You are on page 1of 1

Iingatan Ka

Ni: Flores, Sabbanah

Sa bawat paglayag ng buhay ikaw ay nakagabay

Simula pagkabata’y kalong kaniyang kamay ;

Pagmamahal na malambot hanggang kailanma’y hindi malilimot

Sakripisyo niya’y hindi mababayaran ng kahit ano man

Pag-aaruga’y hindi mapapantayan

Lahat ay ginawa para ako’y mapalaki ng tama;

Kalakasan ng aking loob ay sa’yo nagmula

Mga pangaral mong sinasabi saakin ay nakakapagpasigla

Kaligtasan ko’y palaging sinisigurado

Sa lahat ng nangyayari sa mundong ibabaw pasensya mo’y abot hanggang dulo

Ina, ikaw ang aking instrumento sa buhay na magulo

Ina, ikaw ay dakila, kapag nariyan ka ay pakiramdam ko’y gumiginhawa

Hindi mo man ipabatid ngunit alam kong pagmamahal mo’y walang patid.

Pangarap mo para saakin ay susuklian sa tamang oras na inilaan

Siyam na salita ay gusto ng ipadama, Mahal kita.

You might also like