You are on page 1of 14

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

Araling Panlipunan 9

Pambansang Kita

Inihanda ni:

Russelle Jane U. Marcos


Mag-aaral na Nagsasanay

Sinuri ni:

Junelle Richee P. Tagle


Tagapagturo

1
Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling
Panlipunan Grade 9
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product- Gross Domestic
Product bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya;
b. Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto;
c. Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya;
d. Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at pambansang
produkto.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pambansang Kita
Kagamitan: Laptop, TV, Powerpoint presentasyon
Mga Sangunian: Balitao, Bernard R. et.al. Ekonomics. Pambansang Kita pp. 243-253.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga Binibining Marcos.
Magandang umaga naman mga mag-aaral!
Bago tayo magsimula sa ating klase, maaaring
pulutin ang mga kalat at ayusin ang inyong (Pinulot ng mga mag-aaral ang mga kalat at
mga upuan. iniayos ang mga upuan)

2. Pagdarasal
JM, maaari mo bang pangunahan ang ating
panalangin. (Tumayo ang mag-aaral para sa panalangin)
Klas, tayo’y tumayo at manalangin.
Pwede na kayong umupo.

3. Pagtatala ng Liban sa Klase


Klas, sino ang lumiban sa ating klase ngayon?

Mabuti naman kung ganon. Wala po ma’am.

4. Balik Aral
Bago tayo magsimula sa ating panibagong
aralin, ating balikan ang nakaraang aralin.
Mayroon akong inihandang gawain na
pinamagatang “Pick a Door”. Kung saan pipili
kayo sa mga apat na pinto na naglalaman ng
iba’t-ibang mga katanungan tungkol sa
nakaraang aralin.

2
PICK A DOOR
1 2 3 4

Ang katanungan sa unang pinto:


Ano ang mahalagang ginagampanan ng
sambahayan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
Ang mahalagang ginagampanan ng
sambahayan sa ekonomiya ay sa kanila
nagmumula ang mga salik na produksyon tulad
ng lupa, paggawa at kapital na binibili ng mga
bahay-kalakal.
Mahusay!
Ang katanungan sa ikalawang pinto:
Ano ang pagkaka-iba ng import at export?
Ang export ay ang pagluwas ng mga produkto
at serbisyo sa ibang bansa at ang import naman
ay ang pag-angkat ng mga produkto mula sa
ibang bansa.
Tama ang iyong sagot.
Ang ikatlong pinto:
Ano ang ginagampanan ng pamahalaan sa
ating ekonomiya?
Ang mahalagang ginagampanan ng
pamahalaan sa ekonomiya ay ang pagkolekta
ng buwis na ginagamit upang malakikha ng
pampublikong paglilingkod po ma’am.
Mahusay!
Ang katanungan sa pang-apat na pinto:
Magbigay ng halimbawa ng pamilihang
pinansyal?
Ang halimbawa ng pamilihang pinansyal ay
ang bangko, kooperatiba, insurance, pawnshop
at stock market.
Mahusay!

B. Pagganyak
Paano mo masasabing mayaman ang isang tao?
Masasabing mayaman ang isang tao kapag
marami syang ari-arian tulad ng sasakyan,
bahay, kagamitan o di kaya’y malaki ang

3
natatanggap niyang kita o salapi.
Tama ang iyong sagot.
Paano mo naman matutukoy kung mayaman
ang isang bansa? Iyana ng ating tatalakayin sa
araw na ito klas.

C. Paglalahad
Klas, pakilahad sa ating klase ang ibig sabihin
ng akronim ng GNP at GDP.
Ang akronim na GNP ay Gross National
Product at ang GDP ay Gross Domestic
Product.
Mahusay!
Ano ang mahalagang ginagampanan ng Gross
National Product at Gross Domestic Product
sa ating ekonomiya klas?
Sa pamamagitan ng Gross National Product at
Gross Domestic Product ay nasusukat ang
pambansang ekonomiya kung mataas o
mababa ang nakuhang rating nito.
Magaling, Eizle!
Upang mas mapalalim ang inyong kaalaman,
ating tatalakayin ang Pambansang Kita.

D. Pagtatalakay
Ano ang pambansang kita, Tyrrone?
Ang Pambansang Kita ay ang kabuuang halaga
ng mga tinatanggap na kita ng pambansang
ekonomiya ma’am.
Tama!
Paano sinusukat ang pambansang kita, Janine?
Nasusukat ang pambansang kita sa
pamamagitan ng National Income Accounts na
binubuo ng Gross National Product at Gross
Domestic Product.
Ano ang pagkakaiba ng Gross National
Produduct at Gross Domestic Product?

