You are on page 1of 31

Edukasyon

sa Pagpapakatao
Unang Markahan
Talento Mo, Tuklasin at Paunlarin
EsP7PS-Ic2.1

1
Edukasyon sa Pagapapakatao – Ikapitong Baitang

Unang Markahan – Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat/Tagapaglapat: Mary Jane S. Malapitan/ Perlita V. Joson /


Besilda R. Lopez

Tagasuri: Rico C. Sanchez

Tagaguhit: Rowelson C. Catanghal

Tagapaglapat: Chester Allan C. Salazar

Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curiculum Implementation Division

Rainelda M. Blanco, Phd


Education Program Supervisor - LRMDS

Agnes R. Bernardo, Phd


EPS - Division ADM
Coordinator EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Glenda S. Constantino
EProject Development Officer II

Joannarie C. Gracia
Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Office
Address: Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054; 634-1072; 631-4985
7

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan
Talento Mo, Tuklasin at Paunlarin
EsP7PS-Ic2.1

0
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Talento Mo,
Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit p ang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at
Paunlarin.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

1
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin
matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
Subukin
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo
Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Learned
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Susi sa Pagwawasto
gawain sa modyul.

2
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian - Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi: Kaya mo ito!

3
Sa modyul 1 naunawaan mo na bilang nagdadalaga at nagbibinata ay
mayroong inaasahang kilos at kakayahan na kailangan mong linangin upang ikaw ay
umunlad at maging isang mabuting tao. Ngayon naman ay iyong tutuklasin ang iyong
mga talento at kakayahan upang magamit sa iyong pag-unlad. Alamin ang iyong mga
ka kakayahan upang ito ay paunlarin o malampasan tungo sa iyong katagumpayan.
LAYUNIN:

Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:
• Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at
kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung
pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa
pamayanan.
• Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga
talento at kakayahan.
• Naipadadama ang kakayahan at talent sa pamamagitan ng pamamahagi nito
sa ibang tao.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. Anong mga
kagalingan ang ipinahahayag ng sumusunod na larawan?

1.
a. Logical mathematical
b. Linguistic
c. Musical
d. Existentiatist

2. a. Naturalist
b. Logical Mathematical
c. Interpersonal
d. Intrapersonal

4
3. a. Bodily Kinesthetic
b. Naturalist
c. Musical
d. Visual

4.
a. Linguistic
b. Interpersonal
c. Musical
d. Intrapersonal

5. Naturalist
b. Existentialist
c. Bodily Kinesthetical
d. Visual Spatial

6. a. Existentialist
b. Naturalist
c. Verbal Linguistic
d. Visual Spatial

7. a. Existentialist
b. Naturalist
c. Verbal Linguistic
d. Visual Spatial

8. Ano ang tawag sa talino sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika?


a. Kinesthetic
b. Musical
c. Existential
d. Naturalist

9. Ano ang tawag sa talino sa pamamagitan ng interaksiyon sa kapaligiran?


a. Mathematical
b. Linguistic

5
c. Kinesthetic
d. Existentialist

10. Ano ang tawag sa talino sa pagkatuto sa pangangatuwiran at paglutas ng


suliranin?
a. Visual/Spatial
b. Verbal/Linguistic
c. Logical
d. Naturalist

11. Ano ang tawag sa talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita?


a. Kinesthetic
b. Linguistic
c. Musical
d. Naturalist

12. Anong talino ang mahilig mapag-isa o malihim?


a. Intrapersonal
b. Interpersonal
c. Naturalist
d. Existentialist

13. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang


mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Alin sa mga pangungusap ang
may tamang konsepto?
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto
sa talento at kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa
talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal.
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento.
d. Mali, dahil maaaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa.

14. Alin sa mga sumusunod ang di nabibilang sa mga katangian ng pagkakaroon


ng tiwala sa sarili?
a. Ito ay hindi namamana.
b. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon.
c. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili.
d. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan.

15. Mababa ang marka ni Lorna sa English dahil sa hirap siya sa asignaturang
ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya
magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa
pagsasalita ng ingles. Ano ang maaaring maging solusyon sa suliranin ni
Lorna?
a. Maglapat ng mga paraan kung paano isasaagawa ang pagpapaunlad ng
kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles.
b. Tayahin kung ano ang dahilan ng kaniyang kahinaan sa asignatura.
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang hindi ito ay paunlarin.
d. Lahat nang nabanggit.

6
Balikan

Panuto: Narito ang mga ginulong titik, buuin ito upang maging gabay sa pagbuo mo
ng konsepto buhat sa nakaraang aralin.

papagikaki-
elpap as
ygunnaa
nnapilu Pagdadalaga

At

Pagbibinata

Babapagog
namagutapang
as tawanak
Taniamg an
lasa sayapapgap

Ngayon naman matapos mong mabuo ang mga salita, buuin ang graphic
organizer.
Sa paglinang ko ng mga angkop na kakayahan at kilos (developmental tasks)
sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga ay matutulungan ako sa

1. __________________________
2. __________________________
3. __________________________

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang tula sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
na kasunod nito.

Talentado ako!
Ni: Besilda R. Lopez
Kabataan iyo bang natuklasan na?
Mga hilig at iyong kakayahan?
Tulad ni Ella munting bata pa lang
Nakakitaan na ng hilig sa Matematika.

