You are on page 1of 2

Damahin Mo

Ni: Patricia Luz A. Lipata

Bumalik ka kung saan nagmula


Kaya bumabalik din ang lahat kung paano nagmula
Natuto kang maging malakas at matatag nang bahagya
Subalit bumabalik kang marupok, mahina,

Unti-unting nalulusaw ang katapangang naging bunga ng pagpapabaya


Marahil, pero sa palagay ko’y pagpapabaya nga
Kung iisipin mang hindi, iyon ay hindi ko alam ang dahilan
Dahil pinilit mong matuto sa napakaraming paraan, maaring hinahayaan

Nakatayo, nag-iisip, at sa isip maraming salita ang nahahagip


Maraming alaala ang sumisilip
Maraming katuwaang tumutunghay
Maraming ligayang sumasabay

Kasalungat nito’y lungkot na bumabalot sa kaligahayang napagmasdan


Sakit na kumikirot sa kaloob-looban ng mga laman
Luhang lumalaya dulot ng sakit kung di na makayanan
Pagtitiis na masilayan ng maliwanagan

Kaakibat ng sakit ay saya, kaya


Damahin mong mainam ang lungkot at pait
Nang madama mo ring mainam ang galak buhat ng mga pasakit

You might also like