You are on page 1of 30

4

EPP-AFA
Kwarter 0 – Modyul 7:
Pagsasagawa nang Wastong
Plano ukol sa Pag-aani,
Pagbebenta at Pagsasapamilihan
ng mga Halamang Ornamental
EPP-AFA Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 0 – Modyul 7: Pagsasagawa nang Wastong Plano ukol sa Pag-aani,
Pagbebenta at Pagsasapamilihan ng mga Halamang Ornamental
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Loralyn D. Casulla
Editor: Jelly M. Flores
Tagasuri: Filip P. Canas
Tagaguhit: Jason C. Borabo
Tagalapat: Jeffrey B. Sape
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad - Regional Director, DepEd Region V
Francisco B. Bulalacao Jr. - CLMD Chief, DepEd Region V
Grace U. Rabelas - Regional EPS In Charge of LRMS, Region V
Ma. Leilani R. Lorico - Regional ADM Coordinator, DepEd Region V
Lita T. Mijares - CID Chief, DepEd, Division of Camarines Sur
Salvador T. Pelingon, Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region V

Office Address: _____________________________________________


_____________________________________________
Telefax: _____________________________________________

E-mail Address: _____________________________________________


4

EPP-AFA
Kwarter 0 – Modyul 7:
Pagsasagawa nang Wastong
Plano ukol sa Pag-aani,
Pagbebenta at Pagsasapamilihan
ng mga Halamang Ornamental

ii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP-AFA sa ika-apat na baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsasagawa nang
Wastong Plano ukol sa Pag-aani, Pagbebenta at Pagsasapamilihan ng mga
Halamang Ornamental.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa EPP-AFA 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Pagsasagawa nang Wastong Plano ukol sa Pag-aani, Pagbebenta at
Pagsasapamilihan ng mga Halamang Ornamental.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa


mo ang mga sumusunod na layunin;
 Naisasagawa ang wastong pag-aani at pagsasapamilihan ng
mga halamang ornamental
 Nakagagawa ng plano sa pagbebenta ng mga halaman ayon
sa sumusunod:
a. Pagsasaayos ng paninda
b. Pag-kumbinsi sa mamimili
c. Pagtatala ng puhunan, gastos, kita at maiimpok

1
Subukin

Lagyan ng (/) kung tama ang pangungusap at (x) naman kung


mali. Isulat sa patlang ang inyong sagot.
_____1. Ang pag-aani ng halamang ornamental ay ayon sa
panahon ng mga selebrasyon.
_____2. Kailangang malusog ang halaman bago anihin.
_____3. Maganda ang pag-aani kung mura sa palengke ang mga
ito
_____4. Mayroong dalawang paraan ng pagbebenta.Ito ang tingian
at pakyawan.
_____5. Ang nagtitinda ay kailangang may kaakit-akit na itsura.
____6. Sa pagpaplano ng pagtatanim ng halamang ornamental
dapat paghandaan ang darating na okasyon tulad ng
Christmas, Valentines Day, Mother’s day, birthday at iba pa.
_____7. Siguraduhing maayos ang taniman para sa tuloy-tuloy na
pananim.
_____8. Tiyakin na ang taniman mo ay maayos para sa
tuloy-tuloy na pagtatanim.
_____9. Sa talaan makikita ang lahat ng ginastos.
_____10. Maaring maging maunlad ang tindahan na walang
ginagawang talaaan.

2
Agriculture and Fishery
Arts: Pagsasagawa nang
Lesson Wastong Plano ukol sa
Pag-aani, Pagbebenta at
7 Pagsasapamilihan ng
mga Halamang
Ornamental
Mahalaga na pag-aralang mabuti ang mga paraan ng pag-
aani, pagbebenta at pagsasapamilihan ng mga halamang
ornamental. Ito ay isang gawain na dapat malaman ng mga mag-
aaral. Dapat ding malaman kung kailan maaaring ipagbili ang
mga halamang ornamental.
May dalawang paraan ng pagbebenta ng mga halamang
ornamental. Ito ay ang pakyawan at ang isa ay ang tuwirang
pagbebenta sa tingiang paraan o paisa-isang pagbebenta ng
halamang ornamental sa mga mamimili.
Kailangan ang masusing pagtatala ng mga layunin, gawain,
kagamitan, at gastos upang maging gabay sa paggawa. Kung ito’y
masusunod nang wasto, nakatitiyak na magiging matagumpay
ang isasakatuparang proyekto o gawain.

