Unang bahagi: Sino ang Pilipino sa Pilipinong Sosyolohiya?
Sino nga ba ang Pilipino sang-ayon sa tatlong intelektuwal (Virgilio G. Enrequez,
Prospero Covar, Zeus A. Salazar)? Sapagkat hindi nila tahasang sinagot ang katanungang ito, gagamitin natin ang palagay ni Dennis Erasga sa mga kapuwa buod ng Sikolohiyang Pilipino, Pantayong Pananaw, at Pilipinolohiya bilang pahiwatig ng kanilang konseptuwalisasyon. Sa punto-de-bista ni Enriquez, ang pagiging isang Pilipino ay nauugat sa diwang makabayan, sapagkat nakatutok ito sa kalidad ng kamalayan. Aniya: Given the colonial background of the Philippine psychology, and considering the Great Cultural Divide as East meets West in the development of psychological thought in the Philippines, a psychology movement has evolved in the country emphasizing: 1. Identity and national consciousness, specifically looking at the social sciences as the study of (hu)man and diwa (consciousness and meaning), ore the indigenous conception and definition of the psyche as a focus of psychological reseach; 2. Social awareness and involvement as dictated by an objective analysis of social issues and problem 3. National and ethic cultures and languages, including the study of early or traditional psychology called kinagisnang sikolohiya…; 4. Bases and application of indigenous psychology… but also including the psychology of behavior and human abilities demonstrated in Western psychology and found applicable to the Philippine setting. (Enriquez 1992:24) Ang tatlong yugto ng kasaysayan ng kapilipinuhan naman ang pinakamalapit na simbolo ng pagkataong Pilipino ni Salazar. Ang pamayanan, bansa, at bayan ay sumasalamin sa tatlong proseso ng kalinangang hinubog ng karanasang pangkasaysayan. Ang pagiging isang Pilipino ay isang uri ng kalinangan na hango sa karanasang pangkasaysayang ito. Ito ang diin ng siping halaw sa ibaba: Ang buod ng Pantayong Pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hanagrin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang kabuoang pangangailangan—kabuong nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan. Isang realidad ito sa loob ng alinmang grupong etnolingguwistikong may kabuuon at kakanyahan, sa ating at sa ibang dako man ng mundo. ( Salazar 2000:45) Ano ang tatak-Pilipinong Sosyolohiya? Ang Sosyolohiyang may Pilipinong tatak, kung gayon ay kakakakitaan ng talaban ng disiplina at kultura. Ang Sosyolohiyang namomook sa lipunang Pilipino ay hindi umiiral sa makipot na mundo ng pananaliksik o pag-aaral lamang katulad ng kalakaran. Bagkus, ito ay magiging isang pagpapatibay sa paglinang ng ating kultura, at pag- unawa ng kaniyang realidad. Kung gayon, ang ating kasaysayan, kultura at karanasan ang magiging padron ng paghuhulma ng Sosyoohiyang inaasam. Sasalungat ito sa kagawian ng paggamit ng disiplinang Sosyolohiya bilang lente sa pag-aaral at pag- unawa ng ating pagiging Filipino.
Ikalawang Bahagi: Pag-usabong ng Malayang Sosyolohiya
Ang katangian ng Pilipinong Sosyolohiya na bahagyang isinasalarawan sa itaas ay katawang nasasangkot sa kasalukuyang pandaigdigang talakayan tungkol sa pagsusulputan ng maliit na sosyolohiya mula sa umuusbong na Silanagan (emerging South_) (Brawoy 2004). Sa isang malakihang pagtanaw, ang kaganapang ito bunsod ng mga naiipon at lumalaking pagbatikos sa nosyon ng modernismo na kalimitang pinaghihinalaan bilang maka-Kanluran. Ayon sa pananaw na ito, lahat ng uri ng pag- iisip at repleksyon sa loob ng bakuran ng modernism ay may pagkiling sa diskurso ng Kanluran (Seth 2016). Samaktuwid, lahat ng karunungang malilikha at lilikhain ay nakakulong sa mga pagpapahalaga ng Kanluran (Connell, Collyer, Maia, at Morrell 2017); at sa kabilang banda, lahat ng pag-iisip at pagkilos sa labas ng modernisasyon ay palaging may kudlit ng paghihinala (de Sousa Santos 2014; bhambra 2014; Chakrabarty 2002). May mga kritikal na pagtatangka na linawin ang krisis na ito. Ang “multi modernities” ni Taylor (1999), bilang isang halimbawa, ay hindi nagtatatwa sa katotohanan ng modernism. Para sa kanya ang mga tinatawag na “pagbabagong- kalagayan” (transitions) na nagaganap at laganap sa iba’t ibang kabihsnan ay naglulunsad ng iba’t ibang resulta na tawagin itong “isang modernismo,” dapat itong kilalanin bilang “mga alternatibong modernism” (alternative modernities) (Taylor 1999:161). Sa