You are on page 1of 46

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/321421615

Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko: Rebyu ng mga Pag-aaral sa


Ilang Austronesyanong Chiefdom

Article · January 2012

CITATIONS READS

0 1,418

1 author:

Myfel Paluga
Leiden University
41 PUBLICATIONS   18 CITATIONS   

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Studies in Anthropological Theories View project

Human-animal relations View project

All content following this page was uploaded by Myfel Paluga on 04 December 2017.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Tampok na Artikulo

MGA PREHISTORIKONG PAMAYANAN


SA INDO-PASIPIKO: REBYU NG MGA PAG-AARAL
SA ILANG AUSTRONESYANONG CHIEFDOM
Myfel Joseph D. Paluga
Departamento ng Agham Panlipunan
University of the Philippines - Mindanao

Abstrak

Nirebyu/sinuri ng artikulong ito ang laman ng kategoryang chiefdom. Ang kategorya ay


prinsipal na nakatuon sa kaayusang pampulitika ng bayan at ang kalikasan ng
kapangyarihan ng mga namumuno. Ikinakabit/nakakabit ito sa isang klasipikatoryong
taypolohiya (band-tribe-chiefdom-state) ng “panlipunang kompleksidad” (social complexity)
na nasa unibersal na komparatibong perspektibo. Kahit nakatuon ang kasalukuyang mga
pag-aaral sa dinamiks ng diakronikong pagbabago, nanatiling implisito ang kinakapitan
nitong taypolohiya.

Tinukoy ang apat na mga prehistorikong bayang Austronesyano sa Indo-Pasipiko batay sa


magkaibang arkeolohikal na pag-aaral upang ipakita ang magkakaibang ebolusyunaryong
proseso ng mga bayang hinahanay sa kategoryang chiefdom. Mahalaga ang mga pag-aaral sa
masusi nitong pananaliksik sa dinamiks ng paglitaw at pagpapanatili ng kapangyarihang
pampulitika. Sinisikap din ng mga pag-aaral na makaambag sa pagteteorya sa mekanismo
ng panlipunang ebolusyon.

Mahalaga ang bistang binubuksan ng kategoryang chiefdom sa pagpapaliwanag sa ebolusyon


ng mga bayang Austronesyano at magagamit ng mga historyador ang datos ng mga
ispesipikong pag-aaral. Sa kabilang banda, may mga limitasyong makikita kung ipapasok
ang lapit at perspektibong pangkabihasnan. Maaaring hindi angkop o limitado ang pokus
ng karamihan sa mga pag-aaral at ang mga kadalasang tema nito sa mga layunin ng
pagsasakasaysayan ng bansa.

33 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Mahalaga ang kaayusang pampulitika sa ebolusyon ng mga prehistorikong bayan. Ang


dinamiks ng pamumunong bayan ay isang importanteng larangan ng pananaliksik lalong
lalo na sa konteksto ng kabihasnang Austronesyano. Sa antropolohikal na pagsusuri,
mahalaga ang konsepto/kategoryang chiefdom sa pag-aaral ng mga lipunang “di-estado”
(non-state o pre-state). May mga pinagtutuunan itong tema at interes upang masuri ang
kaayusang pampulitika ng pinag-aaralang bayan at kadalasang sentral dito ang
pagpapaliwanag (explanation) sa paglitaw at pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga
namumuno. Sa ebolusyong panlipunan, tinitingnang isang mahalagang historikal na
yugto ang antas na naabot ng kaayusang chiefdom. Hinuhudyatan nito ang pagkakabuo
ng mga unang makapangyarihang pamumuno, ng organisadong pananalakay at digmaan,
at ng pagtindi ng di-pantay na relasyong pampulitika at pang-ekonomiya.

Bago natatag ang mga mas kompleks na kaayusang “estado” (state)—sa anyong “estadong
siyudad” (city state), malalawak na imperyo (empire o kingdom), at nitong huli, “estadong
nasyon” (nation-states)—chiefdom ang pampulitikang gulugod sa panlipunang
pamumuhay ng mga sinaunang bayan. Ang chiefdom ay minsan ngang tinuring bilang
isang transisyunal na yugto lamang patungo sa pagiging “estado.” Sa kabilang banda,
maaaring tingnan ito bilang “terminal” na yugto sapagkat sa iilang kaso, “ang panloob na
salik sa pagsulong ay lumikha ng chiefdom ngunit hindi tumungo sa pagiging estado”
(Wenke 1990, 284).

Paksa ng artikulong ito ang konsepto/kategorya ng chiefdom at ang papel nito sa pag-
aaral sa ebolusyon ng mga prehistorikong bayang Austronesyano sa Indo-Pasipiko.
Tatalakayin sa partikular ang apat na ispesipikong lugar: Rehiyong Bais, Negros Oriental
(Pilipinas); Look ng Hawke, Hilagang Pulo (New Zealand); at mga arkipelago ng Tonga at
Marquesas. Susuriin ng artikulo ang “chiefdom” bilang kategorya at ang mga kadalasang
tema sa kasalukuyang pag-aaral tungkol dito. Nais ding buksan ng artikulo ang
panimulang pag-aaral sa mga prehistorikong Austronesyanong bayan tungo sa paglilinaw
sa kaayusan, paggalaw, at pagbabago—sa madaling salita, sa ebolusyon—ng sinaunang
bayang Pilipino.

Interesado rin ang artikulong ito sa kahalagahan ng mga pag-aaral sa prehistorikong


chiefdom sa pagsasakasaysayan ng mga sinaunang bayan. Sa proyektong
pagsasakasaysayan, papasukin ng isang historyador ang prehistorikong larangan na
kadalasang pinamamayanihan ng mga kategorisasyon, tema, at lapit na nagmumula sa
iba’t ibang programa ng pananaliksik at magkakaibang pananaw at paninindigang
teoretikal. Sa panahon ng inter/multidisiplinaryong pag-aaral, nagiging madulas at
madalas ang pag-aangkin ng mga kategorya at pananaw, nagiging maluwag ang disiplina,
at maaaring makalimutan ng isang iskolar ang pagkakaiba ng mga tradisyon ng disiplina,
at lampas pa rito, ang mga kultural at pangkabihasnang angkla ng pananaliksik. Ano ang
dalang halaga at peligro ng pagtatalabang pandisiplina at pananaw? Mahalaga ang

34 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

hamon ng “pantayong pananaw”1 sa pagpapalalim ng usaping ito sa diskurso/praxis ng


pagbubuo ng ating mga kalinangan at ng bansa. Ang artikulong ito ay isa ring pagtugon
sa hamong iyan sa pamamagitan ng paksa ng chiefdom at pag-aaral tungkol sa
prehistorikong bayan.

Hahatiin ang laman ng artikulong ito sa tatlong bahagi: [1] Ang chiefdom: taypolohiya,
kategorya, at mga tema; [2] Ang mga Austronesyanong chiefdom sa Indo-Pasipiko; at [3]
Tungo sa malapitang pag-aaral sa mga sinaunang bayang Pilipino at sa makahulugang
pagsasakasaysayan.

ANG CHIEFDOM:
TAYPOLOHIYA, KATEGORYA, AT MGA TEMA

Sa kasalukuyang pagsusuring antropolohikal, tinitingnan ang kategoryang chiefdom


bilang isang “sistemang pampulitika” (political system) kung kaya’t sentral na nakatuon sa
paksain ng pamumuno at paghawak ng kapangyarihan sa bayan (Earle 1991). Lamang,
dahil tungo rito’y tinatalakay rin ang kaugnayan ng pamumuno sa larangang pang-
ekonomiya at pang-ideolohiya at pati na ang ekolohikal na mga kondisyon, maaari ring
ituring ang chiefdom bilang isang panlipunang tipo (social type).

Unang nagamit ang termino bilang isang panlipunang tipo sa pag-aaral ni Kalervo Oberg
sa ilang katutubong grupo sa Amerika. Sa sumunod na mga pag-aaral nina Elman R.
Service, Marshall D. Sahlins, at Karl Paul Polanyi, nalinang ang konsepto at nalapatan ng
kahalagahang teoretikal lalong lalo na sa perspektibo ng ebolusyong panlipunan (Kirch
1991, 119).

Marami ang pumuna sa mga naunang pormulasyon ng chiefdom lalo na sa unilinear na


tendensya ng naratibong bumabalangkas dito. Kahit umaalis na sa istatikong
taypolohikal na diin ang kasalukuyang mga pag-aaral sa chiefdom at nakatuon na ito sa
dinamiks ng diakronikong pagbabago, nanatiling implisito sa ebolusyunaryo2 nitong
balangkas ang halaga ng kinakapitang taypolohiya (band-tribe-chiefdom-state).3 Sa
Arkeolohiya at Antropolohiyang Pulitikal, nananatili ang kategorya nitong chiefdom
bilang lundagang konsepto/kategorya sa maraming pag-aaral sa “di-estadong lipunan”
(Upham 1990b; Earle 1991a). Ngunit makikita na ang diin sa analisis ng mga
kasalukuyang pag-aaral ay mas nakatuon sa mga proseso kung saan
nalilikha/napapanatili/nababago ang kaayusang pampulitika kaysa sa pagtukoy sa mga
pormal na karakteristiks nito.

Taypolohiya. Maraming taypolohiya sa ebolusyong panlipunan ang ginagamit upang


sukatin ang antas ng panlipunang pagbabago. Ilan sa mga ito ay makikita sa Hanayan 1.

35 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

HANAYAN 1
Mga Taypolohiya ng Ebolusyong Panlipunan4

V.G. Childe E. Service M. Sahlins M. Fried


Hunter-Gatherers Band BAND Egalitarian Society
Head Man

Farmers Tribe SEGMENTARY


TRIBE PROPER
Big Man
Ranked Society

CHIEFDOM
Simple Chiefdom
Chiefdom
Civilization Complex Chiefdom Stratified Society

State
State State
Civilization

Dito, ang chiefdom ay tumutumbas (kasama ng “estado”) sa yugto ng “sibilisasyon” ni V.


Gordon Childe (1951) at halos kapareho ng “may ranggo” (ranked) at “naistratipikong”
(stratified) lipunan ni Morton H. Fried (1991).5 Ipinaloob naman ni Marshall D. Sahlins
(1968), na kilala sa kanyang mga panimulang pag-aaral sa mga Polynesianong chiefdom,
ang konsepto sa kategoryang “tribo” ng kanyang unilinear na taypolohiya: band
(nangangalap at nangangasong pangkat) -> tribe (neolitikong pamayanan) -> state (na
itinuring niyang batayang katangian ng sibilisasyon). Nahahati ang “tribo” ni Sahlins sa
segmentary tribe proper at sa chiefdom.

Kadalasang nasa likuran ng kategoryang chiefdom ang isang balangkas na sumusukat sa


antas ng “panlipunang kompleksidad” (social complexity). Ang interes nga sa chiefdom ay
bilang unang pag-aanyo ng mga tinatawag na lipunang “kompleks” 6 (complex societies).
Dito papasok ang papel ng taypolohiyang band-tribe-chiefdom-state. Hindi na unilinear at
deterministiko tulad ng mga naunang pormulasyon. Ang mga kategorya nito ay mga
klasipikatoryong panaklaw lamang para sa komparatibong pagsusuri at binibigyang-diing
bawat kategorya ay walang nilalamang telyolohiya sa ebolusyunaryong direksyon. Ang
mga katangian ng bawat kategorya ay makikita sa Hanayan 2.

36 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

HANAYAN 2
Mga Tipo ng Lipunan7

Band Tribe Chiefdom State


MEMBERSHIP
Number of people dozens hundreds thousands over 50,000
Settlement nomadic fixed: 1 village fixed: 1 or more fixed: many
pattern villages villages and cities
Basis of kin kin-based groups kin, social classes, class and
relationship residence residence
Etnicities and 1 1 1 or more 1 or more
languages
GOVERNMENT
Decision- making, “egalitarian” “egalitarian” or centralized, centralized
leadership big-man hereditary
Bureaucracy none none none, or many levels
1 or 2 levels
Monopoly of force no no yes yes
and information
Conflict informal informal centralized laws, judges
resolution
Hierarchy of no no no↗paramount capital city
settlement village
RELIGION
Justifies no no yes yes↗no
kleptocracy?
ECONOMY
Food production no no↗yes yes↗ intensive intensive
Division of labor no no no↗yes yes
Exchanges reciprocal reciprocal redistributive redistributive
(“tribute”) (“taxes”)
Control of land band community, community↗ various
families chief
SOCIETY
Stratified no no yes, by kin yes, not by kin
Slavery no no yes yes
Luxury goods for no no yes yes
elite

Katangian ng Kategorya. Kahit may pagkaarbitraryo ang paglalagay ng demarkasyon


sa ebolusyong panlipunan, tinitingnan na may mahahalagang katangian ang chiefdom na
nagtatangi rito bilang tiyak na kategorya/antas. Sa larangang pampulitika, ang chiefdom
ay may sentralisado at hereditaryong posisyon ng pamumuno. Ang namumuno ay
nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad na may komparatibong katatagan.

37 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Sa ekonomiya, may konsiderableng antas ng espesyalisasyon sa paglikha (craft


specialization)—lumilikha ng surplas na produkto at ang dating reciprocal na
pagpapalitan ay napangingibabawan ng isang bagong sistemang batay sa redistribution
(ipapaliwanag sa ibaba). Ilan pang katangian ang sumusunod: pirmihang paninirahan na
sa kalakhang bahagi ay batay sa agrikultura/hortikultura at pag-aalaga ng hayop (food
production); may mga pamahayan (villages) na may dominanteng “sentro” (paramount
village); at may malawak na populasyong umaabot sa libo.8

Ganito ang isang paliwanag ni Jared M. Diamond sa kaibahan ng kaayusang chiefdom sa


tribe at state sa larangang pampulitika:

Tribes still have an informal, “egalitarian” system of government.


Information and decision-making are both communal. In the New Guinea
highlands, I have watched village meetings where all adults in the village were
present, sitting on the ground, and individuals made speeches, without any
appearance of one person’s “chairing” the discussion. Many highland villages
do have someone known as the “big-man,” the most influential man of the
village. But that position is not a formal office to be filled and carries only
limited power… Big-men achieve that status by their own attributes; the
position is not inherited (Diamond 1998, 272).

In contrast to a tribe’s big-man, a chief held a recognized office, filled by


hereditary right… The chief’s orders might be transmitted through one or two
levels of bureaucrats, many of whom were themselves low-ranked chiefs.
However, in contrast to state bureaucrats, chiefdom bureaucrats had
generalized rather than specialized roles. In Polynesian Hawaii the same
bureaucrats (termed konohiki) extracted tribute and oversaw irrigation and
organized labor corvées for the chief, whereas state societies have separate
tax collectors, water district managers, and draft boards (Diamond 1998,
273-274).

Sa ekonomiya, napupunta ang malaking bahagi ng surplas na produkto sa pamunuan


upang ipamahagi muli pana-panahon (“redistribusyon”) o di kaya’y kamkamin para sa
pagpapatatag ng posisyon at kapangyarihan. Ang ilang elemento ng “redistribusyon” ay
mapapansin pa rin sa mga kasalukuyang “modernong” lipunan ngunit lumitaw lamang
ang buong anyo nito sa loob ng chiefdom:

The most distinctive economic feature of chiefdoms was their shift from
reliance solely on the reciprocal exchanges characteristic of bands and tribes,
by which A gives B a gift while expecting that B at some unspecified time will
give a gift of comparable value to A. We modern state dwellers indulge in

38 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

such behavior on birthdays and holidays, but most of our flow of goods is
achieved instead by buying and selling… While continuing reciprocal
exchanges and without marketing or money, chiefdoms developed an
additional new system termed a redistributive economy. A simple example
would involve a chief receiving wheat at harvest time from every farmer in the
chiefdom, then throwing a feast for everybody and serving bread or else
storing the wheat and gradually giving it out again in the months between
harvests. When a large portion of the goods received from commoners was
not redistributed to them but was retained and consumed by the chiefly
lineages and craftspeople, the redistribution became a tribute, a precursor of
taxes that made its first appearance in chiefdoms (Diamond 1998, 275).