Kung siya’y naglalaro paborito nyang magsama-sama


bagay na magkakaugnay at magkakakulay.

7
Siyentipikong pagsisiyasat sa kanya rin ay mamamalas
Paglutas ng suliranin tunay siyang tumanyag.
Sa larong chess siya’y nangunguna
Di siya macheckmate ng mga kalaro niya
Pwede ngang ihanay kay Eugene Torre ang talino nya
Pwede ring Efren Bata ang katulad niya.
Kagalingan kanyang tinuklas,
Mula sa hilig na sa kanya ay namalas
Ngayon siya ay nang ihinyerong ng matatawag
Tagumpay sa larangan siya ay namamayagpag.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang mga hilig at kakayahan ni Ella?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Paano nakatulong kay Ella ang pagtuklas niya sa kanyang mga hilig at
kakayahan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pagtuklas at Pagpapaunlad sa mga Angking Talento at


Kakayahan at Paglampas sa mga Kahinaan

Alam mo ba ang kahulugan ng talento? Lahat tayo ay may talento. Sa


Webster Dictionary, ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at
kakayahan. Ito ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad
ng isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
Ano ang pagkakaiba ng talento sa kakayahan? Ayon kina Thorndike at
Barnhart, mga sikolohista, sa kanilang Beginning Dictionary, ang talento ay isang
pambihira at likas na kakayahan. Sa kabilang dako, ang kakayahan ay kalakasang
intelektuwal intellectual power upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng
kakayahan sa musika o kakayahan sa sining. Madalas sinasabi ng mga sikolohista na
ang talento ay may kinalaman sa genetics o mga pambihirang katangiang minana sa
magulang. Ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kaniyang
intellect o kakayahang mag-isip.

8
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang mga
tinedyer. Ang iba ay ang tinatawag na late bloomer. Kaya hindi dapat ikasira ng loob
ang sa tingin natin ay napakasimple nating mga kakayahan. Iyong tandaan, espesyal
ka, dahil ikaw ay likha ng Diyos.
Ano ang mga dapat mong gawin upang mapaunlad mo ang iyong talento at
kakayahan?
Kailangan nating tuklasin ang ating mga talento at kakayahan. Tulad din
ng isang obra, ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin buhat nang
tayo’y isilang. Tayo ang gagawa ng paraan upang tuklasin ang mga ito. Lahat ng
sitwasiyon at okasyon ay oportunidad sa pagtuklas.
Mayroong tinatawag na Multiple Intelligences na binuo ni Dr. Howard Gardner
noong 1983, ang teorya ng Multiple Intelligences. Ayon kay Gardner, bagama’t lahat
ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Ang mga ito
ay:
1. Visual Spatial
2. Verbal /Linguistic
3. Mathematical/Logical
4. Bodily/Kinesthetic
5. Musical/Rhythmic
6. Intrapersonal
7. Interpersonal
8. Existential
9. Naturalist

Visual/Spatial. Masasabing taglay mo ang talinong ito kung ikaw


ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng
mga ideya. Nakagagawa ka rin ng mahusay na paglalarawan ng
mga ideya na kailangan mo din na makita upang maunawaan ito.
May kakayahan ka na makita sa iyong isip ang mga bagay upang
makalikha ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May
kaugnayan din ang talinong ito sa matematika.
Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura at inhinyera.

Verbal/Linguistic. Taglay mo ang talinong ito kung ikaw ay


may angking kahusayan sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
Mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento at
pagmememorya ng mga salita o mahalagang petsa. Mas madali
siyang matuto kung nagbabasa, angsusulat, nakikinig o
nakikipag-debate. Mahusay din siya sa pagpapaliwanag,
pagtuturo, pagtatalumpati o pagganyak sa pamamagitan ng
pananalita at madali siyang matuto ng ibang wika.

Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat, abogasya,


pamamahayag (journalism), politika, pagtula at pagtuturo.

9
Mathematical/Logical. Ang mga mag-aaral
na may taglay na ganitong uri ng talino ay
mabilis ang pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatwiran at paglutas ng suliranin
(problem solving). Ito ay naaayon sa abilidad
o kagalingan ng mga mag-aaral sap ag-
intindi ng mga paksang may kaugnay sa mga
numero, sa siyensya at pagkilala ng abstract
patterns at kakayahang magsagawa ng mga
nakalilitong pagtutuos.

Ang larangan na kaugnay nito ay ang pagiging scientist, mathematician,


inhinyero, doktor at ekonomista.

Bodily/Kinesthetic. Tinutukoy nito ang abilidad ng


isang mag-aaral na ayusin ang isang suliranin na
gamit ang koordinasyon ng kanyang pag-iisip at ang
galaw ng kanyang katawan bilang kabuuan. Ang
taong may ganitong talino ay natututo sa
pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o
interaksiyon sa kapaligiran.

Ang larangang karaniwang tinatahak ay ang pagsasayaw, isports, pagiging


musikero, pag-aartista, pagiging doktor (lalo na sa pag-oopera),
konstruksyon, pagpupulis at pagsusundalo.

Musical/Rhythmic. Ang mag-aaral na may uri ng


ganitong talento ay may angking kahusayan
pagdating sa musika.

Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong


talino. Magiging masaya sila kung magiging isang musician, kompositor o
disk jockey.

