You are on page 1of 17

Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

ARALIN 8.1
Ang Gross National Product at Gross Domestic Product

Talaan ng Nilalaman
Panimula 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Subukan Natin 2

Pag-aralan Natin 4
Ang Gross National Product 5
Ang Gross Domestic Product 6
Ang Gross National Income 8
Ang Pagkakaiba ng Gross National Product, Gross Domestic Product, at Gross National
Income 9

Sagutin Natin 10

Suriin Natin 11

Pag-isipan Natin 12

Gawin Natin 12

Dapat Tandaan 14

Pinagkunan ng mga Larawan 15

Mga Sanggunian 15
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

Aralin 8.1
Ang Gross National Product at Gross
Domestic Product

Panimula
Taon-taon, lalo na tuwing nalalapit ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, laging
laman ng mga balita ang mga terminong Gross National Product o GNP at Gross Domestic
Product o GDP. Halimbawa, noong 2020 nagkaroon ng 9.6% contraction o pagbaba ang GDP
dahil sa mga lockdown sa bansa upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019
(COVID-19).

1
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

Sa araling ito matutuhuan natin ang Gross National Product at Gross Domestic Product na
mahahalagang bagay sa pambansang kita ng isang bansa.

Mga Layunin sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Naipaliliwanag ang Gross Domestic Product, Gross National Product, at
Gross National Income.
● Nasusuri ang pagkakaiba ng Gross Domestic Product, Gross National
Product, at Gross National Income.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang
pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic Product) bilang
panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya (AP9MAK-IIIb-4).

Subukan Natin

Ang Ekonomiya Ayon sa SONA 2017

Mga Panuto
1. Panoorin o basahin ang SONA 2017 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
2. Gumawa ng buod tungkol sa estado ng ekonomiya ng Pilipinas na nabanggit sa
SONA.
3. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

2
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

Mga Gabay na Tanong

1. Ayon sa pangulo ano ang paraan upang masugpo ang kriminalidad at droga?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Paano mapalalago ng kapayapaan ang ekonomiya ng bansa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang imprastraktura sa ekonomiya?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

Pag-aralan Natin
Ayon kay Adam Smith, malalaman natin kung ang isang tao ay mayaman o mahirap
depende sa kung anong mga pangangailangan, kaginhawahan, at libangan ang kaya niyang
tustusan. Ito ang dahilan kung bakit lahat ng bansa ay gumagamit ng Gross National
Product at Gross Domestic Product, upang sukatin ang kanilang pinansiyal na kakayanan.
Mula sa halaga ng GNP at GDP ng isang bansa, masasabi kung ito ay mahirap o mayaman.

Ang lahat ng panukat sa pambansang kita ay gumagamit ng apat na salik na maaari ring
makita sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ang mga salik na ito ay ang sumusunod: paggasta
ng mga consumer (C), pamumuhunan ng mga bahay-kalakal (I), paggasta ng
pamahalaan (G), at ang pagkakaiba sa pagitan ng halaga ng mga produkto na
na-import at ang halaga ng mga produkto na na-export ng isang bansa (net exports o
X). Ang pagkakaiba sa bawat paraan ng pagsukat sa pambansang kita ay nakasalalay sa
kung sino ang nagmamay-ari ng kita (ownership), at kung saan ginawa ang paggasta
(location).

Sa sumusunod na paglalarawan ay ginamit ang ekonomiya ng Pilipinas bilang batayan,

ngunit ang mga ideya ng mga konseptong tatalakayin ay totoo rin para sa ibang bansa.

Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:

kapasidad kakayahan

kinalap kinolekta

market value halaga ng kalakal kapag ito ay naipagbili na sa pamilihan

pagkalkula pagkuwenta; pagkuha; pagtuos

4
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

Mahahalagang Tanong
● Ano ang pinagkaiba ng Gross National Product at ng Gross Domestic
Product?
● Bakit mahalagang indikasyon ng pag-unlad ang Gross Domestic
Product?

Ang Gross National Product

Ang Gross National Product ay market value ng lahat ng kalakal at serbisyo na ginawa,
niyari, o nilikha ng mga Pilipinong manggagawa at ng mga bahay-kalakal na pagmamay-ari
ng mga Pilipino, saanman sila nakabase. Ginagamit ng mga ekonomistang Pilipino bilang
pagsasalarawan ng GNP ang mga salitang “Gawa Ng Pilipino.” Ang GNP ay sinusukat
taon-taon ng National Economic Development Authority (NEDA) mula sa mga
estatistikong kinalap ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Lar. 1. Ang Gross National Income (GNI) ng Pilipinas noong 2020. Makikita rin ang GNI ng
Thailand at Vietnam.