Narito ang ilan pang pagpapakahulugan sa chiefdom ng iba pang mag-aaral tungkol dito.
Ang sentralisasyon ng kapangyarihan sa pamunuan at ang hereditaryong relasyong
hirarkikal ay binibigyang-diin dito:

Chiefdoms are based on hereditary inequality: in a chiefdom, if you are the


first son of a chief, chances are you will become chief no matter how
unsuitable you may be, and if you are able but a “commoner” your options in
life will be narrowly circumscribed. These differences in prestige usually
correlate with preferential access to wealth; chiefs and their families can
claim the best farmlands or fishing places as well as more food and more
exotic and expensive items than “commoners”… (Wenke 1990, 284) (akin ang
diin).

...it is not management that distinguishes “chiefdom” from “tribes,” but rather
the nature of superordinate status: in chiefdoms such status is ascribed
rather than achieved. Before the development of social stratification leaders
had always achieved their positions through service to their followers
(Gilman 1991, 148) (akin ang diin).

...a polity that organizes centrally a regional population in the thousands.


Some degree of heritable social ranking and economic stratification is
characteristically associated (Earle 1991c, 1) (akin ang diin).

...“regionally organized political entities with a centralized decision-


making hierarchy coordinating activities among several village
communities,” in which the size and spatial organization of settlement is
strongly correlated with the number of levels in the decision-making
hierarchy (Junker 1994, 239) (akin ang diin).

39 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Malawak na Pagkakaiba-iba. Matapos matukoy ang mahahalagang katangian,


kailangan na ngayong salungguhitan ang malawak na pagkakaiba (variation) ng mga
bayang inihahanay bilang chiefdom. Ipinaalala ito ni Diamond:

We have been talking about chiefdoms generically, as if they were all the
same. In fact, chiefdoms varied considerably. Larger ones tended to have
more powerful chiefs, more ranks of chiefly lineages, greater distinctions
between chiefs and commoners, more retention of tribute by the chiefs, more
layers of bureaucrats, and grander public architecture. For instance, societies
on small Polynesian islands were effectively rather similar to tribal societies
with a big-man, except that the position of chief was hereditary. The chief’s
hut looked like any other hut, there were no bureaucrats or public works, the
chief redistributed most goods he received back to the commoners, and land
was controlled by the community (Diamond 1998, 275) (akin ang diin).

Sa iilang pag-aaral ng chiefdom, binibigyang-importansya ang sistematikong pagsuri sa


pagkakaiba-iba (variability) ayon sa ilang kritikal na dimensyon (Earle 1991c, 2-3).9
Tatlong iskima halimbawa na maaaring pagbabatayan para ipakita ang pagkakaiba ng
mga chiefdom ay ibinigay ni Earle: [1] pagkakaiba sa antas ng paglaki (scale of
development): simple10 o kompleks,11 [2] pagkakaiba sa batayan ng pinansya na maaaring
uriin ayon sa midyum ng pagbabayad na umiiral sa bayan: staple finance12 o wealth
finance,13 at [3] pagkakaiba sa istruktura/tunguhin ng chiefdom: group-oriented14 o
individualizing.15

Mga Tema sa Pag-aaral. Ang pinagmulan at dinamiks ng mga “di-estadong” lipunan


ang sumasaklaw na (meta-)tema ng mga pananaliksik sa chiefdom kung saan masusing
tinitingnan ang mga kaparaanan sa pagkontrol, pagpapalawak, at pagpapanatili ng
kapangyarihan: “ano ba ang ginagawa ng mga boss upang makuha at mapanatili ang
kapangyarihan?” (Earle 1991c, 5).

Sa mga kasalukuyang pag-aaral sa chiefdom (Upham 1990b; Earle 1991a), makikita ang
sumusunod na mga paksa/katanungan:

1. Ang ugat ng kapangyarihan ng mga namumuno at ang kanilang mga “estratehiya” sa


pagpanatili at pagpalawak ng posisyon at kontrol sa bayan: ang “kombinasyon ng pang-
ekonomiyang kontrol, lakas-militar, at seremonyal na lehitimasyon” bilang nauulit na
tema (Earle 1991c, 14-15).16 Sa larangang pang-ekonomiya, nababanggit ang
kontrol/hawak/pag-aari sa lakas paggawa, kritikal na teknolohiya, estratihikong lugar,
komersyo, at iba pa.

40 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

2. Ang kontradiksyon at kompetisyon ng mga namumuno: ipinapakita rito ang mga


bitak sa delikadong katatagan ng kaayusang chiefdom.17

3. Kung papaano nakuha ng mga namumuno ang kooperasyon ng mga sakop sa gitna ng
relasyong di-pantay. Halimbawa, ang “kooperasyon” ng mga karaniwang tao sa paglikha
ng kaayusang chiefdom bilang isang “negosasyon” at pagbabalanse sa makukuhang
pakinabang (benefit) at ang kaakibat nitong “kabayaran” (cost).18

4. Ang pagpapanatili ng mga katangian ng relasyong egalitaryan na tumatanggi sa


nagaganap na pagbabago at iba pang anyo ng pagtutol sa bagong kaayusan (Bender 1990;
Lee 1990).

5. Ang ekolohikal at demograpikal na mga kondisyon na pumapailalim at nagsisilbing


mahigpit na larangan sa pagkakabuo ng chiefdom at sa paggalaw nito.19

Maidaragdag din na isang mahalagang lapit sa ilang pag-aaral ang paghihiwalay


(decoupling) sa mga dating pinag-uugnay na mga aspeto (variables) sa pagsusuri.
Sinasalungguhitan ng ilang pag-aaral ang pagkakaiba ng mga proseso ng pagbabago.

Halimbawa, ang kapal ng populasyon (population density) at intensibong agrikultura20 ay


hindi awtomatikong hahantong sa hirarkikal na pamumuno at kaya di sapat bilang
batayang inferens ng chiefdom. Ayon kay Robert M. Netting,

…there is no evidence that some high population density threshold must be


passed to enable a chiefdom to exist. Chiefdoms occur in conjunction with
intensive agriculture, with shifting cultivation, and even occasionally with
locally abundant and reliable wild foods (Netting 1990, 55).21

Ang sentralisadong pamumuno ay hindi rin aksiomatik na mangangahulugang


pagkawasak ng egalitaryanismo o ang hirarkikal na organisasyon sa elitismo ng
kapangyarihan (Saitta at Keene 1990; Lee 1990).

Ang tinutungo ng mga pagsisikap na ito ay mas maingat na paggawa ng mga masaklaw na
pahayag (generalizations) tungkol sa direksyon ng panlipunang pagbabago, paghihigpit sa
mga inferens, at pagbibigay-diin sa malapitang pagsusuri ng mga ispesipikong kaso para
sa mas matatag na komparatibong pag-aaral.

Komparatibong Lapit at Ispesipikong mga Pag-aaral. Sa kabuuan, ang kategorya ng


chiefdom ay kapwa may diin sa komparatibong pag-aaral at sa ispesipikong pananaliksik
sa dinamiks ng mga indibidwal na bayan.

41 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Mahalaga sa disiplina ng Antropolohiya ang komparatibong lapit. Sa pananaw ni


Steadman Upham, isa itong mahalagang hakbang tungo sa pagbubuo ng matatag na
teorya sa ebolusyong panlipunan (general theory of history):

Like cladism, the purpose of studying social and political evolution is to


identify homologous similarities of development. History defined in this
manner is thus scientific and of great relevance to anthropology. By pursuing
issues related to social and political evolution, anthropologists are actually
contributing to a general theory of history (Upham 1990a, 97) (akin ang
diin).22

Ngunit ang komparatibong lapit, kasama ng mga kasangkapan nitong


taypolohiya/taxonomiya, ay kailangan ding mabalanse ng masusing ispesipikong pag-
aaral. Bilang paglalagom sa mga punto ng bahaging ito ng artikulo, angkop ang
sumusunod na sipi mula kay Mark W. Allen:

The past two decades have seen a marked resurgence of interest among
anthropologists in theoretical approaches to the study of complex pre-state
societies. One payoff of this work has been the recognition that the
proliferation of typologies for complex societies and the concern with the
taxonomy of particular cases is not likely to add much to our understanding
of the cyclical development and collapse of chiefdoms. Cross-cultural
comparisons across narrow checklists of arbitrary traits have given way to
the careful documentation of individual cases… In addition, studies of long-
term change have been recognized as essential for a better understanding of
the evolution of cultural complexity. History and archaeology are, thus, best
poised to address this process (Allen 1996, 172).

ANG MGA AUSTRONESYANONG CHIEFDOM SA INDO-PASIPIKO

Ang Austronesyanong Diaspora. Magsisimula ang kasaysayan ng mga neolitikong


bayan sa Indo-Pasipiko sa naganap na pagpapalawak ng mga Austronesyano 23 sa bahaging
ito ng mundo. Pinagtibay ng linggwistikal at arkeolohikal na mga pananaliksik nitong
nakaraang dekada ang diaspora ng mga ninuno ng kasalukuyang Austronesyano simula
noong 4000-3500 BK.24 Ang lalim ng kasaysayan ng mga Austronesyanong pamayanan sa
Indo-Pasipiko, kung gayon, ay sumasaklaw ng mga anim na milenyo.

Dala ng naganap na pagpapalawak, nabuo ang mga bayang may magkakaibang lebel ng
panlipunang kompleksidad. Sa dinamiks ng magkakaibang ekolohiya at sa dialektikang
panlipunan, natatag sa maagang yugto ang mga bayang kakikitaan ng relatibong antas ng

42 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

integrasyong pulitikal (small-scale systems of political integration and ranking) (Bellwood


1985, 146). Natawag itong maliliit na mga “chiefdom” (small-scale ranked chiefdoms) ni
Peter Bellwood sa isang artikulo at maaaring nabuo na sa iilang dako bago pa man
pumasok sa rehiyong Indo-Malayo ang impluwensyang Hindu-Buddhista at Islam
(Bellwood 1985, 147). Sa isa pang pag-aaral, ipinapalagay ni Bellwood na ang lumalawak
na mga Austronesyanong lipunan ay mayroong anyo ng istratipikasyon, na naging
mahalagang salik sa pagsasanga-sanga ng mga pamayanan:

The expansion was slow and piecemeal, and an initial source through
population growth and a need for new land seems to me to be a perfectly
adequate explanation for the first millenium [BK] or so. As groups
expanded[,] so they developed better methods of canoe construction and
navigation, and since they almost certainly had a stratified form of
society... there would perhaps be every reason for younger sons of
chiefs, restricted in their inheritances at home, to attempt to found
villages and chiefly lineages in newly-cleared areas of land (Bellwood
1988, 109) (akin ang diin).

Nagsimulang pumasok sa Karagatang Pasipiko ang pagpapalawak na ito pagdating ng


1500 BK. Sa naganap na ekspansyon, nagkakahiwalay ang mga pamayanan sa patuloy na
ebolusyon at nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa mga wika at kalinangan. Nilagom ni
Patrick V. Kirch ang prosesong ito:

As typically happens when a linguistic group expands and colonizes new


territory, differentiation within the group occurs, due to network breaking
(isolation) and distance, and to innovation in the now separated daughter
communities. Thus by 1,500 BC, the Austronesian speakers were already
differentiated into a significant number of daughter languages, in some
regions probably arrayed geographically as a complex network of dialect
chains. One of the new Austronesian subgroups—situated in the area around
southern Halmahera and Cenderwasih Bay in Northeast New Guinea—then
expanded eastwards along the New Guinea coast into the Bismarck
Archipelago. This movement and the distance-isolation and subsequent
linguistic innovations resulting from it, gave rise to the Oceanic subgroup of
Austronesian languages (Kirch 1997, 15).

Ang Osyanikong25 kawing ng super-pamilyang Austronesyano ang nagkolonisa sa


malawak na bahagi ng mga kapuluan sa Karagatang Pasipiko. Mababakas ang uri ng
pamumuhay ng mga direktang ninuno ng mga Osyanikong pamayanan, ang Proto
Osyaniko, sa tinaguriang “kalinangang Lapita”26 ng mga arkeologo. Patuloy ni Kirch:

43 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

…the speakers of Proto Oceanic language and the makers of Lapita pottery
were one and the same... These people continued to expand eastwards into
the southwest Pacific, leading to the rapid differentiation of Oceanic
languages. Ultimately, descendants of Proto Oceanic speakers who first
moved into the Bismarck Archipelago about 1,500 BC would discover and
colonize the farthest reaches of Remote Oceania, including the far-flung
islands of Polynesia and the archipelagoes of central and eastern Micronesia
(Kirch 1997, 15-16).

Ang mga pamayanang nabuo dala ng patuloy na Osyanikong pagpalawak ay


nagpausbong, sa kalaunan, ng mga kaayusang chiefdom sa iba’t ibang kapuluan ng
Karagatang Pasipiko.

Tatalakayin natin ngayon ang mga partikular na bayan sa Negros, Look ng Hawke, Tonga,
at Marquesas upang makita ang ilang ispesipikong dinamiks ng mga sinaunang bayang
Austronesyano. Ang mga sumusunod ay batay sa mga partikular na arkeolohikal
(kinokomplementaryuhan ng etnohistorikal na datos) na pag-aaral na naisagawa tungkol
sa mga nabanggit na lugar.

Ang Chiefdom ng Tanjay, Rehiyong Bais, Negros Oriental.27 Ang rehiyon ng Bais ay
isang malawak na kapatagan kung saan makikita ang Ilog Tanjay. Pag-aagrikultura ang
batayang pamumuhay ng mga naninirahang pamayanan. Makikita ang unang indikasyon
ng kaayusang chiefdom sa maagang bahagi ng unang milenyo MK (500 MK). Sumasaklaw
ito ng dalawang pamayanang may relasyong hirarkikal (two-level settlement hierarchy).
Katulad ng maraming inter-etniko, ilawud-ilayang ugnayan ng mga pamayanan sa
maraming lugar sa Pilipinas,28 nakikipagpalitan ng produkto ang bayang ito sa mga
nagkakainging “tribo” (tribally organized) at nangangalap-at-nangangasong mga
“pangkat” sa bulubunduking bahagi ng rehiyon. Bumubuo ang ugnayang ito ng isang
“pang-ekonomiyang simbiosis” (economic symbiosis):

Surrounding the agriculturally productive lowland alluvial plain are the


volcanic-formed mountains and highland plateaus of the interior,
traditionally occupied by linguistically and ethnically diverse tribally
organized swiddeners farming the rugged interior hillsides (known
ethnohistorically as the Bukidnon and Magahat)… and mobile hunter-
gatherers collecting wild resources in the interior tropical forests (known
ethnohistorically as the Ata)... [There are] ethnographic references to both
Ata and Bukidnon specialization in collection of forest products (e.g., rattan,
beeswax, honey, tree resins, and spices) specifically for exchange with
Visayan lowlanders to obtain critical manufactured goods and coastal

44 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

resources (e.g., pottery, textiles, fish, salt, and metal tools) (Junker 1994, 235)
(akin ang diin).

Sa pagpasok ng pangalawang milenyo MK (simula dantaon 10 at 11 MK), may matatag


nang sentro (chiefly center) ang bayan ng Rehiyong Bais na makikita sa Tanjay. Simula ito
ng bagong yugto ng panlipunang pagbabago. Lumahok ang chiefdom ng Tanjay sa
malayuang pagpapalitan ng “prestihiyong kalakal” (prestige goods) na mas tumingkad pa
pagdating ng dantaon 15 at 16 MK. Kasabay nito, nagkaroon din ng konsentrasyon ng
populasyon sa sentro ng Tanjay; sampung beses na paglawak ng kabahayan dito, at may
paglawak ng agwat pang-ekonomiya sa pagitan ng mga namumunong elit at karaniwang
tao. Sa mga pagbabagong naganap, makikita ang pagtaas ng panlipunang istratipikasyon
(social stratification) at pulitikal na kompleksidad (political complexity).