GDP
GNP
Gross Domestic Products
Gross National Product
Halaga ng lahat ng mga
Halaga ng lahat ng mga
produkto at serbisyo na
produkto at serbisyo na
ginawa sa Pilipinas kasama
ginawa ng mga Pilipino sa
na ang gawa ng mga
loob at labas ng bansa.
dayuhan.

Napakahusay, klas!
Bakit mahalaga na masukat ang pambansang
kita ayon kay Campbell R. McConnell at

4
Stanley Brue sa kanilang Economics
Principles, Problems and Policies (1999)?

Magaling!
Lahat ng inyong mga sagot ay tama klas.
Ngayon dumako naman tayo sa mga paraan ng
pagsukat sa Gross National Income ayon kay
Villegas at Abola (1992).
Ano ang tatlong paraan ng pagsukat ng Gross
National Income?

Mahusay, Joemel!
Ang unang paraan sa pagsukat sa Gross
National Income ay batay sa paggasta o
Expenditure Approach na binubuo ng apat na
sektor.
Ano ang apat na sektor sa pagsukat ng
Expenditure Approach, Angel?

Magaling, Angel!
Ngayon, naman ibigay ang mga
pinagkakagastusan ng bawat sektor na
binanggit ni Angel.

5
Napakahusay klas!
Anong pormula ang ginagamit upang
makuwenta ang Gross National Income sa
pamamaraan batay sa paggasta?
Ang pormula upang makuwenta ang Gross
National Income batay sa paggasta ay
GNI= C+I+G+(X-M)+SD+NFIFA.

Magaling, Michelle!
Ngayon naman inyong pansinin at suriin ang
nakalahad satalahanayan ng Gross National
Income at Gross Domestic Product na
makikita sa ibaba.

Mula sa aking ipinakitang talahanayan, ano

6
ang nakaatas na halaga ng mga gastusing
personal?
Ang halaga ng mga gastusing personal ay
3,346,716.
Mahusay, Princes!
Ano naman ang ibinigay na halaga ng mga
gastusin ng mga namumunuhan?
Ang halaga ng mga gastusin ng mga
namumunuhan ay ang adisyon ng Fixed
Capital na may halagang 784,066 at Changes
in stocks na may halagang 31, 915 na ang
kabuuang halaga ay 815,981.
Magaling, Charlene!
Ano ang ibinigay na halaga ng mga gastusin ng
pamahalaan?
Ang ibinigay na halaga ng mga gastusing
pamahalaan ay 492,110 po ma’am.
Tama!
Ano naman ang ibinigay na halaga ng exports
at imports mula sa talahanayan?
Ang ibinigay na halaga ng exports ay
2,480,966 at ang imports naman ay may
halagang 2,659,009.
Tama, Amhir.
Mapapansin mula sa talahanayan na walang
halaga ang nakalagay sa statistical disperancy,
kayat ibig sabihin sero ito.
Ano naman ang ibinigay na halaga sa Net
Factor Income from Abroad mula sa
talahanayan, Ritchi Dan? Ang ibinigay na halaga sa Net Factor Income
from Abroad ay 376,509 po ma’am.

Pagkatapos nating maisa-isang matukoy ang


mga pangunahing datos, ating kompyutin ang
Gross National Income, na mula sa mga
ibinigay na halaga sa talahanayan. Gamit ang
pormula sa pagkuha ng Expenditure Approach.
Mapapansin na blanko ang Gross National
Income sa talahanayan .Sino sa inyo ang
gusting sumubok upang kompyutin ang Gross Ako po ma’am.
National Income nito?

Aze, pumunta ka ngayon sa harap at isulat ang


iyong sagot sa pisara at ipaliwanag kung paano
mo nakuha ang iyong sagot. GNI= C + I + G +( X - M )+SD+ NFIFA
GNI= 3,346,716 + 815,981 + 492,110 + (2,480,966 – 2,659,009)+ 0+ 376,509
GNI= 3,346,716 + 815,981 + 492,110 + (-178,043) + 376,509
GNI= 4, 853,273

Klas naintindihan ba? Naintindihan po ma’am.

7
Dumako naman tayo sa ikalawang paraan ng
pagsukat ng Gross National Income, ito ay ang
Income Approach.
Saan nakabatay ang Income Approach? Ang Income Approach ay batay sa kita ng mga
Pilipino na mula sa pagbebenta ng produkto at
serbisyo.