5
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

Bagaman ginagamit ang GNP bilang panukat ng pinansiyal na kapasidad ng isang bansa,
hindi ginagamit ang mga salitang “mayaman” at “mahirap” bilang pagsasalarawan. Bagkus,
sinasabing “mas malaki” o “mas malago” ang isang ekonomiya kung mas mataas ang GNP
nito kaysa sa ibang bansa.

Mapapansin sa larawan na hindi GNP ang terminong ginamit sa pagkumpara sa mga bansa.
Bagkus, ginamit ang panibagong terminong Gross National Income (GNI). Bagaman
parehas ang konsepto sa likod ng GNP at GNI, marami nang pagbabago sa pagkalkula ng
GNP, kaya naman sa larangan ng internasyunal na estatistika, kilala na ito sa tawag na Gross
National Income. Sa pagpapatuloy ng aralin, makikita sa pagsasalarawan ng GNI kung paano
pa sila nagkakaiba ng GNP, pati na rin ang mga dahilan kung bakit hindi na ginagamit ang
GNP sa pandaigdigang pagkukumpara ng mga bansa.

Ang Gross Domestic Product

Ang Gross Domestic Product ay ang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na ginawa,
niyari, o nilikha ng mga indibiduwal at ng mga negosyo sa loob ng Pilipinas. Kung ang GNP
ay ginagamit na panukat sa halaga ng gawaing pang-ekonomiya ng lahat ng Pilipino, ang
GDP naman ay ginagamit na panukat sa gawaing pang-ekonomiya sa loob mismo ng bansa.
Ito ang dahilan kung bakit isinasalarawan ito ng mga Pililipong ekonomista sa pamamagitan
ng pansariling tawag na “Gawa Dito sa Pilipinas.”

Ang GDP ay sinusukat nang kapatan o quarterly, ngunit mayroon ding taunang
pagbabalangkas nito.

Kabilang sa pagtatala ng GDP ang mga sumusunod:

● Halaga ng pinal na produkto at serbisyong binili o ginamit ng mga pribadong
konsumer, kabilang na ang value added ng bawat materyales na ginamit upang
makabuo ng isang tapos na produkto. Halimbawa, sa paggawa ng pamaypay, iba ang
halaga ng raw material na abaka sa tapos na produkto. Ang pagkakaiba sa halaga ay
ang tinatawag na value added.

6
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

● Halaga ng mga produkto at serbisyong binili o ginamit ng pamahalaan upang

maghatid ng mga pampublikong serbisyo sa mga mamamayan.
● Interes sa pamumuhunan at pag-iimpok ng mga indibiduwal at ng mga bahay-
kalakal.
● Lahat ng pampubliko at pampribadong kita ng isang bansa buhat sa mga investment.
● Net export o ang halaga ng kabuuang export ng bansa, bawas na ang halaga ng
kabuuang angkat o import nito.

Lar. 2. Ang Gross Domestic Product (GDP) prediksyon ng mga piling bansa hanggang taong
2050.

Sa kasalukuyan, ang GDP ay tinaguriang pinakamahalagang indikasyon ng pag-unlad ng

isang bansa. Ginagamit din ito bilang panukat sa estado o kalagayan ng mga mamamayan
sa isang bansa. Halimbawa, sa ilang pandaigdigang paghahambing, ang mga bansa na may
mataas na GDP ay kadalasang may mas mataas na inaasahang haba ng buhay o life

7
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

expectancy.

Ang Gross National Income

Bagamat ang yunit na ito ay nakatuon lamang sa pagsasalarawan ng GNP at GDP bilang
panukat ng ekonomiya ng isang bansa, mahalagang malaman natin na hindi na ginagamit
ang GNP sa pagkukumpara ng pang-ekonomikong kalagayan ng mga bansa sa
pandaigdigang kalakaran. Bagkus, ginagamit na ang Gross National Income o GNI.

Ang pagbabagong ito ay dahil sa mga nakitang limitasyon ng GNP. Narito ang ilan sa
limitasyong naitala:
● Ang GNP ay nakasalalay sa kasalukuyang halaga ng mga bilihin, kaya hindi maaaring
ikumpara ang bawat taon nang basta-basta na laman, bagkus, kailangan pang palitan
ang GNP na nais ikumpara sa isang batayang taon (base year) upang makuha ang
pamantayang presyo ng mga produkto.
● Hindi sinasalamin ng GNP ang pagbabago ng populasyon ng isang bansa. Hindi
nakikita rito ang pagdami ng mamamayang may kakayahang magtrabaho, na
maaaring maging dahilan ng pagtaas ng GNP.
● Hindi rin makikita sa GNP ang epekto ng negative externalities o iyong mga salik na
nakapagpapabawas ng produktibilidad ng isang bansa. Halimbawa, ang pagkakaroon
ng sakuna ay maaaring magpataas ng GNP ng isang bansa dahil kailangang
magpatayong muli ng mga gusali, o kaya ay ipaayos ang mga daan. Sa ganitong
pagkakataon, ang paggalaw ng GNP ay hindi tunay at makabuluhang pagtaas.
● Hindi sinasalamin ng GNP ang tunay na distribusyon ng kita sa lipunan. Kahit na
tumaas ang GNP sa isang taon, hindi ito nangangahulugang bumuti ang buhay ng
lahat ng mamamayan ng isang bansa.

