You are on page 1of 25

7

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Isip at Kilos-Loob
EsP7PS-IIb-5.3-5.4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Isip at Kilos Loob
Unang Edisyon, 2020
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim : Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim :Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Nicolaine A. Marcelo
Editor : Lilibeth S. Echevarria
Tagasuri : Marciano V. Cruz, Jr.
Tagaguhit : Dionisio E. Brillo
Tagalapat : Nicolaine A. Marcelo
Tagapamahala:
Gregorio C. Quinto, Jr., EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, PhD
Education Program Supervisor - LRMDS
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS-Division ADM Coordinator
Glenda S. Constatino
Project Developer Officer III
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS - Edukasyon sa Pagpapakatao
Joana Marie C. Garcia
Librarian III

Printed in the Philippines by:


Department of Education, Schools Division of Bulacan
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan Email address:
lrmdsbulacan@deped.gov.ph
7
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Isip at Kilos-Loob
EsP7PS-IIb-5.3-5.4
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Isip at Kilos-Loob.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Isip at Kilos-Loob

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
Pagyamanin
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

2
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Susi sa Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

3
Alamin

Ang tao ay natatangi dahil sa kakayahang mag-isip, kumilos at gumalaw nang


malaya. Nangangahulugang may sariling desisiyon at paniniwala ang tao na ang
piniling kilos o desisyon ay tama at makatutulong sa sarili at sa kapwa.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
 Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ay nagpapabukod-tangi sa tao, kaya
ang kaniyang mga pagpapasya ay dapat patungo sa katotohanan.
EsP7PS-IIb-5.3

 Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan at


kabutihan gamit ang isip at kilos-loob. EsP7PS-IIb-5.4

Subukin

A. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang


papel ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng wastong desisyon at
MALI kung hindi.

1. Nagpapamigay ng ticket para sa “Free Food” ang inyong barangay nang


mapansin mong doble ang natanggap mo. Naisip mong maaari mo itong
ibigay sa iyong kapitbahay na nagangailangan din, kaya itinago mo na
lamang ang sobrang ticket at umuwi sa inyong bahay.
2. Bumili ka ng gamot sa botika para sa iyong inang may karamdaman. Nang
mapansin mo ay sobra ang sukling ibinigay sa iyo, gusto mo sanang bumili
ng prutas na karadagan sa gamot na iyong binili. Ngunit ibinalik mo pa rin
ang sobrang sukli.
3. Madami kang modyul na dapat sagutan, naisip mong ipagpaliban na muna
ito dahil mahaba pa naman ang oras para magsagot. Kaya’t ipinagpaliban
mo muna ang pagsasagot at nag laro na lamang ng Mobile Legends.
4. Nagmamadali kang makarating sa pook-dalanginan. Nakita mong walang
dumaraang mga sasakyan kaya maaari kang tumawid kahit hindi ito ang
tamang tawiran. Ngunit naisip mong ito ay labag sa batas-trapiko. Kaya
nagpatuloy ka sa paglakad patungo sa tamang tawiran.
5. May iniinom ka na juice, nang maubos mo ito ay wala kang Makita na
basurahan kaya’t itinago mo nalang ito sa iyong bag at pag-uwi mo nalang
sa bahay ito itatapon sa tamang basurahan.

4
B. Panuto: Basahin ng may buong pag-unawa ang mga sumusunod at piliin ang
tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bukod sa marunong, masunurin ang kamag-aral mo si Celita dahil dito madalas
ang papuri ng mga guro mo sa kaniya. Ikaw ang pumapangalawa sa kaniya. Ano
ang gagawin mo bilang kamag-aral niya.
a. Siraan siya sa kaniyang mga ginagawa, para makalamang ka.
b. Hayaan mo lang siya sa kaniyang ginagawa.
c. Sabihin mo sa iyong mga guro na mas magaling ka sa kaniya.
d. Ipagpatuloy mo ang pagsisikap sa pag-aaral at gawing huwaran ang
mgandang gawain niya.
2. Ano ang pamgunahing gamit ng isip ng tao.
a. mangatwiran
b. umunawa
c. magpasiya
d. makaramdam
3. Isa ka sa honor students sa klase. Hinihikayat ka ng iyong gurong sumali sa
isang larong pampalakasan dahil alam niyang malaki ang potensyal mo. Gusto
mong sumali ngunit nangangamba kang maapektuhan ang iyong oras sa pag-
aaral at may posibilidad na bumaba ang marka mo. Ano ang gagawin mo?
a. Tatangihan kagustuhan ng guro.
b. Magsanay ka agad at ibuhos ang oras sa paglalaro.
c. Ituon nalang ang panahon sa pag-aaral.
d. Sumali sa kagustuhan ng guro at pagaaralang ibalanse ang oras sa pag-
aaral at paglalaro.
4. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isip?
a. Ang isip ay may kakayahang ipahayag maglapat ng pagpapasiya
b. Ang isip ay may kakayahang humusga
c. Ang isip ay may kakayahang umunawa ng kahulugan ng isang bagay.
d. Ang isip ay may kakayahang isakatuparan ang pinili
5. Sumobra ng dalawampung piso ang sukli ng tindera ng tindahang binilhan mo.
Nagkataong ganitong halaga ang kailangan mo bilang pamasahe mo para
makauwi at nahihirapan kang maglakad dahil may sugat ang iyong paa. Ano
ang gagawin mo?
a. Isasauli ang sobrang sukli sa tindera dahil alam mong hindi ito sa iyo.
b. Magpapasalamat ka at natapat na nagkaroon ka ng biyaya sa oras na
kailangan mo.
c. Ipambibili mo agad ng bagay na kailangan mo.
d. Itatabi at isisilid ito sa wallet mo.
6. Narinig mong pinagtatawanan at kinukutya ng iyong mga kaibigan ang isa mo
pangkakalse. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan at ipagsasawalang kibo.
b. Kakausapin ang iyong mga kaibigan at ipaliliwanag na hindi tama ang
kanilang ginagawa.
c. Makikisali sa pangungutya.
d. Mananahimik at hahayaan nalang ito upang hindi madamay.
7. Paano tunay na mapapamahalaan ng tao ang kaniyang kilos-loob.
a. Sa pamamagitan ng pagsangunni sa mga taong nakaalam at puno ng
karanasan
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos loob
c. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
d. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at
pamimili.