Magaling!
Ano- anong mga kita ang bumubuo sa Income
Approach?

Mahusay, lahat ng inyong mga sagot ay tama!


Dumako naman tayo sa pangatlong paraan ng
pagsukat sa Gross National Income, ang
Industrial Origin Value Added Approach.
Ano ang katangian ng Industrial Origin/Value
Added Approach klas? Ang Industrial Origin/Value Added Approach
ay isang paraan sa pagkuwenta ng GNI
kabilang dito ang lahat ng naiambag ng bawat
industriya sa ating bansa.

Mahusay, Chazen!
Anong mga sektor ng ekonomiya ang
bumubuo sa Industrial Origin, Michaella? Ang mga sektor ng ekonomiya ang bumubuo
sa Industrial Origin Approach ay agrikultura,
industriya at paglilingkod.

Magaling!
Matapos talakayin ang paraan sa pagsukat ng
pambansang kita ngayon naman ating alamin
ang Current/ Nominal at Real/ Constant Prices
ng GNI.
Ano ang tinatawag na Gross National Income
sa kasalukuyang presyo, Lovely? Ang Gross National Income sa kasalukuyang
presyo ay tinatawag ding current o nominal
GNI at kumakatawan sa buong halaga ng mga
natapos na produkto at serbisyong nagawa sa
loob ng isang takdang panahon batay sa
kasalukuyang presyo.

Mahusay, Lovely!
Ngayon, inyong suriin ang talahanayan sa
ibaba:

8
Taon Presyo Price Real/ Constant
Index Prices GNI
2001 125
2002 150
2003 175
Mapapansin sa talahanayan na walang
nakalahad na Price Index at Real/ Constant
Price Gross National Income.
Bago ninyo malaman ang Real Price Gross
National Income, kailangan munang
kompyutin ang price index.
Ang pormula para sa para sa Price Index ay

Halimbawa, sa pagkompyut ng Price Index sa


taong 2001

Kayo naman ang susubok na magkompyut sa


pisara!
Aze, kompyutin ang Price Index sa taong
2002.

Ang Price Index sa taong 2002 ay 120.

Sino naman ang gustong magkompyut ng Price


Index sa taong 2003?

Ang Price Index sa taong 2003 ay 140.

Napakahusay!
Dahil alam na ninyo kung paano kompyutin
ang Price Index, dumako naman tayo sa
pagkompyut ng Real Price.
Ano naman ang bumubuo o kumakatawan Real
Price Gross National Income, Christian? Ang Real Price Gross National Income ay
kumakatawan sa mga tapos na produkto at

9
serbisyong sa nakaraang presyo.

Mahusay!
Ngayon kompletuhin ang mga datos sa
talahanayan sa ibaba.
Taon Price Index Nominal Real GNI
GNI
2001 100 950
2002 120 950
2003 140 950
Ano ang pormula upang makuha ang Real
Price Gross National Income, Jover?
Ang pormula para sa Real Price Gross
National Income ay

Tama!
Ating kompyutin ang Real Gross National
Income sa taong 2001, ang Price Index base
year o price index sa batayang taon ay laging
nakatakda sa 100. Ano naman ang price index
sa kasalukuyang taon, Tyrrone? Ang Price Index sa kasalukuyang taon ay
100 po Ma’am

Tama!
Ano ang Current Gross National Income mula
sa talahanayan, Amhir? Ang Current Gross National Income mula sa
talahanayan ay 950 po Ma’am.

Mahusay!
Pauline, maaari mo bang subukang kompyutin
ang Real Gross National Income sa taong 2001
sa pisara.

Ang Real Gross National Income sa taong


2001 ay 950.
Magaling!
Michelle, kompyutin ang Real GNI sa taong
2002 sa pisara.

Ang Real Gross National Income sa taong


2002 ay 791.66
Sino naman ang gustong sumubok na

10
magkompyut sa Real GNI sa taong 2003?

Ang Real Gross National Income sa taong


2003 ay 678.57 ma’am.
Napakahusay!
Naintindihan ba kung paano magkompyut ng
Real GNI klas?
Naintindihan po ma’am.
Mahusay!
Dumako naman tayo sa pagkompyut ng
Growth Rate.
Ano ang pormula sa pagkompyut ng Growth
Rate, LJ?

