You are on page 1of 2

ARALIN 11 PARAAN NG PAGTATAGUYOD SA EKONOMIYA

NG BANSA
EKONOMIYA - sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.
- Basehan kung ang isang bansa ay maunlad, papaunlad o
mahirap
Ang pagpapaunlad ng ekonomiya hindi lamang ang panloob na ekonomiya pati
na rin ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa ay prayoridad ng ating pamahalaan.
Ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa at nkatutulong sa seguridad na pang-
ekonomiya. Ginagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
-Pagsasagawa ng mga programa upang makaakit ng mamumuhunan
- Malinang ang panluwas na pamilihan
- Mapaunladang turismo
- Makalikom ng mga impormasyon
- Mapadali angpagtanggap ng tulong mula sa ibang bansa
Nakasalalay sa mga programang pang- ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.

Tatlong layunin sa pagtataguyod ng pambansang ekonomiya na nakasaad sa


Saligang Batas:
1. Makatarungang pamamahagi ng kita, pagkakataon at kayamanan
2. Patuloy na paglaki ng produksyon ng kalakal at paglilingkod para sa taong
bayan
3. Lumalawak na kasaganaan na susi sa pagtaas ng antas ng pamumuhay ng
tao lalo na ang mga kapus-palad
Patakarang pang-ekonomiya - nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng mga
programang pangkaunlaran ng bansa. Kasama rito ang mga sumusunod:
1. Pangangalaga sa mga manggagawa
2. Pangangalaga sa mga kalakal at industriyang lokal
3. Pagpapaunlad ng agrikultura, kagubatan, yamang tubig at yamang
mineral
4. Paghikayat ng mga pribadong negosyo
5. Pangangasiwa ng minopolyo
6. Pagpapaunlad ng lingkurang-bayan

Pangangalaga sa mga Manggagawa


-Pangangalaga sa mga Pilipinong manggagawa at mangangalakal laban sa mga
di kanais-nais na gawaing pangkalakalan tulad panggagaya at paggamit ng
pangalan ng umiiral o mabilin produkto.
- Paghikayat sa paggawang produktong may kalidad upang mapantayan ang
produktong mula sa ibang bansa.
- Paghikayat na tangkilikin ang sariling produkto bilang inspirasyon at suporta
sa mga mangangalakal na Pilipino.

Panngangalaga sa mga Lokal na Industriya at Kalakal


Mga patakaran para sa pangangalaga ng lokal na industriya at kalakal
1. Pagkontrol sa paglalabas at pag-aangkat ng produkto
2. Patakaran laban sa pagpupuslit o smuggling
Smuggling o pagpupuslit – iligal o di sang-ayon sa batas ang pagpapasok at
pagluluwas ng mga kalakal buhat sa ibang bansa at palabas ng bansa. Hindi
dumaan sa tamang proseso kung kaya’t walang naipataw na buwis na
isang malaking kabawasan sa kita ng bansa.
3. Binibigyang- pansin din ang pangangalaga sa halaga ng produkto. Binuo
ang Sanggunian sa Pagsubaybay sa Presyo – gawain nito ay pagsubaybay
sa halaga ng mga bilihin upang maiwasan ang hindi makatuwirang pagtaas
ng mga bilihin.
4. Nagpalabas din Consumer Price Index

You might also like