Ang mga katangian ng pagbabagong ito ay nagaganap din sa ilang baybaying bayan
(coastal trading polities) sa Pilipinas: sa Jolo, Magindanao, Cebu, Maynila, at iba pang
lugar. Nagkaroon ng sentral na papel ang mga kasapi ng uring maginoo/datu (chiefly
class) sa pamamahala ng ekonomiya (complex regional economy): kontrol sa paggamit ng
lupa (controlled agricultural livelihood through restrictive land tenure); mobilisasyon ng
surplas sa pamamagitan ng pormal na sistema ng tributo; pag-iipon ng “yaman” sa
pamamagitan ng pananalakay (raiding) at expedisyong pangkalakalan para sa
“prestihiyong kalakal.” Naging “materyal na pondo ng kapangyarihan” sa pulitikal na
pakikipag-alyansa ang “yamang” ito at makikita sa kanilang magagarang kagamitan, mga
ornamentasyon sa katawan, at espesyal na paglilibing ang angat na sitwasyon ng
namumunong uri:

Chinese texts and archaeological data from Philippine sites indicate that
Philippine chiefs began to obtain a substantial portion of their prestige-
enhancing luxury goods through long-distance trade with the Chinese
state (as well as other state-level polities of mainland Southeast Asia)
by the tenth century A.D. Chinese-derived porcelains, silks, magnetite
mirrors, and metal jewelry functioned as powerful social status symbols and
as important currency for political authority in the early second millenium
A.D. Philippines, as evidenced in their frequent use in elite bodily
ornamentation, their common use as accompaniments to high-status burials,
and their ubiquitous presence as “wealth” objects in the households of
hereditary elite (Junker 1994, 234) (akin ang diin).

Partikular sa chiefdom ng Tanjay, binanggit ni Laura Lee Junker ang apat na tema ng
pagbabago bilang repleksyon ng nagaganap na sosyo-pulitikal na pagsasaayos: [1]
paglawak ng kabahayan sa sentro ng Tanjay at di-pagkakapantay sa loob ng bayan, [2]
pagtingkad ng kalakalang “panlabas,” [3] pagbabago sa “panloob” na kaayusan ng

45 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

produksyon, at [4] pagtindi ng kompetisyon at pananalakay ng mga bayan. Ang


mahahalagang arkeolohikal na datos na ibinigay ni Junker sa kanyang pag-aaral29 ay
sisipiin sa sumusunod.

1. Paglawak ng kabahayan sa sentro ng Tanjay at di-pagkakapantay sa loob ng bayan


1.1 pagkakahiwalay ng magagarang kabahayan (na kadalasang may mga tanggulan) sa
mga karaniwang kabahayan:

Excavations at Tanjay revealed the existence of two distinct residential zones


within the fifteenth- to sixteenth-century center, exhibiting status-related
differences in domestic architecture and strong patterns of differential
household access to “prestige goods” (Junker 1994, 240) (akin ang diin).

...excavations yielded the remnants of three substantial-sized pile-houses


surrounded by ditch-and-stockade complexes. The size and comparative
complexity of these structures is consistent with sixteenth-century and later
European accounts of large stockaded chiefly residences. Associated with
these atypically elaborate domestic structures were significantly higher
densities of Chinese porcelain, locally produced decorated earthenwares,
bronze and iron objects, glass beads, and other presumed “prestige goods”…
(Junker 1994, 240).

...paleozoological analyses of faunal material associated with the fifteenth- to


sixteenth-century house-compounds at Tanjay support this identification of
spatially segregated “elite” and “non-elite” residential zones. The presumed
chiefly household middens were shown to contain significantly greater
densities of carabao (water buffalo), domesticated pig, and other animals
known ethnohistorically to have had comparatively high “value” as political
currency in chiefly alliance-building activities such as gift exchange, sacrifice,
and feasting (Junker 1994, 240).

1.2 elit na paglilibing:

Burials exhibiting what appear to be ascribed status-related differences in


mortuary treatment were excavated in association with both Santiago Phase
(eleventh-fourteenth century) and Osmena Phase (fifteenth-sixteenth
century)… (Junker 1994, 240).

2. Pagtingkad ng kalakalang “panlabas”


2.1 pagtaas ng dami ng mga porselanang galing sa Tsina, Thailand, Vietnam, at sa mga
rehiyon ng Pilipinas:

46 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Chinese porcelain densities increase more than two-fold between the Santiago
Phase (eleventh-fourteenth century) and Osmena Phase (fifteenth-sixteenth
century)… and Siamese and Annamese trade porcelains appear in substantial
quantities in the archaeological record for the first time (Junker 1994, 242).

...foreign porcelain generally constitutes more than 15 percent of the total


ceramic assemblage at fifteenth- to sixteenth-century Tanjay. Furthermore,
analyses of the spatial distibution of porcelains within the chiefly center show
that both “poor” and “rich” households (as distinguished by architectural
features and local luxury goods) had access to foreign foods, but varied
primarily in terms of porcelain quantities (Junker 1994, 242).

At least two of these foreign-made wares [i.e., galing sa labas ng bayan ng


Tanjay]... appear to be widespread Philippine-made trade potteries at that
time, because they can be linked directly to wares excavated from similarly
dated deposits at Manila, Cebu, and Zamboanga (Junker 1994, 243).

3. Pagbabago sa “panloob” na kaayusan sa produksyon


3.1 indikasyon na iniangkop ng chiefdom ang kaayusang pang-ekonomiya nito upang
tugunan ang pangangailangan ng mga pang-export na produktong wala sa
kanyang direktang kontrol (halimbawa, mga pampalasa, matitigas na kahoy,
abaka, at iron-ore):30

On a regional level, foreign porcelains were not confined to the highest-


echelon “elites” at the coastal center of Tanjay, but moved in substantial
quantities to upriver secondary centers and to upland settlements... (Junker
1994, 242).

...quantitative data on the regional distribution of lowland “prestige goods”


(including Chinese porcelain, metal weaponry, and Tanjay-manufactured
high-quality decorated earthenwares) suggest that Tanjay chiefs may have
been intensifying their efforts to consolidate trade relations with upland tribal
leaders... through more frequent and more voluminous ceremonial gift
exchange (Junker 1994, 245, 247).

3.2 indikasyon ng espesyalisasyon31 sa paglikha ng mga kinakailangang kasangkapan,


lalo na ang palayok:

Statistical analyses of vessel rims from ten Aguilar Phase (A.D. 500-1000) and
Osmena Phase (A.D. 1400-1600) surface surveyed sites indicate that the
Aguilar Phase wares had a level of standardization comparable with that of

47 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

part-time Kalinga potters [sa pag-aaral nina Longacre et al.] (i.e., had a high
coefficient of variation), and the Osmena Phase wares had a level of
standardization comparable with full-time Paradijon pottery (i.e., a low
coefficient of variation) (Junker 1994, 245).

4. Pagtindi ng kompetisyon at pananalakay ng mga bayan


4.1 indikasyon ng mapusok na pananalakay dala ng kompetisyon sa nakitang mass
grave:

...excavations adjacent to one fifteenth- to sixteenth-century domestic


structure yielded a large mass grave containing at least nine individuals,
including several male-female pairs and a male-female-child triad. The mass
grave, unlike most early to mid-second-millennium A.D. burials at Tanjay
and at similar coastal trading centers, yielded no manufactured burial goods,
but contained four detached skulls as grave accompaniments and exhibited a
number of skeletal abnormalities amongst the intact individuals (Junker
1994, 249).

4.2 pagkakaroon ng kuta-at-muog na kompleks:32

...the boundaries of the fifteenth- to sixteenth-century settlement of Tanjay


has indicated the possible presence of a ditch-and-stockade complex...
(Junker 1994, 249).

Mayroon bang malinaw na sanhi-epektong relasyon (causal relation) ang mga nabanggit?
Hindi nagbigay ng konklusibong pahayag si Junker. Sinalungguhitan lamang nito ang
temporal na pagkakasabay ng mga nabanggit lalong lalo na sa dantaon 15 at 16 MK: may
“dinamikong relasyon” ang pagtaas ng pampulitikal na kompleksidad, panloob na
pagbabagong pang-ekonomiya, at pagbuo ng mga estratehiya sa gitna ng kompetisyon.

Ang pokus ng pag-aaral ni Junker sa chiefdom ng Rehiyong Bais ay ang tanong: paano
nagtatagumpay (gain political ascendancy) ang isang chiefdom sa kompetisyong
pangangalakal laban sa ibang bayan sa harap ng sumusulong na kalakalang panlabas?
Sentral na interes nito ang paglalagay sa dinamiks ng bayan sa “konteksto ng
kompetitibong kalakalang panlabas.”

Sa pagbubuong argumento ni Junker, ang katatagan at tagumpay ng chiefdom ng Tanjay


ay nakasalalay sa “dobleng estratehiya” nitong pang-ekonomiya at pangmilitar: una,
pagsasaayos ng kanilang ekonomiya para umangkop sa pangangailangan ng panlabas na
pangangalakal at pangalawa, pagpapalakas ng kanilang organisasyong pangmilitar at
pananalakay sa kakompetensyang mga bayan:

48 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

…this essay argues that the ability of a competing polity to gain regional
political ascendancy is frequently dependent on a dual strategy: (1) the
reorganization of its internal economy (i.e., internal trade networks and
tribute mobilization systems) to mobilize resources more efficiently for
foreign export; and (2) the development of more effective military
organization, weaponry, and strategies of interpolity warfare aimed at
disrupting the participation of competitors in foreign luxury good trade
(Junker 1994, 229).

Ang Chiefdom ng mga Maori sa Look ng Hawke, Hilagang Pulo, New Zealand.33
Ang mga Austronesyano ay unang nakapagtayo ng mga pamayanan sa New Zealand
noong mga dantaon 8 at 10 MK. Hinarap ng mga Polynesianong ninuno ng mga Maori
ang malamig na klima ng lugar. Namuhay sila sa pamamagitan ng hortikultura, lalong
lalo na iyong mga nanirahan sa Hilagang Pulo. Kamote ang pangunahin nilang pagkain
na sentral sa kanilang ekonomiya. Sa kanilang paghahardin, matinding hamog ang
kanilang pangunahing kalaban dahil sinisira nito ang kanilang mga halamang-ugat. Sa
mga cultigen na nabubuhay sa lugar tulad ng ubi, gabi, ti, gourd, at kamote (kumara),
itong huli lamang ang matibay laban sa matinding hamog.

Nabuo ang dalawang malalaking chiefdom sa may Look ng Hawke, Hilagang Pulo,
pagpasok ng dantaon 16 at 17 MK. Pinamunuan ang bayang ito ng mga pinuno (ariki) na
may malaking papel sa pagtatatag ng mga kabahayang may fortipikasyon—ang pa
(fortified settlements). Ang pa ay nasa matataas na lugar at kadalasang napapalibutan ng
mga tanggulan at istakada.34 Ito ang deskripsyon ni Allen sa mga pa at ang kahalagahan
nito:

The location of pa... [was] carefully chosen to take advantage of natural


defenses, strategic concerns, and clear field of vision. Their effectiveness was
much enhanced by earthworks in the form of ditches and banks, terraces, and
scarps, as well as palisades and elevated fighting stages. Pa commonly
functioned as fortified villages and/or storage facilities for sweet potatoes,
though some were merely refuges to be occupied only in the face of imminent
attack (Allen 1996, 175).

Sentral ang papel ng pamunuan sa pagtatayo ng mga ganitong pamayanan lalo na sa


malalaki at mas kompleks na pa dahil nangangailangan ito ng ekstensibong pagpaplano,
pagmomobilisa ng lakas paggawa, at matatag na organisasyon.

Sa perspektibong arkeolohikal, mahalaga ang pa dahil ang distribusyon at pagkukumpol


ng mga ito ang pangunahing batayan ng rekonstruksyon sa mga prehistorikong bayan at
pagtantiya sa lawak ng mga kaayusang pampulitika (polities). Batay rito, makikita na

49 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

maliban sa dalawang malalaking chiefdom, may apat pang bayan sa rehiyon (na maaaring
nasa antas ng “tribo”) at ilan pang maliliit na pamayanang malalayo sa mga bayang ito at
may magkakaibang lebel ng awtonomiya. Ang pagkakatatag ng mga bayang Maori ay
naganap sa gitna ng pagbabagong ekolohikal at demograpikal. Kaugnay ng paglawak ng
populasyon at degradasyong pangkalikasan, nagkaroon ng intensipikasyon sa
hortikultura at dumalas ang pananalakay sa mga pamayanan. Sa tumataas na panganib sa
kabuhayan, nagiging kritikal ang pangangailangan ng pa:

Increased investment in horticulture and storage was a critical process, for it


created the need to protect horticultural investments from raids or attempts
at conquest. Sweet potato gardens and storage pits located on cleared slopes,
hills, and ridges were highly visible and vulnerable targets (Allen 1996, 177).

Sentral sa argumento ni Allen na ang kapangyarihan ng mga namumuno ay nakaugat nga


sa kontrol nila sa mayayamang lugar na pinagtayuan ng matatatag na pa. Ipinakita ng
detalyadong arkeolohikal na analisis35 ni Allen ang iba’t ibang ekolohikal at
pangkapaligirang kondisyong kinatatayuan ng mga pamayanan at ang komparatibong
bentahe sa pagkontrol ng mga lugar na ito. Sa anim na bayan sa rehiyon, ang dalawang
pinakamalalakas na chiefdom ang siyang humahawak sa pinakaoptimal na lugar (dahil sa
lokasyon, tipo ng lupa, klima, at iba pa) sa Look ng Hawke. Ayon kay Allen, ang mga pa
na naitayo rito ay ekspresyon ng pagkontrol ng mga namumuno sa mga produktibong
lugar at dito rin nakatuntong ang kapangyarihan nila. Sa pagkontrol ng pa at sa
relatibong kasiguraduhang dala nito, naakit ng mga namumuno ang karaniwang tao na
pumailalim sa kanilang paghahari:

Maori traditional history makes it clear that leaders who organized and
financed pa owned or at least controlled them... With pa, or the promise of
pa, chiefs offered followers increased security in the form of more dependable
(and likely, more varied) food as well as security from raiders (Allen 1996,
178).

Ngunit hindi ito tinitingnan ni Allen bilang isang kaso ng isahang-panig na pagtatakda ng
kapangyarihan. May antas ng pagsang-ayon ng mga sakop ang nabuong kaayusan dahil
maaari pa ring mabuhay sa mga lugar na labas sa kontrol ng mga chiefdom ang mga
pamilyang pumiling humiwalay rito. Ang kinakailangang teknolohiya at kaalaman sa
produksyon ay nasa kapasidad ng bawat indibidwal na pamilya at mabubuhay pa rin ang
mga halamang-ugat sa mga lugar na ito maliban nga lang sa relatibong inseguridad dito.
Sa mga nagpailalim naman sa mga kaayusang chiefdom, kapalit ng kasiguraduhang pang-
ekonomiya at pangmilitar ay ang dalang bigat ng pagpapasakop. Sa paningin ni Allen:

50 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

People within the polity’s social system likely bemoaned several costs of
their participation. They live in denser concentrations than did any other
people in the region. In addition, the storage facilities... are the physical
remnant of extra labor expended for a political economy controlled by
chiefs... They were also coerced, cajoled, or persuaded into digging ditches,
hauling palisade poles, and constructing elite houses. The most obvious
reason these costs would have been paid, at least initially, was that the
enhanced security was viewed as worth it (Allen 1996, 216) (akin ang diin).

Sa pagbubuod, ang nalikhang kaayusang chiefdom ng mga Maori ay bunga ng isang


“kinontratang pagsasama” ng mga “ambisyosong pamunuan” at ng mga “maingat ngunit
balisang grupo ng mga sakop” (a negotiated partnership between ambitious leaders and
wary but worried groups of followers) (Allen 1996, 178).

Ang Chiefdom ng Kapuluang Tonga.36 Ang arkipelago ng Tonga ay sumasakop ng mga


dalawang daang isla na nagkukumpol sa apat na grupo ng magkakalapit na pulo: ang
Tongatapu, Ha‘apai, Vava‘u, at Niuatoputapu (sa pagkakasunod-sunod nito sa geograpiya
mula timog patungong hilaga). Malaking bahagi ng arkipelago ang may matabang lupa
(85 porsyento) na angkop sa kultibasyong di-tubigan (dry land cultivation). Ang kawalan
ng mga ilog at permanenteng pagkukunan ng tubig para sa irigasyon at mga panahunang
tagtuyot at bagyo ay ilan sa pangkalikasang kondisyon na kailangan nilang pakibagayan
sa kanilang pag-aagrikultura. Ubi (yam) ang kanilang pangunahing tinatanim at
sinusuplementuhan ng kamote, gabi, at niyog.

Maaaring natuklasan at kinolonisa ng mga Austronesyanong Lapita (Proto Osyaniko) ang


arkipelago ng Tonga noong mga 1000 BK. Sa mga panahong ito naganap ang
pagkokolonisa sa karatig nitong kapuluan ng Fiji at may matibay na batayang
arkeolohikal para rito.