10
Intrapersonal. Taglay ito ng mga mag-aaral
kung sila ay mayroong malalim na pagkakilala sa
kanilang sarili. Malalim ang pagkilala niya sa
kaniyang angking mga talento, kakayahan at
kahinaan. Hindi sila madaling mahikayat.
Karaniwang ang taong may ganitong talino ay
malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang
nauunawaan at natutugunan ang kaniyang
nararamdaman at motibasyon.

Ang larangang kaugnay nito ay ang pagiging isang researcher, manunulat


ng mga nobela o negosyante.

Interpersonal. Ang mga mag-aaral na may ganitong


uri ng talino ay may angking kahusayan sa interaksyon
o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ay nagbibigay
pagpapahalaga sa abilidad ng isang taong intindihin
ang intension, motibasyon o iyong gusto ng ibang tao.

Kadalasan siya ay nagiging matagumpay sa larangan ng kalakalan,


politika, pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social work.

Naturalist. May angking kahusayan kauganay sa pagkilala,


pagklasipika at magpahalaga sa ating paligid ang katangian
ng mag-aaral na may taglay na ganitong uri ng talino.

Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay


nagiging environmentalist, magsasaka o botanist.

Existential. Isa itong pambihirang


talino na may kinalaman sa mga bagay-bagay na tumatalakay sa
eksistenyalismo. May malalim na pagkakilala sa pagkakaugnay
ng lahat sa daigdig. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat
at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa
mundong ating ginagalawan.

Kadalasan ang mga taong mayroong ganitong talino ay masaya sa pagiging


philosopher o theorist.

11
Kailangang paunlarin ang ating mga talento at kakayahan. Likas ang mga
talento at kakayahan ngunit kailangang paunlarin ang mga ito sa pamamagitan ng
pagsasanay (practice).
May dalawang mahalagang bagay ang dapat tandaan: Una, kadalasan di sapat
ang likas na kakayahan upang maging bihasa at matagumpay sa anumang larangan.
Ang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at matamang pagsasanay.
Wika nga sa Ingles “Practice makes perfect”. Ikalawa, bukod sa talento o kakayahan,
mahalaga rin na tayo ay may interes o hilig sa ating larangang pinasok. Dapat na tayo
ay masaya sa ating ginagawa upang magkaroon tayo ng inspirasyon at motibasyon
na lampasan o higitan pa ang ating natural na kakayahan. Ito ay upang maging angat
tayo sa iba tungo sa paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan.
Kailangang malampasan ang ating mga kahinaan. Kung nais mong maging
matagumpay dapat huwag kang matakot na subukan itong gawin muli. Kung gayon,
kung nais mong makamit ang isang bagay, hindi sapat ang minsanang pagsubok
lamang. Ibig sabihin, kung hindi nagtagumpay sa isang larangan ay dapat na sumubok
muli ng iba.
Bakit nga ba tayo agad sumusuko kung hindi tayo nagtagumpay sa unang
subok natin? Dahil ito sa kawalan ng tiwala sa sarili. Ano nga ba ang tiwala sa sarili
o self-confidence? Ang tiwala sa sarili ay ang paniniwala sa sariling kakayahan. Ito ay
tiwala sa sariling kakayahan na matatapos ang isang gawain nang may kahusayan.
Dahil sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili ay maraming pagkakataon o oportunidad
ang pinalalampas ng marami. Dahil din dito, natutuon ang ating pansin sa ating mga
kahinaan at hindi sa ating mga talento at kakayahan.

Ano ang mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa tiwala sa sarili?
a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natututuhan.
b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng tiwala sa
ating saril sa iba’t ibang sitwasiyon at gawain. Halimbawa, maaaring mataas
ang ating tiwala sa sarili sa pagtutuos (mathematical computation) ngunit
mahina ang loob sa pagsasalita sa publiko.
c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o bumababa
ayon sa ating mga karanasan sa buhay.
d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili gaya halimbawa
ng pagiging mayaman o pagkakaroon ng mga taong nagmamahal sa atin.
Magkakaroon tayo ng tiwala sa ating sarili kung hindi tayo umaasa sa opinyon
o paghuhusga sa atin ng ibang tao. Nawawala ito kung wala tayong matibay na
kaalaman tungkol sa ating angking mga talento at kakayahan. Kung hindi natin kilala
ang ating sarili, aasa na lamang tayo sa sinasabi ng iba at sila ang magdidikta sa atin
ng ating mga kakayahan at limitasyon.

12
Paano mapauunlad ang ating sarili?
Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng sarili
ay ang paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkakamit nito. Sabi nga ni Covey,
“Begin with the end in mind.” Isang halimbawa ay ang paggawa ng Plano sa
Pagpapaunlad ng Sarili o Personal Development Plan. Ito ay tulad ng isang mapa na
gabay sa paglalakbay tungo sa pag-unlad ng sarili. Ito ay pagtatakda rin ng tunguhin
(goal) tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Dapat na taglay nito ang mga bahagi ng ating
sarili na dapat nating paunlarin o kahinaang kailangang malampasan, kasanayang
kailangang matutuhan at mga talento o kakayahang kailangang paunlarin.
Simple lamang ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili.
Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon: Ano-ano ang ating
mga kalakasan at kahinaan.

Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong aspeto
ang kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin.

At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang
mga pagbabago. Maaaring ang pinakamahirap na bahagi nito ay ang pagtukoy
at pagtanggap sa ating mga kahinaan. Kung magagawa natin ito, mas magiging
madali na ang iba pang bahagi.

Tandaan: Ang talino o talento ay biyaya ng Diyos kaya dapat natin itong ibahagi
o gamitin. “Sapagkat sa sinumang mayroon nito, bibigyan pa siya at magkakaroon
nang sagana; ngunit ang wala, maging ang sa kaniya ay aagawin pa.” Ito ay isang
linya sa Parable of the Talents na binitiwan ng amo sa kaniyang alipin na binigyan
niya ng talento ngunit ibinaon ito at walang ginawa upang ito ay magamit. Katulad mo
ba ang katulong na ito na di ginagamit ang biyayang talento na ipinagkaloob ng Diyos?

Pang-isahang Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong pagkaunawa sa


aralin.

1. May talento ba ang bawat tao? Pangatwiranan.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Magkasingkahulugan ba ang talento at kakayahan? Patunayan.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

13
3. Bakit nararapat na ituring ang talento na isang biyaya?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit dapat paunlarin ang ating mga
talento at kakayahan? Patunayan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. Kung ikaw ang papipiliin, ano ang mas nais mong talento na mapasaiyo at
bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________________________________________

Pang-isahang Pagsusulit 1

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung ang mga ito
ay TAMA O MALI batay sa paksang ating tinalakay. Isulat ang salitang
TAMA kung tama ang pahayag at ang salitang MALI kung mali ang
pahayag.

1. Mayroon tayong siyam (9) na kategorya ng multiple intelligences.


__________

2. Bawat tao ay may kanya-kanyang kategorya ng multiple intelligences.


__________

3. Ang visual /spatial ay mga taong mabilis matuto sa pamamagitan ng


paningin at pag-aayos ng mga ideya. __________

4. Taglay ng taong may logical/mathematical intelligence ay pagkakaroon


ng talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. _________

5. Ang taong may talinong musical/rhythmic ay natututo sa pamamagitan


ng pag-uulit, ritmo o musika. __________

Pang-isahang Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang mga talento at kakayahan ng iyong mga kamag-aral.


Pumili ng 3 sa iyong mga kaklase na malapit sa iyo. Sundin ang
pormat sa ibaba. Isulat ang pangalan o iguhit ang larawan ng iyong
mga kamag-aral sa kahon at isulat ang kanilang mga talento at
kakayahan sa patlang na katapat ng kahon.

Halimbawa:
Andrea
Lopez
pagguhit

14
Pang-isahang Pagsusulit 2

Panuto: Pagtukoy sa iba’t ibang uri ng Multiple Intelligences. Hanapin sa Hanay


B ang uri ng Multiple Intelligences na tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang
letra sa patlang.
Hanay A Hanay B
Katangian ng bawat Multiple Intelligences Uri ng Multiple Intelligences

______1. Madaling matuto sa pamamagitan ng a. Naturalist


paningin at pag-aayos ng mga ideya.
______2. May talino sa pagbigkas o pagsulat ng b. Existentialist
salita.
______3. May mabilis na pagkatuto sa pamamagitan c. Visual/spatial
ng pangangatwiran o paglutas ng
suliranin. d. Verbal/Linguistic
______4. Sila ay natututo sa pamamagitan ng mga
e. Mathematical/Logical
konkretong karanasan o interaksyon sa
kapiligiran. f. Bodily/Kinesthetic
______5. Sila ay madaling matuto sa pamamagitan
ng pag-uulit, ritmo o musika. g. Musical/Rhythmic
______6. Natututo sila sa pamamagitan ng
damdamin, halaga at pananaw. h. Intrapersonal
______7. Talino sa interaksyon sa pakikipag-
ugnayan sa ibang tao. i. Interpersonal
______8. May talino sa pag-uuri, pagpapangkat at
pagbabahagdan.
______9. Ito ay tlino sa pagkakaugnay ng lahat sa
daigdig.
______10. May talino sa matematika at lohikal.

Pang-isahang Gawain 3

Panuto: Suriin mo naman ngayon ang iyong mga talento sa pagsagot ng (MI)
Survey Form (Mc Kenzi, 1999) Dito mo Isulat ang iyong sagot sa MI Survey
Form.

Multiple Intelligences Survey Form (Copyright 1999 Walter McKenzie)


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang bilang 1
hanggang 90 sa bandang kaliwa ng iyong kuwaderno sa Edukasyon sa
Pagpapakatao. Gabay ang legend sa ibaba, isulat sa sagutang papel ang bilang na
naglalarawan sa iyong sarili. Maging tapat sa iyong sagot sa bawat bilang. Huwag
kang mahihiya kung Hindi (0) o Bihira (1) ang sagot mo sa ilang bilang.

