You are on page 1of 4

Isang mapag palang araw sainyong lahat ako nga ho pala si ginoong (name) na

naglalayong gamitin ang oputinidad na ito upang maipa-abot ko sainyo ang aking
talumpati, edukasyon sa panahon ng pandemya Dahil sa nakamamatay na COVID-
19, maraming bagay ang nagbago, kabilang na ang sistema ng edukasyon sa
bansa.

Ayaw namang ihinto muna ang pasukan ngayong taon kaya naman humanap na
lamang ng alternatibo ang pamahalaan upang kahit papaano ay may matutuhan
pa rin ang mga mag-aaral.

Ngunit ang biglaang transisyon mula sa face to face classes mula sa blended
learning—gamit ang mga modyuls at online classes—ay nagturo ng aral hindi
lamang sa mga mag-aaral kung hindi sa buong sistemang pang-edukasyon sa
bansa.

Tinuro ng pangyayaring ito na maraming bahagi ng akademya ang tila hindi naging
handa. Mukhang mas marami ang nasanay na sa kalidad ng edukasyon na
mayroon na lamang sa bansa.

Lumabas na maging ang Department of Education ay hindi handa sa mga ganitong


kaganapan. Patunay nito ay ang mga kamailan sa modules at sa mga materyales
at bidyo na ginagawa ng DepEd na napuna rin ng maraming mag-aaral at
magulang.

Napagtatakang maraming mali sa mga konseptong itinuturo kahit na dapat ay


bihasa na ang mga ito sa usaping ito dahil lagi naman nilang itinuturo sa kanilang
mga mag-aaral.

Talaga namang maraming aral ang ibinigay ng pandemya at bagong sistema ng


edukasyon sa bansa sa ating lahat. Dapat laging maging handa at laging ibigay ang
kahusayan sa edukasyon, may pandemya man o wala.
Maligayang araw sainyo ako nga pala si (name) na magtatanghal ng spoken poetry
na pinamamagatang “Himala”
Ang swerte ko
Napaka swerte ko
May nanay, may tatay
Na sa ami'y gumagabay

Pamilyang binuo ng pag mamahalan


Na sa tuwina'y masasandalan
Isang masayang pamilya
Na sa maykapal sa ami'y biyaya

Mga salitang pilit tinatatak sa isipan


At pilit sinisiksik sa kalooban
Naalala ko pa nung mga panahong walang araw na hindi nagtatawagan,
Na parang wala nang bukas kung magkamustahan

Pinaparamdam ang presensya kahit malayo ang agwat sa isa't isa


At sa tuwina'y dinadama ang pagmamahal na tinatamasa
Ngunit ang lahat ng iyon ay biglang nag bago
Dahil na rin sa dulot ng mapaglarong mundo

Hindi mawari kung kailan nag simula


At kung paano humantong sa pagiging balewala
Bigla nalang walang pakiilamanan
Pati komunikasyon ay nagkaroon na ng hangganan
Hindi alam ang gagawin
At kung paano ito haharapin
Ayokong magtanong, ayokong masaktan
Ayokong humantong sa hiwalayan

Di ko alam kung okay pa ba tong pamilyang meron tayo


O aarte nalang kahit mayroon ng pagbabago
Matatawag ko pa ba tong buong pamilya
O dapat ko na bang tanggapin na isa na tayong wasak na pamilya

Susuko na ba ako o lalaban parin ako


Litong lito na ang utak kung busog na busog sa mga katanungan na kahit kailan
walang ibang makakasagot kundi ang sarali. Hahayaan ba na maging ganito o
lalaban parin ako
Sa ngalan ng pagmamahal sa pamilya.

You might also like