Napailalim ang Tongatapu sa isang matatag na chiefdom sa maagang yugto ng ikalawang


milenyo MK. Bago nito, sa mga panahong 1000 MK, humantong ang kambal na salik ng
lumalaking populasyon at intensipikasyong pang-agrikultura sa kompetisyon ng mga
bayan (polities). Tinatantiya na sa mga 700 MK pa lang (o mas maaga pa) ay napasok na
ng tao ang lahat ng mapagtatanimang lupain sa Tongatapu. Mababakas ang kompetisyon
ng mga bayan sa itinayong mga monumental na istruktura sa iba’t ibang dako na mag-
uumpisa sa mga panahong ito (1000 MK).

Nagkaroon ng masiglang ugnayan ang chiefdom ng Tongatapu sa mga bayan ng Ha‘apai at


Vava‘u pagpasok ng dantaon 12 MK. Dala ng kompetisyon ng mga naghaharing uri at
ekspansyonistang pananalakay, nasakop ang mga grupong ito ng Tongatapu pagdating ng
dantaon 15 hanggang 17 MK. Nagpalawak pa mula rito ang mga taga-Tonga hanggang sa

51 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Niuatoputapu at nagkaroon ng impluwensya sa malalayo pang kapuluan: Niue, Futuna,


Uvea, Rotuna, at sa ilang dako ng mga kapuluan ng Solomon, Cook, at Tokelau.

Ano ang mga kaparaanan ng mga naghaharing uri ng Tonga sa mga kaganapang ito ng
pagpapatatag/pagpapalawak ng kapangyarihan? Masusing tinalakay ito ng pag-aaral nina
Shankar Aswani at Michael W. Graves. Makikitang ang pagtindi ng ekspansyonistang
direksyon sa mga dantaon 16 hanggang 19 MK ay panahon din ng pagtindi ng
demograpikal na presyur at intensibong agrikultura. Una, upang maiwasan ang
matinding komprontasyon laban sa mga ambisyosong kamag-anak, lumikha ng mga
bagong posisyon at titulo ang mga namumuno para maakomodeyt sila rito habang
napapanatili ang kanilang mataas na posisyon. Makikita halimbawa na ang
namumunong posisyon, na simula noong mga dantaon 12 at 13 MK ay hinahawakan ng
dinastiyang Tu‘i Tonga, ay mahahati sa dalawa pagdating ng ika-15 at 16 dantaon MK.
Ang Tu‘i Ha‘atakalaua ang magiging direktang tagapangalaga sa larangang sekular ng
kaharian at ang orihinal na Tu‘i Tonga ay magiging “simbolikong monarkiya,” isang
inkarnasyon ng bathala, habang nananatiling may malaking hati sa nakokolektang tributo
mula sa mga karaniwang tao at maliliit na mga datu. Magkakaroon muli ng isa pang
hagdan sa pamunuan pagdating ng dantaon 17 MK kung kaya’t magiging isang uri ito ng
“tatluhang pamumuno” (tripartite rule): ang Tu‘i Ha‘atakalaua ay magiging isa na ring
“bathalang hari” tulad ng Tu‘i Tonga habang ang Tu‘i Kanokupolu ang magiging
direktang sekular na tagapamahala. Sa pananaw nina Aswani at Graves:

By creating new niches for competing siblings, two things happened: the Tu‘i
Tonga ang Tu‘i Ha‘atakalaua again quelled the ambitions of younger kinsmen
by providing them with powerful positions, while at the same time they
maintained differential access to resource themselves (Aswani at Graves
1998, 147).

Pangalawa, sa pamamagitan ng “ideolohikal na manipulasyon,” hinimok ng mga


namumunong elit ang mga malapit na kamag-anak na magsagawa ng mga
ekspansyonistang pananalakay “sa ngalan ng relihiyon.” Isang huling halimbawa ng
estratehiyang ito ay makikita noong dantaon 19:

In 1845, Aleamotu‘a died having named Taufa‘ahau as his successor. Many


chiefs who did not submit to the new ruler left for Fiji, which became a caucus
for defecting chiefs and warriors from Tonga. Taufa‘ahau’s succession was
not undisputed, for Ma‘afu, his younger kinsman, had as much of a claim as
Taufa‘ahau. Foreseeing a possible alliance between Ma‘afu and the
dissatisfied chiefs in Fiji… Taufa‘ahau used Christianity and the spread of the
gospel to instigate Ma‘afu to convert nonabiding Fijian chiefs to the new
religion. It was ideological manipulation, or the issuance of an “artificial

52 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

currency,” that prompted Ma‘afu to sail on to Fiji. By sending Ma‘afu to Fiji,


Taufa‘ahau solved three major problems: (1) he rid himself of his most
dangerous rival by providing him authority and a title; (2) he organized the
freelance warriors and chiefs by sending a popular noble to control them, and
(3) he ensured that Fijian chiefs would remain affiliated with Tonga rather
than becoming its aggressors. Ma‘afu was dispatched in 1848 with a force of
soldiers strong enough to enforce his authority in Lakemba, of the Lau
Islands of eastern Fiji (Aswani at Graves 1998, 151).

Pangatlo, pinatatag ng mga elit ang kanilang kontrol sa likas-yaman at gamit-


pangkabuhayan (lupa, piling lugar, at teknolohiya sa paglalayag) at lumahok sila sa
malawak na maritimong kalakalan. Nitong huli, mahalaga ang naging papel ng
malalaking sasakyang pandagat sa pangangalap ng mga pangunahing pangangailangan
(lupa, kalakal, at isklabo). Siniguro ng mga namumunong uri na mahawakan ang
teknolohiyang ito upang maisulong ang kanilang paghahari. Nangopya sila ng
teknolohiya sa mga taga-Fiji na sinasabing may mataas na kasanayan sa paggawa ng mga
sasakyang pandagat at bumili sa kanila ng mga troso upang makagawa ng mga gayon. Sa
linya nina Aswani at Graves:

…voyaging canoes were excludable resources that had been appropriated by


Tongan ruling elites to extend the dominance of their chiefdoms and to direct
competition from within the polity to interisland trade and intergroup
aggresssion and expansionist warfare (Aswani at Graves 1998, 154-155).

At panghuli, nagkaroon ng pag-aasawahan ng mga elit sa magkakaibang bayan bilang


teknika sa pagpapatuloy ng relasyong pampulitika.

Sentral sa pokus ng pag-aaral nina Aswani at Graves ang pagteteorya sa pang-


ilalim/elemental na sanhi (ultimate causes) ng ebolusyon ng mga kompleks na chiefdom.
Sinikap nitong bigyan ng malalimang paliwanag ang ebolusyon ng bayang Tonga gamit
ang Darwinistang lapit/mekanismo ng “ekolohiyang ebolusyunaryo” (evolutionary
ecology). Tinuwid nito ang mga naunang “ebolusyunaryo”/“adaptasyunistang”
pagpapaliwanag (partikular ang mga naunang pormulasyon sa “ebolusyong kultural”) sa
panlipunang proseso dahil sa: [1] hindi nito pagpapagitna sa mekanismo ng “seleksyong
natural” (natural selection)37 bilang sentral na mekanismo ng Darwinistang perspektibo sa
mga proseso ng buhay (at dahil dito, sa maling konseptuwalisasyon ng “adaptasyon”) at
[2] hindi nito pagtukoy sa indibidwal bilang batayang yunit ng seleksyon (at dahil dito, sa
pananaw na tumuturing sa lipunan bilang parang “organismo”).

Sa Darwinistang pananaw nina Aswani at Graves, laging may pagkukulang sa mga


pagpapaliwanag ng mga sanhi ng panlipunang ebolusyon hanggang nananatili lamang ito

53 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

sa pagtumbok ng iilang kondisyon/salik (demograpikal na presyur, agrikultural na


intensipikasyon, ekolohikal na degradasyon, hidwaan ng kaayusang panlipunan,
pananalakay at digmaan, at mga estratehiya/taktika sa kapangyarihan at buhay), at ang
interaksyon ng mga ito. Totoong mahalaga ang pagtumbok sa mga ito: ito nga ang mga
direktang sanhi (proximate causes) sa pagbubuo at paggalaw ng mga chiefdom.

Ngunit ang mas buong paliwanag ay ang pagpapaloob ng lahat ng ito sa masaklaw na
Darwinistang perspektibo: sa pinakaelemental na lebel, resulta ang mga ito ng kabuuang
(aggregate) mga estratehiya (kooperatibo o kompetitibo) ng mga indibidwal na pagkilos
(action/behavior). At dito papasok ang mekanismo ng seleksyong natural: sa
magkakaibang kilos/estratehiyang ito—at sa pagbabalanse sa dalang peligro/pakinabang
ng bawat estratehiya at sa interaksyon nila at sa umiiral na kaayusan/kapaligiran—mas
mauulit (replicate) sa mga susunod na henerasyon ang mga estratehiyang magbibigay ng
mataas na relatibong pakinabang sa kaligtasan at reproduktibong kapasidad ng mga
indibidwal kumpara sa ibang naririyang estratehiya. Magiging matatag ang mga
estratehiyang ito sa daloy ng panahon, magkakaroon ng integrasyon sa isa’t isa, at
matibay na pag-aanyo sa perspektibo ng mahabang panahon. Sa pananaw nina Aswani at
Graves, sa ganitong paraan nabuo at nanatili ang komprehensibong estratehiya ng
pagpapalawak (maritime expansionism) ng mga namumunong uri ng Tonga na tumagal
ng mga pitong dantaon mula dantaon 12 hanggang 19 MK. Sa nabanggit na, ang mga
direktang sanhi (proximate causes) ay kailangang ipaloob sa isang masaklaw na
Darwinistang perspektibo upang maipaliwanag ang mga elemental na sanhi (ultimate
causes) sa panlipunang ebolusyon ng kaayusang chiefdom.

Itinanong nina Aswani at Graves: kung nabuo ang lipunan, grupo o sistema/kaayusan
dahil sa paghuhugpong/pagtatalaban ng mga parehong pansariling-interes (mutual self-
interests), paano maipapaliwanag ang paglitaw ng di-pagkakapantay-pantay at
eksploytasyon at bakit ito tinanggap ng mga sakop? Sa Darwinistang pagpapaliwanag,
naganap ito dala ng matinding pangangailangan ng mga sakop na manatili at mabuhay sa
gitna ng gumigipit na kapaligiran/kaayusang nagpapaliit sa mga naiiwang opsyon. Sa
gitna na mga restriksyong umiiral, tinitimbang ng mga indibidwal ang relatibong
pakinabang ng kanilang bawat estratehiya at maaaring sumiksik sila sa isang opresibong
ugnayan para lamang manatili/mabuhay.

Ganito, sa pagbubuod, ang paliwanag nina Aswani at Graves sa pakinabang/kabayaran


(benefits/costs) na pagbabalanse ng mga naghaharing uri at karaniwang tao sa kanilang
mga pagkilos na maaaring magresulta sa huli ng pagkakabuo ng isang kompleks at di-
pantay na kaayusan, katulad ng chiefdom ng Tonga:

Because individuals hold a wide array of self-interests, the costs and benefits
of reciprocity do not fall equally among all members of a group. Mutual

54 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

cooperation turns into “manipulation” when some members receive a greater


per capita share while carrying a lower burden. For those disadvantaged,
collective action and affiliation may still be beneficial (i.e., outweigh the
costs) under conditions of low inter-territorial mobility, circumscription of
land, fixed technological investments, resource scarcity and/or
unpredictability, and high intergroup competition. Hierarchical social
relations, even under relatively oppressive circumstances, are reciprocal
transactions of goods and/or services of one kind or another between
dominant and subordinate individuals, and the costs and benefits of their
relative resource positions may be quite different. Ruling elites will tolerate
up to a certain number of subordinates (sharing resources) and thus limiting
their access, while they may be more vulnerable to aggression. At the same
time, subordinates will tolerate (to varying degrees) some degreee of
authoritarian control and resource differentials favoring those of higher rank
as long as they continue to benefit from the collective action and protection
of the group or if they can anticipate the possibility of elite replacement.
When emigration or disbanding groups are not feasible strategies,
environmental circumscription instigates intragroup competition and the
concomitant emergence and persistence of stratified societies (Aswani at
Graves 1998, 138).

Binibigyang-puwang ng pormulasyon nina Aswani at Graves ang halaga ng perspektibong


nakatuon sa posisyon ng mga indibidwal na aktor ng lipunan at ang kapasidad nito sa
pagbuo ng mga estratehiya sa pakikipagbuno sa iba’t ibang porma ng kagipitan. Ngunit
hindi rito nakatuon ang sentral na argumento: mariing pinoposisyon nina Aswani at
Graves ang puntong sasaklawin ng isang biolohikal na batas ng seleksyong natural ang
“kapalaran” ng mga estratehiyang ito sa long-term na perspektibo. Mulat man o di-mulat,
may materyal na epekto ang mga estratehiya at sa gitna ng iba’t ibang anyo ng ugnayan-
hidwaan, sasalain ng seleksyon ang mga ito: makakalusot lamang (ibig sabihin, mauulit sa
mga susunod na salinlahi) ang mga estratehiyang nagtataglay ng komparatibong
pakinabang—ito ang laman ng ideya ng “kaangkupan” o “adaptasyon,” ang
kaayusan/katangiang resulta ng mahabang proseso ng seleksyon. Kung ano sa partikular
ang mas “angkop” na estratehiya ay batay sa interaksyon ng ispesipikong
kapaligiran/kaayusan at sa mga naririyan/aktwal na mga estratehiya (varied behavioral
traits) na paulit-ulit na sasalain ng seleksyon. Kaya hindi humihinto kung gayon ang bisa
ng seleksyong natural kahit pa sa paglitaw ng mga taong may malay-sariling kapasidad.

Makikita na isang mahalagang bista sa pagteteorya sa panlipunang ebolusyon ang


binubuksan ng Darwinistang lapit nina Aswani at Graves. Maraming katulad na pag-aaral
sa iba’t ibang larangan (Pisikang Teoretikal, Biolohiyang Molekular, Sikolohiyang
Ebolusyunaryo, Kognitibong Agham, at iba pa) ang kasalukuyang kumikilala sa halaga ng

55 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

mekanismo ng “seleksyong natural” sa paghuhulma ng mga ebolusyunaryong direksyon


ng mga bagay.38 Ngunit may makikitang bitak/kakulangan sa kanilang malinis na
pormulasyon. Sa larangan ng transmisyon ng mga estratehiya sa nibel ng beheybyor ng
tao, napakakompleks ng penomeno at hindi madali/maaaring idugtong direkta sa
henetikong mekanismo ng transmisyon. Kung kultural na mekanismo ng transmisyon
naman ang sasandalan, hindi ito kasing tatag ng henetikong mekanismo. Maaalala na
ang tagumpay ng “seleksyong natural” sa Biolohiya ay nakatuntong sa matatag na
mekanismo ng henetikong pangongopya/transmisyon. Ang pagpapahigpit sa
Darwinistang perspektibo sa larangan ng lipunan ng tao at sa ebolusyon nito ay
nakasalalay sa paglilinaw ng kaparaanan sa relatibong katatagan ng kros-henerasyong
transmisyon ng mga estratehiya (o di kaya’y tendensya sa pagkilos). Maaaring may papel
tungo rito ang mga ebolusyunaryong pag-aaral sa “modyular” na algoritmo ng utak/isip sa
pormulasyon ng mga Kognitibong Agham (Cognitive Sciences) ngunit ang diskusyon
tungkol dito ay lampas na sa hangganan ng artikulong ito.

Ang mga Chiefdom ng Kapuluang Marquesas.39 Ang pagtatatag ng mga unang


Austronesyanong pamayanan sa Kapuluang Marquesas ay naganap noong mga dantaon 3
BK hanggang 6 MK. Arborikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga natayong
pamayanan at sentral dito ang pagtatanim ng breadfruit, maliban pa sa pagtatanim nila
ng gabi, saging, ubi, niyog, tubo, at iba pa. Ang mga tinatanim na pagkaing ito ng mga
taga-Marquesas ay sinusuplementuhan ng mga nanggagaling sa kanilang domestikasyon
ng kahayupan (halimbawa, manok at baboy), pagkaing-dagat (isda, suso, at iba pa) at
ayon kay Kirch, “sa mga seremonyal na piyesta, karne ng tao.”

