You are on page 1of 3

Basic Education Department

S.Y. 2019 - 2020

MGA GAWAIN SA IKAAPAT NA MARKAHAN


FILIPINO 08

FLORANTE AT LAURA

MGA KAKAILANGANIN SA IKAAPAT NA MARKAHAN.


A. PASULAT NA AWPUT (Seatwork)
- Notebook
Sasagutin ang mga sumusunod sa Filipino notbuk:
1. Mahalagang Tanong
2. Pag-usapan at Pag-isipan natin
3. Talasalitaan – Maglista ng 10 salita at kahulugan nito at bumuo ng isang pangungusap para sa
bawat salita,
- Mga Pagtataya
Inaasahang ang bawat pangkat ay may inihandang 30 aytem na maikling pagtataya na kung saan
magmumula ang mga magsisilbing katanungan sa kabanata ng Florante at Laura na kanilang
tatalakayin sa klase.
- Sulating Pormal
Mula sa piling bahagi ng Florante at Laura, magpapasulat ako ng sulating pormal na kung saan ay
bibigyang grado batay sa nakahandang rubric.

B. PAGGANAP NA PAGTATAYA (PERFORMANCE TASK)


1. Pag-uulat
Bawat mag-aaral ay inaasahan na makpag-ulat kasama ang kanilang kapangkat ng tatlong kabanata ng
Florante at Laura. Narito ang mga kakailanganin sa pag-uulat:
 Talasalitaan (30 salita)
Sampung salita na magmumula sa bawat kabanata na tatalakayin.
 Buod
Kinakailangan na ipresenta ang bahaging ito sa masining na pamamaraan. Maaring gumamit ng
iba’t ibang pamamaraan sa paglalahad ng buod ng kabanata.

Mga PAALALA:

A. Para sa pagsasagot sa AKLAT o NOTEBOOK.


 Kinakailangan na sagutin ang mga tanong sa aklat O notebook nang tapat at hindi kinopya sa kaklase o sa
kahit na sinoman. Tandaan, ang pangongopya’y kapatid ng magnanakaw at ang mga ito’y kasalanan
sa batas man ng tao o sa batas man ng Diyos.
 Ipasa sa itinakdang panahon ( Petsa, Araw, at Oras) at lugar. Iwasan at huwag maging tamad, hindi ka
kailanman uunlad kung ito ang paiiralin. Sikapin na maipasa sa itinakdang panahon ang iyong notebook
upang parehas tayong hindi maabala. Magbibigay ang guro ng Iskedyul ng pasahan upang hind imaging
mahirap ang pagpapasa ng notebook. Mahirap gawin kung ano ang tama ngunit laking ginhawa naman
kung magagawa ito.

Narito ang iskedyul ng pagpapasa ng notebook:

Gawain Petsa ng Pagpasa*


Kabanata 1-4 Enero 24, 2020
Kabanata 5-8 Pebrero 07, 2020
Kabanata 9-12 Pebrero 14, 2020
Kabanata 13-16 Pebrero 26, 2020
Kabanata 17-19 Marso 13, 2020
*Mahigpit na susundin ang iskedyul na ito. Kung magkakaroon man ng pagbabago ay agad na ipagbibigay-alam ng
guro sa klase.

B. Para sa mga Gawain sa klase (Pag-uulat, Performance task atbp.)

Para sa pag-uulat:

 Inaasahan na palaging handang papasok sa klase ang mga mag-uulat. Kinakailangan na palaging dala ang
mga kakailanganin sa pag-uulat. Kung hindi handa ang mga mag-uulat para sa araw na iyon ay
awtomatikong walang marka (0) sa pag-uulat, sa pagtataya para sa kabanatang iyon at ang guro ang siyang
magtatalakay ng nasabing bahagi ng akda.
 Inaasahan na bukod sa palaging handa ay masining ang pagkakalahad ng ulat. Sa pagtatapos ng kwarter na
ito ang sinumang pangkat na may pinakamataas na marka sa pag-uulat ay may matatanggap na gantimpala
mula sa guro.

Para sa mga Performance Task:

 Inaasahan ang iyong pakikiisa sa lahat ng gagawin na may kaugnayan sa asignaturang Filipino. Huwag
IASA sa iba ang PAGPASA.

Panimulang Gawain para sa Ikatlong Termino

I. Saliksikin ang mga sumusunod:


a. Buhay ni Francisco Balagtas
b. Naiambag sa panitikan
c. Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.
d. Katangian ng Awit at Korido
e. Apat na Himagsik ni Balagtas

II. Sagutan ang mga gawain na ito sa notebook sa Filipino.

A. Tungkol sa Manunulat

Bumuo ng isang character profile sa pamamagitan ng pagsagot sa grapikong pantulong na ito.

Pangalan: ___________________________ Palayaw: _________________________

Tirahan: ___________________________________________________________________
Araw ng Kapanganakaan: ___________________ Lugar ng Kapanganakan: ____________
Pangalan ng mga Magulang:
Ina: _______________________________________ Hanapbuhay: ______________________
Ama: ______________________________________ Hanapbuhay: ______________________
Pangalan ng mga Kapatid:
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
Petsa ng Kamatayan: ____________________________________________
Eduakasyon:
Mga Paaralan: Mga Nakuha/ Natapos na Kurso: Mga Naging Guro / Propesor

Buhay Pag-ibig.
Sino-sino ang mga babaing minahal ni Francisco Balagtas? Ilahad ang pinagdaanan nila ni Balagtas.

B. Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Gumawa ng Timeline ng kasaysayan ng Florante at Laura

C. Florante at Laura: Awit o Korido?


Ibigay ang pagkakaiba ng Awit at Korido sa pamamagitan ng pagsagot sa venn diagram.

Katangian Awit Korido


Batay sa Anyo
Paksa
Musika
Katangian ng Tauhan
Halimbawa
D. Apat na Himagsik ni Balagtas
Isa-isahin ang apat na Himagsik at ipaliwanag ang bawat isa.

Unang Himagsik

Ikalawang Himagsik

Ikatlong Himagsik

Ikaapat na Himagsik

You might also like