You are on page 1of 1

IMPERYONG GUPTA

Noong 320 C.E., isang bagong kaharian ang umunlad sa gitnang lambak ng Ganges sa India. Ito
ang pinagmulan ng Imperyong Gupta na itinatag ni Chandra Gupta I. Naging kabisera ng imperyo ang
dating lungsod ng Maurya, ang Pataliputra. Lumakas ang kapangyarihan ni Chandra Gupta I sa rehiyong
Ganges matapos makipag-alyansa sa mga pamilyang namahala sa naturang lugar. Pinalitan si Chandra
Gupta I ng kaniyang anak na si Sumadra Gupta bilang hari ng Imperyong Gupta. Sa kaniyang panahon,
muling lumawak ang imperyo sa pamamagitan ng ng pagsakop ng mga karatig-lugar nito. Dahil sa
malakas na puwersang political ng imperyo, naging dakilang imperyo rin ang Gupta tulad ng Maurya.
Noong 375 C.E., nagging hari si Chandra Gupta II. Ang panahon ng kaniyang pamamahala ay itinuturing
sa kasaysayan ng India bilang “Ginintuang Panahon ng India”. Ito ang panahon ng kaunlaran at
kapayapaan na tinamasa ng mga nasasakupan ng Imperyong Gupta. Tumagal ang kasaganaang ito sa
loob ng 200 taon. Nagwakas ang matiwasay at masaganang pamumuhay ng mga Indian sa Imperyong
Gupta. Sa mga huling taon ng ikalimang siglo C.E., pinahina ang imperyo ng sunod-sunod na pananalakay
ng mga nomadikong Hun mula sa hilagang kanlurang India. Sa pagpanaw ni Harsa, isang pinunong
military na namahala sa Gupta, hindi napigilan ang tuluyang pagbagsak ng imperyo.

You might also like