You are on page 1of 17

4

 
 

   
      

EPP – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 9: Pagguhit Gamit ang drawing Tool o Graphic Software
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida Palay-Adornado, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Fia Jean N. Pascua
Angelic Joy T. Fulgencio
Wellamae B. Ortiz
Editor: Amante A. Orquesta
Estelita C. Ustaris
Tagasuri: Edna V. Cabuhat, Ph D
Clemencia G. Paduga
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Clemencia G. Paduga

Inilimbag sa Pilipinas, ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
4


 

   
      


iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong
Pantahanan At Pangkabuhayan Entrep/ICT- 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagguhit Gamit
Ang Drawing Tool O Graphic Software!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan At
Pangkabuhayan- Entrep/ICT -4ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Pagguhit Gamit Ang Drawing Tool O
Graphic Software!

iv
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at
layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring
matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa
tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral,
ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita
natin kung ano na ang kaalaman
mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

v
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para
sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan
o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

vi
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Ang paggamit ng larawan ay isang mabisang paraan


upang maipahayag ang isang mensahe. Tingnan mo ang
mga larawan sa ibaba.

Sagutin ang sumusunod:


1. Anong mensahe ang nais iparating ng mga
larawan?
2. Paano nakatulong ang mga larawan upang
epektibong maiparating ang mensahe?

Subukin

Lesson Nakakaguguhit gamit ang drawing tool o


1 graphics software. EPP4IE-0i-19

Ang pagguhit ay isang mabisang paraan upang maiparating


ang isang mensahe. Maaaring gamitin ang computer upang
makabuo ng larawan. Gamit ang drawing software, maaaring
mapadali ang pagguhit, pagkukulay, paggamit ng hugis, at
pagdagdag ng text. Maliban sa paglinang ng kakayahang
teknolohikal ng mga mag-aaral, nalilinang din nito ang pagiging
malikhain ng mga mag-aaral.

Balikan

Hanapin at bilugan ang mga ang mga sumusunod na salita sa


loob ng kahon.

Text Brushes Eraser Bucket Pencil Magnifier

P L O Y G R N R M P
A T E K C U B E T E
E M E L H V N S S N
N E R X Y T V A O C
T E S F T C B R G I
M A G N I F I E R L
S B R U S H E S I S
D F E E R D C O S T

Tuklasin

Ang Drawing Tools o Graphic Software


Maari kang gumuhit ng larawan gamit ang computer sa
pamamagitan ng drawing tools o graphic software. Malilinang
ang iyong pagiging malikhain dahil nagtataglay ito ng mga tools
na gaya ng ginagamit ng mga propesyonal na pintor.
Gaya ng nakagawiang paraan ng pagguhit at pagpipinta na
di gumagamit ng computer, ang graphic software ay mayroong
drawing area na nagsisilbing canvas o papel sa isang pintor.
Sundan ang sumusunod upang masiyasat ang paggamit nito:
1. Buksan ang MS Paint. Tingnan ang interface nito. Ano ang
pagkakaiba nito sa word processor at spreadsheet application?

Quick Access Toolbar


Paint Tool Drawing Area
Ribbon

a. Paint tool – naglalaman ng mga command tools na


gagamitin sa paggawa ng bago, pagbukas at pag-save ng
file.
b. Quick access toolbar – naglalaman ng mga tool shortcuts
para sa mabilisang pag-access dito.
c. Ribbon- naglalaman ng iba’t ibang tools na maaaring
gamitin sa pagguhit, pagkulay, pag-edit ng larawan at iba
pa.
d. Drawing area- canvas kung saan maaaring gumuhit o
magedit ng larawan.

2. I-click ang pencil tool at color 1. Pumili ng kulay sa color


pallete sa pamamagitan ng pag-click nito.
3. I-click at drag ang mouse sa bahagi ng drawing canvas
kung saan mo gustong gumuhit.

4. Maari kang magset ng dalawang kulay gamit ang Color 1


at Color 2. I-click ang Color 2 at pumili ng kulay gamit
ang color pallette.

5. I-right click at i-drag ang mouse kung nais gamitin ang


Color 2.