3
Balikan

Lagyan ng / ang masayang mukha kung sang-ayon ka at


ang malungkot na mukha kung hindi sa bawat
pangungusap.
Pangungusap

1. Ang abono o pataba ay mahalaga sa


pananim.

2. Kailangan ang angkop na kagamitan


sa paghahanda ng lupang taniman.

3. Ang compost ay isang uri ng


organikong abono
4. Kailangan ang sapat na tubig at
pagbubungkal ng lupa upang
maging malusog ang halaman.
5. Ang di-organikong pataba ay
mainam na gamitin dahil
nakakatulong ito sa kaligtasan ng
tao.

Bakit kinakailangang gumamit ng kasangkapang angkop sa


paghahalaman?

4
Tuklasin

https://partofyou.wordpress.com/2009/03/03/everyday-life-3-makulay/

1. Ano ang nasa larawan?


2. Ano- ano ang uri ng pagtitinda ng mga halaman?
3. Paano mapapanatiling sariwa ang mga halamang
ornamental?
Ang pagtitinda ay maituturing na isang sining na
nangangailangan ng sapat na talino, kasanayan, tiyaga, pang-
unawa, at pagtitimpi sa mga mamimili. Higit sa lahat ay
kinakailangan ang sapat na kaalaman ukol sa iba’t-ibang uri ng
bilihin o produktong nais ipagbili. Isa itong pakikipagsapalaran
sa mga pag-subok at suliraning maaaring harapin na kaakibat
ng ganitong gawain.
Ang gawaing pagtitinda ay nangangailangan din ng kaaya-
ayang pag-uugali at kawilihan. Ang anumang takot at pangamba
ay dapat na isasantabi at sa halip ay ipanatag ang kalooban at
magkaroon ng magandang pananaw sa gawain.
Narito ang mga payak na gawain upang maging maayos at
matagumpay ang pagtitinda.
5
1. Kailangang malinis ang loob at labas ng tindahan. Walisan
ang paligid nito upang makahikayat ng mas maraming
mamimili at maglagay ng basurahan kung saan itatapon
ang kalat.
2. Panatilihing may sapat na liwanag at bentilasyon ang
tindahan upang maraming mahikayat na mamimili.
3. Markahan ang mga paninda upang matiyak kaagad ang
presyo ng mga ito.
4. Mag-ingat sa pagkukuwenta at paglalagay ng sukli upang
hindi ito lumabis o magkulang.
5. Makitungo nang mahusay, matapat, at pantay sa lahat ng
mamimili.
6. Sikaping magkaroon ng maayos na relasyon sa mga
mamimili upang dumami ang kita at upang maging
matagumpay ang negosyo.

Mga dapat gawin upang mapanatiling Presko at Sariwa ang


mga halamang ornamental na ibebenta
Sa mga nag-aalaga ng halamang ornamental na
namumulaklak at di namumulaklak, may mga palatandaan na
tinintingnan kung ito ay maari nang ipagbili, kadalasan ang mga
ito ay matataas, malalago at magaganda ang mga dahon. Ang
tamang pagkuha ng mga bulaklak ay kung ito ay malapit nang
bumuka at bumukadkad. Tinatanggal ang mga dahon at tinatali
sa isang malalim na lugar. Ang paglalagay sa mga timba na may
tubig na malinis ay nagpapatagal ng kanilang kasariwaan. Ang
mga orchids sa Davao ay inilalagay sa kahon upang mapanatiling
sariwa at hindi malagas ang mga bulaklak. Ang mga halamang
ornamental na nangangailangan ng sikat ng araw kaya ito ay
inilalagay sa lugar na nasisikatan ng araw. Samantalang ang
mga halamang hindi nangangailangan ay inilalagay sa medyo
malilim na lugar.

