na limang puntos na
may kabuuang limampung puntos.)

Mga tanong na nasa kahon:


1. Ito ay ang kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serisyo na nagawa ng
isang bansa. – GNP/GNI
2. Ito ay ang halaga ng produkto at serbisyo na umiiral sa pamilihan. – Market Value
3. Ito ay ang mga produktong tapos na at hindi na kailangang iproseso upang maging
yaring produkto. – Final Goods
4. Ito ay ang mga produkto na kailangang iproseso upang maging yaring produkto. –
Intermediate Goods
5. Ito ay tinatawag ding current prices na tumutukoy sa kabuuang produksiyon ng bansa
na nababatay sa kasalukuyang presyo sa pamilihan. – Nominal GNP/GNI
6. Ito ay constant prices na tumutukoy sa halaga ng kabuuang produksiyon ng bansa na
ang batayan ay presyo noong mga nagdaang taon. – Real GNP/GNI
7. Ito ay ang kabuuang produksiyon ng bansa na tinatantiya ayon sa kakayahan at
kapasidad ng mga salik. – Potential GNP/GNI
8. Ito ay ang kabuuang produksiyon na nagawa ng bansa matapos gamitin ang iba’t
ibang salik tulad ng mga manggagawa, teknolohiya, at mga likas na yaman. – Actual
GNP/GNI
9. Ito ay tumutukoy sa mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa sa loob ng
isang taon. – GDP
10. Ang mga kinikita ng ating Overseas Filipino Workers (OFWs) ay hindi kabilang sa
ating GDP. Tama o mali? - Tama

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Paglalahad ng Pangkatang Gawain: Handa Tayo!


bagong kasanayan #2 • Sa parehong pangkat, ang bawat grupo ay may nakatalagang mga numero mula 1-3.
• Kapag sinabi ng guro ang tiyak na bilang, lahat ng miyembro sa bilang na ito ay kailangang
makipag-unahan sa pagtayo at kung sino ang mahuhuli ay siyang magbabasa at
magpapaliwanag sa ipapakita na presentasyon sa harap.
•Tanong sa bawat ipapakitang presentasyon sa harap:
Ano ang masasabi mo sa tekstong iyong binasa? Ipaliwanag sa sariling opinyon.

F. Paglinang sa Kabihasaan Ano ang kaugnayan ng GNI at GDP sa kaunlaran ng isang ekonomiya?
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw na pamumuhay Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, paano ka makakatulong sa paglago ng ating ekonomiya
sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
H. Paglalahat ng aralin Batay sa natalakay, paano nakatutulong ang GNP o GNI at GDP sa ekonomiya sa ating bansa?
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng GNI at GDP?
I. Pagtataya ng Aralin Sa isang sangkapat na papel, suriin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng iyong
kasagutan sa bawat bilang.

1. Ano ang tawag sa halaga ng kabuuang pamilihan na siyang tumutukoy sa mga produkto at
serbisyo na nagawa ng isang bansa? GNP/GNI
2. Ano ang tawag sa mga produktong di na kailangang iproseso o produktong tapos? Final
Goods
3. Ano ang tumutukoy sa kabuuang produksyon ng bansa na nakabatay sa kasalukuyang
presyo ng tindahan na tinatawag ding “current prices”? Nominal GNP/GDP
4. Ano ang tawag sa halaga ng produkto at serbisyo na nangyayari sa pamilihan? Market Value
5. Ano ang tumutukoy sa mga produkto at serbisyo na kung saan ginagawa sa loob ng bansa sa
loob ng isang taon? GDP
J. Takdang-Aralin at Mga Karagdagang Gawain Sa isang buong papel, gumawa ng isang venn diagram na nagpapakita ng pagkakaiba ng GNP
o GNI at GDP base sa iyong sariling opinyon.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at superbisor?
Anong kagamitang panturo ng aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Petsa : ______________________ Iniwasto : MIGUEL OLIVER B. WAMAR, T-III


Cooperating Teacher

You might also like