5
8. Mahaba ang pila sa isang grocery store nang makita mong kinakawayan ka ng
iyong pinsan na malapit na sa unahan ng pila. Niyaya ka niyang sumingit
pumwesto sa kaniyang harapan. Sakto naman na ikaw ay nagmamadali. Ano
ang gagawin mo?
a. Mananatili ka sa tamang pila, at pauunahin ang mga nauna sa iyo.
b. Magpapanggap na hindi na kita ang iyong pinsan.
c. Pupunta sa harapan upang mapadali ka.
d. Hahayaan nalang at hindi papansinin ang iyong pinsan.
9. Abala ka sa pagsasagot ka ng modyul ng tumawag ang iyong ina upang
magpatulong sa pagsasampay ng mga damit. Ano ang gagawin mo?
a. Magbibingibingihan at ipagpapatuloy ang pagsasagot ng modyul.
b. Tatawagin ang nakababatang kapatid at siya ang uutusan.
c. Tutulungan ang iyong ina at ipagpapatuloy nalang ang pagsasagot
pagkatapos.
d. Gagawin ang gawain nang labag sa loob.
10. Nakita mo si Gellie na nagtapon ng basura sa gilid ng kalsada, ang kaniyang
ama ay ang kapitan sa inyong barangay at nagbigay ng batas na ang
mahuhuling o magtatapon ng basura sa hindi tamang taupan ay may
karampatang parusa. Ano ang gagawin mo?
a. Magbubulagbulagan at mananahimik na lang.
b. Isasangguni ito sa barangay upang mabigyan ng pangaral si Gellie.
c. Hahayaan nalang dahil may katungkulan ang kaniyang ama.
d. Pagsasabihan si Gellie na mali ang kaniyang ginagawa at maaari siyang
maparusahan.

Balikan

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag, isulat ang TAMA kung ang
pagpapasiya ay nagpapakita ng tamang wastong ng Isip at Kilos-Loob at MALI kung
hindi nagsasaad ng wastong isip at kilos-loob. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel

1. Pagsisinungaling upang pagtakpan ang iyong kasalanan.


2. Pagbibigay ng sobrang sukli.
3. Pagtatago ng laruan ng iyong kapatid.
4. Paggalang sa mas nakakatanda.
5. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan.
6. Panlalamang sa iyong mga kapatid sa gawaing bahay.
7. Pag gising ng maaga para hindi malate sa Online Class.
8. Pagsimangot kapag inuutusan ng iyong mga magulang.
9. Pagdodonate ng mga laruan sa mga batang lansangan.
10. Pagtitipid ng kuryente at tubig upang makabawas at makatulong sa gastos ng
iyong mga magulang.
11. Pagpili ng kurso sa kolehiyo na naayon sa kagustuhan ng iyong mga magulang
at kamag-anak
12. Pagkopya ng takdang aralin ng iyong kaklse.
13. Pagsasagot ng modyul sa takdang oras na ibinigay ng guro.
14. Pag tawid sa hindi tamang tawiran.
15. Pagtatakda ng oras para mag-libang at magsagot ng gawain sa modyul na
ibinigay ng guro.
6
Tuklasin
Panuto: Pag-aralan ang mga sumusnod na sitwasyon at ipagpalagay
mong ikaw ang tauhan sa mga ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang pepel.