15
Unang Bahagi: Sagutan ang sumusunod na aytem ayon sa kaangkupan sa iyo.
Isulat ang bilang ng kaukulang pagpipilian.

Legend:
4 - Palagi
3 - Madalas
2 - Paminsan-minsan
1 - Bihira
0 – Hindi
1. Pinananatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit.
2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin.
3. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
4. Madali akong makasunod sa mga patterns.
5. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng aking mga
kamay.
6. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
7. May kamalayan ako sa aking mga paniniwala o pagpapahalagang moral.
8. Nasisiyahan akong pagsama-samahin ang mga bagay batay sa kanilang
pagkakatulad.
9. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang
ipaliliwanag.
10. Malaki ang naitutulong sa aking memorya at pang-unawa kung inililista ang
mahahalagang bagay.
11. Nasisiyahan akong mag-ayos ng silid.
12. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay.
13. Mahirap para sa akin ang umupo nang matagal sa loob ng mahabang oras.
14. Mas masaya ako kapag maraming kasama.
15. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang isang
asignatura.
16. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal o pangkapaligiran
17. Madali para sa akin ang lumutas ng mga suliranin.
18. Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat,
email, texting (cellphone), telepono at mga social network sites.
19. Nasisiyahan akong gumamit ng iba’t ibang uri ng pamamaraang pansining.
20. Madali para sa akin ang sumunod sa wastong galaw.
21. Gusto ko ang mga larong panlabas (outdoor games).
22. Higit na marami akong natututuhan sa pangkatang pag-aaral.
23. Ang pagiging patas (fair) ay mahalaga para sa akin.
24. Ang klasipikasyon o pag-uuri ay nakatutulong upang maunawaan ko ang
mga bagong datos.
25. Madali akong mainis sa mga taong burara.
26. Ang mga word puzzles ay nakalilibang.
27. Nag-eenjoy ako sa lahat ng uri ng mga “entertainment media”.
28. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
29. Hilig ko ang pagsasayaw.
30. Mas natututo ako kung may kahalagahan sa akin ang isang asignatura.
31. Madalas akong maging pinuno ng pangkat sa aming mga magkakaibigan o
magkakaklase.
32. Nasisiyahan ako sa paggawa sa hardin.
33. Madali sa akin ng paglutas ng mga suliranin.

16
34. Ang pagsulat ay nakatutulong sa akin upang matandaan at maintindihan
ang itinuturo ng guro.
35. Ang mga tsart, graphs, at mga talahanayan ay nakatutulong sa akin upang
maunawaan at maipaliwanag ang mga datos.
36. Nasisiyahan ako sa mga tula.
37. Para sa akin, ang pagpapakita at pagpaparanas ay mas mainam kaysa sa
pagpapaliwanag lamang.
38. Mahalaga sa akin ang pagiging parehas.
39. Mas mahalaga sa akin ang pakikipag-uganayan kaysa sa pag-iisip.
40. Naniniwala akong mahalaga ang pangangalaga sa ating mga parke at
pambansang pasyalan.
41. Masaya ang lumutas ng mga logic puzzles.
42. Hindi ako nagpapabaya sa pakikipag-uganayan sa aking mga kaibigan sa
sulat, e-mail, o text.
43. Ang music video ay mas nakapagpapaigting ng aking interes sa isang
kanta.
44. Natatandaan ko ang mga bagay kapag nilalagyan ko ito ng ritmo.
45. Ang paggawa ng mga bagay na likhang sining ay nakalilibang at
nakapagpapalipas ng oras.
46. Nakasisiya ang mga talk show sa radyo at telebisyon.
47. Ang paggawa nang nag-iisa ay produktibo rin na tulad ng pangkatang
gawain.
48. Mahalaga sa buhay ko ang mga hayop.
49. Hindi ako makapagsisimulang gumawa ng takdang-aralin hangga’t hindi
nasasagot ang aking mga tanong.
50. Nasisiyahan akong gumawa ng liham.
51. Nagdudulot sa akin nang labis na kasiyahan ang mga three-dimensional
puzzle.
52. Mahirap mag-isip habang nanonood ng telebisyon o nakikinig ng radyo.
53. Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng sayaw ay magandang ipakita sa
publiko.
54. Ako ay team player.
55. Mahalagang malaman ko kung bakit kailangan kong gawin ang isang bagay
bago ko ito gawin.
56. May pamaraan ng pagreresiklo sa aming bahay.
57. Nakatutulong sa akin ang pagpaplano upang magtagumpay sa isang
gawain.
58. Nasisiyahan akong maglaro ng mga salita tulad ng puns, anagrams at
spoonerisms.
59. Ang mga music video ay gumigising ng kaisipan.
60. Nasisiyahan akong pakinggan ang iba’t ibang uri ng musika.
61. Nais kong magtrabaho na gamit ang iba’t ibang kasangkapan.
62. Hindi ko nais magtrabaho nang nag-iisa.
63. Kapag naniniwala ako sa isang bagay, ibinibigay ko nang buong- buo ang
aking isip at lakas.
64. Nasisiyahan akong mag-aral ng Biology, Botany at Zoology.
65. Kasiya-siya para sa akin ang magtrabaho gamit ang computer.
66. Interesado akong matutuhan ang mga hiram na salita.
67. Naaalala ko ang mga bagay kung ilalarawan ko ito sa aking isip.
68. Ang mga musical ay higit na nakagaganyak kaysa mga drama.

