You are on page 1of 4

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA

ARALING PANLIPUNAN 7
Gawain Blg. 4 Kwarter 2

Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang at Pangkat:
Petsa:

I. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


MULA SA MELC
Napahahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
(AP7KSA-llc-1.4.2)
Mga Tiyak na Layunin
1. Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga kaisipang Asyano.
2. Nasusuri ang mga kaisipang Asyano na nakatulong sa paghubog ng kabihasnan nito.

II. PANIMULANG KONSEPTO


Sa pag-usbong ng mga sinaunag kabihasnan sa Asya ay ang pagsibol din ng iba-
ibang tradisyon ng mga sinaunang Asyano ,ito ay bunga ng iba-ibang paniniwala na
siyang naging gabay ng mga sinaunang Asyano.
Sa araling ito ating tatalakayin ang ilan sa mga sinaunag tradisyon ng Asya na malaki
ang naging ambag o pagbabago sa araw- araw na buhay ng mga Asyano hanggang sa
kasalukuyan.
SINOCENTRISM (China)
Ito ay ang paniniwala ng mga Tsino na ang sentro ng daigdig ay ang bansang Tsina
dahil ang tingin ng mga ito sa kanilang lipi ay ang pinakamataas sa lahat. Tinukoy nila
ang kanilang bansa bilang “Gitnang Kaharian”.
Para sa kanila, ang pagiging sibilisado ay hindi usapin ng lahi kung hindi ay ang
pagtanggap sa Confucianismo. Barbaro ang turing nila sa mga hindi yumakap sa
Confucianismo.
Sinumang barbaro na haharap sa emparador ay kailangan magsagawa ng kowtow o
ang pagyuko sa emperador ng tatlong beses kung saan ang noo ay humahalik sa
semento. Dapat rin itong magkaloob ng tributo o regalo sa emperador.

DIVINE ORIGIN (Japan)


Paniniwala ng mga Hapones na ang kanilang emperador ay banal na apo ni
Amaterasu na kanilang Diyos. Na ang katangian, kakayahan at kapangyarihan ay
ipinamana sa kanila ng dakilang manlilikha at ipinasa sa emperador hanggang sa tao.
Shinto - pinagmulan ng mga paniniwala ng mga Hapones na nakabatay sa isang
makasaysayang alamat at nagpalipat-lipat sa maraming henersayon.
DEVARAJA SA INDIA AT TIMOG SILANGANG ASYA
Sa alamat ng India, ang unang hari nila ay si Manu na nabuo sa pamamagitan ng
pagsama-sama ng mga bahagi na sinisimbolo ng iba-ibang diyos. Ito ay ang buwan,
apoy, araw, hangin, tubig, kayamanan, at kamatayan. Ayon sa kanilang paninwala
nagmula siya sa mga Diyos, hindi lang niya sinisimbolo ang isang diyos kung hindi
taglay niya ang iba-ibang diyos. Tinitingala siya na mataas at walang kapantay.
Tinatawag siyang devaraja kung saan ang deva ay nangangahulugang diyos at raja ay
hari.
Sinasamba rin si Shiva sa Imperyong Khmer sa Angkor sa Cambodia. Nagkaroon ng
kulto ng pagsamba kay Shiva bilang Devaraja na sa kontekstong ito ay
nangangahulugang “haring diyos”. May mga iskolar naman na nagsasabi na ang
Devaraja ay maaari ding mangahulugang “hari ng mga Diyos” bilang patungkol sa mga
hari na nagsisilbing imahen ni Shiva sa kalupaan. Kinakatawan ng mga hari ang diyos
sa kalupaan. Pinaniniwalaan na ang mga haring Khmer, tulad ni Jayavarman II noong
ikasiyam na siglo ay mga cakravartin o hari ng buong daigdig na nasa ilalim ng
proteksyon at pagkalinga ni Shiva, bilang diyos ng daigdig, ay nangangalaga naman sa
mga haring Khmer bilang hari ng kalupaan.

III. MGA GAWAIN

Gawain 1: Halo- Letra


Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang paniniwalang Asyano.

1. AVAJERDA ___________________________________________
2. ONISSMITRNCE ___________________________________________
3. ENIVODINIGRI ___________________________________________
4. RAVACRITANK ___________________________________________

Gawain 2: Sagot Mo Itsart Mo.


Panuto: Batay sa binasang teksto ano-anong kaisipang Asyano meron ang mga bansang
nasa ibaba at ang kanilang impluwensya. Isulat ito sa talahanayan at sagutin ang tanong
sa ibaba.

TRADISYON SA ASYA
CHINA Impluwensiya HAPON Impluwensiya INDIA Impluwensiya

Gawain 3: T-RAPdisyon!
Panuto: Gumawa ng isang rap na nagpapahayag ng iyong pagpahalaga sa mga
kaisipang Asyano na nakatulong sa paghubog ng kabihasnan.

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS


Nilalaman Maliwanag at angkop ang mensahe ng rap 5
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ng rap 5
(Originality)
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng tugtog 5
(Creativity) upang maging maganda ang presentasyon
Koryograpi Malinis at maayos ang pagrap. 5
TOTAL 25
IV. SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1: Halo- Letra
1. Devaraja - tawag haring diyos sa India
2. Sinicentrism - paniniwala ng mga Tsino na ang kanilang imperyo ang sentro ng
daigdig
3. Divine Origin - Paniniwala ng mga Hapones sa kabanalan at buhay na simbolo ng
panginoon sa kanilang hari.
4. Cakravartin- salitang Sanskrit na tumutukoy sa isang ideyal na indibidwal o pinuno na
namamamahala nang may paggalang at kakalmahan sa buong mundo.

Gawain 2: BASA -SURI-UNAWA


TRADISYON SA ASYA
CHINA HAPON INDIA
Kowtow Paniniwala na banal ang Paniniwala kay Shiva bilang
Pabibigay ng tributo sa kanilang imperador haring diyos at sa cakravartin o
emperador hari ng kalupaan

Ang sagot ay depende sa katugunan ng mga mag-aaral. Gamitin ang rubrik.

Gawain 3: T-RAPdisyon
Ang ginawang rap ay tatayain sa pamamagitan ng rubrik.

V. SANGGUNIAN
Blando, R.C. et al (2014), Asya sa Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Unang Edisyon,
Modyul para sa Mag-aaral.pahina 13-15.

Mateo, Grace Estela et. Al (2008) Asya Pag-usbong ng Kabihasnan, Batayang Aklat sa
araling Panlipunan Ikalawang Taon. Vibal Publishing House Inc.

AP 7 Learning Activity Sheet (Gawain #1) Development Team


Writer Joel P. Camoral MT-I, PGCHS
Content editors Genie C. Bolima T-III, Malilipot NHS
Nilo L. Mayor MT-I, Anislag NHS
Vivian N. Pangan MT-I, Malabog NHS
Language Editors Nick P. Azaña P-I, Villahermosa HS
Alejo M. San Rontas P-I, Jovellar HS
Lay-out Artists Lymuel C. Sanchez T-III, Tiwi Agro-Industrial School
Richard A. Ilarde T-II, Bariw NHS
Arnie N. Ogates T-I, Malabog NHS
Ramil Bacol ADAS III, SDO Albay
Education Program
Myrna Lynne G. Bueno SDO Albay
Supervisor

You might also like