1. Pagod kang naglalakad pauwi galing sa paaralan nang makita mo ang isang
matandang nahihirapang magdala ng isang sako ng bigas. Bukod sa pagod,
naisip mo rin ang mga gawaing kailangan mong tapusin pagdating sa bahay.

GAGAWIN MO:____________________________________________________
_________________________________________________________________

MARARAMDAMAN MO:_____________________________________________
________________________________________________________________

2. Mahaba ang pila sa isang grocery store nang makita mong kinakawayan ka ng
iyong pinsan na malapit na sa unahan ng pila. Niyaya ka niyang sumingit at
pumwesto sa kaniyang harapan.

GAGAWIN MO:____________________________________________________
_________________________________________________________________

MAIISIP MO:______________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Sa asignaturang Agham nagkaroon kayo ng malalim na talakayan tungkol sa


paglilinis at pangangalaga ng kapaligiran at sa malaking suliraning kaakibat ng
basura. Sa inyong barangay ay nagkaroon ng kasunduang magkakaroon ng
karampatang parusa ang mahuhuli o makikitang nagtatapon sa hindi
itinakdang tapunan.

Isang araw, nakita mo ang iyong kaklaseng nagtapon ng basura sa gilid ng


kalsada. Ang iyong ina ay isang opisyal sa inyong barangay.

GAGAWIN MO:__________________________________________________
_______________________________________________________________

MAIISIP MO:_____________________________________________________
________________________________________________________________

Pamantayan sa Paggawa

Pamantayan Puntos
Nilalaman 5
Kaayusan 5
Ideya/Paliwanag 5
Kabuuan 15
7
Suriin

TAO: ANG NATATANGING NILIKHA

May tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang halaman, ang
hayop at ang tao. Katulad ng halaman, ang tao ay nangangailangang alagaan upang
lumaki, kumilos at dumami. Kailangan nila ng sapat na sustansiya upang makaya
niyang suportahan ang sarili. Katulad ng hayop, ang tao ay may damdaming
nasasaktan. Ito ay maaaring dahil sa kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot siya sa
mga kalamidad o sa epekto ng mga pangyayaring hindi inaasahan. Nagagalit siya
kapag pinakitunguhan nang hindi tama subalit kumakalma sa tuwing pinakitaan ng
pagkalinga. Subalit higit pa sa mga ito ang kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay
nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”, kaya nga ang tao ay tinatawag na kanyang obra-
maestra.

Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?

Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahang


nagpapadakila sa kaniya. Mayroon din siyang mga katangiang nagpapatingkad sa
kaniya, katangiang taglay lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya sa iba
pang nilikha. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang
sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.

ISIP - Ito ay ang kakayahang mag-isip at alamin


ang diwa at buod ng isang bagay o pangyayari. Ito
ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran,
magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng
mga bagay.

Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan


(intellect), katwiran (reason), intelektuwal na
kamalayan (intellectual consciousness),
konsensiya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual memory)
batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.

PUSO. Bagamat maliit na bahagi lamang


ng katawan, ito ay bumabalot sa buong
pagkatao. Nakararamdam ito ng lahat ng
pangyayari sa ating buhay. Dito
nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa
puso nahuhubog ang personalidad ng tao.
Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay
dito rin natatago.

8
KAMAY O KATAWAN. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa
pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o
pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit
sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
Hindi sapat na naiisa-isa ng tao ang iba’t
ibang bahagi ng kanyang katawan, ang
mahalaga ay maunawaan niya kung ano-ano
ang gamit ng mga ito. Mahalagang bahagi ng
pagkatao ang katawan, dahil ito ang
ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng
isip at puso sa kongkretong paraan. Sa
pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao
ang nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin
ang instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at


magpasya nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay
tinatawag na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang
pinili ay tinatawag na kilos-loob.

Pag-aralan ang talahanayan sa ibaba.

Isip Kilos-loob

Gamit Pag-unawa Kumilos / gumawa


Tunguhin Katotohanan Kabutihan

Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan - kaya’t


patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa
nang naaayon sa katotohanang natuklasan. Ang pandamdam “Samakatuwid
ng tao ay nakatutulong upang makamit ang katotohanang ito.
Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan, maaari siyang ang isip at kilos-loob,
gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang isip tulad ng katawan,
ng tao ay may limitasyon at hindi ito kasing-perpekto ng
Maylikha, siya ay nakadarama ng kakulangan. Kaya’t ang ay kailangang
paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi nagtatapos; ang
sanayin at linangin
katotohanan ang tunguhin ng isip.
upang magampanan
Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan
ni Santo Tomas de Aquino ay isang makatwirang pagkagusto ng mga ito ang
(rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na kani-kaniyang
naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang
tunguhin ng kilos -loob ay ang kabutihan. Ang kilos-loob ay layunin.”
hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong
masama. Nagaganap lamang ang pagpili sa masama kung ito ay nababalot ng
kabutihan at nagmumukhang mabuti at kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa
9
ibinibigay na impormasyon ng isip. Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil
hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan.
Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung kaya’t ang
kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang
pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing
gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at
linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-
kaniyang layunin. Kung hindi, magagamit ang
mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa
pagkakamit ng kaganapan ng tao.

Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin,


paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob.
Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang
hindi masira ang tunay na layunin kung bakit
ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Inaasahang
magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob. Habang marami
siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral o
pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang pagkatao ang
mapanagutang paggamit ng mga ito. Sa gayon, higit siyang magiging mabuting
nilalang na may mabuting kilos-loob. Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng
nalalaman at taas ng pinag-aralan, kundi kung paano ginagamit ang kaalaman upang
ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglilingkod sa kapwa at
pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng
isip at kilos-loob na kumilos ayon sa kanyang kalikasan… ang magpakatao.
Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang
makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng
pagkatao.

Natatangi ang tao dahil sa kaniyang isip at kilos loob na taglay. Hindi tayo
magiging tao kapag hindi natin ginamit sa tama ang kakayahang ito. Malaking
gampanin ang kumilos tayo ng tama bilang isang taong mapanagutan sa paggamit ng
isip at kilos-llob.

Tayahin natin ang iyong pag-unawa.


Ayon sa inyong naunawaan sa binasang teksto. Sagutin ang sumusunod na
katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang nakakapagbukod-tangi sa tao bilang nilikha?
2. Sa paanong paraan naipapakita ang gamit ng kilos-loob sa pang-araw-
araw na kilos?
3. Ano ang inaasahang kilos o magagawa ng tao dahil siya ay nilikhang may
isip at kilos-loob?

10
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Gamit ang kahon ng mga titik, hanapin ang mga salitang may
kaugnayan sa Kilos-Loob gamit ang mga gabay sa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
D I S I P L I N A G H J L E
E Q E R K A T A P A T A N M
S A D F G H J A R T Y U A O
I K O N S E S Y A A S D A S
S Z X C V N Q A W R T H Y Y
Y G H J A F G L G H J K A O
O A W E R T Y A I J G D L N
N A S D F G H K X C V B A S
P A G T I T I W A L A C K Z
K A T O T O H A N A N D X Z
A D F G H A W A N U - G A P
K A B U T I H A N H F H Y J
P A N D A M A S G J L J K L

1. D_ _ _ _ _ _ _ a 2. K_ _ _p_ _ _ _ 3. K_ _ _ _ _ _ _y_ 4. P_ _ _ _ _ _w_ _ _


5. K_ _ _ _ _h_ _ 6. K_ _ _ _ _h_ _ _ _ 7. P_n_ _ _ _ 8. E_ _ _ y_ _
9. D_ _ _ s_ _ _ 10. K_ _ _ _ _a_ 11. P_ _-u_ _ _ _

Pang-isahang Pagsusulit 1.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong at piliin ang
pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papael.
1. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil ang mga hayop at halaman ay walang sariling buhay.
b. Tama, dahil ang hayop at halaman ay nilikha ng Diyos
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao na higit sa mabuhay at
makaradam.
d. Tama, dahil ang halaman at hayop ay binigyan ng buhay upang magparami
at kumilos.
2. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isip?
a. Ang isip ay may kakayahang sumuri
b. Ang isip ay may kakayahang humusga
c. Ang isip ay may kakayahang umunawa ng kahulugan ng isang bagay.
d. Ang isip ay may kakayahang isakatuparan ang pinili
11
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng wastong paggamit
ng isip at kilos-loob?
a. Paggamit ng facebook habang nag-oonline class
b. Pag-unawa at paggalang sa paniniwala ng iba.
c. Pakikiisa at pagtulong sa mga gawaing bahay sa loob ng tahanan.
d. Pagpapaalam nang maayos sa magulang kung may pupuntahang okasyon
upang hindi sila mag-alala.
4. Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?
a. Ang tao ay may kakayahang pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya.
b. Ang tao ay may kakayahang kumilala ng mabuti at masama.
c. Ang tao ay may kakayahang paunlarin ang kaniyang sarili.
d. Ang tao ay may kakayahang magpasiya ayon sa kaniyang kagustuhan.
5. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang sumusunod maliban sa:
a. kabutihan
b. kaaayusan
c. karunungan
d. kagandahang loob
6. Analohiya:
Puso: kapangayarihang makaramdam
Katawan/Kamay:Kapangyarihang kumilos
Kilos-Loob:_______________________.
a. Kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasiya at isagawa ang
pasiya.
b. Kapangyarihang kumilos ayon sa sinasabi ng isip.
c. Kapangyarihang magnilay, pumili, magpasiya at isakatuparan ang pasiya.
d. Kapangyarihang kumilala ng tama at mabuti.
7. Ang sumusunod ay katangian ng puso maliban sa isa. Alin ito?
a. Ang puso ay may kakayahang humusga ng mabuti at masama.
b. Ang puso ay may kakayahang makaramdam
c. Ang psuo ay may kapangyarihang umunawa at mangatwiran.
d. Ang puso ay may kakayahang mag-alala.
8. Ano ang pamgunahing gamit ng isip ng tao.
a. mangatwiran
b. magpasiya
c. makaramdam
d. umunawa
9. Ang sumusunod ay ang pagkakatulad ng hayop sa tao maliban sa:
a. pag-iisip
b. paggalaw
c. pagkagusto
d. pandamdamin
10. Ang sumusunod ay katangian ng isang tao maliban sa:
a. May kakayahang mag-isip at alamin buo at diwa ng isang bagay.
b. May kakayahang isakatuparan ang isang kilos o gawa.
c. May kakayahang timbangin ang tama at mabuti bago gawin ang isang
bagay
d. May kakayahang kumilos sa nais at kagustuhan.