Sa larangang pampulitika, ang talagang pinagmulan ng pamumuno (chiefship), tulad ng


nabanggit na sa itaas, ay labas sa rehiyon ng Marquesas. Sinalungguhitan ng pag-aaral ni
Kirch ang puntong ito. Ang tinatawag na Sinaunang Polynesianong Lipunan (Ancestral
Polynesian Society) ay dati nang may istrukturang hirarkikal:

…based on comparative ethnographic, linguistic, and archaeological evidence,


Ancestral Polynesian Society was already hierarchically structured, probably
at the level which [could be termed] “simple chiefdom.” Thus the origins of
Polynesian chiefship must be sought in the preceding Lapita cultural
complex, marking the Austronesian-speaking colonization (between ca. 1600-
500 B.C.) not only of Polynesia but of Melanesia and eastern Micronesia as
well (Kirch 1991, 120).

Sa naunang pag-aaral ni Kirch, tinukoy niya ang ilang batayang kondisyon na


pumapailalim sa pagsulong ng kompleksidad ng pamumuno sa Polynesia: ang ekolohikal
na instabilidad, pagbabagong demograpikal, intensipikasyon sa produksyon, at
kompetisyon ng mga panlipunang grupo.

56 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Gayumpaman, pinapahalagahan ni Kirch ang partikular na pag-aaral sa pag-unlad ng


pamumunong bayan sa malawak na Pasipiko dahil sa malawak na pagkakaiba-ibang
ipinapakita ng mga ebolusyonaryo nitong proseso. Partikular sa kaso ng Marquesas,
tinukoy ni Kirch ang isang kaibahan nito: sa loob ng mga bayan ay makikita ang
matinding hidwaan sa pagitan ng hereditaryong pamunuan, ang haka’iki (kogneyt ng
ariki), ng ibang haliging personahe ng lipunan, ang babaylan o tau’a (kogneyt ng kaula,
kaura), at ang “pinuno ng hukbo”/bagani o toa40 (namumuno sa pananalakay o digmaan).
Kung may ganitong panloob na hidwaan man ng mga haliging personahe sa ibang
Polynesianong bayan, ipinapalagay ni Kirch na ang umiiral na salungatan sa Marquesas ay
may mas matinding antas na nagsadlak sa kanila sa isang paikit (involuted) na “pag-
unlad.” Kaiba sa kaso ng Tonga (tingnan sa itaas) o sa Hawaii, ang arkipelago ng
Marquesas ay kakikitaan lamang ng isang pulo, ang ‘Ua Pou, na pinag-isa ng isang
dominanteng pamumuno (paramount chief).

Isang halimbawa ng hidwaan at kompetisyon ng mga personaheng ito ang makikita sa


pagkontrol ng pang-ekonomiyang kapangyarihan. Ang pagkontrol/pagmamay-ari41 sa
gamit-pamproduksyon ay “tipikal sa buong Polynesia.” Ang mga namumunong haka’iki
ay may makapangyarihang kontrol sa mahalagang teknolohiya at gamit pang-ekonomiya
(means of production): ang ma (imbakang-hukay ng breadfruit), ang mga sasakyang
pandagat, at mayayamang lupain.

Dahil seasonal ang breadfruit, mahalaga ang papel ng imbakang ma sa mga pagitang
buwan ng tagbunga at sa teknolohiya nila ng fermentasyon nito. Ang pagkontrol sa
malalaking ma ay isang maaaring pag-uugatan ng kapangyarihang maisasalin sa
larangang pampulitika. Ito ang paliwanag ni Kirch sa gamit ng ma at ang kaugnayan nito
sa kapangyarihang pulitikal:

A key component of Marquesan subsistence was the storage of


semianaerobically preserved breadfruit in large subterranean pits or silos.
The technique of fermenting and storing breadfruit paste, or ma, is known
throughout much of Oceania, but reached a technological peak in the
Marquesas. Ma storage pits are frequently part of household platforms, and
large communal pits were situated in defensible positions in valley interiors or
on ridge-top fortifications. While each household had its own smaller ma
pits, the large reserves were under direct chiefly control, and thus formed one
component of economic intensification which could be deployed directly to
political ends (Kirch 1991, 128-129).

At sa papel ng mga sasakyang pandagat sa kapangyarihang pampulitika, ito ang


pagpapatuloy ni Kirch:

57 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

The Marquesan marine environment with its deep bays lacking reef requires
the use of canoes for effective exploitation. These were under the control not
only of the fishermen themselves, but of the elite chiefs and “persons of
property” (Kirch 1991, 129).

Ito ang kaibahan ng kaayusang umiiral sa Marquesas: hindi buo ang pagkontrol ng mga
namumunong haka’iki sa mga estratehikong gamit-pamproduksyon dahil
nakikipagkompetensya rito ang mga babaylan, ang “pinuno ng hukbo,” ang “panday” o
tuhuna (craft specialists), at iba pang “nagmamay-aring uri.”

Makikita rin sa pamamahala ng aspetong ritwal ang kompetisyong ito. Sa buong


Polynesia, ang ariki ay isang imbakan ng gahum o supernatural na bisa (mana). May
kaugnayan ang kapangyarihang ito sa pagsasagawa ng mga taunang ritwal para masiguro
ang pag-aani, ang matagumpay na pangingisda, at ang buong kaginhawaan ng bayan. Sa
interpretasyon ni Kirch sa kaso ng Marquesas, ang papel ng ariki sa gawaing ito ay
hinahamon/“inagaw” (usurped) ng tau’a, at kung minsan ay ng toa pa:

To a greater degree than in virtually any other society, the ritual prerogatives
and power of chiefs were usurped by tau’a, and to some degree even by
warriors. It was tau’a who officiated at virtually all of the critical rituals and
ceremonials of the tribe, who prescribed the times for war, and to whom
human sacrifices were offered for “transmittal” to the deities. Although
priestly offices were developed in some other Polynesian groups (e.g.,
the kahuna ng Hawaii), nowhere else did the power of the priests so
thoroughly eclipse that of the hereditary chiefs (the only case which
rivals that of the Marquesas is Easter Island). This dispersion of ritual power
away from the chiefs is thus a significant departure from the general
evolutionary trend in Polynesia, one that points to fundamental
contradictions within Marquesan society (Kirch 1991, 130-131) (akin ang diin).

Bakit may ganitong hidwaan sa mga haliging personahe ng Marquesas? Hindi na ito
pinalawig ni Kirch: ipinahiwatig ng kanyang pag-aaral na may “likas” na kontradiksyon
ang posisyong hereditaryo (hereditary status) at posisyong nakakamit (achieved status).
Mas sentral sa kanyang pagpapaliwanag ang pagtukoy sa pagbabago ng “materyal na
kondisyon” bilang “dinamikong konteksto” sa umiiral na hidwaan. Ito ang kanyang
pagbubuod na paliwanag sa nangyaring proseso:

…[the] changing material conditions provided a dynamic context within


which certain inherent and pre-existing structural contradictions in
Polynesian socio-political organization were played out. Rather than
allowing the hereditary chiefs to strengthen their power, the ecological

58 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

stresses that began to mount... provided oppurtunities for chiefly rivals to


usurp traditional chiefly status. A contradiction between hereditary and
ascribed status positions is well known for Polynesia as a whole, especially
between sacred and secular aspects of power. In the Marquesas, there was
competition for both the sacred and the secular prerogatives of the chiefs.
On the one hand, opportunistic shaman-priests (an achieved, rather
than inherited form of priesthood) could seize upon the opportunity
presented by an ecological crisis (precipitated, in many instances, by a
drought) to claim that the mana of the hereditary chiefship was no
longer efficacious. Surely, this was the strategy utilized by tau’a to elevate
their positions. On the other hand, the increasing competition over
land and other scarce resources gave ample opportunity for warriors
(toa) to strengthen their particular brand of achieved, secular power
(Kirch 1991, 141-142) (akin ang diin).

Komparatibong Pagsuri at Paglilinaw sa Kaayusan at Dinamiks ng mga


Austronesyanong Bayan. Makikita sa mga natalakay na pag-aaral sa chiefdom na kahit
pare-parehong nakatuon ang mga ito sa mga kaparaanan ng kapangyarihan ng mga bayan
at mga namumuno nito, may pagkakaiba-iba ito sa lapit, pokus, at interes: pagtugon sa
“kalakalang panlabas” ang sentral sa pag-aaral ni Junker sa chiefdom ng Tanjay;
korelasyon ng mga bayan at ng ekolohikal na kaangkupan ng kinatatayuang lugar sa pag-
aaral ni Allen sa chiefdom ng mga Maori sa Hilagang Pulo, New Zealand; pagbubuo ng
ekspansyonistang estratehiya (at malalimang pagteteorya sa panlipunang ebolusyon
gamit ang Darwinistang perspektibo) sa pag-aaral nina Aswani at Graves sa chiefdom ng
Tonga; at panloob na hidwaan ng mga haliging personahe sa pag-aaral ni Kirch sa mga
bayan ng Marquesas. Makikita sa mga lapit nito ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga
“materyal na kondisyon” (ekolohiya, demograpiya, at iba pa) at paggawa ng mga
estratehiya sa kapangyarihan sa ebolusyon ng kompleksidad ng mga bayan.

May nabubuksan bang mahahalagang pag-unawa sa kaayusan/dinamiks ng mga


sinaunang bayan sa Pilipinas dala ng komparatibong pagtingin sa ebolusyon ng mga
Austronesyanong chiefdom? Kahit sa isang panimulang pagtatangkang ito, ang
pagbubukas ng mga katanungan sa pagkakaiba ng mga ebolusyunaryong proseso ng mga
bayan ay isa nang positibong hakbang sa malapitang pag-unawa. Maaaring tingnan
halimbawa ang bayan ng Tanjay sa prisma ng kategoryang chiefdom, ihambing ito sa kaso
ng Tonga at itanong: bakit nakapagpalawak ang Tonga hanggang sa malalayong kapuluan
habang ang Tanjay ay nanatiling limitado ang kapangyarihan sa isang bahagi ng Negros?
Bakit hindi pumasok sa ekspansyonistang direksyon ang parehong estratehiya ng
pananalakay ng bayang Tanjay katulad ng sa Tonga?

59 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Mula sa pagkakatatag ng mga neolitikong pamayanan sa Pilipinas (ca. 3000 BK) hanggang
sa kasalukuyan, sumasaklaw ito ng mga limang milenyong lalim ng kasaysayan. May
mahabang panahon ang kaayusang chiefdom [mga 1,000 taon sa pinakamababa:
halimbawa, ang Tanjay (ca. 500 MK-ca. 1500/1600 MK)] kumpara sa kaayusang state (mga
400 taon: mula dantaon 16 MK ng panananakop/imposisyon ng estadong kolonyal
hanggang kasalukuyang “estadong nasyon” ng Republika) (tingnan ang Diagram sa sunod
na pahina). Ang chiefdom ng Tanjay ay halos may parehong tagal ng panahon ng
chiefdom ng Tonga bilang nagsasariling kabuuan bago sinakop ng makakapangyarihang
kaayusang “estado.” Pareho rin silang umabot sa antas ng pampulitikang katatagang
matatawag na “kompleks na chiefdom” at may kapangyarihang manalakay at manakop ng
ibang bayan. Bakit hindi pareho ang tinungong direksyon ng kanilang pagsulong?
Maaaring may mahalagang papel dito ang demograpikal na presyur. Di-katulad ng sa
Tonga, walang ganitong indikasyon sa Kabisayaan. Hindi pinasok ng pag-aaral ni Junker
ang usapin ng demograpiya, ngunit ayon kay William Henry Scott kakikitaan ang mga
dating bayan ng “kakulangan ng trabahador” (shortage of labor) para sa eksploytasyon ng
kanilang kapaligirang mayaman sa likas-yaman (Scott 1994, 133). Habang ang
pananalakay ng mga Austronesyanong Tonga ay tinulak ng demograpikal na presyur,
agrikultural na intensipikasyon, at matinding hidwaan ng mga naghaharing kamag-
anakan, tila walang indikasyon para sa ganitong kondisyon sa bayan ng Tanjay para
humantong ang pananalakay sa pananakop.

Tungkol naman sa kaayusan ng kapangyarihan sa loob ng bayan, makikita na sa prisma


ng kategoryang chiefdom na ang kaayusang pampulitika ng Tanjay ay mahahati sa dalawa:
ang naghaharing uri (ruling elites) at ang mga sakop na “karaniwang tao” (commoners).
Mahalaga ang pagtukoy sa kaayusang ito upang masuri ang nibel ng
paghawak/pagkontrol sa dominanteng kapangyarihan sa loob ng bayang lumampas na sa
kaayusang band o tribe kung saan nangingibabaw pa ang relasyong egalitaryan. Bilang
chiefdom, may malaking antas na ito ng pampulitika at pang-ekonomiyang di-
pagkakapantay kumpara sa sinundang mga kaayusan. Makikita sa ganitong kaayusan na
ang panlipunang istatus na “timawa” ng Kabisayaan ay bahagi ng namumunong uri. Mga
personal na tagasunod sila ng datu: ang kanyang “mandirigmang mandaragat” at
“puwersang militar” para mapatatag at maisulong ang kapangyarihan (Scott 1982c; 1994,
128-135).

60 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

DIAGRAM
LINYANG PANAHON
Ang Pilipinas sa Ebolusyunaryong Balangkas ng Band-Tribe-Chiefdom-State

3000 BK 200 BK 1565 MK


Pagpasok ng mga Austronesyano sa Sa Manunggul Chamber B, na may Simula ng sapilitang pagpapaloob ng
Pilipinas. radiocarbon date na 200 BK, mga chiefdom (at mga nananatiling
makikita ang glass bracelets, glass at band/tribes) sa balangkas ng
Batay sa linggwistikal at carnelian beads, acid-etched beads, at “estadong kolonyal.”
arkeolohikal na rekonstruksyon, ang mga kagamitang copper o bronze
ekonomiya ng mga sinaunang (socketed axes, spearheads, tanged Hindi pa umaabot sa 500 taon ang
pamayanang ito ay kakikitaan ng: and barbed arrowhead) (Bellwood pamamayani ng kaayusang state, ang
kagamitang yari sa bato at buto 1985, 311-312). “estadong kolonyal” at ang pumalit
(panghiwa at pamukpok), pag- ditong “estadong nasyon” ng
aalaga ng hayop (baboy at aso), ca. 500 MK kasalukuyang Republika.
pagtatanim (bigas, millet, at tubo), Paglilibing sa tapayan at sa trosong
paghahabi ng damit, at paggamit ng kabaong pagpasok ng pangalawang
mga bangkang-may-katig (Bellwood milenyo (Bellwood 1985, 304, 312-
1985, 311-312). 313).

Chiefdom ng Tanjay: tumagal ng


mga 1,000 taon bago sinakop ng
kaayusang state, ang “estadong
kolonyal” ng mga Español (Junker
1994).
§
Ang isang neolitikong pamayanan na may sedentaryong pamumuhay ay maaaring magbago patungo sa pagiging
“nangangalap-at-nangangasong pangkat” na “nomadiko” dala ng pag-angkop nito (kaya hindi isang “pag-atras”) sa
ekolohikal na kondisyon ng bagong kapaligirang mapapasukan. Isang Austronesyanong halimbawa ang nangyari sa
kaso ng mga Moriori (“kamag-anak” ng mga Maori) sa Kapuluang Chatham (Diamond 1998, 53-57).

Malawak ang maaaring saklawing kaayusan ng kategoryang chiefdom (tingnan ang komentaryo rito ni Kristiansen na
nasa Tala 3 ng artikulong ito). Maluwag ang kategorya at depende sa kategorisasyong ginagamit ng isang iskolar,
maaaring magkaroon ng iba’t ibang termino para sa isang pampulitikang kaayusan na may sentralisasyon at
hereditaryong posisyon ng pamumuno. Maaaring ipaloob dito ang mga tinaguriang “supra-tribal” na kaayusan ni Peter
Bellwood (1985, 271ff.); ang mga “segmentary states” nina Tomas M. Kiefer (1972) at James Francis Warren (1985); ang
mga tinawag ding “chiefdom” ni William Henry Scott sa Kabisayaan bilang “loose federation of chiefs” (Scott 1994, 129) at
ang kanya ring “petty plutocracies” at “principalities” (Scott 1982a, 135-147); o ang mga “bayan” (“kadatuan”), “estadong
bayan” (“kaharian,” “karadyahan”) at “estadong etniko/sultanato” ni Zeus A. Salazar (1997b, 11-17).

