You are on page 1of 4

ALDERSGATE COLLEGE

FILIPINO 10
HIGH SCHOOL

MODYULO
ANG KAHON NI PANDORA
GRAMATIKA: PANDIWA (URI, AT ASPEKTO)

Mga Guro: Bb. Zaira Alexis B. Catap


Bb. Allen O. Matin-ao
Bb. Princess S. Suitos
Baitang: 10
Oras na Gugugulin: 5 Oras

PANGKALAHATANG IDEYA
Ang modyul na ito ay nilikha upang makatutulong sa mga mag-aaral na ipamamalas ang mapanuring pag-
iisip, at pag-unawa at pagpapahalaga sa akda. Magamit ang mga uri ng pandiwa sa angkop na pagpapahayag.

MGA LAYUNIN
1. nasusuri ang mga kaisipang taglay ng akda;
2. naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa nabasa o napakinggan;
3. naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay;
4. natutukoy ang uri, aspekto, at pokus ng pandiwang nagamit sa pangungusap; at
5. nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari, at karanasan.

PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang konteksto ng bawat pangungusap. Hanapin at bilugan sa ikalawang
pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa unang pangungusap. Ang sagot ay
isusulat sa inyong SAGUTANG PAPEL.

1. Sumanib ang magkapatid na Titan sa mga Olimpian dahil alam na nila ang mangyayari sa
hinaharap. Sumama sila para sa pansariling kapakanan.
2. Isang ginintuang kahong may kalakip na susi ang ipinadala ni Zeus bilang handog sa kasal nina
Pandora at Epimetheus. Kasama rin sa regalong ito ang babalang huwag bubuksan ang kahon.
3. Hindi mapakali ang babae hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon. Kung
nalalaman niya lamang ay hindi na niya nanaising buksan ito kailanman.
4. Nakamata siya sa kahon at tulad ng dati ay natutukso na namang buksan ito. Ngayon ay
nakatingin naman siya sa susing nakasabit sa dingding.
5. Isa ang paninibugho sa mga bagay na lumalabas mula sa kahon. Ang pagseseloss ay maaaring
makasira ng relasyon lalo kung labis-labis na ito.

POKUS NG ARALIN

Aralin 1.1
Panitikan: ANG KAHON NI PANDORA

Basahin at unawaing mabuti ang kwentong ANG KAHON NI PANDORA sa inyong aklat na PLUMA na matatagpuan
sa pahina 10-13.

ARALIN 1.2
PAGSASAGAWA NG SISTEMATIKONG PANANALIKSIK

Basahin at unawaing mabuti ang mga impormasyon tungkol sa PAGSASAGAWA NG SISTEMATIKONG


PANANALIKSIK sa inyong aklat na PLUMA na matatagpuan sa pahina 18-21.

1 | PANITIKAN: ANG KAHON NI PANDORA


GRAMATIKA: PANDIWA (URI AT ASPEKTO)
ALDERSGATE COLLEGE
FILIPINO 10
HIGH SCHOOL

ARALIN 1.3
Gramatika: PANDIWA (URI AT ASPEKTO)

PANDIWA
 Ang Pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga
salita. Ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.
 Ang mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.

URI NG PANDIWA
 Ang pandiwa ay maaaring mauri sa dalawa: palipat at ang katawanin.

 Palipat ang pandiwa kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos. Ang layon at karaniwang kasunod ng
pandiwa ay pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay, o kina.
Halimbawa:

Pandiwa tuwirang layon


1. Si Hephaestos ay lumilok ng babae.

Pandiwa tuwirang layon

2. Ito ay kanyang sinuotan ng damit at koronang ginto.

 Katawanin ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng kilos at
nakatatayo na itong mag-isa.
Halimbawa:
a. Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain o pangyayari.

Pandiwa Pandiwa
Nabuhay si Pandora Sina Epimetheus at Pandora ay ikinasal.

b. Mga pandiwang palikas na walang simuno.


Umuulan !
Lumilindol !

ASPEKTO NG PANDIWA

 Ang Pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang
kilos na ipinahahayag nito.

1. Aspektong Naganap o Perpektibo- ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.

2 | PANITIKAN: ANG KAHON NI PANDORA


GRAMATIKA: PANDIWA (URI AT ASPEKTO)
ALDERSGATE COLLEGE
FILIPINO 10
HIGH SCHOOL

Halimbawa: Ipinadala ni Zeus si Pandora kay Epimetheus


 Aspektong Katatapos- nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pnadiwa. Nabubuo ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at pag-uulit sa unang pantig ng isang salita. Ito at nasa ilalim
din ng aspektong perpektibo.
Halimbawa: Kasasabi lang ni Epimetheus na huwag bubuksan ni Pandora ang kahon subalit binuksan pa
rin niya ito.

2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo- ito ay nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring
ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa: Araw-araw na nagpapaalala si Epithemeus sa kanyang asawa.

3. Aspektong Magaganap o Kontempaltibo- ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.


Halimbawa: Darating ang pag-asa basta’t maghintay ka lamang.

Kabuuang Halimbawa ng Aspekto ng Pandiwa


Perpektibo Perpektibong Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo
nilikha kalilikha nililikha lilikhain
tumayo katatayo tumatayo tatayo

SANGGUNIAN:

Marasigan, Emily V. et. al (2015) Pinagyamang Pluma 10 Phoenix Publishing House, Inc.
http://writingcommonc.org/open-text/infornation-literacy/library-and-internet-research/732-library-and-internet-
research

3 | PANITIKAN: ANG KAHON NI PANDORA


GRAMATIKA: PANDIWA (URI AT ASPEKTO)
ALDERSGATE COLLEGE
FILIPINO 10
HIGH SCHOOL

4 | PANITIKAN: ANG KAHON NI PANDORA


GRAMATIKA: PANDIWA (URI AT ASPEKTO)

You might also like