12
Pang-isahang Gawain 2.
Panuto: Gamit ang mga pamimilian sa ibaba, punan ng sagot ang mga patlang
sa Graphic Organizer.
Ang tao ay (1)________________ na nilalang dahil siya ay may:

Isip na (2)______________ at Kilos-loob na (4)_____________/


(3)__________________ pumili

Ang gamit ng isip ay Ang gamit ng kilos-loob ay


(5)___________________ (6)________ o gumawa

Ang tunguhin ng isip ay Ang tunguhin ng kilos-loob ay


(7)___________________ (8)_____________

Kaya, nararapat na (9)_________________, paunlarin at gawing (10)____________


ang isip at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng tao.

ganap sanayin nakaalam umunawa natatangi


katotohanan nagppaasiya kumilos kabutihan gumawa

Pang-isahang Pagsusulit 2
Panuto: Tukuyin kung anong sangkap ng tao ang inilalarawan sa sumusunod
na pahayag. Gamit ang pamimilian ay isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. PUSO B. ISIP C. KAMAY/KATAWAN

1. Ginagamit sa pagsasakatuparan ng kilos o gawa


2. Ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng puso’t isip sa isang
kongkretong paraan
3. Simbolo ng pandama, kilos o galaw.
4. Dito nagmumula ang emosyon at pasya ng isang tao
5. Ito ay simbolo/sumasagisag ng buong pagkatao ng tao
6. Ito ay simbolo ng damdamin at pagmamahal
7. Ginagamit upang humusga at sumuri
8. Dito nagmumula ang mabuting desisyon at pasiya
9. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon
10. Ito ay may kapangyarihang humusga at mangatwiran

13
Pang-isahang Gawain 3. Panuto:
Panuto: Punan ng tamang letra ang mga kahon upang mabuo ang diwa ng
talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang tao ay may intellect na may kakayahan upang ang mga M U N W N


datos, pangyayari o bagay upang S R I N . Ito ay dumaraan sa
P R S S O at may pinagbabatayan. Kapag narrating na ang
desisyon, ang I S P ay nag-uutos sa katawan upang isagawa ang
L Y N N . Ang ay P G A S K L O