larangan ng kasalukuyang internasyonal na talastasan sa Sosyolohiya, iminumungkahi ang konsepto ng “global sociology” bilang kinapapalooban na kaisipan ng “multi modernities.” Inaasahan na matutugunan ng “global sociology” ang panganib na kaakibat ng modernism bilang konteksto ng diskurso ng Sosyolohiya. Hindi sang-ayon si Bhambra sa kasapatan ng global sociology bilang sagot sa talaban ng modernism at Sosyolohiya. Sa kanyang aklat, Connected Sociologies (2014), tinutukan ni Bhambra ang mga usaping ito tungkol sa moderniso, ang pagkaka- kaladkad ng Sosyolohiya sa mga usaping ito, at ang kawalan ng kasaptan ng inaaalok na posisyon. Batikos biya: “Global sociology” has been proposed as a way to redress the previous neglect of those represented as “other” in dominant “Eurocentric” construction of modernity within sociology—and as a path towards a rejuvenated sociology for a new-global aged. This path involves three main components: 1. A shif to a multiple modernities paradigm; 2. A callfor a multicultural global sociology; and 3. An argument in favor of a global cosmopolitan approach. Whule these approach ostensibly take “ the rest of the world” into consideration, I suggest that they do so under terms which are inadequate. (Bhambra 2014:23) Sa halip na “ global sosciology,” inialok niya ang “connected sociologies” na nakasalig sa post-kolonyal at dekolonyal na pagsusuri sa eurosentrismo bilang mas angkop na lapit sa pag-unawa sa ating pandaigdigang kasalukuyan (global present). Ang pangunahing alalahanin ng “connected sosciologies” ni Bhambra ay ang pagbabalik- suri sa kaluluwa ng Sosyolohiya na may diin sa mga kasaysayan ng pangangamkam, pananakop, pang-aalipin, at apropriyasyon (Bhambra 2007). Tanging sa pagkilala sa kahalagahan ng global na kolonyal maaaring unawain at talakayin ang post-kolonyal. Sa ganitong paraan, diin niya, maipupuwesto ang Europa bilang bahagi ng talstasan at hindi ang naghabi ng talastasan para sa sinakop at nasasakupan. Sa ganitong paraan, ang dugtungan ng mga kasaysayan ang magiging isang taal na hugis ng diyalogo ng ,mga sosyolohiya.
Ikatlong Bahagi: Lakbayin ng Sosyolohiya sa pilipinas: Isang Kritikal na
Pagbabalik-Suri Sa pagrerepaso ni Dennis Eraga ng mga susing publikasyon hinggil sa naging takbo ng Sosyolohiya sa bansa mula sa pagpasok nito sa Pilipinas noong 1896 hanggang sa kasalukuyan, isang tema ang higit na kumintal sa kanyang pagninilay, Ito ay ang tila pagkalibang ang atensiyon ng mga Pilipinong tagapagtaguyod ng disiplina sa usapin ng kaunlaran (modernization) at sa ang pambasang pakinabang ng nasabing kaunlaran (national development). Nagsimula ang oryentasyong ito sa suhestiyon ni Benicio Catapusan. Sa kaniyang seminal na artikulo noong 1957 na pinamagatang “The Development of Sociology in the Philippines, ganito ang kanyang pagtataya sa pagpupunyagi ng sosyolohiya na kapapasok pa lang sa mga pinto ng akademya sa Pilipinas. In 1939, Macaraig’s Introduction to Sociology appeared in response to a long-felt need for a local approach to sociology. The tretise revolved around the Filipino culture and it’s belief; it’s further elaborated on the the general sociological prinsiples of the Occident as applied in the Philippines. The book remained in demand for almost 10 years. At about this time, subjects in Social Work also appeared in the State University curriculum. Meanwhile, the need for more up-to-date social data was again felt. Western Sociology books provided the answer once again, but lack of locally written Sociology texts inevitably gave way to ill-prepared outlines based on textbooks fron the west. Although the Western textbooks helped filled the needs then, this measure did not help to enrich our sociological “tool-kit” nor the development of social thoughts in this country. In most cases, Sociology was taught as purely normative subject, and the analysis of sosciological principles was oftentimes, if not totally, overlooked. (Catapusan 1957:53) Dahil sa kawalan ng lokal na saligang aklat sa Sosyolohiya, napilitang mag- angkat ng mga aklat na isinulat sa kanluran. Lihis sa kanilang kamalayan, hindi lamang mga literal na aklat ang kanilang inangkat; kinupkop din nila pati ang bias at pagpapahalaga ng mga nagsulat ng aklat. Sa pagtatapos iginigiit ni Catapusan ang pagbubuo ng isang pilosopikal na pagmumuni para sa