Mahusay, LJ!
Ngayon naman suriin ang talahanayan sa
ibaba:
Taon Current GNI Growth Rate ng
Current GNI
2006 7,883,088 -
2007 8,634,132
2008 9,776,185
2009 10,652,466
Dahil walang Gross National Income sa
nakaraang taon bago ang 2006, kaya tang
Growth Rate sa taong 2006 ay wala.
Ating subukan na sagutan ang Growth Rate ng
2007 gamit ang pormula.

Ilang porsyento ng paglago sa taong 2007,


Joellia?
Sa taong 2007 mayroon itong 9.53 na
Tama! porsyento ng paglago.
Eizle, maaari bang kompyutin mo ang Growth
Rate sa taoong 2008 sa pisara.

11
Ang Growth Rate sa taong 2008 ay 13.23%.
Mahusay, Eizle!
Sa taong 2009 ay kokompyutin naman naman
ni Bea.

Magaling!
May mga katanungan pa ba klas?
Wala po ma’am
Kung wala na, ibig sabihin na intindihan kung
paano ang pagkompyut ng Growth Rate.
Anu-ano naman ang mga limitasyon sa
Pagsukat ng Pambansang Kita?

Mahusay!

E. Paglalapat
Upang masukat ang inyong kaalaman sa ating
paksa, mayroon akong inihandang laro na Spin
a Wheel, kung saan mayroon kayong mga
pangalan sa loob ng roleta, papaikutin ko ang
roleta at kung kaninong pangalan ang naitapat
sa pana ay siyang sasagot sa aking mga
katanungan patungkol sa ating napag-aralan
ngayon.

Ang unang katanungan, ano ang kahulugan ng


Gross Domestic Product?
Ang Gross Domestic Product ay mga produkto
na gawa dito sa Pilipinas.
Ang pangalawang katanungan, ano ang

12
kahulugan ng Gross National Product?
Ang Gross National Product ay mga tapos na
produkto na gawa ng mga Pilipino.
Ang pangatlong katanungan, ano ang tatlong
paraan sa pagsukat ng pambansang kita?
Ang tatlong paraan sa pagsukat ng pambansang
kita ay ang paraan batay sa paggasta,
pangalawa paraan batay sa pinagmulang
industriya at pangatlo paraan batay sa kita.

F. Pagpapahalaga
Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang
pagsukat ng pambansang kita? Mahalaga ang pagsukat ng pambansang kita
dahil nakapagbibigay ito ng ideya tungkol sa
antas ng produksyon ng ekonomiya.
Masusubaybayan ang direksyon na tinatahak
ng ating ekonomiya. At masusukat ang
kalusugan ng ekonomiya.

G. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong.
Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at
M naman kung ito’y mali. Isulat ang sagot sa
1/4 na papel.
1. Ang Pambansang Kita ay ang kabuuang
halaga ng mga tinatanggap na kita ng
pambansang ekonomiya.
2. Ang GDP ay halaga ng lahat ng mga
produkto at serbisyo na ginawa ng mga
Pilipino sa loob at labas ng bansa.
3. Ang GNP ay halaga ng lahat ng mga
produkto at serbisyo na ginawa sa
Pilipinas kasama na ang gawa ng mga
dayuhan.
4. Mayaman ang isang bansa kapag
mataas ang rating nito sa GDP at GNP.
5. Ang kabuuan ng GNP ay
magkakapareho kahit na anong paraan
ang gagamitin sa pagsukat nito.
6. Ang GNP ay sapat na batayan ng pag-
unlad ng ekonomiya ng bansa.
7. Ang labis o kulang sa pagsukat ng
GNP ay tinatawag na Statistical
Discrepancy
8. Ang Indirect Business Taxes ay di-
tuwirang buwis na ipinapataw sa mga
produkto at serbisyo na nilikha matapos
ibawas ang anumang subsidi na
ibinibigay ng pamahalaan.
9. Isang instrument sa pagsukat ng GNP

13
ay ang Income Approach sa paraang
pagsasama-sama ng lahat ng kita ng
bawat sektor ng ekonomiya.
10. Ang GNI ay dating tinawag na Gross
National Product. Inaasahang sagot:
1. T
2. M
3. M
4. T
5. T
6. M
7. T
8. T
9. T
10. T

H. Kasunduan
Basahin ang Current/ Nominal at Real/
Constant Price Gross National Income
sa pahina 250-254.
Sagutan ang tanong:
 Ano ang ugnayan mayroon ang kita sa
pagkunsumo at pag-iimpok?

14

You might also like