You are on page 1of 44

KABANATA 1

Mga Akdang Pampanitikan ng


Rehiyong Mediterranean

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Guy de Maupassant
• isang tanyag na manunulat na
Pranses at itinuturing na isa sa
mga ama ng modernong
maikling kuwento, ang mga
parabola sa Bibliya kung saan
ang Esrael at ang Egypt ang
karaniwang tagpuan.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Mitolohiyang Griyego
• Koleksiyon ng mga kuwentong kinatatampukan ng mga diyos at
diyosa.
• Paksa ng mga ito ang pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma, at
pagpapakita ng iba’t ibang kapangyarihan ng mga nasabing nilalang.
• Ipinakikita rin dito hindi lamang ang taglay nilang kapangyarihan
kundi ang kanila ring pamumuhay na minsa’y nagkakamali at
nagagapi ng kahinaang tulad ng mga mortal.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


PANDIWA

Ito ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at


nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita.
Ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.
Ang mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na
panlaping makadiwa.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Uri ng Pandiwa
PALIPAT
Ito ang tawag sa pandiwa kung may tuwirang layong
tumatanggap sa kilos.
Ang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at
pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa, sa mga,
kay, o kina.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Halimbawa:
 Si Hephaestos ay lumilok ng babae.

 Siya ay kanilang sinuotan ng damit at koronang ginto.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


KATAWANIN
Ang pandiwa na ito ay hindi na nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng
kilos at nakatatayo na itong mag-isa.
Halimbawa:
Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain, o pangyayari.

o Nabuhay si Pandora.

o Sina Epimetheus at Pandora ay ikinasal.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Pandiwang palikas na walang simuno.

o Umuulan!

o Lumilindol!

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Sabihin kung palipat o katawanin ang mga
sumusunod na pandiwa sa bawat pangungusap.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Pagsasanay
1. Lumindol!
2. Nagsabit ng parol sa harap ng kanyang bahay si Ginang Chaves.
3. Binura ni Magda ang nakasulat sa pader.
4. Si Alona ay aawit sa Tawag ng Tanghalan.
5. Nagkukwentuhan ang mag-asawa.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


1. Lumalamig!
2. Kumakain ng sorbetes ang mga bata.
3. Lumuwas ako kahapon.
4. Naglalakad nang nakapaa ang mga bata sa bundok.
5. Nagpadala ng pagkain sa mga raliyista ang ina ni Toto.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


ASPEKTO NG PANDIWA
1. Aspektong Naganap o Perpektibo
Ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.

Halimbawa:
Ipinadala ni Zeus si Pandora kay Epitheus.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Aspektong Katatapos
Bahagi rin ng aspektong naganap sapagkat ang kilos ay katatapos pa lang
gawin o mangyari .
Sa pagbuo nito’y idinugtong ang panlaping ka- at inuulit ang unang pantig ng
salita.

Halimbawa:

Kasasabi lang ni Epimetheus na huwag bubuksan ni Pandora ang kahon subalit


binuksan pa rin niya ito.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
Ito’y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nangyayari o kaya’y patuloy na
nangyayari.

Halimbawa:

Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa kanyang asawa.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
Ito’y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa o gagawin pa lamang.

Halimbawa:

Darating ang pag-asa basta’t maghintay ka lamang.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Pagsasanay:
1. Isinulat ko ang mga tulang iyan nang galing sa aking puso.
2. Nagpapaliwanag ang kaawa-awang vendor sa mga pulis na nanita sa
kanya.
3. Bubuksan ko ang pinto kapag nandito ang aking magulang sa bahay.
4. Katatapos ko lang kumain nang siya ay dumating.
5. Binuksan na agad ni Paeng ang regalong galing sa kanyang Tita.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Ibigay ang aspekto ng pandiwa ng mga
pandiwa sa bawat pangungusap.

