You are on page 1of 3

“DAKILANG PAG-IBIG”

ni: Roa, Elmy A.

“Kapag mahal mo, ipaglaban mo”

mga katagang malimit na binibitawan ng mga

taong nagmamahal

nagmamahal na ang tanging layunin ay habang buhay

na makasama at iharap sa altar

ngunit papano kaya kapag ito’y nabigo at hindi nagtagal?

Maituturing mo pa bang tunay na pag-ibig ang dumatal?

Ang salitang MARTIR ay mas lalong kilala

noong ika’y nakilala at sa mga panahong lumaon pa

Katulad na lamang ng karagatan kapag may bagyo

malakas ang ulan, alon at hampas ng hangin

Ngunit may ilang mangingisdang nakikipagsapalaran at hindi inaalintana

kung ano ang mangyayari sa paroroonan.

Handang gawin ang lahat upang ito’y mapagtagumpayan.

Papano kaya kapag ang bagyo ay tumila na?

Papano kaya kung ang mga along nagsisilbing ala-ala ay pumayapa na?

Papano kaya kapag ang dagat ay mawalan na ng lasa?

Siguro napakaimposible naman diba?

Dahil parehas kayong lumalaban sa isa’t isa

Papano kung ang relasyon niyo ay winakasan sa pagtila ng ulan

dahil pagod at sawa nang makipagsapalaran sa mundo ng kawalan

Kasabay ng hanging nagpakawala ng mga nakaraan kahit na nasasaktan.


Nagmahal, nabigo at nasaktan

dahil sa akalang nasa tao ang tunay na kaligayahan

Kasiyahang inaasam-asam ng karamihan sa sanlibutan

Ito nga ba ang tunay na depinisyon ng tunay na kaligayahan?

Ang tao ay makakapangako ngunit may kaakibat na pagkabigo

Ang tao ay makapagmamahal ngunit hindi buong-buo kapag ito’y nasilo.

Nasaan nga ba ang tunay na pagmamahal?

Katanungang akin nang nabigyang kasagutan

noong akin siyang masumpungan.

Noong araw na siya ay kumatok sa aking puso

Agad kong binuksan dahil alam kong tanggap niya ako ng buong buo

Mga luhang binitawan na nangingilid at di alintanang tumutulo

Tanda ng kaligayahang di maipinta

nang panahong nasumpungang durog ang aking puso.

Ipinaalala niya ang tunay na pag-ibig nung kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay,

ang buhay na kailanman hindi matutumbasan ng kahit sino man.

Nung kaniyang isinakripisyo ang kaniyang sarili upang bayaran ang ating kasalanan

Ngunit ang lahat ba sa atin tumatalima sa libreng kaligtasan?

Inaalala ba natin ang bawat sugat na kaniyang natamo?

Ang bawat daing sa bawat hampas ng latigo?

Ang bawat dugo na tumutulo sa kaniyang laman

ay tanda ng pagmamahal na di matutumbasan.

At ang salitang MARTIR ay mas lalo niyang pinakahulugan.

Sa bawat bagyo na dumaraan sa ating buhay

nandiyan siya upang umagapay

Sa bawat alon na ating haharapin


ipinaala niyang pagsubok lang ito at may kasagutan

At sa bawat panghihina nandiyan siya sumasabay sa hangin

na bumubulong, ANAK MAHAL KITA.

Ang pagmamahal na hindi sinisgaw ng mundo

ang pagmamahal na di mapapantayan ng kahit sino

ang pagmamahal na di matutumbasan ng kahit anong kayamanan

At ang pagmamahal na sa akin mo lang masusumpunagan

at kaya kitang ipaglaban kailanman

ANAK hindi pa ba sapat ang katibayan?

Ang DAKILANG PAG-IBIG na aking pinatunayan?

You might also like