17
69. Aktibo ang aking pamamaraan ng pamumuhay.
70. Masaya ang paglahok sa mga gawaing extra-curricular.
71. Nais kong makilahok sa mga gawaing tumutulong sa kapwa.
72. Mahabang oras ang ginugugol ko sa labas ng bahay.
73. Kailangang may kabuluhan ang isang bagay o gawain upang magkaroon
ako ng kasiyahan dito.
74. Nais kong makilahok sa mga debate at pagsasalita sa harap ng publiko.
75. Mahusay akong bumasa ng mga mapa at plano.
76. Madali para sa akin na makaalaala ng letra o liriko ng awitin.
77. Higit akong natututo kung ako mismo ang gagawa.
78. Binibigyang-pansin ko ang mga isyung panlipunan.
79. Handa akong magreklamo o lumagda ng petisyon upang iwasto ang isang
kamalian.
80. Nasisiyahan akong magtrabaho sa lugar na maraming halaman.
81. Mahalaga na alam ko ang bahaging ginagampanan ko sa kabuuan ng isang
bagay.
82. Nasisiyahan akong talakayin ang mga makabuluhang tanong tungkol sa
buhay.
83. Mahalaga sa akin ang relihiyon.
84. Nasisiyahan akong magmasid ng mga likhang-sining.
85. Mahalaga sa akin ang pagninilay at pagpapahinga.
86. Nais ko ang maglakbay sa mga lugar na nakapagbibigay ng inspirasyon.
87. Nasisiyahan akong magbasa ng isinulat ng mga kilalang pilosopo.
88. Mas madali para sa akin ang matuto kung nakikita ko kung paano ito
inilalapat sa buhay.
89. Nakamamanghang isipin na sa daigdig ay may iba pang nilikhang may
angking talino.
90. Mahalaga sa akin na madama na ako ay kaugnay ng mga tao, ideya, at
mga paniniwala

Ikalawang Bahagi: Ngayon Ilipat mo ang iyong sagot sa angkop na kahon sa ibaba.
Logical/Mathematical 1 9 17 25 33 41 49 57 65 73

Linguistic 2 10 18 26 34 42 50 58 66 74

Spatial 3 11 19 27 35 43 51 59 67 75

Musical 4 12 20 28 36 44 52 60 68 76

Bodily-Kinesthetic 5 13 21 29 37 45 53 61 69 77

Intrapersonal 6 14 22 30 38 46 54 62 70 78

Interpersonal 7 15 23 31 39 47 55 63 71 79

Naruralist 8 16 24 32 40 48 56 64 72 80

18
Existentialist 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90

Pagtapos nito ay kunin ang kabuuang bilang ng iyong sagot sa bawat hanay
at isulat sa espasyo sa dulo
Halimbawa: Logical Mathematical 2+3+2+3+3+2+3++2+4+2=26

Ikatlong Bahagi:
Isulat mo ngayon ang kabuuang bilang na nakuha mo sa bawat kategorya sa
bar graph sa ibaba.

50
40
30
20
10
Logical-Mathematical

Bodily-Kinesthetic
Visual-Spatial

Intrapersonal
Interpersonal

Existentialist
Linguistic

Naturalist
Musical

Iskor: ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
1. Batay sa resulta, ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili?

2. Naaayon ba sa iyong inaasahan ang iyong mga natuklasang kakayahan?


Ipaliwanag.

3. Nasiyahan ka ba sa iyong natuklasan? Ipaliwanag.

4. Angkop ba sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na nais mong


pag-aralan ang iyong angking kakayahan?

5. Bakit mahalaga ang kaalaman sa taglay mong mga talento at kakayahan?

19
Pang-isahang Pagsusulit 3

Panuto: Mula sa naunang gawain, ano ang mga bagay na natuklasan mo


tungkol sa iyong mga kamag-aral? Mayroon ba kayong pagkaktatulad
sa mga talento at kakayahan? Ano ang dapat na maging pananaw
tungkol sa inyong mga talento at kakayahan?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Pagkatapos ng araling tinalakay, anong mga mahahalagang


kaalaman o kasanayan ang iyong natutunan? Buuin ang pahayag.

Natutunan ko na mahalagang matuklasan ko ang aking mga kakayahan at


talento dahil ______________________________________________________.

Mapapaunlad ko pa ang mga ito sa pamamagitan ng


________________________________________________________________.

Kailangan kong malampasan ang aking mga kahinaan sapagkat


________________________________________________________________.

Panuto: Basahin ang Parabula sa Bibliya ukol sa Talento sa Mateo 25:14-30.


Pansinin kung paano binigyan ng gantimpala ang mga alipin na gumamit ng
kanilang mga talento. Isulat sa ibabang bahagi ang mga talento at mga
kakayahan mong taglay at
tukuyin kung paano ito ibabahagi sa iba.

Ako ay may mga talento tulad ng


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Ibabahagi ko ito sa pamamagitan ng


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

20
Mateo 25:14-30 Ang Salita ng Diyos (SND)

Ang Talinghaga Patungkol sa Talento

14 Ito ay katulad din sa isang lalaking papaalis ng bansa. Tinawag niya ang kaniyang mga alipin at
ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang mga ari-arian.