kailangan upang. nang sa ganoon ay maging ang bunga M T A U M A Y


ng P S Y A

Pang-isahang Pagsusulit 3
Panuto: Alin ang susundin mo sa paggamit ng kilos, isip at damdamin? Narito ang
ilan sa mga sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Inakit ka ng iyong barkadang mamasyal ngunit hindi ka pinayagan ng iyong ina
hangga’t hindi mo natatapos ang iyong mga gawaing-bahay. Ano ang gagawin
mo?
a. Sisimangot at hindi gagawin ang ipinag-uutos na gawain.
b. Magagalit ngunit tatahimik habang tinatapos ang gawain.
c. Tatapusin ang gawain at ipangakong magplano na lang sa susunod.
d. Tatawagin ang mas nakababatang kapatid at ipasa sa kaniya ang gawain.
2. Isa kang basketball player. Nanalo ang kabilang koponan kahit alam mong mas
magaling kayo kaysa sa kanila. Ano ang gagawin mo?
a. Magprotesta at akusahan ang referee ng pandaraya.
b. Sisisihin ang mga kasamahan sa pagpapabaya sa laro.
c. Hamunin ang kabilang koponan na maglarong muli.
d. Tanggapin ang pagkatalo at makipagkamay sa mga nanalo.
3. Mababa pa rin ang marka mo sa eskwela kahit nag-aaral kang mabuti. Ano ang
gagawin mo?
a. Mawalan ng interes sa pag-aaral.
b. Paratangan ang guro na siya ang may pagkukulang.
c. Gumawa ng kodigo sa susunod para makakuha ng mataas na marka
d. Kausapin at hingin ang tulong ng guro kung paano mas maiintindihan ang
aralan.
4. Nakapila ka sa kantina para bimili ng meryenda nang bigla ka na lang siningitan
ng isang mag-aaral na wala naman sa tamang pila. Gutom na gutom ka na at
limitado lang ang oras mong natitira. Ano ang gagawin mo?
a. Bumalik sa klase at huwag nang magmeryenda.
b. Huwag nang kumibo at hayaan na lang siya.
c. Hilahin at sabihing sa likod siya.
d. Isumbong sa canteener.
5. Sinabihan ka ng mga magulang mo na lumiban ka muna sa klase sa araw na
ito maalagaan mo ang iyong kapatid. Ngunit kailangan mong pumasok dahil
sa nakatadang pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi mo susundin ang magulang mo
b. Iparamdam sa magulang na masama ang loob.
c. Aalagaan ang kapatid mo, ngunit hindi pagbubutihin ito.
d. Susundin ang gusto ng magulang nang maayos at makipag-usap na lang
sa guro pagpasok.
14
6. Inutusan si Laila ng kaniyang ina na bumili ng tinapay sa tindahan napansin
niya na sobra ng sampung piso ang sukling ibinigay sa kaniya ng tindera. Nang
araw ding iyon hindi siya binigyan ng baon ng kaniyang ina dahil kulang ang
kinita ng kaniyang ama sa pamamasada. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Hindi na isauli ang sobrang sukli, dahil hindi naman niyang kasalanan na
ang tindera ay nagkamali.
b. Isipin na mapalad siya dahil may dumating na blessing sa oras ng
pangangailangan niya.
c. Magpapasalamat siya sa pagkakamali ng tindera.
d. Kahit hindi namalayan ng tinder isasauli pa rin niya ang sobrang sukli.
7. Nakasakay ka sa bus at nakakita ka ng matandang nakatayo malapit sa iyong
kinauupuan, pagod na pagod ka dahil maraming gawaing ipinagawa sa
paaralan, medyo may kalayuan pa ang lugar na iyong uuwian. Ano ang
gagawin mo?
a. Magpapatuloy sa pagkakaupo upang makapagpahinga ng maayos.
b. Pakikiusapan ang iyong katabi na baka pwedeng ang matanda ay paupuin
sa kaniyang kinauupuan.
c. Magkipit balikat ka na lamang.
d. Mabilis na tatayo at papaupuin ang matanda sa lugar na iyong inuupuan.
8. Kadarating lang ng iyong ina galing sa pamilihang bayan, napansin mo ang
mga dala-dala nito ay medyo may kabigatan. Ano ang gagawin mo?
a. Tulungan ang ina at magsilbing anak na huwaran.
b. Ipagpapatuloy ang paglalaro at paglilibang.
c. Pupuntahan agad ang iyon para tulungan at kunin ang baon para sa
pagpapasok sa paaralan kinabukasan.
d. tawagin ang kapatid at sabihing ang inyong ina ay tulungan.
9. Nasangkot sa isang malaking gulo ang iyong matalik na kaibigan sa paaralan
Alam mo, na siya talaga ang may kasalanan, pareho dito nagtuturo ang iyong
mga magulang. Ipinagtawag kayo ng iyong gurong tagapayo para
imbestigahan. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa iyong guro na ang iyong kaibigan ay walang kasalanan.
b. Ipagmamalaki na kaya niyo itong malampasan, dahil malakas ka sa
paaralan dahil dito nagtuturo ang iyong mga magulang.
c. Isisi sa iba ang kasalanan.
d. Sabihin sa gurong tagapayo ang katotohanan ng walang pag-aalinlangan
kahit maaaring ikasama ng loob ng iyong kaibigan.
10. Nakita mo ang isa sa mga opisyal ng inyong Barangay na nagtapon ng basura
sa hindi tamang lalagyanan, isa pa naman siya sa nakatalaga sa pamamahala
ng kalisan. Ano ang gagawin mo?
a. Pagsasabihan siya na hindi tama ang kaniyang ginagawa. Opisyal pa
naman siya ng Barangay.
b. Ituro sa kaniya ang tamang lugar ng tapunan.
c. Pulutin ang tinapong basura at ilagay sa tamang lalagyan.
d. Ipagbigay alam ito sa kinauukulan.

15
Isaisip
Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, isulat ang mga bagong konseptong
iyong natutunan sa araling ito, paano mo ito magagamit, at bakit ito mahalaga sa iyo
bilang mag-aaral.

Ano-Ano ang Sa paanong paraan ko ito Bakit ito mahalaga?


natutunan ko? magagamit?

Isagawa

Panuto: Pagnilayan ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ito sa pamamagitan


ng iyong kilos-loob. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Nakita mo ang kamag-aral mong pinunit ang test paper pagkatapos ng


pagsusulit. Hindi ito napansin ng iyong guro. Kilala ang kamag-aral mo bilang
abusado sa klase. Ano ang gagawin mo?

