You are on page 1of 1

Pangalan:______________________________________________

Araling Panlipunan 9
Unang Markahan
Modyul 4: SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

ALOKASYON
Dahil sa walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao, at limitado lamang ang mga pinagkukunang
yaman, kinakailangan ng lipunan na gumawa ng tamang desisyon
kung paano gagamitin nang mahusay ang mga pinagkukunang
yaman upang matugunan at bigyang solusyon ang nagtutunggaliang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang mekanismo ng
pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo
ay tinatawag na alokasyon. Ang alokasyon ay isang paraan upang
maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-
yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay
makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan. Upang matiyak na
efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang- yaman,
dapat itong sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang
ekonomiko: 1. Ano ang gagawin; 2. Paano gagawin; 3. Para
kanino ang gagawin at; 4. Gaano karami ang gagawin.

MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA


Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang
institusyonal na kaayusanat paraan upang maisaayos ang
paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinangng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-
ekonomiko ng isang lipunan. Ito ay sumasaklaw sa mga
istruktura, institusyon at mekanismo na batayan sa pagsasagawa Mga Sistema na kabilang sa Command Economy at ang mga
ng mga gawaing pamproduksiyon upang sagutin ang mga
nagtatag/pinuno nito
pangunahing katanungang pang-ekonomiya. Bawat lipunan ay may
sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang
mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga
produkto at serbisyo. Walang perpektong sistema na angkop sa
isang bansa, kaya ito ay maaaring baguhin ayon sa pangangailangan
ng ekonomiya.

Talahanayan sa mga Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya at mga


Halimbawang Bansa na nagtataguyod nito

Isaisip
1. Anu-ano ang iba’t ibang uri ng sistemang pang-ekonomiya?
2. Paano nagkakaiba ang bawat isa?
3. Bakit kailangan ng isang bansa ang sistemang pang-ekonomiya?
4. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong upang
mapapanatili ang sistemang sinusunod ng iyong bansa?
Pangatwiranin

You might also like