15 Ibinigay niya sa isang alipin ang limang talento, sa isa pang alipin ay dalawang talento at sa isa pang
alipin ay isang talento. Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kaniyang kakayahan. Siya ay umalis
agad ng bansa. 16 Siya na nakatanggap ng limang talento ay nangalakal at tumubo ng lima pang
talento. 17 Gayundin ang nakatanggap ng dalawang talento, siya ay tumubo ng dalawa pa. 18 Ngunit
siya na nakatanggap ng isang talento ay umalis. Siya ay naghukay sa lupa at itinago ang salapi ng
kaniyang panginoon.

19 Pagkatapos ng mahabang panahon, dumating ang Panginoon ng mga aliping iyon at sila ay
nagbigay-sulit sa kaniya. 20 Dumating ang nakatanggap ng limang talento at nagdala siya ng lima pang
talento. Sinabi niya: Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang limang talento. Narito, bukod dito ay
tumubo pa ako ng lima.

21 Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya: Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at tapat na
alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka
sa kagalakan ng iyong panginoon.

22 Dumating din ang nakatanggap ng dalawang talento. Sinabi niya: Ipinagkatiwala mo sa akin ang
dalawang talento. Tingnan mo, bukod dito ay tumubo pa ako ng dalawa.

23 Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya: Magaling ang iyong ginawa. Ikaw ay mabuti at tapat na
alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa
kagalakan ng iyong panginoon.

24 Dumating din ang nakatanggap ng isang talento. Sinabi niya: Panginoon, kilala kita na ikaw ay isang
malupit na tao. Umaani ka sa hindi mo inihasik at nagtitipon sa hindi mo ikinalat. 25 Dahil sa takot,
ako ay umalis at itinago ang iyong talento sa lupa. Narito ang para sa iyo.

26 Sumagot ang kaniyang panginoon: Ikaw ay masama at tamad na alipin! Nalalaman mo na ako ay
umaani sa hindi ko inihasik at nagtitipon sa hindi ko ikinalat. 27 Nararapat sana na inilagay mo ang
aking salapi sa mga mamamalit ng salapi. At sa aking pagdating ay tatanggapin ko ang aking salapi na
may tubo.

28 Kunin nga sa kaniya ang talento at ibigay sa kaniya na may sampung talento. 29 Ito ay sapagkat
ang bawat mayroon ay bibigyan at siya ay tatanggap ng sagana. Ngunit sa kaniya na wala, maging ang
nasa kaniya ay kukunin sa kaniya. 30 Ang walang silbing alipin ay itatapon sa kadiliman sa labas. Doon
ay may pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.

Panuto: Piliin ang titik ng pinaka angkop na sagot at isulat sa sagutang patlang.

_____1. Ito ay isang pambihirang lakas at kakayahan at biyaya na may


kinalaman sa genetics.
a. Kakayahan b. Talento c. Likas d. Kamangmangan

21
_____2. Ito ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang
bagay tulad ng kakayahan sa musika o sa sining.
a. Kakayahan b. Talento c. Likas d. Kamangmangan

_____3. Ito ay talino sa interaksyon o pakikipag ugnayan sa ibang tao. Ito rin ang
kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa pangkat.
a. Existensiyal c. Naturalist
b. Interpersonal d. Visual/ Spatial

_____4. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban


sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang
ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng
isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay
tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa
magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil
sa kanyang kakayahan mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon
samantalang ang kakayahan ay kailangan dumaan sa proseso ng
pagsasanay.

______5. Kailangang tuklasin at paunlarin ang mga aking talento at kakayahan…


a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga
kahinaan.
b. Upang makapaglingkod sa pamayanan.
c. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at lipunan.
d. Lahat ng nabanggit.

______6. Si Aslon ay mahusay sa paglalaro ng footbal. Labis ang paghanga sa


kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Makikitang halos
naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa football. Ngunit dahil
sa labis na kaabalahan sa pag- aaral, barkada at pamilya hindi na siya
nakapagsasanay ng mabuti. Tukuyin ang maaaring kahinatnan ng
ganitong aksyon ni Aslon.

a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan sa


pagsasanay.
b. Makakaapekto Ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon
ng katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ang kanyang
team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga Ito.
c. Hindi magkakaron ng pagbabago sa paraan ng kaniyang paglalaro
dahil halos perpekto na ang kaniyang kakayahan.

22
d. Hindi ito makakaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan
ang kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na
pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.

______7. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan


upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang
nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
b. Mali, dahil walang takdang panahon Ang pagusbong ng talento.
c. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga
pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa mga paligsagan at
pagtatanghal.
d. Mali, dahil maaari itong magbunga ng pagkabagot at pagkasawa.

______8. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:


a. Ito ay hindi namamana
b. Ito ay hindi nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili.
c. Ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon.
d. Ito ay unti unting natutuklasan bunga ng karanasan.

______9. May mga tao na sinasabi na sila ay ipinanganak na walang talento.


Patunayan.
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay matuklasan.
b. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang
talent.
c. Dahil may tao talaga na ipinanganak na walang talent.
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento
dahil hindi naman ito maka-agaw atensyon.

______10. Ang pinakamahalagang layunin ng pagtuklas at pagpapaunlad ng


angking talino at kakayahan ay
a. upang mapabuti ang sarili
b. upang mapaunlad ang sarili at makapaglingkod sa kapwa
c. upang makatulong sa kapwa
d. upang may maipantulong sa pamilya

______11. Piliin mula sa sumusunod na mga pangungusap ang nagpapahayag


ng tamang gkonsepto
a. Ang talento ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at
paunlarin.
b. Ang talento ay lumilitaw sa panahon ng kabataan.
c. Ang talento ay likas na umuunlad kahit hindi ito pinapansin.
d. Ang talento ay kalakasang intelektwal.

