You are on page 1of 1

Unang Lagumang Pagsusulit sa

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pangalan: Marka:
Baitang at Seksyon: Petsa:

I. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga aytem. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng makatotohanang datos o impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang
batayan? ____________________
2. Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan?
______________________
3. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng elemento, ano ang tawag sa elemento kung saan may maayos na
daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda?
__________________
4. Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy? _________________
5. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang pangungumbinsi batay sa datos o impormasyong nakalap. _________________
6. Anong uri ng teksto ang may katangiang kagaya ng larawang ipininta kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila
ang orihinal na pinagmulan ng larawan? _____________________
7. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala,at mga bagong impormasyon. Ang mga kaalaman ay
nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan. ____________________
8. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan,
totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang-isip lamang ng manunulat o piksyon. _______________________
9. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
10. Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, at bagay. Madali itong makilala sapagkat
ito ay tumutugon sa tanong na ano. _______________
11. Pagkailangan ng gamot, ‘wag mahihiyang magtanong. Kung may Right Med ba nito? Anong uri ng teksto ito? ________________
12. National ID System sa Pilipinas: Pabor ka ba? Anong uri ng teksto ito? _______________
13. Nagising ako kanina, humihingal at pawis na pawis. Nakataas ang kaliwa kong kamay, naninigas, hindi ko maibaba. Sa panaginip ko,
may malaking babae, nakasuot ng itim pero hindi ko kita ang mukha, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mailingon ang ulo ko.
Madiin at masakit ang pagkakahawak nya sa ‘kin. Napansin ko na itim ang mga kuko nya, graya ang kulay ng balat. Nakakatakot.
Parang ganito rin ang panaginip ko nung isang linggo. (Ong, Bob. (2010) Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan. Pasay City: Visprint, Inc.)
Anong uri ng teksto ito? ______________
14. “Maliwanag na sinusubukan na naman sa halalang ito ang luma nang taktikang divide and rule na pamana ng diktadurang US sa
kaniyang mga puppet regimes. Nakasalalay din sa Batasang election ang pang-militar at pang-ekonomiyang katatagan sa atin ng
Amerika… na ang pananatili dito’y higit namang naglulublob sa kahirapan sa mga mamamayang Pilipino. Pero hindi na tayo
palilinlang. Hindi natin isusuko ang pakikipaglaban natin para sa ating mga karapatan! Boykotin natin ang election “84!” Bautista,
Lualhati. (1983) Bata,bata… Pa’no Ka Ginawa?.Mandaluyong: Carmelo & Bauermann Printing Corp., 1988 at ng Cacho Publishing
House, 1991.) Anong uri ng teksto ito? ______________________
15. Dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng Enhance Community Quarantine (ECQ) sa bansa inerekomenda ng Energy Regulatory
Commission (ERC) na baguhin ng mga power distributors ang singilin sa kuryente. Anong uri ng teksto ito? __________________

16. Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay at pangyayari.
Anong uri ng teksto ang photo essay? ___________________
17. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
__________________
18. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t ibang pananaw, saan nabibilang ang pagsasalaysay ng
pangunahing tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa kuwento? _____________________
19. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang pangungumbinsi batay sa datos o impormasyong nakalap.
____________________
20. Higit na dapat bigyang-pansin ang _____________ sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa sa
isang sulatin. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.

II. Panuto: Ibigay ag hinihingi sa mga sumusunod.

1. Mga Uri ng Teksto (6)


2. Elemento ng Panghihikayat (3)
3. Elemento ng Tekstong Naratibo (4)
4. Uri ng Tekstong Impormatibo (3)
5. Pagkakaiba ng Tekstong Persweysib at Tekstong Argumentatibo (4)

You might also like