You are on page 1of 2

Komentaryo at Solusyon sa Napapanahong Isyu

MIGRASYON

Migrasyon any tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon
manirahan.

URI NG MIGRASYON:

a. PANLOOB - migrasyon sa loob lamang ng bansa

b. PANLABAS - paglipat ng mga tao sa ibang bansa upang doon na manirahan o


mamalagi nang matagal na panahon

EPEKTO

MAGANDANG EPEKTO

1. Mas magandang trabaho na may malaking sahod -

Kadalasan na dahilan ng migrasyon ay mas magandang oportunidad at sahod sa


mga lugsod or sa ibang bansa na hindi nila kinikita sa bansang Pilipinas.  Kapag
mas mataas ang sahod, mas mainam na matustusan ang mga pangangailangan
ng pamilya

2. Pag-unlad ng ekonomiya – Dahil mas mataas ang sahod ng mga OFW,


maraming sa kanila ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan.
Kapag mas maraming pera ang mamamayan mas maraming produkto ang
mabibili at mas maraming negosyo ang magbubukas. Kapag mas maraming
negosyo ang bukas, mas marami sa ating mamamayan ang may trabaho

3. Pagkakaroon ng kapital para sa negosyo - Ang remittance o ipinapadalang pera


ng mga OFW sa kanilang pamilya ay nagsisilbing kapital para makapagnegosyo

4. Kakayahang makapagpatapos ng pag-aaral ng mga anak - dahil sa mas


malaking suweldo, kayang paaralin ng mg OFW ang kanilang mga anak sa
pripadong paaralan hanggang kolehiyo

5. Paglipat ng teknolohiya – dahil karamihan sa mga OFW ay nagtratrabaho sa


mas maunlad na mga bansa, sila ay nagkakaroon ng karanasan sa bagong
kaalaman at teknolohiya
MASAMANG EPEKTO

1. Paglobo ng populasyon sa mga siyudad- Dahil sa paglipat ng mga tao mula sa


probinsya tungo sa mga siyudad, lumolobo ang populasyon sa mga siyudad.
Dahil dumarami ang mga tao dito, nagkakaroon ng paninikip at kakulangan ng
disenteng tirahan

2. Panganib sa kaligtasan at paglabag sa karapatang pantao – marami sa mga


OFW ay nagtratrabaho bilang kasambahay sa ibang bansa. Sila ay
nanganganib pagmalupitan ng kanilang mga amo. Minsan sila ay binabawian ng
buhay sa kamay ng kanilang ga amo.

3. Pagiging biktima ng illegal recruitment– marami sa mga OFW ang nagiging


biktma ng mga illegal recruiter. Sila ay nagtratrabaho ng walang kaukulang
papeles. Dahil dito, hindi nasusunod ang kanilang kontrata

4. Pagwalay sa pamilya at anak- ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may


epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak. Hindi
nila nasusubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Minsan napapariwara
ang kanilang mga anak. Nasisira din ang pamilya at humahantong sa
paghihiwalayan ng mag-asawa.

5. Brain drain- ang mga eksperto sa iba’t-ibang larangan lalo na sa laraangan ng


medisina ay nangingibang bansa dahil sa mas magandang oportunidad na
naghihintay sa kanila. Dahil ditto, nauubusan na tayo ng mga duktor, nars,
enhinyero at iba pang skilled professionals. Higit ngayon sa panahon ng
pandemya, ramdam ng ating bayan ang kakulangan ng mga health workers

You might also like