23
______12. Ang katangian ng taong may talinong Interpersonal ay ang pagiging…
a. Sensitibo sa damdamin, kilos at salita ng kapwa.
b. Ang kaniyang kaalaman sa kapwa ay higit sa kaalaman sa sarili.
c. May kabatiran sa kapwa ngunit sa sarili ay wala.
d. May talino sa pag-uuri at pagpapangkat-pangkat.

______13. Tukuyin ang ipinapahayag ng teoryang Multiple Intelligences.


a. May isang nangingibabaw na pamamaraan ng pagpapahayag ng
talino ng tao.
b. Lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan at
magkakaparehong talento.
c. Bawat tao ay nagtataglay ng higit sa isang uri ng katalinuhan.
d. Ang teorya na ito ay mas angkop sa tanong na Gaano ka katalino?

______14. Mahalaga ang pagbabalangkas ng plano ng pagpapaunlad ng sarili


dahil…
a. Isang mabisang paraan ito upang maisakatuparan ang
pagpapaunlad ng sarili
b. Nakapapagpabilis sa pag-unlad ng mga hangarin sa buhay
c. Nakatutulong ito sa pagwaksi ng mga nakakasagabal sa
pagpapaunlad ng sarili
d. Nakakatulong ito upang mas makamit ang tagumpay sa buhay.

______15. Tukuyin kakayahan ang taglay ng taong madalas magnilay-nilay na


napatunayan ng agham.
a. Makapagsulat
b. Makipagtalakayan
c. Makipagkaibigan
d. Makapakinig

Panuto: Batay sa iyong mga natutunan sa aralin, gumawa ng isang anunsyo tungkol sa
iyong kakayahan at talento. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.

24
Rian ang Mang-aawit
Ano ang kakaibang kakayahan?
Nakakakanta ng nakahiga

Kailan natuklasan ang kakayahan?


Simula anim na taong gulang pa lamang

Sino ang mga nakaimpluwensya para sa


kakayahan na ito?
Ang mga magulang ko. Si Nanay ay magaling na
mang-aawit at siTatay naman ay isang gitarista.

Paano mo ito ibinabahagi sa iba? Kinakantahan ko


ang aking kapatid at kaibigan kapag sila ay
nalulungkot

Kaya ano pa ang inaantay ninyo, tara na at makinig sa aking ginintuang boses.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG PAGGAWA NG ANUNSYO


Kraytirya 4 3 2 1
May inilahad na malinaw May malinaw na Ang kabuuan ng May sinasabing Hindi malinaw
na konsepto ng kanyang konsepto sa sagot ay kabuluhan ngunit ang layunin
kakayahan at talento inilalahad na sinasabing may hindi malinaw ang
paksa makabuluhan na layunin
konsepto tungkol
sa paksa
May hindi Mayroong hindi May ilang hindi May ilang hindi Walang hindi
pangkaraniwang pangkaraniwang pangkaraniwang pangkaraniwang pangkaraniwang
nilalaman na nilalaman/bahagi nilalaman/bahagi nilalaman ngunit nilalaman na
nakapupukaw ng interes na nakapupukaw na nakapukaw ng hindi nakapupukaw ng
at nakadaragdag sa ng interes ng mga interes ng mga nakapupukaw ng interes ng mga
kabuluhan ng paksa manonood at babasa interes ng mga babasa at hindi
nakadaragdag sa babasa na hindi kaugnay ng paksa
kabuluhan ng nakaugnay sa
paksa paksa

May kaaya-ayang May kaaya-ayang May maayos na May Walang kaaya-


disenyo ng anunsyo at disenyo ng disenyo ng katamtamang ayang disenyo ng
makabuluhang nilalaman anunsyo at anunsyo at disenyo ng anunsyo at hindi
makabuluhang malinaw na anunsyo at hindi makabuluhang
nilalaman nilalaman malinaw na nilalaman.
nilalaman

25
26
Subukin Pang-isahang
Balikan Pagsusulit 1:
1. C 1. Tama
2. B 1. Pakikipag-
2. Tama
3. D ugnayan
3. Tama
4. A
2. Papel sa 4. Mali
5. A
6. A Lipunan 5. Tama
7. A
8. B 3. Pagbabago
9. C sa Katawan
10. B
11. B 4.
12. A Mapanagutang
13. A asal
14. D
15. A 5.Maingat na
pagpapasya
Pang-
Tayahin
isahang
Pagsusulit 2 1. B
2. A
1. C 3. B
2. D 4. D
3. E 5. D
4. F 6. B
5. G 7. A
8. B
6. H
9. A
7. I 10. B
8. A 11. A
9. B 12. A
10. E 13. C
14. A
15. B
.
Sanggunian
Brizuela, Mary Jean B., Manuel B. Dy, Jr., Sheryll Gayola, Marivc Leaño, and
Ellanore G. Querijero. Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng
mga Mag-aaral (Unang Bahagi). Philippines 1600: FEP Printing.
2013

Department of Education, Curriculum and Instruction Strand, Most Essential


Learning Competencies

27
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like