You are on page 1of 2

UNANG MARKAHAN

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MAPEH 5

Pangalan:
Antas at Pangkat:

MUSIC
Ibigay ang bilang ng kumpas ng mga sumusunod na nota at pahinga. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.

a. 2 d. 1
b. 4 e. 1/4
c. ½

_____1. Quarter Note _____3. Half Rest _____5. Half Note


_____2. Whole Note _____4. Eight Rest

ARTS
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Ang selebrasyong ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo. Sa araw na ito nabibigyang halaga
ang ginawang kabayanihan ng ating mga ninuno sa pagkamit ng ating kalayaan mula sa pananakop ng
mga Espanyol.
a. Pasko at Bagong Taon
b. Araw ng Kalayaan
c. pistang Bayan

7. Sa panahong ito, bawat pamilya ay samasamang nagsisimba at nag-aalay ng panalangin sa Dakilang


Lumikha. Naipamamalas din sa panahong ito ang pagiging likas na mapagbigay ng mga Pilipino.
a. Pasko at Bagong Taon
b. Araw ng Kalayaan
c. Pistang Bayan

8. Ito ay parangal sa santong patron ng bayan na ipinagdiriwang ng isang beses sa isang taon. Ang
mahahalagang bahagi ng pagdiriwang na ito ay ang misa at prusisyon.
a. Pasko at Bagong Taon
b. Araw ng Kalayaan
c. Pistang Bayan

9. Isang paraan ng shading kung saan paulit-ulit ang pagguhit ng pinag-krus na linya.

a. crosshatching
b. contour shading
c. smudging

10. Isa pang paraan ng shading na nagagawa sa pamamagitan ng patagilid na pagkiskis ng lapis o iba
pang gamit pangguhit sa papel.
a. crosshatching
b. contour shading
c. smudging

PHYSICAL EDUCATION
Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B.

HANAY A HANAY B
11. tumutukoy sa anomang pagkilos ng katawan na  a. Cardiovascular Endurance
nangangailangan ng enerhiya (energy).

12. __________ay makatutulong na maging mas aktibo


 b. tumbang preso
ang batang katulad mo.

13. Sangkap na tumutukoy sa kalusugan


 c. Physical Pyramid
14. Kakayahang makagawa ng kilos sa maiksing
panahon
15. Kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain
 d. gawaing pisikal
na gumagamit ng malakihang mga galaw sa
katamtaman hanggang mataas antas na kahirapan

 e. health-related physical
fitness

HEALTH
Lagyan ng (/) kung tama ang ipinahahayag sa bawat bilang at (x) naman kung mali.
_____16. Ang kalusugan ng tao ay hindi lamang sa pisikal na nayo makikita.
_____17. Ang isang taong may malusog na kaisipan ay may abilidad na makapagsaya sa kanyang buhay
at malampasan ang mga hamon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
_____18. Isa sa mga katangian ng Isang indibidwal na may kalusugang mental, emosyonal at sosyal ang
pagiging problemado.
_____19. Mahalaga ang ehersisyo, wastong paggamit ng oras at suporta mula sa pamilya upang
mapanatiling malusog ang damdamin at isipan.
_____20. Ang pag-iwas sa kapwa ay isang paraan upang magkaroon ng magandang kalusugan.

You might also like