61 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Ngunit tulad ng ibang Austronesyanong chiefdom na napag-aralan sa itaas, ang


kapangyarihan ng mga namumuno sa Tanjay at iba pang chiefdom sa Kabisayaan ay
nakatuntong sa isang madulas na ugnayan. Ang kanilang kontrol sa mga mandirigmang
timawa at sa lakas paggawa na karaniwang mga oripun [ang “mayoryang” uri sa loob ng
bayan, ayon kay Scott (1994, 135)42] ay nangangailangan din ng “pagsang-ayon” nila.
Kapwa ang teknolohiya/teknika sa produksyon at paggawa ng mga sandata ay maaaring
hawakan ng mga grupong pumiling humiwalay sa umiiral na kaayusan at magtayo ng
nagsasariling pamayanan.

Sa kabuuan, ang mga pag-aaral sa prehistorikong chiefdom ay magbubukas ng


mahalagang perspektibo sa disenyo/dinamiks ng pampulitika at pang-ekonomiyang
paghawak ng kapangyarihan sa loob ng bayan na mahalaga sa pagpapaliwanag sa
magkakaibang ebolusyunaryong direksyon ng mga bayan.

TUNGO SA MALAPITANG PAG-AARAL


NG MGA SINAUNANG BAYANG PILIPINO
AT SA MAKAHULUGANG PAGSASAKASAYSAYAN

Ang mga pag-aaral sa mga sinaunang bayan at sa kaayusan/dinamiks ng pamumuno nito


ay tumatagos sa mga importanteng tunguhin ng disiplinang Antropolohiya (lalong lalo na
sa Antropolohiyang Pulitikal at Arkeolohiya) at Kasaysayan. Ang mga pag-aaral sa
prehistorikong chiefdom sa partikular ay may mahalagang kontribusyon sa
pagpapaliwanag sa ebolusyon ng lipunang Austronesyano/Pilipino at sa pagteteorya sa
ebolusyong panlipunan sa kabuuan. Sa disiplina ng Kasaysayan at sa pagsasakasaysayan
ng mga sinaunang bayan sa Pilipinas, maaaring hindi direkta ang halaga ng mga
nabanggit na mga pag-aaral dala ng ibang lapit/pokus/layunin ng disiplinang interesado
sa ebolusyunaryong paggalaw ng bayan o chiefdom.

Ano ang mahahalagang direksyon ng mga pag-aaral sa prehistorikong chiefdom? Ano


naman ang mga limitasyon nito kapwa sa perspektibo ng disiplinang Antropolohiya at
Kasaysayan? Tatalakayin sa sumusunod ang mga ito sa dalawang bahagi: [1] ang halaga at
limitasyon ng mga pag-aaral sa pananaliksik tungkol sa ebolusyon ng prehistorikong
lipunan (angkop sa Antropolohiya) at [2] ang halaga at limitasyon ng mga pag-aaral sa
proyekto ng pagsasakasaysayan ng mga sinaunang bayan (angkop sa disiplina ng
Kasaysayan).

Makikita sa pagtalakay ng papel na ito na nangingibabaw sa ebolusyunaryong perspektibo


ng pagsasapanahon ang pagtukoy sa mga mekanismo ng panlipunang paggalaw at
interaksyon ng mga babanggiting salik. Ang ebolusyunaryong lapit at ang
pagsasakasaysayan ay maaaring tingnang magkaibang moda ng pagsasapanahon ng

62 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

presesong panlipunan. Sentral sa ebolusyunaryong lapit ang sanhi-epektong mekanismo.


Sa pagsasakasaysayan, ang pagsasalaysay sa daloy ng panahon ng mga kaganapang
pinapahalagahan ng/makahulugan sa historyador/kalinangan ang sentral nitong
tunguhin/gawain. Maaaring isang bahagi lamang ng mga pinapahalagahang salaysay ang
usapin ng sanhi-epektong mekanismo. Ang pagpipiliang uniberso ng mga temang
isasalaysay ng isang historyador ay malawak samantalang ispesipiko ang pokus ng
ebolusyunaryong lapit.

Ebolusyon ng mga Lipunang Austronesyano/Pilipino: Halaga ng mga Pag-aaral sa


Chiefdom. Makikita na isang mahalagang ambag ng mga kasalukuyang pag-aaral sa mga
partikular na chiefdom ang pagbubukas ng landas para sa mas matatag na pagbabatayan
ng komparatibong lapit. Mahalaga ang pagbibigay-diin ngayon sa diakroniko at long-
term na dinamiks sa pagpapaliwanag sa magkakaibang kaayusan ng mga pinag-aaralang
bayan. Mahalaga rin sa mga kasalukuyang direksyon ng pag-aaral ng chiefdom ang
teoretisasyon ng panlipunang paggalaw.

1. Masusing analisis sa diakronikong dinamiks ng mga prehistorikong bayan at ang


inter-relasyon ng mahahalagang elemento sa paggalaw at pagbabago ng lipunan.

Ang diakronikong diin ngayon ng pag-aaral sa mga “di-estadong” lipunan ay bumabalanse


sa sobrang preokupasyon sa taypolohiya ng lipunan. Dialektikal ang kahalagahan ng
singkronikong taypolohiya at diakronikong dinamiks ng pagbabago ngunit maaaring
nakaligtaan ito ng mga naunang iskolar. Sa tradisyong Marxista, kahit nabanggit na noon
pa man nina Louis Pierre Althusser at Etienne Balibar (1965) na kailangang isulong pa ang
pagteteorya sa mekanismo ng “reproduksyong panlipunan” bilang kawing na konsepto ng
“moda ng produksyon” at “pormasyong panlipunan” (social formation) (cf. Ortner 1984),
nitong dekada 90 lamang talagang makakabasa ng kaparehong pagdidiing ibinigay ni
Richard B. Lee sa diakronikong lapit ng “reproduksyong panlipunan”:

Social reproduction is or could be the central concept in social theory. All


social processes can be viewed as forms of social reproduction... I would
argue that social reproduction offers more analytical leverage than the
culture concept. Culture has a static quality, like a map or blueprint. Social
reproduction is dynamic: forms of social life and of meaning constantly
reproducing themselves through the acts of people. Further, large-scale
social change... always manifest itself initially as a crisis in social
reproduction (Lee 1990, 228).

63 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

2. Pagsisikap na makaambag sa pagteteorya sa mekanismo ng ebolusyong panlipunan.

Angkop sa tunguhin ng Antropolohiya, lalo na sa panig ng mga antropolohistang


makaagham (science), ang pagsisikap na makabuo ng lapit at teorya na magdudugtong sa
Agham Panlipunan/Pantao sa siyentipikong pundasyon ng “Agham Natural/Pisikal” at
konsistent sa mga batayang prinsipyo nito lalong lalo na sa Biolohiya.43 Salungat sa iilang
radikal na porma ng postmodernismong antropolohikal, matatag pa rin ang layuning
makaagham para sa pagbubuo ng isang teoryang may solidong puwang para sa unibersal
na aplikasyon, talaban man ito ng mga sosyo-kultural na elemento. Ang pag-aaral ni
Aswani at Graves (1998, 135-140) sa “ebolusyunaryong ekolohiya” ng chiefdom sa Tonga ay
bumabatis sa tradisyong ito.44

Ebolusyon ng mga Lipunang Austronesyano/Pilipino: Limitasyon ng mga Pag-


aaral sa Chiefdom. Sa perspektibong kumikilala sa pangkabihasnang posisyon ng isang
nagteteorya, isang limitasyon ang unibersal na saklaw ng komparatibong pag-aaral dahil
maaaring matabunan nito ang mga ispesipikong pag-aanyo ng mga pinag-aaralang bayan.

1. Ang balangkas/tema na nakatuon sa antas ng “kompleksidad” ng pampulitika at


panlipunang kaayusan ay kailangang maipook sa isang pangkabihasnang konteksto.

Dahil nakatuon ang kategorya at kinakapitang balangkas sa isang komparatibong lapit na


nasa pinakamataas na lebel45 ng saklaw/deskripsyon (ang antas ng “kompleksidad” ng
lahat ng mga pamayanan sa buong daigdig), maaaring maplantsa nito ang mahahalagang
hibla sa pag-aanyo ng bayang pinag-aaralan sa mas ispesipikong konteksto. Maaari
namang maiwasan ito kung bibigyan ng mas detalyadong pagtalakay ang mga pinag-
aaralang chiefdom. Ngunit dahil napakalawak ng tinutukoy na komparatibong konteksto,
hindi natutumbok ang mas angkop na pagpopookan ng pinag-aaralang pamayanan kung
kaya’t maaaring mag-imbita ito ng palukso at hilaw pang pagkukumpara doon sa
napakalayo nang kabihasnan. Kung hahakbang pababa ng lebel (o sa kaparehong punto,
palapit sa ating kabihasnan), sa loob ng Austronesyanong mundo o, mas malapit pa, sa
Dunia Melayu,46 mas umaayon sa kabuuang tinutukoy kung gagamitin ang mga
kategoryang taal dito. Kaya’t maaaring itanong: anong kategorya sa loob ng wikang
Austronesyano47 ang may potensyal para sa komparatibong pag-aaral ng kaayusang
pampulitika ng mga bayan sa loob nito?

Pagsasakasaysayan ng mga Sinaunang Bayan: Halaga ng mga Pag-aaral sa


Chiefdom. Napakahalaga sa isang historyador ang arkeolohikal na datos sa mga
prehistorikong bayan. Nililinaw rin ng mga pag-aaral sa chiefdom na hindi “pre-pulitikal”
(Corpuz 1989, 67) ang mga panlipunang sistemang umiiral sa loob ng Pilipinas labas sa
sultanatong kaayusan at estadong kolonyal.

64 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

1. Datos sa mga prehistorikong bayan.

Labas sa ilang pilosopikal na bagahe, may matitibay na datos na mahuhugot kahit sa


pinaka-bias na dokumento: may mga “bitak,” sa kataga pa ni Scott (1982b), para
pagbabatayan ng isang pagsasalaysay na mas angkop sa mga layunin ng historyador at sa
pinapahalagahan niyang mga tunguhin ng bayan. Ang “datos” na makukuha ay
kailangang “galangin at angkinin” kung hihiramin ang linya ni Roque J. Ferriols (1991,
187).

2. Paglilinaw sa umiiral na kaayusan ng mga prehistorikong bayan sa Pilipinas.

Sa nabanggit na, kakikitaan ng masiglang hidwaang pampulitika at pang-ekonomiya ang


kaayusan ng mga prehistorikong bayan.

Pagsasakasaysayan ng mga Sinaunang Bayan: Limitasyon ng mga Pag-aaral sa


Chiefdom. Mahalaga man ang mga tunguhin ng pag-aaral sa chiefdom at sa
“panlipunang kompleksidad” sa kabuuan lalong lalo na sa perspektibo ng pinag-uugatang
tradisyong pang-Agham (science) ng Antropolohiya, may mga limitasyon ito sa
perspektibong pangkabihasnan. Sapagkat hindi maiwasang maipasok sa diskurso ang
paksa ng “kabihasnan” (cf. Salazar 1991, 1999). Sa pagsisikap na makabuo ng matatag na
tradisyong makaagham at sa harap ng mga tunguhin ng pagsasakasaysayang pambansa,
mahalaga ang larangan ng wika (o mga wika)48 sa pagsasakonsepto at kategorisasyon ng
mga bagay,49 at ang larangang ito ay larangang pangkabihasnan din. Partikular sa mga
tunguhin ng isang historyador, makikitang ang mga sentral na katanungan ng Pilipinong
historyador: para kanino siya nagsasalaysay at sa anong layunin, ay hindi itinatakda ng
mga pinagmumulang tradisyon ng mga pag-aaral sa chiefdom.

1. Ang paksa ng “panlipunang kompleksidad” at pagsusuri tungkol sa mekanismo ng


panlipunang pagbabago ay hindi ang sentral na paksa/layunin ng pagsasakasaysayan: ang
usapin ng sanhi-epekto (causation) ng mga panlipunang paggalaw ay isang bahagi lang
ng saklaw ng Kasaysayan.

May maisasalaysay pa rin ang isang historyador kahit wala pang buong kapasyahan sa
problemang sanhi-epekto ng panlipunang paggalaw. Ang pagpresenta ng mga relasyong
kawsal (causal relations) ay hindi ang tanging paraan ng pagsasalaysay. Angkop para sa
puntong ito ang sumusunod na sipi:

...causation must moderate the claims it dare make upon the historian’s
exclusive attention. It can no longer be argued that the historian must make
it his primary task to acquire a knowledge of the causes of events or of things.
Instead of wondering all the time why events did happen, he can give his

65 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

attention to the question “what did actually happen?” and this will greatly
improve the quality of the story he has to tell. He will still look for the
anterior event that “guides” him to the subsequent event. He will still have
recourse to the postulate of causation as to one of the methods available for
the serialization of his events. But he will do it in a spirit of freedom (Renier
1950, 183-184).

It is none the less properly historical if a and b are linked by coincidence,


coexistence, or mere temporal sequence...50

Ang Marxistang tradisyon kung saan ang peryodisasyon ng ebolusyong panlipunan ay siya
ring peryodisasyon ng Kasaysayan (i.e., ang ebolusyong panlipunan at pagsasakasaysayan
ay titingnang iisa) ay isang tradisyong maaaring makapukaw ng interes sa panig ng isang
Pilipinong historyador. Totoo namang interesante ang pananaw na ito. Isa itong
ideolohikal/teoretikal na pagpoposisyon na sa tono at timpla ay bumabatis sa isang
sosyolohikong tradisyon ng Kanluran. Ang pagsasapilipino ng tradisyong ito ay
nagpapatuloy na hamon para sa mga Marxista.

2. Maaaring hahantong sa malabis na interpretasyon ng umiiral na kaayusan ng bayan


ang binibigyang-diin ng maraming tema sa pag-aaral ng chiefdom.

May tendensya ang ilang pag-aaral sa chiefdom na magbigay ng interpretasyong


kumikiling sa ideya na “lahat ng namumuno ay mapagsamantala.” Halimbawa,
matatawag bang “usurpasyon” ng kapangyarihan ng datu/ariki ang pamumuno ng
babaylan sa ritwal tulad ng binigay na interpretasyon ni Kirch? Babasahin bang ganito
ang umiiral na kaayusan ng mga bayan sa Pilipinas? Totoong mahalaga ang pagsusuri sa
mga hidwaan na umiiral sa isang bayan. Ngunit may dalang peligro ito kung hindi
ipapaloob sa malalawak na pangkabihasnang kabuuan.

Maaaring baliwalain ang lapit sa “kabuuan” dala nang ilang postmodernistang


pangwawasak/dekonstruksyon sa anumang tatawaging “buo.”51 Maaaring sabihin
halimbawa na ang mga kalinangan/kabihasnan ay hindi mga “unipormado at ‘may
integrasyong’ kabuuan” kundi “mga uniberso ng diskurso na problematiko at hindi
buong-buo.”52 At ito nga’y totoo. Ngunit ito’y isa pa ring “uniberso” na may relatibong
bigat ng ugnayan at pagkakaunawaan kaysa sa ibang “uniberso.” Nasa estilo at
pragmatiks ng isang iskolar kung sa isang tiyak na kabihasnang tinutukoy ay bibigyang-
diin ng kanyang diskurso ang “hidwaan” o “kabuuan.” Sa sining ng isang makabansang
historyador, maaaring mas “kabuuan” ang angkop na lundagang diskurso nito dahil hindi
naman maaaring maliitin ang bigat ng pagkakaugnay-ugnay ng mga wika-at-kalinangan
sa loob ng Austronesyanong kabihasnan. Ang pagbibigay-diin nito ay hindi
nangangahulugang humihiwalay na siya sa “meron” ng matinong diskurso at iniisip nang

66 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

“unipormado” ang tinutukoy na kabuuan. Ang lipunan ay kapwa may hidwaan at


kabuuan: sa daloy ng ating kasaysayan na dumaan sa mapangwasak na epekto ng
kolonisasyon/neokolonisasyon, isa pang “pangunahing sandata sa punyaging
pagpapalaya” (Salazar 1998c, xxi) ang pagbibigay-diin sa pinag-uugatan nating mga
historikal/pangkabihasnang kabuuan. Nakita ito ng mga Propagandista noon pa man
(Salazar 1998b).