naganap
katatapos
nagaganap
magaganap
Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom
1. Dumalaw kami sa puntod ng aking Lolo kahapon.
2. Naglilinis kami sa aming bakuran upang kaaya-aya itong tingnan ng
mga tao.
3. Ang mga pulis ay kikilos agad kapag kinakailangan.
4. Madarama ko rin ang kaluwagan sa buhay sa darating na panahon.
5. Si Lily ay kasasakay pa lang ng jeep kaya tiyak na mahuli siya sa
trabaho.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Mga Berbal, Di Berbal, at Pagsulat na
Pakikipagtalastasan
• Ang berbal o pasalitang pakikipagtalastasan ay karaniwang isinasagawa nang
harapan (face to face), sa telepono, sa pamamagitan ng makabagong application
ng teknolohiya tulad ng video call sa Facebook Messeneger, Facetime, Skype, at
iba pa gayundin ang pagsasalita sa media tulad ng sa radyo o telebisyon.
• Ang di berbal na komunikasyon ay mga bagay na isinasagawa natin na
nagpapaabot ng mensahe kahit hindi natin binibigkas tulad ng pagkumpas ng
kamay, pagtango, pagngiti, pagtitig sa kausap, pagkunot ng noo, at iba pa.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


• Ang pagsulat na komunikasyon ay kinabibilangan ng liham, e-mail,
SMS o short message system na lalong kilala bilang text message
gayundin ang mensahing ipinadadala natin sa pamamagitan ng social
networking site tulad ng pakikipag-chat sa Messenger, pagpo-post at
pagkokomento sa Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa.
• Ang pasulat na komunikasyon ay makikita rin sa mga aklat, magasin,
diyaryo, blog, at iba pa.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Pakikipagtalastasang
Berbal at Hindi Berbal

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Ang pakikipagtalastasan ay maituturing na epektibo kung nakukuha o
nauunawaan ng taong kausap ang mensaheng nais maiparating ng
nagsasalita. Ang berbal o pasalitang pakikipagtalastasan ay sinasabayan
ng di berbal na mga signal. Kailangang maging maingat sa mga di
berbal na signal dahil sa maraming pagkakataon ay higit na nababasa ng
tao ang tunay na damdamin o mensahe ng kanyang kausap sa
pamamagitan ng kanyang mga ikinikilos tulad ng pagtaas ng kilay, pag-
iwas sa pagtingin sa kausap, pagsimangot, pagkunot ng noo, pagiging
alumpihit na ipinakikita ng pagiging malikot sa pag-upo, pagkagat sa
labi o pagpiga sa lamay.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Maging ang tono (lakas, hina o paraan ng pagbigkas)ay nagbibigay ng
mensaheng minsan ay iba kaysa sa sinabi. Mahalaga kung gayon na ang
komunikasyong berbal ay sabayan ng angkop na hindi berbal na signal
tulad ng pagngiti, mahigpit na pakikipagkamay, pagtitig sa kausap, at
iba pa.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Maghalaga rin ang mahusay na pakikinig sa kausap. Maraming tao ang
naghahanda o interesado lamang sa kanilang sasabihin subalit
nakaligtaan nilang making. Maraming hindi pagkakaunawaan ang nag-
uugat sa kakulangan ng pakikinig o selective listening kung saan
pinakikinggan lamang ang nais pakinggan at saka binibigyan ng sariling
interpretasyon.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Pakikipagtalastasang Pasulat

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Ang pakikipagtalastasang pasulat ay napakahalaga rin dahil sa
pamamagitan nito’y higit na naipaaabot sa nakararami ang mensaheng
nais iparating ng manunulat. Ang anumang bagay na nakasulat ay
nananatili hindi lamang sa kasalukuyang panahon kundi maging sa
hinaharap kaya’t napakalaki ng posibilidad na mabasa at magkaroon ng
epekto maging sa darating pang panahon.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Napakahalaga kung gayon na malinang ang kakayahang ito sa lahat ng
tao dahil sa maraming pagkakataon sa buhay, nagagamit ang
pakikipagtalastasang pasulat. Hindi lumilipas ang maghapon nang hindi
nagpapadala ng text message o private message ang isang tao.
Pangkaraniwan din ang pagpo-post ng status, pagbibigay ng comment,
o pages-share sa iba’t ibang uri ng social media. Ang pagsulat o
pagsagot sa e-mail ay pangkaraniwan din. Ang lahat ng mga ito’y nasa
paraang pasulat tulad din ng mga isinusulat mong talata, sanaysay,
liham, blog, at iba pa.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Sa panahong ito na kung saan sa isang click lang ay maipararating na
ang mensaheng nakasulat ay lalong dapat pagsikaping mapaghusay ang
kakayahang ito. Bigyang-diin ang paggamit ng tamang salita, baybay,
bantas at gramatika dahil hindi lang ang mensahe ang nakukuha ng
bumabasa kundi nasasalamin din dito ang uri o personalidad pagkatao
mayroon ang manunulat.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Mga Pang-ugnay sa Wikang Filipino
1. Pang-angkop
2. Pang-ukol
3. Pangatnig

