You are on page 1of 5

Unang Pagsasanay

A. Tama o Mali
Iguhit ang masayang mukha kung sang-ayon ka
sa sinasabi sa bawat pahayag o malungkot na mukha
naman kung hindi sang-ayon.
1. Ang Asya ay hindi kabilang sa pitong
kontinente sa mundo.
2. Mahalagang pag-aralin natin ang
kasaysayan ng Asya dahil ang Pilipinas ay
nasa Asya.
3. Ang mga paleontologist na sina Donald C.
Johanson at Tom Gray ang
nakadiskubre sa mga buto ni Lucy.
4. Kaya pinangalang Lucy ang mga butong
nakita ng mga paleontologist
dahil isa sa kanila ay may pangalang Lucy.
5. Ang mga buto ni Lucy ang tinaguriang
pinakaunang Homo erectus sa mundo.
6. Ang mga relihiyong Kristiyanismo, Islam,
Taoismo, Budismo, Hiduismo at Judaismo
ay mula sa ibang kontinente.
7. Ang mga relihiyon at pilosopiyang sumibol
sa Asya ay hindi na tinatangkilik ng mga tao
ngayon.
8. Ang unang kabihasnan ay nagmula sa Asya.
9. Ang bansang Tsina ay ang tinaguriang
“Land of the Rising Sun”.
10. Ang Asya ay binubuo ng maliit na
populasyon.
B. Enumerasyon
Ibigay ang mga angkop na salitang hinihingi sa
bawat bilang.
1-5. Limang kontinente ng Asya.
6-8. Tatlong bahagi na humahati sa Kanlurang
Asya.
9-10. Magbigay ng dalawang uri ng
pananalapi na ginagamit ng mga bansa sa
Kanlurang Asya.
11-13. Magbigay ng mga bansang kabilang sa
Silangang Asya.
14-15. Magbigay ng dalawang bansa mula sa
Timog Asya.
16-17. Magbigay ng dalawang bansa mula sa
Hilagang Asya.
18-20. Magbihgay ng dalawang kabisera ng
mga bansa mula sa Timog Silangang
Asya.

You might also like