6
Wastong paraan ng pagtitinda
Ang payak na plano sa pagbebenta
1. Mga layunin.
2. Nasusunod ang wastong paraan ng pagbebenta
3. Nakapagbebenta ng halamang ornamental.
I. Titulo ng gawain: Pagbebenta ng Halamang
Ornamental
Mga kagamitan :
Mga halaman:
Presyo ng mga halaman;
Lalagyan ng mga halaman:
Mga iba pang kagamitan;
II. Pamamaraan
A. Paghahanda
1. Pagpili ng magbebenta
2. Paghahanda ng mga kagamitan
3. Pagsasaayos ng paninda
4. Pagbubukod-bukurin ang mga magkakauri
B. Paghahanda ng mga magkakauri
1. Paglilinis ng paninda
2. Pagtatala
3. Iba pang gawain ayon sa pangangailangan.

Pagkuwenta ng paninda
Upang malaman ang ilalagay na presyo sa bawat paninda,
kailangang kwentahin nang mabuti ang paninda upang hindi

7
malugi. Narito ang tamang pagkukuwenta ng halaga ng isang
paninda na maaring sundin.

A. Pesos o Halaga ng Puhunan


X 15% dagdag sa puhunan

PRESYO NG PANINDA

_____________________________________

Pesos o Halaga ng Puhunan x15% = Presyo ng Paninda

Halimbawa
Santan = 4.00 pesos ang puhunan

4.00
X 0.15
2000
400
000---
0.6000 or .60

4.00
+.60
Php 4.60 (Presyo ng Paninda)

pesos presyong paninda


A. Kwentahin ang halaga ng paninda na ginagamit ang mga
sumusunod na pormula

8
Pesos o Puhunan X 15% idagdag sa puhunan = Presyo ng Paninda
Presyong Pantinda = Puhunan + 15% na tubo

1. 5.00 pesos ________________


2. 10.50 pesos ________________
3. 15.00 pesos ________________
4. 18.50 pesos ________________
5. 25.00 pesos ________________

C. Pormula sa pagkuha ng kabuuang tubo

Pinagbilhan - Puhunan=kabuuang Tubo

Halimbawa:
1,203.40 ---------------------halaga ng pinagbilihan
1,2041.90 -------------------puhunan
______________________________________
161.90 ------------------kabuuang tubo

Pormula sa netong tubo


Kabuuang tubo – karagdagang gastos = netong tubo

9
Halimbawa:
161.90 --------------------- kabuuang tubo
5.00 --------------------- (pamasahe pambalot)
_____________________________
156.90 --------------------netong tubo

C. Gamitin ang mga sumusunod na pormula sa pagkukuwenta


ng kabuuang tubo at netong tubo.

Pinagbilhan – puhunan =Kabuuang tubo


Kabuuang tubo-karagdagang gastos = Netong tubo

Pinagbilha Puhunan Kabuuang Mga Netong


n (Php) Tubo gastos tubo (Php)
(Php)
(Php)
860.00 720.00 _______ 4.00 _______
550.00 415 _______ 8.00 _______
995.00 785.00 _______ 5.00 _______
775.00 490 _______ 4.50 _______
678.00 512.00 _______ 4.50 _______

Pag-iimbentaryo ng mga Paninda

Ang isang mahalagang gawain ng isang may ari ng tindahan ay


ang pag-iimbentaryo. Ito ay ang pagtatala ng mga pinamili,

10
naipagbili, at natirang paninda. Dito malalaman kung kumita o
nalugi ang itinayong tingiang tindahan. Mahalaga ang pag-
iimbentaryo sapagkat dito mababatid kung maayos ang
pamamahala ng isang tindahan. Ito rin ay nakatutulong upang
maging batayan kung nais palakasin o dagdagan pa ang mga
paninda. Narito ang isang halimbawa ng pang-iimbentaryo.

11
Suriin

Sa talaan ng puhunan at ginastos, dito malalaman ng isang


nagnenegosyo kung saan siya kumita o nalugi. Sa paghahalaman
dapat marunong kang magkwenta at magtuos. Sa paggawa ng
talaan, kailangang itala ang halaga ng pinagbilhan, ibawas ito sa
pinaggastusan at ang natirang halaga ay ang tinatawag na kita o
tubo. Narito ang payak na talaan ng puhunan,ginastos, at
kita/tubo.