Kung ang GNP ay ang kabuuang halaga ng lahat ng produktong nagawa ng mga Pilipino, ang
GNI naman ay ang kabuuang kita (mula sa pag-aari ng mga salik ng produksyon) na
natanggap ng mga Pilipino, saan man sila nakatira, pati na rin ang mga ginastos ng mga
Pilipino at dayuhan sa loob ng bansa. Kasama rin sa GNI ang buwis na binayaran ng mga
dayuhang negosyo na may operasyon sa Pilipinas, at ang benepisyo (tulad ng pensyon) at
sahod ng mga dayuhang sa Pilipinas na nakatira, permanente man o hindi. Ang GNI ay

8
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

sumasalamin sa aktuwal na salapi na dumadaloy sa ekonomiya ng bansa, na maaaring

pagmulan ng buwis na gagamitin ng pamahalaan para sa mga pampublikong produkto at
serbisyo nito.

May mga pandaigdigang organisasyon tulad ng World Bank na mas gustong gamitin ang GNI
kaysa sa GNP, dahil kadalasan ay maliit lamang ang pagkakaiba nito mula sa GDP. Ayon sa
maraming ekonomista, dahil sa paikot na daloy ng ekonomiya, ang halagang natatanggap
ng isang bansa at ang kanilang ibinabayad sa ibang bansa ay hindi gaanong nagkakaiba.
Maaari lamang magkaroon ng malaking discrepancy ang GNI at GDP ng isang bansa kung ito
ay tumatanggap ng malaking foreign aid tulad ng East Timor o kaya naman ay kung ang
malaking bahagi ng ekonomiya nito ay nasa kontrol ng mga dayuhang negosyo tulad na
lamang sa kaso ng Ireland.

Mula sa GNI, naniniwala ang mga ekonomista na mas madaling matutukoy ng mga bansa
ang kabuuang badyet na maaari nilang gamitin upang suportahan ang mga pang-
ekonomikong layunin ng bansa. Sa Pilipinas, ginagamit pa rin ang terminong GNP para sa
pambansang kita, ngunit ginagamit nito ang GNI kapag ikinukumpara na ang Pilipinas sa
ibang bansa.

Ang Pagkakaiba ng Gross National Product, Gross Domestic Product

at Gross National Income
Ang talahanayan sa kasunod na pahina ay nagbubuod kung ano ang kasama at hindi
kasama sa GNP, GDP, at GNI. Gamitin natin ang ekonomiya ng Pilipinas.

Talahanayan 1: Ang pagkakaiba ng GNP, GDP, at GNI

Pinagmumulan ng GNP GDP GNI

Kita

Mamamayang Kabilang ang C+I+G+X C+I+G+X

Pilipino na personal na
naninirahan sa pagkonsumo(C),
Pilipinas pamumuhunan ng
mga bahay-kalakal

9
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

(I), paggasta ng
pamahalaan (G),
at net export (X)

Dayuhang Hindi kabilang ang Kabilang Kabilang, kung ang

naninirahan sa lahat ng paggasta pagkonsumo ay
Pilipinas na may kinalaman ginawa sa loob ng
sa kanila Pilipinas

Mamamayang Kabilang ang lahat Hindi kabilang Kabilang lamang,

Pilipino na ng uri ng paggasta kung ang paggasta
naninirahan sa na may kinalaman ay na-remit
ibang bansa sa kanila pabalik sa
Pilipinas

Dayuhang Hindi kabilang Hindi kabilang Hindi kabilang

naninirahan sa
ibang bansa

Sagutin Natin
A. Ibigay ang hinihinging sagot.
a. Ano ang apat na batayang salik sa pagsukat ng pambansang kita?
1. ___________________________________________
2. ___________________________________________
3. ___________________________________________
4. ___________________________________________
b. Ano ang dalawang paraan na gamit ng Pilipinas sa pagsukat ng ekonomiya ng
bansa?
1. ___________________________________________
2. ___________________________________________

10
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

B. Gumawa ng isang Venn diagram na nagpapakita ng dalawang pagkakaiba at

dalawang pagkakapareho ng mga salik na kasama sa pagsukat ng GNP sa GDP.