_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________
2. Sumobra ng dalawampung piso ang sukli ng tinder ng tindahang binilhan mo.
Nagkataong ganitong halaga ang kailangan mo bilang pamasahe mo para
makauwi at nahihirapan kang maglakad dahil may sugat ang iyong paa. Ano ang
gagawin mo?

_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________
3. Isa ka sa honor student sa klase. Hinihikayat ka ng iyong gurong sumali sa isang
larong pampalakasan dahil alam niyang malaki ang potensyal mo. Gusto mong
sumali ngunit nangangamba kang maapktuhan ang iyong oras sa pag-aaral at may
posibilidad na bumaba ang marka mo. Ano ang gagawin mo?

_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________

16
Pamantayan sa Paggawa

Pamantayan Puntos
Nilalaman 5
Kaayusan 5
Ideya/Paliwanag 5
Kabuuan 15

Tayahin

A. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang


papel ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng wastong desisyon at
MALI kung hindi.

1. Nagpapamigay ng ticket para sa “Free Food” ang inyong barangay nang


mapansin mong doble ang natanggap mo. Naisip mong maaari mo itong
ibigay sa iyong kapitbahay na nagangailangan din, kaya itinago mo na
lamang ang sobrang ticket at umuwi sa inyong bahay.
2. Bumili ka ng gamot sa botika para sa iyong inang may karamdaman. Nang
mapansin mo ay sobra ang sukling ibinigay sa iyo, gusto mo sanang bumili
ng prutas na karadagan sa gamot na iyong binili. Ngunit ibinalik mo pa rin
ang sobrang sukli.
3. Madami kang modyul na dapat sagutan, naisip mong ipagpaliban na muna
ito dahil mahaba pa naman ang oras para magsagot. Kaya’t ipinagpaliban
mo muna ang pagsasagot at nag laro na lamang ng Mobile Legends.
4. Nagmamadali kang makarating sa pook-dalanginan. Nakita mong walang
dumaraang mga sasakyan kaya maaari kang tumawid kahit hindi ito ang
tamang tawiran. Ngunit naisip mong ito ay labag sa batas-trapiko. Kaya
nagpatuloy ka sa paglakad patungo sa tamang tawiran.
5. May iniinom ka na juice, nang maubos mo ito ay wala kang Makita na
basurahan kaya’t itinago mo nalang ito sa iyong bag at pag-uwi mo nalang
sa bahay ito itatapon sa tamang basurahan.

B. Panuto: Basahin ng may buong pag-unawa ang mga sumusunod at piliin ang
tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Bukod sa marunong, masunurin ang kamag-aral mo si Celita dahil dito madalas