Pang-ukol
kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita
sa pangungusap.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Narito ang ilang halimbawa ng pang-ukol:

alinsunod sa/alisunod kay laban sa/laban kay

ayon sa/ayon kay para sa/para kay

hinggi sa/hinggil kay tungkol sa/tungkol kay

kay/kina ukol sa/ukol kay

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


halimbawa:
1. Ang mga sariwang prutas ay para kay Lola Nadya.
2. Ayon sa balita, isang tren ng MRT ang tumirik na naman.
3. Ang protestang ito ay laban sa pagtaas ng buwis.
4. Labag sa ordinansa ng lungsod ang manigarilyo sa mga lugar na
pampubliko.
5. Nais kang kausapin ni Tomas ukol sa motorsiklong ibinibenta mo.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Pangatnig
Mga kataga, salita o pariralang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala, sugnay, o payak na pangungusap.

at kapag ngunit samakatwid


anupa kaya o sa madaling
salita
bagaman kundi pagkat upang
bagkus kung palibhasa sanhi
dahil sa habang pati sapagkat
bago maliban sakali subalit
datapwat nang samantala ni

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


halimbawa:
1. Magaling umawit si Joey at mahusay magtugtog ng gitara si Dean.
2. Si Tita Mia o si Ate Lisa ang sasama sa aming klase sa lakbay-aral.
3. Uminom na ako ng gamot kaninang umaga ngunit masakit pa rin
ang ulo ko hanggang ngayon.
4. Nakaluto na ako ng pinakbet dati pero nakalimutan ko na ang ibang
sangkap.
5. Salamat sa regalo mo subalit sa Disyembre pa ang kaarawan ko.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Pangunahing Paksa at
Pantulong ng mga Ideya sa
Isang Talata

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Paksang Pangungusap
Pangunahing paksa o ideyang nais iparating sa mambabasa.
Ito ay nakapaloob sa isang pangungusap.
Ito ay bahagi ng talata na sumasagot sa tanong na: “Tungkol saan
ang talata?” o “Ano ang paksa o mensaheng gustong ipaabot ng
talata?”

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Taglay ng pangunahing paksa ang mensahing nais iparating ng talata
samantala, ang mga pantulong na ideya naman ang nagbibigay-linaw
sa mensahe o nagsasaad ng mga detalye upang higit itong maunawaan
ng mga mambabasa.
Madalas, ang mga pantulong na ideya ay pinangungunahan ng mga
salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad ng mga salitang
una, kasunod, pagkatapos, at sa wakas o panghuli.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang
mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang
pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa
paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang
pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas
at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing
pasalubong ng panauhin

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat
lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang
pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang
bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa
isang gawain.May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong
tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa
gitna ng maraming suliranin, dapat umiralang pagmamahalan,
pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan
ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling
buo atmatatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating
pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Mga Pahayag sa Pagbibigay
ng Sariling Pananaw

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Ang masasabi ko ay…
Ang pagkakaalam ko ay…
Ang paniniwala ko ay…
Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita…
Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…
Kung ako ang tatanungin…

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
Mahusay ang sinabi mo at ako man ay…
Para sa akin…
Sa aking palagay…
Sa tingin ko ay…
Tutol ako sa sinabi mo dahil…

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Narito naman ang ilang paalalang dapat isaalang-alang sa
pagbibigay ng sariling pananaw o opinyon:

Ilahad ang pananaw sa maayos at malumanay na paraan kahit pa hindi nito


sinang-ayunan ang pananaw ng iba.
Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap.
Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw o
paninindigan kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa kasalungat ng
iyong pananaw.
Mas maging matibay at makakukumbinsi sa iba kung ang pananaw o
paninindigang iyong ipinaglalaban ay nakabatay sa katotohanan o kaya’y
sinusuportahan ng datos.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom


Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng
mga tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw.

Bb. Analiza Y. Rabanes, LPT. 10-Wisdom

You might also like