Suriin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Tuwing kailan sinusukat ang GDP ng isang bansa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Ano ang papel ng mga OFW sa pagbubuo ng isang magandang GNP?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

11
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

3. Ano ang implikasyon ng pagsasama ng foreign companies sa GDP?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pag-isipan Natin
Paano naaapektuhan ng pambansang kita ng Pilipinas ang relasyon nito sa iba’t ibang bansa
sa mundo?
__________________________________________________________________________________________________

Gawin Natin
Magsaliksik tungkol sa pambansang kita ng Pilipinas mula 2011 hanggang 2021. Itala ang
iyong mga nakalap na impormasyon gamit ang isang bar graph. Anong konklusyon ang
maaari mabuo patungkol sa graph na iyong ginawa? Bakit ito ang naging konklusyon?

12
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pa ng

kaysa Pagsasanay Magaling Napakahusay
Pamantayan
Inaasahan 2 3 4
1

Nilalaman Sinubukang Sinubukang Mahusay at Napakahusay at

gumawa ng gumawa ng malinaw ang napakalinaw ng
graph at graph at nabuong graph graph at ng
ipinaliwanag ipinaliwanag at konklusyon; pagpapaliwa-
ang ang pinag-isipan nag ng
konklusyon, konklusyon; ang kasagutan; nabuong
ngunit hindi nag-isip nang halatang natuto konklusyon;
klaro ang bahagya; may sa aralin at sa pinag-isipang

13
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

ideyang nais kaunting ginawang mabuti ang

iparating; tila natutunan sa pananaliksik. kasagutan;
walang aralin at tiyak na tiyak na
natutunan sa gumawa ng natuto sa aralin
aralin at hindi sariling at sa ginawang
nanaliksik. pananaliksik. pananaliksik.

Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at

Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng
napakarumi ng maging maayos output; may ipinasang
output; at malinis sa ilang nakitang output; walang
napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura,
nakitang bura, maraming pagkaka-mali. dumi, o
dumi o nakitang bura, pagkakamali.
pagkakamali. dumi, o
pagkakamali.

Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapag pasa Nakapagpasa

Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago
loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang
panahon panahon panahon ng itinakdang
matapos ang matapos ang pagpapasa. panahon ng
itinakdang itinakdang pagpapasa.
pasahan dahil pasahan.
ipinaalala ng
guro.

Dapat Tandaan

● May dalawang parirala na maaaring gamitin upang tukuyin ang pagkakaiba ng GNP
at GDP. Ayon sa mga mananaliksik na Pilipino, kadalasang tinaguriang “produkto
para sa mga Pilipino” ang saklaw ng GNP; samantala, itinuturing naman na mga
“produktong gawa sa Pilipinas” ang mga aspektong saklaw ng GDP.

14
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

● Ang GDP ay itinuturing na pinakamabisang batayan ng kaunlaran ng isang bansa. Ito

rin ang ginagamit ng estado upang matukoy ang kasalukuyang kakayahan o
kondisyon ng mga mamamayan. Kaya naman, maaaring iugnay ang GDP sa ibang
aspektong pampopulasyon katulad na lamang ng life expectancy, mortality rate, at
employment rate.
● Ang GNP ay nakasalalay sa kasalukuyang halaga ng mga bilihin, kaya hindi maaaring
ikumpara ang bawat taon nang basta-basta na lamang, bagkus, kailangan pang
palitan ang GNP na nais ikumpara sa isang batayang taon (base year) upang makuha
ang pamantayang presyo ng mga produkto.

Pinagkunan ng mga Larawan

Net National Income ni Nick Youngson na may pahintulot batay sa CC BY-SA 3.0 sa
pamamagitan ng Picpedia.

Lar. 2. GDP projection for RCEP countries to 2050 ni Asiancentury na may pahintulot batay
sa CC BY-SA 4.0 sa pamamagitan ng Wikimedia Commons.

Mga Sanggunian

Amadeo, Kimberly. “What is Gross Domestic Product?” The Balance. Nakuha noong Abril 4,
2022.
https://www.thebalance.com/what-is-gdp-definition-of-gross-domestic-product-
3306038

Amadeo, Kimberly. “What is Gross National Product?” The Balance. Nakuha noong Abril 4,

15
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 8: Ang Pambansang Kita

2022.
https://www.thebalance.com/what-is-the-gross-national-product-3305847

Investopedia. “Gross Domestic Product – GDP.” Nakuha noong Abril 4, 2022.

http://www.investopedia.com/terms/g/gdp.asp

Investopedia. “Gross National Product – GNP.” Nakuha noong Abril 4, 2022.

http://www.investopedia.com /terms/g/gnp.asp

Shobhit Seth. “GDP vs. GNP: What's the Difference?” Investopedia. Nakuha noong Abril 4,
2022.
https://www.investopedia.com/ask/answers/030415/what-functional-difference-between-gd
p-and-gnp.asp.

16

You might also like