ang papuri ng mga guro mo sa kaniya. Ikaw ang pumapangalawa sa kaniya.
Ano ang gagawin mo bilang kamag-aral niya.
a. Siraan siya sa kaniyang mga ginagawa, para makalamang ka.
b. Hayaan mo lang siya sa kaniyang ginagawa.
c. Sabihin mo sa iyong mga guro na mas magaling ka sa kaniya.
d. Ipagpatuloy mo ang pagsisikap sa pag-aaral at gawing huwaran ang
mgandang gawain niya.
17
2. Ano ang pamgunahing gamit ng isip ng tao.
a. mangatwiran
b. umunawa
c. magpasiya
d. makaramdam
3. Isa ka sa honor students sa klase. Hinihikayat ka ng iyong gurong sumali sa
isang larong pampalakasan dahil alam niyang malaki ang potensyal mo. Gusto
mong sumali ngunit nangangamba kang maapektuhan ang iyong oras sa pag-
aaral at may posibilidad na bumaba ang marka mo. Ano ang gagawin mo?
a. tatangihan kagustuhan ng guro.
b. Magsanay ka agad at ibuhos ang oras sa paglalaro.
c. Ituon nalang ang panahon sa pag-aaral.
d. Sumali sa kagustuhan ng guro at pagaaralang ibalanse ang oras sa pag-
aaral at paglalaro.
4. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isip?
a. Ang isip ay may kakayahang ipahayag maglapat ng pagpapasiya
b. Ang isip ay may kakayahang humusga
c. Ang isip ay may kakayahang umunawa ng kahulugan ng isang bagay.
d. Ang isip ay may kakayahang isakatuparan ang pinili
5. Sumobra ng dalawampung piso ang sukli ng tindera ng tindahang binilhan mo.
Nagkataong ganitong halaga ang kailangan mo bilang pamasahe mo para
makauwi at nahihirapan kang maglakad dahil may sugat ang iyong paa. Ano
ang gagawin mo?
a. Isasauli ang sobrang sukli sa tindera dahil alam mong hindi to sa iyo.
b. Magpapasalamat ka at natapat na nagkaroon ka ng biyaya sa oras na
kailangan mo.
c. Ipambibili mo agad ng bagay na kailangan mo.
d. Itatabi at isisilid ito sa wallet mo.
6. Narinig mong pinagtatawanan at kinukutya ng iyong mga kaibigan ang isa mo
pangkakalse. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan at ipagsasawalang kibo.
b. Kakausapin ang iyong mga kaibigan at ipaliliwanag na hindi tama ang
kanilang ginagawa.
c. Makikisali sa pangungutya.
d. Mananahimik at hahayaan nalang ito upang hindi madamay.
7. Paano tunay na mapapamahalaan ng tao ang kaniyang kilos-loob.
a. Sa pamamagitan ng pagsangunni sa mga taong nakaalam at puno ng
karanasan
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos loob
c. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
d. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at
pamimili.
8. Mahaba ang pila sa isang grocery store nang makita mong kinakawayan ka ng
iyong pinsan na malapit na sa unahan ng pila. Niyaya ka niyang sumingit
pumwesto sa kaniyang harapan. Sakto naman na ikaw ay nagmamadali. Ano
ang gagawin mo?
a. Mananatili ka sa tamang pila, at pauunahin ang mga nauna sa iyo.
b. Magpapanggap na hindi na kita ang iyong pinsan.
c. Pupunta sa harapan upang mapadali ka.
d. Hahayaan nalang at hindi papansinin ang iyong pinsan.
9. Abala ka sa pagsasagot ka ng modyul ng tumawag ang iyong ina upang
magpatulong sa pagsasampay ng mga damit. Ano ang gagawin mo?
a. Magbibingibingihan at ipagpapatuloy ang pagsasagot ng modyul.
b. Tatawagin ang nakababatang kapatid at uutusan.
18
c. Tutulungan ang iyong ina at ipagpapatuloy nalang ang pagsasagot
pagkatapos.
d. Gagawin ang gawain nang labag sa loob.
10. Nakita mo si Gellie na nagtapon ng basura sa gilid ng kalsada, ang kaniyang
ama ay ang kapitan sa inyong barangay at nagbigay ng batas na ang
mahuhuling o
a. Magbubulagbulagan at mananahimik na lang.
b. Isasangguni ito sa barangay upang mabigyan ng pangaral si Gellie.
c. Hahayaan nalang dahil may katungkulan ang kaniyang ama.
d. Pagsasabihan si Gellie na mali ang kaniyang ginagawa at maaari siyang
maparusahan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ang hinihingi sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o
isang buong papel.

Ako si

LITRATO
AT
PANGALAN

Inihahalintulad ko ang aking sarili sa..

Dahil sa taglay kong talino/kakayahan kaya’t malaya kong nagagawa ang

at
__________________________________________________________

19
20
Pagyamanin
Pang-isahang pagsusulit 1 Pang-isahang pagsusulit 2
1. C 1. C
2. D 2. C
Balikan Subukin
3. A 3. C
1. Mali A.
4. A 4. A
2. Tama 1. Mali
5. B 5. C
3. Mali
2. Tama
6. C 6. A 4. Tama
3. Mali
7. C 7. B 5. Tama
6. Mali 4. Tama
8. B 8. A
7. TaMA 5. Tama
9. A 9. A
8. Mali B.
10. D 10. B 9. Tama
1. D
Pang-isahanag Gawain 2 Pang-isahang Gawain 2 10. Tama
11. Mali 2. B
1. Disiplina 1. Natatangi
12. Mali 3. D
2. Katotohanan 2. Nakakaalam
13. Tama 4. A
3. Konsensiya 3. Gumawa
14. Tama
5. A
4. Pagtitiwala 4. Magpasiya 15. Tama
6. B
5. Kakayahan 5. Umunawa
7. D
6. Katotohanan 6. Kumilos
8. C.
7. Pandama 7. Katotohanan
9. D
8. Emosyon 8. Kabutihan
10. D
9. Desisyon 9. Sanayin
10. Kabutihan 10. Ganap
Pagyamanin Subukin
Pang-isahang pagsusulit 3 Pang-isahang pagsusulit 3 A. B.
1. C 1. Maunawaan 1. Mali 1. D 6. B
2. D 2. Suriin 2. Tama 2. B 7. D
3. D 3. Proseso 3. Mali 3. D 8. C
4. B 4. Isip 4. Tama 4. A 9. D
5. D 5. Layunin 5. Tama 5. A 10. D
6. D 6. Pagsasakilos
7. D 7. Matagumpay
8. A 8. Pasiya
9. D
10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

DepEd-Bureau of Secondary Education Curriculum Development Division, Edukasyon sa


Pagpapakatao 7, Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon (2012) pahina 149-150,
DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600

Department of Education, Curriculum and Insruction Strand, Most Essential Learning


Competencies

21
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

22

You might also like