Sosyolohiya na magiging matatag na gabay sa paghahanda sa kinabukasan at susi sa pagbubuo ng bansa (Catausan 1957). Tila nagdilang anghel si Catapusan. Ayon sa mga kritikal na pagtataya nina Castillo (1994), De Guzman (1975), Abad at Eviota (1982), David (1982), Talledo (1993), at Banzon-Bautista (2000), ang “kaunlaran” at “kapakanan ng bansa” ang dalawa sa matingkad na tema ng pangkalahatang direksiyon ng mga Agham Panlipunan sa mga sumusunod na dekada. Kasama ng Sosyolohiya, kanilang mabusising nirepaso ang pag-usad ng Atropolohiya, Sikolohiya, at Ekonomiks sa Pilipinas sa larangang pagtuturo, pananaliksik, at publikasyon. Sa kaso ng sosyolohiya, mapapansin na ang litanya at latag ng kanilang pagtatlakay sa paglago ng disiplina sa larangang paglikha ng karunungan sa loob at labas ng akademya ay hindi pagsusubaliang nananawid sa pangkalahatang landasin patungo sa pambansang kaunlaran (David et al. 1982). Ang Sosoyolohiya bilang disiplina ay pinakinabang bilang kasangkapan at kapamaraanan sa pagsusulong ng minimithing kaunlaran. Ang kapaki-pakinabangang ito ay ipinapalagay bilang indikasyon ng pasimula sa pagsasarili ng Pilipinong Sosyolohiya kalakip ng mga sumusunod na palatandaan: (i) pagsulpot ng maraming asignatura at programang sosyolohikal bunsod ng lumalagong intereres dito; (ii) pagkatatag ng mga maimpluwensiyang institusyon at sentro ng pananaliksik, (iii) tuloy-tuloy na publikasyon ng mga seminal na pag-aaral sa kondisyong ekonomiko at political ng bansa (lalo na sa panahon ng Martial Law) (Banzon-Bautista 1994; Porio 2009); (iv) pagyabong ng mga pambansang kumperensiya; (v) pagte-teorya at sopistikasyon sa metodolohiya (Antonio 1999; Brazon-Bautista 1994); (vi) pagsasakatutubo (Abad at Eviota 1982); (vii) at ang agresibong panghihikayat sa mga potensiyal na kasapi ng kalipunang sosoyolohikal (Lamug 1998; Porio 2009). Ang tanong ni Erasga: Katunayan nga bang maituturing ang mga ito ng paglabas ng Sosyolohiyang Pilipino sa sinapupunan ng Sosyolohiya ng Kaunlaran? Minarapat niyang busisiin ang usaping ito gamit ang isang uri ng pang-uungkat-suri- (thermatization) sa dioreksiyon ng praktis ng Sosyolohiya sa bansa. Dahil ang praktis ay maaring ipapalagay bilang gawi ng pagsasakatuparan at paggamit, minarapat niyang bigyang-anyo ang mga pagtatangkang ito ng kalipunan ng mga Pilipinong sosyolohista. Hinagilap rin ni Prof. Eragsa ang mga Generikong ingklinasyon ng mga gawi at pangkalahatang tendensiya ng mga hirati na ipinapahiwatig ng mga praktis upang mapalitaw ang mga angkop na tema. Ikaapat na Bahagi: Isang Kritikal na Pag-uungkat-suri sa Praktis ng Sosyolohiya sa Pilipinas. Sa Talahanayan 1, inisa-isa ni Dr. Erasga ang tatlong anyo ng kasalukuyang praktis o tangka ng paggamit sa Sosyolohiya. Tinatawag niya itong: (i) linang na paggamit (asimilasyon), (ii) taal na pagtatapat (indigenization), at (iii) usbong na pagtataya (emergence). Ang katangian ng bawat isang tangka ay sumasalamin sa tatlong anyo ng pagtuturing sa Sosyolohiya: Bilang isang disiplina, pananaw, at karanasan. Isinama rin ang aspekto ng pagtuturing sa Sosyolohiya ang deskripsiyon ng tangka na sumasalamin sa bawat isa. Talahanayan 1. Pagtuturing sa Sosyolohiya, Tangka sa Pagpapalawig, at tanging Gawi
Pagtuturing Tipo ng Tangka sa Katangiang Gawi
sa Sosyolohiya Paglilinang Sosyolohiya Ang Sosyolohiyang Ang Linang na Pagtangkilik Sosyolohiya Pilipino Sosyolohiyang paggamit Tapat na pag-aangkat ay disiplina umiiral sa mga susing konsepto, prinsipyo, at kategorisasyon na bantog sa Sosyolohiya bilang isang unibersal na Agham Panlipunan Aang Pilipinong Ang Taal na Pagsasa-katutubo Sosyolohiya Sosyolohiya Sosyolohiyang paglalapat Masugid na pagtatapat ay Pananaw maaari ng mga lokal na konsepto, prinsipyo, at kategorisasyon sa linang na epistemolohiya ng Sosyolohiya sa pag- usisa sa mga usapin at alimuom ng lipunang Pilipino Ang Pilipinong Ang Usbong na Pag-aangkop Sosyolohiya Sosyolohiya Sosyolohiyang Pagtataya Mapagnilay na ay Kailangan paghamon hindi Karanasan lamang sa kaangkupan / kasapatan ng mga panuntunang konsepto, pinsipyo, at kategorisayon sa kontekstong Pilipino. Kalakip din ang paghamon sa simplistiko at mekanikal na paglalapat ng mga nauna sa usapin ng relasyon at kaayusan ng kulturang Pilipino Group 5: Ano ang maaaring gampanin ng Sosyolohiyang Pilipino sa aspekto ng kaunlaran?