A. Talaan ng gastusin
 Halaga ng pananim 1000.00

 Halaga ng pataba,pamatay
Kulisap at peste 500.00
 Bayad sa serbisyo o paglilingkod 500.00
 Iba pang gastusin 200.00
Php 2,200.00

B. halaga ng pinagbilhan
5 pasong Rosas 1,500
5 pasong Palmera 1,400
5 pasong Santan 500
5 pasong Daisy 500
Php 3,900

12
Halaga ng pinagbilhan 3,900.00
Halaga ng gastusin 2,200.00
Kita o tubo 1,700.00

13
Pagyamanin

Isulat ang D kung dapat o DD kung di-dapat gawin ang mga


pangungusap tungkol sa pangangalaga at pamamahala ng mga
halamang ornamental at mga halamang namumulaklak.
______1. Ang tamang pagpitas ng mga bulaklak ay kung ang mga
ito ay namumukadkad na.
______2. Tinatanggal ang mga tuyong dahon sa mga halamang
ornamental na maaaring ipagbili.
______3. Ang mga halamang ornamental ay hinahanay ayon sa
uri at gulang nito sa malawak at malilim na lugar.
______4. Upang mapanatiling sariwa ang mga halamang
ornamental at mga bulaklak nito, maaari itong ibabad
sa timbang na mayroong malinis at malamig na tubig.
______5. Ang mga halamang ornamental ay inaayos at itinatali sa
isang lugar na madilim.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong :


1. Ano ang dalawang paraan ng pagbebenta ng mga halaman?

2. Ano ang palatandaan na maaari ng ipagbili ang mga


halamang ornamental?

3. Paano mapapanatili ang mataas na uri ng mga halamang


ornamental na ipagbibili sa palengke o tindahan?

14
Isaisip

Hanapin ang mga salitang nasa loob ng kahon na tumutukoy sa


mga palatandaan na maaari nang ipagbili ang mga halamang
ornamental.

U P A N A H O N N G
M D A A B C D E F S
A A E M G H M I J E
G A M U K L A M N L
U T A M O P L Q R E
G K T U V T U Y S B
U S A L W X S Z A R
L S S A B N O G C A
A A J K D E G F H S

N T I L M N O P Q Y
G A R A S T U V W O
I T X K Y Z A B C N

Sagutin :
1. Bakit mahalagang malaman ang tamang paraan ng pag-
aani at pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental?

2. Ipaliwanag kung bakit kailangang isaayos ang mga


paninda bago ito ipagbili.

15
Isagawa

Ang mga sumusunod ay gastos at kinita nina Mang Ramon at


Berto sa kanilang paghahalaman. Alamin ang kanilang kinita o
tinubo sa pamamagitan ng paggawa ng talaan ng gastos at kita o
tubo.
Gastos :
Abril – 480.00
Mayo – 378.00
Hunyo – 650.00
Hulyo – 796.00
Agosto – 587.00

Pinagbilhan:
Abril - 1896,00
Mayo – 2279.00
Hunyo – 3645.00

16
Hulyo – 4124.00
Agosto – 4,010.00

Punan ang Venn Diagram ng kaukulang datos ayon sa gastos at


kita nina Mang Ramon at Berto sa halamanan.

Mga Datos ng Kabuuang gastos, pinagbilhan at kita ng


halamanan nina Mang Ramon at Berto.

17
Tayahin

Punan ang patlang ng tamang datos sa bawat kahon. Gumamit


ng kaukulang pormula.

pinagbilhan puhunan Kabuuang Mga Netong tubo


tubo (php) gastos
(php)
(php)
700.00 520.00 _______ 15.00 ______
650.00 415 _______ 20.00 ______
900.00 785.00 _______ 25.00 ______
775.00 490 _______ 10.00 ______
625.00 512.00 _______ 15.00 ______

Bakit kailangang isaalang-alang ang lugar at panahon sa


pagtitinda ng halamang ornamental?

18
Karagdagang Gawain

Bumisita sa ibat-ibang halamanan (Ornamental Plant Nursery).


Magmasid at magtala ng mga pagkakaiba ng halaga o presyo ng
ornamental na halaman. Punan ang talahanayan.

Halaga/Presyo
Mga
halamang
ornamental Naka-paso 1-dosena 1 bugkos/tali 1 tangkay

1.

2.

3.

4.

5.

Binabati kita at matagumpay mong nasagutan ang


lahat ng gawain sa araling ito.

19
Susi sa Pagwawasto

20
21
22
Sanggunian

https://partofyou.wordpress.com/2009/03/03/everyday-life-3-makulay/

Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera. 2015.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4. Pasig City: Vibal Group, Inc.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like