6. Subukin mong magpalit ng brush at kulay. Mapapansin


na may iba’t ibang uri ng brush na maaaring gamitin.
Ang bawat brush ay nakagagawa ng iba’t ibang effects
gaya ng mga artistic brush na gamit ng mga pintor.
7. I-click ang eraser tool at itapat ang cursor sa drawing
area na may larawan. I-click at i-drag ang mouse sa
bahaging may larawan. Pagmasdan kung ano ang
mangyayari rito.

8. Patuloy na i-explore ang graphic software.

Suriin

Gamit ang graphic software, gayahin ang imahen sa


Hanay A. Piliin ang mga tools sa Hanay B na maaaring
gamitin upang makagawa ng tulad na imahe sa Hanay A.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Pagyamanin

Subukin nating gumawa ng isang produkto gamit


ang graphic software. Isa sa maaaring gawin sa
pamamagitan nito ay isang digital painting. Pumili
lamang ng isang produktong nais mong gawin.
1. Name tag
2. Pabalat o package ng isng produkto
3. Karatula ng nais mong negosyo.

Isaisip

Ang drawing o graphic software ay mabilisang tool


upang gumuhit ng larawan. Maaaring gumuhit gamit ang
pencil tool at maglagay ng kulay gamit ang brushes at color
tool ng isang graphic software. Mas mapapabilis naman ang
pagguhit ng iba’t-ibang hugis kung gagamitin ang shape tool.
Ang isang larawan na ginawa sa paint ay maaaring i-
save sa iba’t ibang format. Ang JPEG, GIF at PNG ang
pinakamadalas gamitin.
1. JPEG o Joint Photographic Experts Group. Ang format
na ito ay compatible sa halos lahat ng devices at programs.
Mas akmang gamitin ang format na ito, kung kailangan
mong idisplay ang larawan online.

2. PNG o Portable Network Graphics. Ang format na ito ay


akma sa graphic image file tulad ng logo, infographics at
maliliit na images. Hindi ito compatible sa lahat ng
software o applications.

3. GIF o Graphics Interchange Format. Ang pormat na ito


ay akma sa maliliit na graphics tulad ng banners, charts,
at buttons.
Isagawa

Handa ka na bang gumawa ng digital painting? Sundan


ang mga hakbang upang makapagsimula.
1. Buksan ang graphic application at magsimula ng
bagong larawan.
2. I-click ang pencil tool button at pumili ng angkop
na laki ng guhit gamit ang size tool Simulan ang
pagguhit.

3. Maglagay ng hugis kung kinakailangan.

4. I-click ang angkop na brush at pumili ng kulay na


gagamitin. Kulayan ang iyong drawing.

5. Palitan ang kulay ng drawing area gamit ang bucket

tool.

6. Magdagdag ng text at iba pang nais na hugis upang


mapaganda ang logo.
7. I-save ang nabuong larawan.

Tayahin

SINO AKO?
Pangalanan ang mga sumusunod na MS Paint Tools.
1. Ako ay isang mabilisang tool na ginagamit upang
gumuhit ng larawan.
Sino ako? _______________
2. Ako ay isang canvas kung saan maaaring gumuhit o
magedit ng larawan.
Sino ako? ______________

3. Ako ay naglalaman ng mga tool shortcuts para sa


mabilisang pag-access ditto.
Sino ako? ______________

4. Ako ay naglalaman ng iba’t ibang tools na maaaring


gamitin sa pagguhit, pagkulay, pag-edit ng larawan at iba
pa.
Sino ako? ______________

5. Ako ay naglalaman ng mga command tools na gagamitin


sa paggawa ng bago, pagbukas at pag-save ng file.
Sino ako? ________________

Karagdagang Gawain

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at


kasanayan? Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng thumbs up icon
kung taglay mo na o ang thumbs down icon kung hindi pa.
Gamit ang isang drawing software, kaya ko na...

1. matukoy ang command tools na ginagamit


sa pagguhit
2. gumamit ng kulay sa pagguhit
3. burahin ang isang bahagi ng larawan gamit
ang angkop na tool
4. maglagay ng text sa larawan
5. mag-save ng file gamit ang angkop na
format
Tayahin SURIIN
1. Drawing or 1. A
graphic software 2. B
2. Drawing area 3. C
3. Quick access 4. D
toolbar 5. A
4. Ribbon
5. Paint
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Patnubay ng Guro ng Edukasyong Pantahanan at Pangkalusugan pah. 53-


56
Kagamitan ng mag-aaral ng Edukasyong Pantahanan at Pangkalusugan
pah. 168-178

You might also like