You are on page 1of 12

SINTAKSIS

 Ang Filipino ay may set at tiyak na dami ng mga


ponema o makabuluhang mga mga tunog ng ating
pinagsasama-sama sa isang natatanging paraan
upang bumuo ng mga morpema o salita.
- Santiago at Tiangco (2009)

 Mahalaga na pag-aralan kung paano pinag-uugnay


ang mga morpemang ito upang makabuo ng
parirala o pangungusap
- Ampil, Breva at Mendoza (2010)
SINTAKSIS

Ang tawag sa sangay na ito ng balarila


na tumutukoy sa set ng mga tuntunin na
pumapatnubay kung paano maaaring
pagsama-samahin ang mga morpema
o salita sa sa pagbuo ng parirala o
pangungusap.
PANGUNGUSAP

Isang sambitlang may panapos na himig sa dulo nito.


- Santiago at Tiangco (2003)

Halimbawa:
 Umuulan.
 Alis!
 Magandang gabi
po.
PANGUNGUSAP

May mga pangungusap na binubuo ng dalawang


panlahat na sangkap:

PANAGURI PAKSA
Ang bahaging pinagtutuunan
Ang bahaging nagbibigay ng ng pansin sa loob ng
kaalaman o impormasyon pangungusap na maaaring tao,
tungkol sa paksa. hayop, bagay, lugar o
pangyayari.
AYOS NG PANGUNGUSAP

Likas sa kayarian ng pangungusap sa


Filipino na mauna ang panaguri sa
paksa sa kanyang paliwanag, madalas
ang mangyayri muna ang ating naiisip
bago ang nasasangkot sa pangyayari.
- Ampil, Breva at Mendoza (2010)
AYOS NG PANGUNGUSAP

DI-KARANIWANG AYOS
Sa ating wika, maaring mauna ang paksa na sinusundan ng
ay at ng panaguri.

 Ang ganitong ayos ay ginagamit sa pormal


na pagkakataon.

Halimbawa:
• Lahat ng tao ay may natatagong talento.
• Sana ay magsilbi itong paalala sa ating lahat
AYOS NG PANGUNGUSAP

KARANIWANG AYOS
Sa ayos na ito, nauuna ang panaguri sa paksa.

 Ginagamit ito sa di-pormal na pakikipag-


usap o sa pang-araw-araw na usapan.

Halimbawa:

• Masaya ang mag-anak na nagmamahalan.


• Malamig na ang simoy ng hangin.
MGA ANYO NG PANGUNGUSAP

1. PAYAK NA PANGUNGUSAP

 Ito ay nagbibigay ng isang kaisipan lamang na may payak na


paksa at payak na panaguri.
Hal. Bigay sa atin ng Diyos and kalikasan

 Maaaring ang paksa ay payak at ang panaguri ay tambalan o


kabalikan nito.

Hal. Si Sienna at Julia ay magkapatid

 Maaari namang tambalang pareho ang paksa at panaguri

Hal. Matiyaga at mapagmahal ang nanay at tatay ni Gener.


MGA ANYO NG PANGUNGUSAP

2. TAMBALANG PANGUNGUSAP

 Ito ay nagbibigay ng dalawang malayang kaisipang pinag-


uugnay bilang isa.

 Ito ay binubuo ng dalawang malalayang sugnay na may


kaisipang magkaugnay.

Mga pangatnig na nagpapahayag nga mga kaisipang magkatimbang:▹


▹ na ▹subalit
▹ saka ▹datapwat
▹ pati ▹habang
▹ ngunit ▹samantala

Hal. Naramdaman ng mga taga-Davao Oriental ang bagsik ng bagyong


Pablo pati mga gusali ay hindi pinalampas.
MGA ANYO NG PANGUNGUSAP

3. HUGNAYANG PANGUNGUSAP

 Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-isa at isang


sugnay na di makapag isa.

SUGNAY – isang lipon ng mga salitang may paksa ngunit bahagi


lamang ng isang pangungusap.

MAKAPAG-IISA – nagtataglay ng kaniyang sariling buong diwa.

DI MAKAPAG-ISA – may paksa at panaguri ngunit hindi nagtataglay ng


buong diwa.

Hal. Kung ako ay matalino, hindi na ako mag-aaral.


Magiting na ipinagtanggol ng mga gerilya ang kanilang baryo nang
lumusob ang mga dayuhan.
MGA ANYO NG PANGUNGUSAP

4. PANGUNGUSAP NA LANGKAPAN

 Ito ay binubuo ng pinagsamang dalawang sugnay na


makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:
Dalawang Sugnay na Makapag-iisa
Sina Aling Ana at Mang Jose ay nagluluto at kami ay naglilinis ng bahay
Sugnay na di-makapag-iisa
dahil darating sina James at Renner.
LAYON NG PANGUNGUSAP

1.PATUROL 2. PATANONG
Pangungusap na
O PASALAYSAY. humihingi ng
Pangungusap na impormasyon kaugnay
nagpapahayag ng isang ng isang bagay at
bagay o mga bagay na nagtatapos sa tandang
ginagamitan ng tuldok pananong

Pangungusap na Pangungusap na
nag-uutos o nagsasaad ng
nakikiusap na masidhing damdamin na
nagtatapos sa tandang
ginagamitan ng
padamdam.
tuldok
3. PAUTOS 4. PADAMDAM

You might also like