3. Ang taypolohikal na balangkas ng mga pag-aaral sa chiefdom ay hindi ang tanging


mahalaga/makahulugang balangkas na pagbabatayan sa pagsasalaysay ng Kasaysayan ng
Pilipinas.

Maaaring mapunang ang tinutuntungang balangkas ng chiefdom ay batay sa


ebolusyunaryong problematiko ng Antropolohiya. Isa lamang ito sa mga maaaring
gawing balangkas upang bigyang-hugis ang kasaysayan/panahon (o bigyang-kaayusan
ang deskripsyon ng pinagkukumparang mga pamayanan). Isang alternatibong
humaharap dito, sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Pilipinas, ay ang balangkas na nalikha ni
Zeus A. Salazar (2000). Ang sukatang antas nito ay ang paglawak ng ugnayang
pampamayanan at pagtaas ng kamalayang “bayan.”

Abot-tanaw. Sinikap ng artikulong ito na buksan ang komparatibong pag-aaral sa mga


Austronesyanong bayan ng Indo-Pasipiko. Binigyan din ng kritikal na pagsusuri ang
papel ng chiefdom bilang kategorya sa ilang pag-aaral sa mga prehistorikong bayan.

Maaaring mapalawig pa mula rito ang ilan sa mga magkakaugnay na mga nadaplisang
tema: ang mga layunin ng pambansang pagsasakasaysayan, ang pagbubuo ng teorya sa
pangkabuuang ebolusyong panlipunan, ang pagtatalaban ng mga disiplina at diskurso, at
sa malawakang perspektibo, ang pang-akademikong praxis para sa
pagbubuo/pagpapalalim ng kabihasnang Pilipino.

Pagkilala. Ang panimulang konseptwalisasyon ng “pamumunong vayan” at “bayan” ay


larangang nililinang sa ilang akda ni Zeus A. Salazar. Ang problematiko ng
pagsasapilipino ng disiplina ng Antropolohiya ay hamon ni Prospero R. Covar. Napakaliit
na ambag ang kasalukuyang artikulo sa binuksang direksyong ito.

67 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Talahuli
1
Tingnan ang paglilinaw ni Zeus A. Salazar (1991) sa “pangkabihasnang diskurso” ng pananaw at ang mga
pagtalakay sa akdang pinamatnugutan nina Atoy M. Navarro, Mary Jane B. Rodriguez, at Vicente C. Villan
(1997).
2
Ang “ebolusyunaryong” lapit/iskima na tinutukoy ay mas maihahalintulad sa kladistang perspektibo ng
ebolusyon sa Biolohiya kaysa sa “ebolusyunismo” ng mga naunang pormulasyong antropolohikal.
3
Tingnan ang ebalwasyon ni Kristian H. Kristiansen sa kategorya, taypolohiya, at ebolusyunaryong
balangkas. Partikular na binanggit niyang:
Several recent works stress the inadequacy of our present evolutionary typology and
emphasize that an individual type, such as chiefdom, spans too broad a range of variation.
Although some might propose abandoning evolutionary theory, it remains the most
persuasive explanatory framework in archaeology… (Kristiansen 1991, 16).
4
Hango na may kaunting pagrebisa mula sa artikulo ni Timothy K. Earle (1994, 941).
5
Maaari pang lagyan ng mga hagdang hakbang ang ebolusyon mula chiefdom tungong state. Para kay
Kristiansen (1991), ang “istratipikadong lipunan” (stratified societies) ang intermediaryong antas: chiefdom
-> stratified societies (na may dalawang uri: decentralized stratified societies at centralized archaic state) ->
state.
6
Ang isang sistema ay maaaring tawaging “simple” o “kompleks” depende sa tinutukoy na katangian, kaya’t
may tumatangi sa ganitong lapit sa pagtingin ng lipunan gaya ng makikita sa akda ni Anthony Giddens
(1995, 90-91). Ngunit sa isang set ng mga tinutukoy na katangian (variable), ang isang sistema na hindi
kakikitaan ng ilang elemento kumpara sa isa pang sistemang pinag-aaralan ay maaaring bigyan ng
magkaibang bigat sa kompleksidad. Maaaring sabihing mas kompleks ang eucaryotes (may nucleo) kaysa
procaryotes (walang nucleo) na mga organismo; sa lipunan, mas kompleks ang isang sistemang may
sentralisasyon at isa o maraming antas ng burukrasya kumpara sa isang sistema na walang gayong
katangian.
7
Hango na may kaunting pagrebisa mula sa aklat ni Jared M. Diamond (1998, 268-269).
8
Ngunit maaaring tawaging “chiefdom” ni Patrick V. Kirch (1991, 124). Tingnan din ang artikulo ni Robert
M. Netting (1990) para sa paghihiwalay (decoupling) ng lawak ng populasyon at paglitaw ng sentralisasyon.
Ikumpara naman ito sa artikulo ni Steadman Upham (1990a, 112) para sa medyo salungat na argumento
tungkol sa demograpikal na “prekondisyon na kailangang maabot bago maganap ang isang mahalagang
ebolusyunaryong pagbabago.” Mahalagang tema sa kasalukuyang mga pananaliksik sa chiefdom ang papel
ng demograpiya.
9
Sa artikulo ni Upham (1990a, 98-109), may makikitang ibang variable para sa pag-aaral ng pagkakaiba-iba
ng mga sistemang pampulitika na magandang ikumpara sa iprinesenta ni Earle. Maaaring tingnan din ang
artikulo ni Kristiansen (1991).
10
May mababang libo ang populasyon; isang lebel ng pulitikal na hirarkiya sa itaas ng lokal na komunidad;
sistema ng pagraranggo (graduated ranking) (Earle 1991c, 2-3).
11
May mataas na libong populasyon; dalawang lebel ng hirarkiya; matatag na istratipikasyon (Earle 1991c, 2-
3).
12
Ang pagtustos sa batayang pangangailangan ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain o ilang
kagamitan bilang kapalit ng serbisyo (isang anyo nito ang pagpapapiyesta) (Earle 1991c, 2-3).
13
Pagbibigay ng mga bagay na may simbolikong halaga (Earle 1991c, 2-3).
14
Pagbibigay-diin sa identitad ng grupo sa pamamagitan halimbawa ng “pamumuhunan” sa panggrupong
konstruksyon ng mga monumental na arkitektura (investment in corporate labor constructions) (Earle 1991c,
2-3).

68 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

15
Pagbibigay-diin sa identidad ng mga namumunong elit sa pamamagitan ng kanilang “yaman,” mga tattoo,
at dekorasyon sa katawan, magagarang bahay, at espesyal na pagpapalibing (Earle 1991c, 2-3).
16
Ang papel ng ideolohiya sa pagbubuo ng gahum ng mga namumunong uri ay pareho ring binibigyang-
diin ng mga kasalukuyang Marxistang pagsusuri. Ayon kay Barbara Bender, ang spatlayt ngayon ng
Marxistang pag-aaral sa mga prehistorikong lipunan ay nakatuon sa diakronikong “dinamiks ng
panlipunang pagkilos at ideolohiya.” Ito, mangyari pa, ay napabayaan ng mga Marxista ng Inglatera at
Pransya dahil sa singkronikong kiling nito na nakatuon lamang sa “relasyong panlipunan at sa feed-back
(basahing tensyon) sa pagitan ng puwersa at relasyon sa produksyon” (Bender 1990, 258).
17
Ang mga pag-aaral nina Laura Lee Junker (1994), Shankar Aswani at Michael W. Graves (1998), at Kirch
(1991) ay tumukoy sa temang ito at sa naunang nabanggit. Tatalakayin sa susunod na bahagi ng artikulo
ang kanilang mga pag-aaral.
18
Makikita ang temang ito sa pag-aaral nina Mark W. Allen (1996) at Aswani at Graves (1998) na tatalakayin
din sa susunod na bahagi nitong artikulo.
19
Halos lahat sa mga pag-aaral na makikita sa Upham (1990b) at Earle (1991a) ay tumukoy sa paksang ito sa
magkakaibang antas ng pagbibigay-bigat sa papel nito sa pagbabago.
20
Halimbawa, pagpaiksi ng agwat ng pagtatanim, pagpalawak ng taniman, paggawa ng irigasyon, at
paggamit ng bagong teknolohiya.
21
Ipinakita ng komparatibong pagsusuri ni Netting na walang korelasyon ang “pang-
ekonomiya/demograpiyang sistema” sa “kawalan o presensya ng sentralisasyong pampulitika,
dependensyang relasyon, at digmaan.” Sa kabilang banda,
…there is a strong probability that a dense local population of farmers will (a) practice
intensive cultivation, (b) substitute labor and capital for scarce resources, (c) produce and
consume in family households rather than unilineal descent groups, (d) maintain
individualized, heritable rights to property, and (e) have unequal access to resources,
including the possibility of nonagricultural means of support (Netting 1990, 22).
22
May mahalagang punto si Diamond (1998, 405-425), tungkol sa magkakahawig na katangian ng “mga
historikal na Agham” (na maliban sa Historya/Kasaysayan at Arkeolohiya, ay sumasakop din sa:
Astronomiya, Klimatolohiya, Ekolohiya, Biolohiyang Ebolusyunaryo, Geolohiya, at Paleontolohiya), na
nagpaiba sa kanila sa “mga di-historikal na Agham” (Pisika, Kemistri, at Biolohiyang Molekular).
23
Ang Austronesyanong pamilya ng mga wika ay may apat na sub-pamilya: tatlo ay nasa Taiwan at ang isa,
ang sub-pamilyang Malayo-Polynesiano, ay makikita sa kalawakan ng Indo-Pasipiko at sa Madagascar. Ang
Malayo-Polynesianong sub-pamilya ang pinakamalawak [pumapaloob ng 945 wika sa 959 wikang
Austronesyano (Diamond 1998, 338)] at nahahati naman sa dalawa: ang Kanlurang Malayo-Polynesiano
(kasali ang Pilipinas) at Sentral-Silangang Malayo-Polynesiano (kasali ang mga wikang Osyaniko sa
Pasipiko).
24
Narito ang peryodisasyon ni Peter Bellwood: ca. 4500-4000 BK, pagbubuo ng mga pamayanan ng mga
Naunang Austronesyano sa Taiwan; ca. 3000 BK, umpisa ng pagbubuo ng sub-pamilyang Malayo-
Polynesiano; pagpasok ng mga Austronesyano sa Hilagang Pilipinas; ca. 2500 BK, pagpasok sa Katimugang
Pilipinas, Borneo, Moluccas, at iba pa. Maraming pag-aaral tungkol dito ngunit tingnan sa partikular ang
mga akda nina Bellwood (1985 at 1988), Kirch (1997), Matthew Spriggs (1999), at ang maikling paglalagom
ni William Henry Scott (1994, 1-14).
25
Ang “sub-sub-sub-pamilyang” Osyaniko (tingnan ang Tala 23 sa itaas) ay pumapaloob sa mga katutubong
wika ng Melanesia, Mikronesia, at Polynesia (maliban sa Palau at Marianas, interyor ng New Guinea, at
ilang dako sa Arkipelago ng Bismarck at Kapuluang Solomon).
26
Makikita ang mga sityong “Lapita” sa mga kapuluan ng Solomon, Samoa, Fiji, Tonga, at New Caledonia.
Pangunahing tumutukoy ang “kalinangang Lapita” sa naiibang dekorasyon sa palayok ngunit binigyang-diin
ni Spriggs na ito’y talagang pumapaloob ng isang malawak na “pangkalinangang kompleks” at hindi “puro

69 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

palayok lang.” Tungkol naman sa lumalabas na debate tungkol sa pinagmulan ng “Lapita,” iginiit ni Spriggs
na talagang Timog Silangang Asya ang “lupang tinubuan” ng kalinangang ito (Spriggs 1999).
27
Ang sumusunod na pagtalakay ay batay sa akda ni Junker (1994).
28
Tinawag ito ni Karl L. Hutterer (1977) na primate dendritic system.
29
Ang mga ekstensibong proyektong arkeolohikal sa Rehiyong Bais ay nag-umpisa noon pang taong 1979.
30
Maaaring sinisiguro ng chiefdom ang pagpapatuloy ng palitan sa pamamagitan ng paggamit ng dahas sa
mga taga-interyor ngunit sa kalakhang bahagi, naniniwala si Junker na isinagawa ito sa mapayapang paraan
sa kadahilanang maaaring napakahirap ang pananalakay sa mga armado at palipat-lipat na mga grupo sa
bulubunduking lugar (Junker 1994, 244).
31
Ang teknolohikal na istandardisasyon bilang batayan sa pagtaya ng pagkakaroon ng espesyalisasyon sa
paglikha (craft specialization) ay naunang ginamit ng grupo nina William A. Longacre sa lugar ng Kalinga-
Apayao (Kalinga) at Bikol (Paradijon) sa kanilang pag-aaral sa mga magpapalayok doon.
32
Inihambing ito ni Junker sa mga etnohistorikal na datos sa Pilipinas na nagpapakitang ang mga chiefdom
ay target at lunsaran ng organisadong pananalakay: pagkakaroon ng mga fortipikasyon palibot sa mga
sentrong bayan, paggamit ng mga sopistikadong kanyon at sandatang bakal, pagtatayo ng mga
sekondaryong sentro sa matataas at estratehikong lugar para malilikasan sa panahon ng pananalakay. Ang
pagsasagawa ng mga “sekondaryong sentro” ay inilagay sa malawak na pangkabihasnang konteksto sa pag-
aaral ni Salazar (1997a).
33
Ang sumusunod na pagtalakay ay batay sa akda ni Allen (1996).
34
Tingnan ang Tala 32 sa itaas (cf. Field 1998).
35
Hindi na ito matatalakay rito maliban sa pagtala na ang kalakhang bahagi ng pag-aaral ni Allen ay
nakatuon sa pangkalikasang analisis, pagtukoy sa mga angkop na dimensyong dapat tingnan, at
arkeolohikal na metodolohiyang ilalapat.
36
Ang sumusunod na pagtalakay ay batay sa akda nina Aswani at Graves (1998).
37
Dahil kadalasang may misinterpretasyon sa konsepto ng “seleksyong natural” (“pagpipiling likas”) at sa
“adaptasyon,” kailangang matukoy ang mekanismo nito. Ang tanging tinutukoy ng “seleksyong natural” ay
ang magkakaibang tagumpay sa pagpaparami (differential replicative/reproductive success) ng mga
indibidwal (phenotype/genotype) dala ng mga taglay na hereditaryong pagkakaiba-iba (inherited variations)
sa mga katangiang (traits/characters) biolohikal o beheybyoral. Istatistikal na konsepto ito kaya’t hindi
“sirkular” ayon sa kadalasang pagkakaunawa rito dala ng popular ngunit hindi tumpak na mga linyang
tinutumbas: “matira ang matibay,” “matira ang nagkataong matira,” at iba pa. Dahil istatistikal, hindi ito
naglalaman ng deterministikong tantiya: probisyunal lagi ang bigat/halaga ng pakinabang ng isang
katangiang nakakalusot sa batas ng seleksyong natural dala ng nagbabagong ugnayan/kaayusan sa
kapaligiran. Hindi pinakaoptimal na solusyon ang bubuuin ng seleksyong natural sa dumidiing suliranin ng
kaayusan/kapaligirang ginagalawan ng isang organismo. Sa set ng naririyang “pagpipilian” (available
variations), mas makokopyang-muli at dadami, kumpara sa iba, ang mga elemento na nagtataglay ng
mataas na komparatibong pakinabang para sa kinapapalooban nitong indibidwal (phenotype) sa isang tiyak
na panahon. Ito lang ang sinasaad ng selesyong natural. Pansining walang pakialam ang mekanismong ito
sa pinagmulan ng mga elementong pagpipilian: itong huli ay ipinapaliwanag kaugnay sa mekanismo ng
pangongopya (mutation, recombination), na pinapalagay na siyang “di-matuyuang balon” ng mga lumilitaw
na pagkakaiba-iba (variabilities). Kaugnay nito, tingnan ang mga akda nina Ernst W. Mayr (1970) at David
P. Braun (1990).
38
Tingnan halimbawa ang akda ni Daniel C. Dennett (1995).
39
Ang sumusunod na pagtalakay ay batay sa akda ni Kirch (1991).
40
Maaaring ikumpara ito sa papel ng “raha muda” o “raha kechil/kachil” sa ilang kompleks na chiefdom
(tatawaging “estadong bayan” ni Salazar) sa Pilipinas (Salazar 1997b, 15).
41
Sa sipi ni Kirch sa isang pag-aaral: property appears privatised to an unusual degree (Kirch 1991, 130).

