You are on page 1of 1

Jericho Ferrer.

April 28 2023

12 Platinum. What would my parents say

Creative non fiction

CENTRO NG PAG MAMAHAL

Liwanag ang dala ng iyong bawat paala – ala mula ulo hanggang sa paa ako ay lubusang kilala.
Maging hanggang sa paghimbing ay binabantayan at pinapanatiling ligtas sa pagbagtas ng aking landas
nakasama ka nong ako ay wala pang kamuwang – muwang. Sa iyong puso ay binigyan mo ako ng
espasyo punang kung saan aking nararamdaman na akoy panatag. Hindi mo hinahayaan na
magbalagabag o kahit nadapuan ng lamok ikaw ang gabay hanggang sa nagkaroon ng malay pagpasok sa
paaralan ay hatid sundo sa bahay. Sa buhay ay wala ng ma’s hihigit sa iyo ko naramdaman ang langit
tuwing nadadapa ikaw ang nandyan up ang ako ay mapatahan hanggang makauwi sa tahanan, mapawi
ang mga luhang dulot ng sugat sa aking balat. Ikaw ang siyang pangglanggas sa tuwing binubugbog ng
mga pangungutya. Ikaw ang gamot na siyang mabisang – mabisa upang mabisang mawala ang mga pasa.
Pasan – pasan mo ako tuwing pinanghihinaan hinahagkan ng mahigpit at ipinaramdam ang iyong aruga
na walang sino man ang makahihigit. Nasubaybayan mo ang bawat pahina ng aking storya. Hindi ka
nagsawang bigyan lagi ng paalala upang tumatak sa memorya walang naging kabayaran sa iyong bawat
sakripisyo at pagsusugal. Handa mong ialay ang lahat upang maturuan ng magandang asal. Ang makita
mo akong natututo ay higit pa sa akong tropeo. Ang iyong payo ang nagsilbing paying upang maging
panangga hindi ka naging hadlang bagkus hinarang mo ang lahat ng bagay na pwede kong ikapahama.
Malawak ang mundo subalit ikaw ang kalahati nito hinulma mo ako upang makayanan ang lahat ng
pasakit ng sanlibutan. Ako na siguro ang isa sa mga pinakaswerteng tao hindi ko na kinakailangan pa ng
limpak limpak na pera o manalo sa lotto. Dahil ang magkaroon ng ikaw ay labis pa sa lahat kapag nawala
ka ay tiyak ang iyak at ang aking mundo ay guguho subalit pangako na tutu parin ko ang lahat ng iyong
mga bilin. Mama halin ka hanggang sa aking makakaya marami akong natutunan sa iyong mga turo at sa
iyo ko natutunan na hindi mabubuo ang salitang pagmamahal kong wala ka ma.

You might also like