70 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

42
Ang mga oripun (commoners) ay binubuo ng mga “peasants, peons, serfs, tenants, or farmhands” (Scott
1994, 131) na may iba’t ibang antas ng pagkakautang/pagkakatali.
43
Marami sa pag-aaral na nabanggit dito ang matutukoy ngunit tingnan sa partikular ang akda ni Stephen
J. Athens (1977). Maaaring napakahigpit nga ng paninindigang siyentipiko ni Athens tungkol sa
panlipunang pagteteorya. Narito ang kanyang kritisismo sa ilang makaagham ding pagte-“teorya”:
...their theory is not theory in the scientific sense of the word. What they consider to be
theory really amounts to “descriptive mechanics” or the study of internal dynamic processes
of system states... [They are] unsuccessful because they cannot predict state formation.
This is symptomatic of an inability to address adequately the problem of causation...
(Athens 1977, 360) (akin ang diin).
Tingnan din ang balanseng diskusyon tungkol sa pagkakaisa ng mga Agham at disiplina sa akda ni Murray
Gell-Mann (1994). Nagbigay ng malawak na bista si Gell-Mann sa iba’t ibang lebel ng “kompleksidad”: mula
sa sub-atomikong lebel hanggang sa iba’t ibang porma ng “kompleks, umaangkop na mga sistema”
(complex, adaptive systems) at sa umiiral na “gulo” (chaos) sa mga transaksyong panlipunan.
44
Tingnan din ang akda ni Diamond (1998, 405-425) para sa pagsasaagham (sa huwaran ng Biolohiyang
Ebolusyunaryo) ng “kasaysayan ng tao” (human history).
45
Tingnan ang akda ni Gell-Mann (1994) para sa ideya ng mga lebel ng deskripsyon at ng “coarse graining”
para sa naaayong lebel ng pag-aaral sa “complex systems.” Dahil ang puntong binabanggit dito ay tungkol
sa lebel ng deskripsyon/analisis, angkop pa rin ang puna kahit na ang taxonomiyang gagamitin ay
“pangkat,” “angkan” (“tribo”), “kapunuan,” at “estado.”
46
Para kay Salazar, ang Dunia Melayu (ang “Malayan ecumene” ng kapuluang Indo-Malaysia at Pilipinas) ay
isang mahalagang yunit historikal/pangkabihasnan na bukas pa sa seryosohang pag-aaral (Salazar 1998a,
1998b, at 1998d).
47
Ihambing ito halimbawa sa mungkahi ni Salazar tungkol sa konsepto ng AC*anitu sa pag-aaral ng
relihiyong Austronesyano (Salazar 1998c, 364-366).
48
Masalimuot para sa iba ang usapin ng “wikang pambansa”: kung mayroon na nga ba tayo nito. Ngunit
maaari namang baguhin ang tanong: paano ba maisusulong ang pagbubuo nito?
49
Ayon kay G.R. Elton batay sa pagkakasipi sa akda ni Keith Windschuttle (1994, 218).
50
Hindi na papasukin dito ang isa pang masalimuot ngunit kaugnay na isyu tungkol sa hangganan at
limitasyon ng pagkakatumbas (commensurability) ng mga kategoryang batay sa magkakaibang wika. May
interesanteng ilustrasyong ibinigay si Douglas R. Hofstadterr tungkol dito na sensitibo sa ilang mahalagang
tema ng postmodernismo ngunit di nagpapatianod sa malabis nitong anyo. Ipinakita ni Hofstadter, sa
perspektibo ng Kognitibong Agham, na may pagtatalaban ang mga wika kahit may mga limitasyon ang
pagsasalin ng mga kategoryang batay sa magkakaibang wika (Hofstadter 1997).
51
Katulad ng tinutukoy ng penomenong ito, walang isahang depinisyon ang “postmodernismo.” Dito sa
artikulong ito, tinutukoy ang isang estilo ng pag-iisip na radikal ang pagpapahalaga/selebrasyon sa
pagkakaiba-iba at hidwaan hanggang sa puntong tinutumbas na nito sa “Sindak” at “Terorismo” ang
anumang diskurso sa “kabuuan” (whole, totality), “pagkakaisa”/“pagkakapareho” (similarity/identity),
“katotohanan” (truth), o mga usapin tungkol sa “taal” at “batayang pundasyon/ugat” ng kabihasnan.
Maaaring isa lamang itong radikal na anyo. Ngunit anumang halaga ang makikita sa ibang bersyon nito—
mababanggit ang posisyon ni Jean-Francois Lyotard (1984)—sa perspektibo ng ating kabihasnan at sa
kasalukuyang konteksto, siguradong hindi tayo kasali sa “tayo” noong manawagan si Lyotard:
…[w]e have paid a high enough price for the nostalgia of the whole and the one… Let us wage
a war on totality… let us activate the differences and save the honor of the name… (Lyotard
1984, 81-82) (akin ang diin)
…dahil hindi pa nga buo sa atin ang kamalayan ng pangkalinangang pag-uugnayan/pagkakaisa ng mga
Austronesyano. Iba rin ang “kabuuang” pinaghihimagsikan ni Lyotard at ang “kabuuang” maaaring
pahalagahan ng bayan/bansa.

71 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

52
Ayon kay Michelle Z. Rosaldo:
Cultures are not uniform and “integrated” wholes, but universes of conventional discourses
whose coherence, however partial, problematic, and incomplete, enables recognition of
connections among the things that people do—connections that make activities not just
“appropriate” but intelligible and fraught with sense (Rosaldo 1980, 28).

Sanggunian

Allen, Mark W. 1996. Pathways to Economic Power in Maori Chiefdoms: Ecology and
Warfare in Prehistoric Hawke’s Bay. Nasa Research in Economic Anthropology,
pat. Barry L. Isaac, 171-225. Connecticut: Jai Press, Inc.

Althusser, Louis Pierre at Etienne Balibar. 1965. Reading Capital. New York: Pantheon
Books, 1970.

Aswani, Shankar at Michael W. Graves. 1998. The Tongan Maritime Expansion: A Case in
the Evolutionary Ecology of Social Complexity. Asian Perspectives 37, blg. 2: 135-
164.

Athens, Stephen J. 1977. Theory Building and the Study of Evolutionary Process in
Complex Societies. Nasa For Theory Building: Essays on Faunal Remains, Aquatic
Resources, Spatial Analysis, and Systemic Modelling, pat. Lewis R. Binford, 353-384.
New York: Academic Press.

Bellwood, Peter. 1985. Prehistory of the Indo-Malaysian Archipelago. Honolulu:


University of Hawaii Press.

Bellwood, Peter. 1988. A Hypothesis for Austronesian Origins. Asian Perspectives 26, blg.
1: 107-117.

Bender, Barbara. 1990. The Dynamics of Nonhierarchical Societies. Nasa The Evolution of
Political Systems: Sociopolitics in Small-Scale Sedentary Societies, pat. Steadman
Upham, 247-263. Cambridge: Cambridge University Press.

Braun, David P. 1990. Selection and Evolution in Nonhierarchical Organization. Nasa


The Evolution of Political Systems: Sociopolitics in Small-Scale Sedentary Societies,
pat. Steadman Upham, 62-86. Cambridge: Cambridge University Press.

Childe, V. Gordon. 1951. Man Makes Himself. New York: New American Library.

72 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Corpuz, Onofre D. 1989. The Roots of the Filipino Nation; Volume 1. Quezon City: Aklahi
Foundation, Inc.

Dennett, Daniel C. 1995. Darwin’s Dangerous Idea: Evolution and the Meaning of Life.
New York: Simon and Schuster.

Diamond, Jared M. 1998. Guns, Germs, and Steel: The Fates of Human Societies. New
York: W.W. Norton & Company.

Earle, Timothy K., pat. 1991a. Chiefdoms: Power, Economy, and Ideology. Cambridge:
Cambridge University Press.

Earle, Timothy K. 1991b. The Evolution of Chiefdoms. Nasa Chiefdoms: Power, Economy,
and Ideology, pat. Timothy K. Earle, 1-15. Cambridge: Cambridge University Press.

Earle, Timothy K. 1994. Political Domination and Social Evolution. Nasa Companion
Encyclopedia of Anthropology, pat. Tim Ingold, 940-956. London: Routledge.

Ferriols, Roque J. 1991. Pambungad sa Metapisika. Quezon City: Office of Research and
Publications, Ateneo de Manila University.

Field, Julie S. 1998. Natural and Constructed Defenses in Fijian Fortifications. Asian
Perspectives 37, blg. 1: 32-58.

Fried, Morton H. 1991. The Evolution of Political Society; An Essay in Political


Anthropology. New York: Random House.

Gell-Mann, Murray. 1994. The Quark and the Jaguar: Adventures in the Simple and the
Complex. New York: W.H. Freeman & Company.

Giddens, Anthony. 1995. A Contemporary Critique of Historical Materialism. California:


Stanford University Press.

Gilman, Antonio. 1991. Trajectories Towards Social Complexity in the Later Prehistory of
the Mediterranean. Nasa Chiefdoms: Power, Economy, and Ideology, pat. Timothy
K. Earle, 146-168. Cambridge: Cambridge University Press.

Hofstadter, Douglas R. 1997. Le Ton Beau de Marot: In Praise of the Music of Language.
New York: Basic Books.

73 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Hutterer, Karl L. 1977. Prehistoric Trade and the Evolution of Philippine Societies: A
Reconstruction. Nasa Economic Exchange and Social Interaction in Southeast Asia,
pat. Karl L. Hutterer, 177-196. Ann Arbor: University of Michigan.

Junker, Laura Lee. 1994. Trade Competition, Conflict, and Political Transformations in
Sixth- to Sixteenth-Century Philippine Chiefdoms. Asian Perspectives 33, blg. 2:
229-260.

Kiefer, Thomas M. 1972. The Tausug Polity and the Sultanate of Sulu: A Segmentary State
in the Southern Philippines. Sulu Studies 1: 19-64.

Kirch, Patrick V. 1991. Chiefship and Competitive Involution: The Marquesas Islands of
Eastern Polynesia. Nasa Chiefdoms: Power, Economy, and Ideology, pat. Timothy
K. Earle, 119-145. Cambridge: Cambridge University Press.

Kirch, Patrick V. 1997. The Lapita Peoples; Ancestors of the Oceanic World. Masachusetts:
Blackwell Publishers.

Kristiansen, Kristian H. 1991. Chiefdoms, States, and Systems of Social Evolution. Nasa
Chiefdoms: Power, Economy, and Ideology, pat. Timothy K. Earle, 16-43.
Cambridge: Cambridge University Press.

Lee, Richard B. 1990. Primitive Communism and the Origin of Social Inequality. Nasa
The Evolution of Political Systems: Sociopolitics in Small-Scale Sedentary Societies,
pat. Steadman Upham, 225-246. Cambridge: Cambridge University Press.

Lyotard, Jean-Francois. 1984. The Postmodern Condition: A Report on Knowledge.


Minneapolis: University of Minnesota Press.

Mayr, Ernst W. 1970. Population, Species, and Evolution. Cambridge: Cambridge


University Press.

Navarro, Atoy M., Mary Jane B. Rodriguez, at Vicente C. Villan, mga pat. 1997. Pantayong
Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan.
Mandaluyong City: Palimbagang Kalawakan, 2000.

Netting, Robert M. 1990. Population, Permanent Agriculture, and Polities: Unpacking the
Evolutionary Portmanteau. Nasa The Evolution of Political Systems: Sociopolitics
in Small-Scale Sedentary Societies, pat. Steadman Upham, 21-61. Cambridge:
Cambridge University Press.

74 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Ortner, Sherry B. 1984. Theory in Anthropology Since the Sixties. Comparative Studies in
Society and History 26: 126-166.

Renier, Gustaaf J. 1950. History: Its Purpose and Method. New York: Harper and Row,
Publishers.

Rosaldo, Michelle Z. 1980. Knowledge and Passion: Ilongot Notions of Self and Social Life.
Cambridge: Cambridge University Press.

Saitta, Dean J. at Arthur S. Keene. 1990. Politics and Surplus Flow in Prehistoric
Communal Societies. Nasa The Evolution of Political Systems: Sociopolitics in
Small-Scale Sedentary Societies, pat. Steadman Upham, 203-224. Cambridge:
Cambridge University Press.

Sahlins, Marshall D. 1968. Tribesmen. New Jersey: Prentice-Hall, Inc.

Salazar, Zeus A. 1991. Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan. Nasa
Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong
Kasaysayan, mga pat. Atoy M. Navarro, Mary Jane B. Rodriguez, at Vicente C.
Villan, 67-125. Mandaluyong City: Palimbagang Kalawakan, 1997.

Salazar, Zeus A. 1997a. Ang ‘Real’ ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng
Pilipinas. Bagong Kasaysayan 1.

Salazar, Zeus A. 1997b. Si Andres Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino. Bagong


Kasaysayan 2.

Salazar, Zeus A. 1998a. ‘Malay,’ ‘Malayan,’ and ‘Malay Civilization’ as Cultural and
Anthropological Categories in the Philippines. Nasa The Malayan Connection: Ang
Pilipinas sa Dunia Melayu, may-akda Zeus A. Salazar, 111-143. Quezon City:
Palimbagan ng Lahi.

Salazar, Zeus A. 1998b. The Malay World: Bahasa Melayu in the Philippines. Nasa The
Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu, may-akda Zeus A. Salazar, 81-
107. Quezon City: Palimbagan ng Lahi.

Salazar, Zeus A. 1998c. The Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu. Quezon
City: Palimbagan ng Lahi.

75 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Salazar, Zeus A. 1998d. The Matter with Influence: Our Asian Linguistic Ties. Nasa The
Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu, may-akda Zeus A. Salazar, 59-
80. Quezon City: Palimbagan ng Lahi.

Salazar, Zeus A. 2000. Bagong Balangkas ng Kasaysayan ng Pilipinas. Nasa Ilang


Babasahin sa Pantayong Pananaw, pat. Carmen V. Peñalosa, w.pah. Di-limbag na
kompilasyon, Quezon City, Philippines.

Scott, William Henry. 1982a. Class Structure in the Unhispanized Philippines. Nasa
Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays in Philippine History, may-akda
William Henry Scott, 127-147. Quezon City: New Day Publishers.

Scott, William Henry. 1982b. Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays in
Philippine History. Quezon City: New Day Publishers.

Scott, William Henry. 1982c. Filipino Class Structure in the Sixteenth Century. Nasa
Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays in Philippine History, may-akda
William Henry Scott, 96-126. Quezon City: New Day Publishers.

Scott, William Henry. 1994. Barangay, Sixteenth-Century Philippine Culture and Society.
Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Spriggs, Matthew. 1999. Pacific Archaeologies: Contested Ground in the Construction of


Pacific History. The Journal of Pacific History 34, blg. 1: 109-121.

Upham, Steadman. 1990a. Analog or Digital?: Toward a Generic Framework for


Explaining the Development of Emergent Political Systems. Nasa The Evolution of
Political Systems: Sociopolitics in Small-Scale Sedentary Societies, pat. Steadman
Upham, 87-115. Cambridge: Cambridge University Press.

Upham, Steadman, pat. 1990b. The Evolution of Political Systems: Sociopolitics in Small-
Scale Sedentary Societies. Cambridge: Cambridge University Press.

Warren, James Francis. 1985. The Sulu Zone, 1768-1898: The Dynamics of External Trade,
Slavery, and Ethnicity in the Transformation of a Southeast Asian Maritime State.
Quezon City: New Day Publishers.

Wenke, Robert J. 1990. Patterns in Prehistory: Humankind’s First Three Million Years.
New York: Oxford University Press.

76 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko


Saliksik E-Journal
Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012

Windschuttle, Keith. 1994. The Killing of History: How a Discipline is Being Murdered by
Literary Critics and Social Theorists. Paddington: Macleay Press.

77 PALUGA: Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko

View publication stats

You might also like